Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 102 - Lesson 1: Pakikinig
FILIPINO 102 - Lesson 1: Pakikinig
VISION
A center of human ARALIN 1
development committed to the
pursuit of wisdom, truth, justice, I. KURSO: Filipino 102- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
pride, dignity, and local/global
competitiveness via a quality but II. PAKSANG ARALIN: Aralin 1- Mga Makrong Kasanayan- Kasanayang
free education for all qualified
clients. Pakikinig
Paglutas ng Suliranin
Sa paglutas ng suliranin, ang paikinig aylubhang napakahalaga.Ang mga hakbang sa pagluas ng
suliranin ay ang mga sumusunod:
Unang hakbang: Alamin at bigyang katuturan ang suliranin.
Ikalawang Hakbang: Suriin ang suliranin.
Ikatlong Hakbang: Posibleng kalutasan ng suliranin.
Ikaapat na Hakbang: Bigyan ng Konklusyon ang suliranin.
Pagbabahagi ng Karanasan
Ang bawat tao ay nagpatuloy sa kanyang pananalita king nakikita niya ang kanyang kinakausap
ay taimtim na nakikinig.Sa pamamagitan nito ang nagbabahagi ng karanasan ay makadarama ng
pagtanggap lalung-lalo na kung ang karanasan ay malungkot .Naiibsan ang bigat ng dibdib ng
nagbabahagi o nagsasalita, samantalang ang nakikinig ay maaring matuo sa karanasan ng iba sa
pamamagitan ng pakikinig.
Paghihikayat
Sa pamamagitan ng pakikinig, ang isang tao ay nakapagdesisyon ayon sa hikayat ng pannaalita
o dating na sinasabi.
Halimbawa,ang isang Ginang ay maaring mahikayat na gumamit ng isang sabong panlaba sa
pammagitan ng pakikinig sa isang promo.
Gabay sa Mabisang Pakikinig
Ang mga sumusunod ay pamamaraan sa mabisang pakikinig ayon kay J. de Vito:
1. Makikinig ng buong taimtim - tanda na ang pakikinig ay isang aktibo at malikhaing gawain, kung
kaya’t kinkailangang makiig ng tahimik upang mabigyang kahulugan ang tunog at ang buong
sinasabi ng nag sasalita.
2. Iugnay ang mga makatotohanang bagong pangyayari sa dating alam na makatotohanang
pangyayari.
3. Kailangan ang konsentrasyon sa pakiking. Iwasan ang mga nakakagambala sa kapaligiran.
4. Alamin kung ano ang painakapuno ng mensahe.Matutong kmuha ng detalye.
5. Makinig para sa kabuuang kahulugan. Ang kabuuang kahulugan ay hindi lamang sa salita
ginagamit kundi pati ang galaw at pag-uugali ng tagapag-salita.
6. Alamin kung ano ang ibigsabihin ng nagsasalita.
7. Magkaroon ng iba’t ibang karanasan sa pakikinig.
8. Matutong makiisa sa nagsasalita.Ilagay ang sarili sa nagsasalita, tngnan ang kanyang, nakikita,
at damhin ang kanyang nararamdaman.Halimbwa, kung halos lahat ng mag-aaral sa isang sili-
aralan ay bumagsak, maaring ito ay indikasyon ng hindi epektibong pagtuturo kung kaya’t ang
guro ay kinakailangang ilagay ang kanyang sarili sa bahagi ng mga mag-aaral upang makita ang
dahilan ng kanilang pagkabagsak.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education
9. Makinig nang may bukas na kaisipan .nakinig sa mga usapin maaring taliwas sa ating paniniwala
at sa mga kritisismo ng iniisip nating tumpak o perpekto.
10. Taimtim na making ngunit maging kriikal.Napakadali ang making at sumulat ng sinasabi ng isang
nag sasalita subalit kinakailanangang kritikal na sinusuri ang bawat naririnig.
Mga Elementong May Kinalaman Sa Mabuting Pakikinig
1. Ang Kapaligiran ng Silid
Ang silid na tahmik,maayos at malayo sa mga nagsisisdaan na ang mga tao ay
nakatuulong sa mabisang pakikinig. Mahalagang panatilihin ang katahimikan sa loob at
labas ng silid. Kinakailangan sing may sapat na bentilasyon
2. Kakayahang Pangkalusugan
Mahalaga na ang isang nakikinig ay walang dinaramdam at Malaya sa anumang
nakagagambala sa kanyang pag-iisip upang mapag-aralan at masuri ang narinig. Ang
mahinang pandinig, antok gutom o pagod ay mga sagabal sa mabuting pakikinig.
3. Ang Konsentrasyon sa Pakikinig
Kinakailangang may sapat na konsestrasyon ang isang nakikinig. Malaya sa
anumang bagay na sasagi sa kanyang isipan na walang kinalaman sa kanyang
pinakikinggan.Upang maging mabuti ang pakikinig kailangan magkakaroon ng
konsentrasyon, buo ang kalooban at may malinaw na layunin.
V. AKTIBITI
Pagsasanay 1
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa typewriting na long.
1. Mahalaga ba ang pakikinig sa pakikipagtalastasan?Ipaliwanag.
2. Bakit nakikinig ang tao? Ipaliwanag.
3. Isa-isahin ang mga gabay upang mgaing mabisa ang pakikinig at ipaliwanag ang bawat isa.
4. Ano-ano ang mga elementong may kinalaman sa mabuting pakikinig?
VI. AWTPUT
Pagsasanay 2
PANUTO: Bumuo ng graphic organizer ukol sa natutunan sa aralin. Gawin ito sa iyong typewriting na
long.
Pamantayan sa pagmamarka:
Nilalaman 50 puntos
Kaisahan at pagkamalikhain 30 puntos
Wastong gamit sa graphic organizer 20 puntos
KABUUAN 100 puntos
VII. PAGTATAYA
Pagsasanay 3
PANUTO: Unawaing mabuti ang tula at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa
typewriting na long. Kopyahin ang tanong bago isulat ang sagot.
A. Pagtanda sa Narinig
1. Sa ano-anong mga bagay inihambing ng may-akda ang pag-ibig?
2. May kakayahan ba ang isang tao na lubos na maunawaan ang pag-ibig? Ipaliwanag.
3. Kailan sinasabing ang pag-ibig ay duwag?
4. Ano ang katangian ng isang pag-ibig na dakila?
B. Pagtugon
1. Ilarawan ang tunay nap ag-ibig ayon sa may-akda.
2. Para sa iyo, sadya bang mahalaga ang pag-ibig sa isang nilalang? Bakit?
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education
Javier, Clarita G., Tanawan, Dolores S. & Decena, Josefina S. 2001. Sandigan ng Komunikasyon para sa Kolehiyo. 14 Sinag Street, Highway Hills,
Mandaluyong City, Philippines: Academic Publishing Corporation.
Inihanda:
Iwinasto:
Binigyang-pansin:
Pinagtibay: