Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa suwerte o Malas?

Ang katagang "suwerte" ay madalas na ginagamit na pantukoy sa mga bagay na pinaniniwalaang mangyayari ng walang
pakialam ang isang Makapangyarihan sa lahat. Madalas, ang "suwerte" ay mas iniuugnay sa positibo at kanais-nais na
pagkakataon o sa pagkakaroon ng isang magandang bagay sa pamamagitan ng "tsamba." Ang pangunahing tanong ay
nangyayari ba ang mga bagay dahil sa tsamba? Kung ganito, may makakapagsabi ba kung ang isang tao ay swerte o
malas? Ngunit kung hindi nangyayari ang mga bagay-bagay dahil sa tsamba, hindi rin dapat gamitin ang salitang
"suwerte. Tinatawag na malas ang isang pangyayari na hindi inaasahan at hindi naaayon sa kagustuhan ng isang tao.

Ang Babala ni Propeta Micaias kay Ahab

Sinasabi sa Mangangaral 9:11-12

Nang si Jehoshafat ay yumaman at naging tanyag, nakipagkaibigan siya kay Ahab. Ipinakasal ni Jehoshafat ang isang
kabilang sa kanyang pamilya sa isang kabilang sa pamilya ni Ahab.  Lumipas ang ilang taon at dinalaw niya si Ahab sa
Samaria. Nagpapatay si Ahab ng maraming tupa at baka para sa kanyang mga panauhin. Sa pagkakataong iyon, hinikayat
ni Ahab si Jehoshafat na salakayin nila ang Ramot-gilead. Nang tanungin ni Ahab na hari ng Israel si Jehoshafat na hari
ng Juda tungkol dito, ganito ang sagot niya, “Handa ako at ang aking mga tauhan. Sasama kami sa inyo sa
digmaan.  Ngunit bago natin gawin ito, sumangguni muna tayo kay Yahweh.”

 
Tinipon ng hari ng Israel ang apatnaraang propeta at tinanong kung dapat bang salakayin ang Ramot-gilead o hindi.
“Sumalakay kayo,” ang nagkakaisang tugon nila, “ibibigay iyon ng Diyos sa inyong mga kamay.”  Ngunit nagtanong si
Jehoshafat kung wala na bang ibang propeta si Yahweh na maaari nilang mapagtanungan.

Sumagot ang hari ng Israel, “Mayroon pang isa. Si Micaias na anak ni Imla. Kaya lang, galit ako sa taong iyon sapagkat
wala na siyang mabuting propesiya tungkol sa akin, puro na lang masama.” “Huwag kayong magsalita nang ganyan,
mahal na hari,” sabi ni Jehoshafat.

 
Ipinatawag agad ng hari ng Israel ang isa sa mga opisyal niya upang ipasundo si Micaias. Nakaupo ang dalawang hari sa
kani-kanilang trono sa gitna ng giikan sa may pintuan ng Samaria. Nakasuot sila ng mariringal na damit at nasa harapan
nila ang mga propeta na nagpapahayag.  Naroon din si Zedekias na anak ni Quenaana. May dala itong mga sungay na
bakal na ginawa niya at ang sabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: ‘Sa pamamagitan ng mga sungay na ito, maitataboy ninyo
ang mga taga-Siria hanggang sa sila'y malipol.’”  Ganito rin ang sinabi ng mga propetang naroon. Iisa ang payo nila,
“Salakayin ninyo ang Ramot-gilead at magtatagumpay kayo, sapagkat ibibigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”

Samantala, nakita si Micaias ng sugo ng hari. Sinabi niya, “Ang ibang mga propeta'y nagkaisang magpahayag nang
kasiya-siya sa hari. Makakabuting kasiya-siya rin ang ipahayag mo.” Ngunit sinabi ni Micaias, “Saksi si Yahweh, ang
Diyos na buháy,[a] kung ano ang sasabihin niya sa akin iyon din ang aking sasabihin.”Pagdating ni Micaias, tinanong siya
ng hari, “Dapat ba o hindi dapat na salakayin namin ang Ramot-gilead?” Ang tugon niya, “Humayo kayo at
magtagumpay. Tiyak na ibibigay sila ni Yahweh sa inyong mga kamay.” Ngunit sinabi ng hari, “Hanggang kailan ko ba
sasabihin sa iyo na sa pangalan ni Yahweh ay pawang katotohanan lamang ang iyong sasabihin sa akin?” At sumagot si
Micaias, “Nakita kong nagkawatak-watak ang hukbo ng Israel, Nagkalat sa kabundukan parang tupang walang pastol!
Narinig kong sinabi ni Yahweh, ‘Sila'y walang tagapanguna kaya't pauwiin na silang mapayapa.’” Sinabi ng hari ng Israel
kay Jehoshafat, “Hindi ba't sinabi ko sa iyo na ang taong iyan ay walang mabuting propesiya tungkol sa akin, at puro na
lang masama?”

 
“Makinig kayo sa sinasabi ni Yahweh,” sabi ni Micaias. “Nakita kong nakaupo si Yahweh sa kanyang trono at ang buong
hukbo ng kalangita'y nakahanay sa magkabilang tabi niya.  Nagtanong si Yahweh, ‘Sino ang mag-uudyok kay Haring
Ahab ng Israel na sumalakay upang mapatay siya sa Ramot-gilead?’  Isa't isa'y may kanyang sinasabi, hanggang may
isang espiritu na tumayo sa harapan ni Yahweh at sinabi, ‘Ako ang mag-uudyok sa kanya.’  ‘Paano mo iyan gagawin?’
tanong ni Yahweh. ‘Pupunta ako at uudyukan kong magsinungaling ang lahat ng kanyang mga propeta,’ sagot niya.
‘Gawin mo iyan at magtatagumpay ka,’ sabi ni Yahweh.

“Ipinahintulot ni Yahweh na magsinungaling sa iyo ang mga propeta mo. Subalit itinakda na niya na mapapahamak
ka!” Lumapit si Zedekias kay Micaias at sinampal niya ito. Sinabi niya, “Kailan pa ako iniwan ng Espiritu ni Yahweh
upang magsalita sa iyo?” “Malalaman mo rin iyon kapag nagtago ka na sa loob ng isang silid,” sagot ni Micaias.  Iniutos
ng hari ng Israel na dakpin si Micaias at ibigay sa kanyang anak na si Joas at kay Ammon na gobernador ng
lunsod.  “Ikulong ninyo siya at bigyan ng kaunting tinapay at tubig lamang hanggang makauwi akong ligtas,” sabi
niya. “Kapag nakauwi kang ligtas, hindi nga ako kinausap ni Yahweh,” sagot naman ni Micaias. Sinabi pa niya, “Tandaan
ninyo ang lahat ng sinabi ko.”

You might also like