Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pebrero 20, 2021

Masusing Banghay Aralin sa Filipino


(Isang dosenang sapatos)
I-Layunin
Sa pamamagitan ng pagtalakay sa maikling kwento, ang mga sumusunod ay
inaasahan sa mga mag-aaral.
1. Nasusuri ang nilalaman ng kwento kabilang na ang tauhan,tagpuan, suliranin at
kaisipang nakapaloob.
2. Nagiging matalino sa pagpili at paggawa ng sariling desisyon sa buhay.
3. Nakasusulat ng sariling saloobin hinggil sa isang sitwasyong nangangilangan ng
sariling pagpapasya.

II – PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: “Isang dosenang sapatos” na isinulat ni Dr. Luis Gatmaitan
b. Sanggunian: Tuklas aklat sa wika at panitikan mp. 3-4
c. Kagamitan: mga larawan, projector, powerpoint presentation, laptop.

III – ISTRATEHIYA
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Paunang gawain
-Panalangin Panginoon, Maraming salamat po sa
Magsitayo ang lahat sa isang panalangin araw na ito nawa’y gabayan nyo po kami
(magtatawag ng isang estudyante ang sa araw na ito at bigyan kami ng lakas na
guro para mamuno sa isang panalangin) magawa ang aming mga gawain ngayon
at lalo na po sa aming mga guro na syang
magtuturo sa amin salamat po. Amen!

B. Pagsasanay

C. Pagbasa ng kwento

Magtatawag ng isang estudyante ang Sa tuwing may okasyon, ginagawan ng


guro para basahin ang buod ng kwento. bagong sapatos si Korena. Natuwa ang
mga magulang niya nang magkaroon siya
ng kapatid. Nang malamang babae ang
kasunod niya, sinabi ng tatay niya na
magiging ballet dancer ito. Ngunit di ito
nagkatotoo; isinilang ang sanggol na putol
ang dalawang paa bunga ng pagkakasakit
ng ina nang ipinagbubuntis pa lang siya.
Susie ang pangalan ng bunsong kapatid ni
Karina. Sa tuwing igagawa si Karina ng
sapatos ng kanyang tatay, napapatingin ito
sa bunso at napapabuntung-hininga. Isang
araw, ikinuwento ni Susie na
napanaginipan niyang may suot siyang
sapatos. Inilarawan pa niya ito. Sa tuwing
nalalapit ang kaarawan si Susie,
nananaginip siya ng sapatos. Nang 12
taong gulang na si Susie, namatay ang
kanilang ama. Isang araw, pinasok ni
Karina ang bodega upang maghanap ng
mga sapatos na ibibigay sa bahay-
ampunan. Napansin niya ang ilang kahon
na maingat na nakasalansan. Nang buksan
niya ang mga ito, nakita niya ang isang
dosenang pares ng sapatos na may iba’t
ibang laki at para sa iba’t ibang okasyon.
Laking gulat niya na may liham-pagbati
pang nakasulat mula sa tatay niya – para
sa pinakamamahal na anak nitong si Susie
D. Pag talakay sa nilalaman ng kwento

(tatawag ng estudyante na
magsasalaysay kung ano ang mga
pangyayari at mga pinahihiwatig ng
kwento.)

E. Pagtatalakay sa maikling kwento


Ano nga ba ang maikling kwento? -Ang maikling kwento o katha ay isang
uri ng panitikan na bunga ng isang
maikling guni-guni ng may-akda. Ito ay
maaring likhang isip lamang o batay sa
sariling karanasan na nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isipan ng bumabasa o
nakikinig. Ito ay maikli lamang at
matatapos basahin sa isang upuan
lamang. Iilan lamang ang mga tauhan.
Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat
na inihanay batay sa pagkasunod-sunod
nito.
               Ang isang maikling kwento ay
mga kwento na mamaari mong tapusin
sa isang upuan lamang ng pagbabasa o
kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot
ng araw para matapos.
F. Pagpapahalaga

Bakit mahalagang pag-aralan ang mga uri Upang mahasa ang intelektwal na pag-
ng panitikan gaya ng kwento? iisip sa pamamagitan ng pagbabasa at
pagsusulat nang masining at may
retorika
IV – Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng bawat salitang nakasalungguhit at pagkatapos ay gamitin
ito sa isang makabuluhang pangungusap.

1.Maraming magagaling na sapatero sa Marikina.


A. Gumagawa ng sapatos C. Naglilinis ng sapatos
B. Nagbebenta ng sapatos D. Nangongolekta ng sapatos

2. Tuwang tuwa ang aking pamangkin sa pagpunta sa karnabal.


A. Kainan C. Parke
B. Simbahan D.Perya

3.Sa wakas kapiling na ni andi ang kanyang anak.


A. Kahawig C. Kasundo
B. Kasama D. Kayakap

4.Pinaniniwalaan na ang ilog na ay binabantayan ng magandang Musa.


A. Duwende C. Sirena
B. Kaluluwa D. Diwata

5.Tuwing lingo ay nanunuod kami ng sirkus sa telebisyon kung saan ito ay punong puno ng madyik.
A.Imahinasyon C.Salamangka
B.Kababalaghan D.Salamangkero

V – TAKDANG-ARALIN
Anong natutunan mo sa binasa mong maikling kwento at mga aral na napulot
mo? Ipaliwanag.

You might also like