Pagkakakilanlang Kultural ng Kinabibilangang Rehiyon PANIMULA
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Sa araling ito matutuhan mo ang mga pagkakakilanlang kultural ng
kinabibilangang rehiyon. Alam kong kayang kaya mo ang mga gawain na nakapaloob sa modyul na ito. Bago tayo magsimula ay alamin mo muna ang layunin ng ating aralin.