Professional Documents
Culture Documents
Ap9 - Las 1 - Q2 - WK 6 Istruktura NG Pamilihan
Ap9 - Las 1 - Q2 - WK 6 Istruktura NG Pamilihan
2020 - 2021
EMETERIO-FEDERICA GEREZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. San Agustin, Babatngon, Leyte Q2
WK6
303421
JHS LEARNING ACTIVITY SHEET
LAS No.: 1
66565
Pangalan: DANNY B. ELAGO_____________________________________________ Grado/Puntos: ____________
Taon at Pangkat: GRADE-9-HUMANITY____________________________________ Petsa: __________________
Asignatura: Araling Panlipunan 9
HULA-LARAWAN!
Pagmasdan at suriing mabuti ang larawan. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba batay sa iyong nakita sa
larawan. Ilagay ang mga sagot sa ibaba.
ANG PAMILIHAN
Kahulugan Ang pamilihan ay isang lugar na kung saan nagtatagpo ang mga taong lumilikha o
nagbebenta ng mga produkto at ang mga bumili nito. Ito rin ay isang kaayusan kung saan
nagkakaroon ng interaksyon ang mga mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba’t ibang
bagay. Lahat ng mga produktong nakukuha at nabibili ng mga tao dito ay may katumbas na
presyo.
Presyo
Ang presyo ang nagtatakda sa halaga ng isang produkto o serbisyo na nakakatulong sa
pag-iwas sa pang-aabuso ng mga mangangalakal. Ang Department of Trade and
Industry (DTI) ay isa mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan na puspusang
nagbabantay sa pagtatakda nito sa mga produkto sa pamilihan.
May dalawang aktor ang pamilihan: ang prodyuser o tagapaglikha at ang konsyumer o
bumibili ng mga produkto. Ang ganap at legal na transaksyon nila ay makatulong sa
kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa. Isa ito sa mapagkukunan ng buwis ng ating
pamahalaan.
Konsyumer at Ang pagbabayad ng buwis ay nakukuha sa pamamagitan ng taripa mula sa mga
Prodyuser produkto at sa mismong kabayaran sa pwesto sa pamilihan. Sisikapin ng mga
prodyuser ang kanilang pakikipagkalakalan ay alinsunod sa mga batas na ipinapatupad
ng pamahalaan.
Ang mga konsyumer ay kailangang may sapat na kaalaman sa tamang presyuhan ng
mga produkto upang hindi maging daan ito sa katiwalian o pang-aabuso.
Malaki ang maitutulong ng pangulo ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad
ng mga batas upang mapanatiling maayos at mabigyan ng proteksiyon ang mga
mamamayan sa mga mapang-aabusong mamumuhunan.
Makikita ang mga pamilihan sa iba’t ibang lugar ng bansa at maging sa buong mundo.
Ang sari-sari store ay isang uri ng pamilihang lokal at ang online shop naman ay isang
uri ng pamilihang pangdaigdig. Pareho silang may saklaw na kapangyarihang palaguin
Mga Halimbawa ang kanilang bentahan.
Ang pagsunod sa batas sa pamamagitan ng legal ang permiso sa pagnenegosyo at
pagbabayad ng buwis ay mga paraang matutugunan ang pangangailangan ng tao at
maging maayos ang gawaing pang-ekonomiya sa bansa.