Professional Documents
Culture Documents
Orca Share Media1519480705459
Orca Share Media1519480705459
Ang nasabing patimpalak ay pinangunahan nina Senador Cynthia Villar at Kinatawan ng Las
Pinas na si Cong. Mark Villar.
Noong ika-17 ng Pebrero 2016, nakilala ang mga bagong Supreme Student Government o SG
Officers. May dalawang partidong tumakbo at sila ay ang Federation of Acquiscent Builders that
Envisions to Build and Empower (FABEBE) Partylist at ang Young Empowered Students Taking
Actions Responsibly (YESTAR) Partylist. Bago ang nasabing eleksyon, binigyan ng ilang linggo
ang bawat partido upang mangampanya sa kapwa nilamga mag-aaral. Naghanda sila ng kanya-
kanyang jingle upang mas maging kahali-halina sila iboto. Ibinida rin nila ang kanilang mga
plataporma. Matapos bilangin ng mga SSG officers at comelec mula sa ika siyam na baitang ang
mga boto sa klinika, nakilala na ang mga bagong pamunuan ng paaralan sa taong panuruang
2016-2017. Narito ang mga naihalal:
Editoryal
Boto Mo Tungo Sa Pagbabago
Alam naman nating lahat ang bigat ng responsibilidad na nakataang sa balikat ng isang pangulo.
Sa pagpili ng bagong pinuno ng ating bansa, ano nga ba ang dapat isaalang-alang? Ang pagpili
ng bagong pinuno ay hindi kaparis ng pagpili ng ano nga bang tamang sagot sa tanong na hindi
alam ang isasagot kaya pipiliin na lamang ang pagpipilian na maituro ng daliri. Amg pagpili ay
hindi basta-basta at nararapat lamang na pag-isipan ng mabuti. Sa bawat kandidatong naglakas-
loobna maglaban-laban para sa pinakamataas na pwesto, sino nga ba ang nararapat? Ano nga
ba ang dapat taglayin ng bawat isa? Dapat ba ay may pangalan o kilala? Kayamanan?
Karanasan? Impluwensya? Kapit? Magaling magsalita? May dating? O walang bahing
katiwalian? Alin nga ba? Nakakalito man ngunit iyan ang madalas na hinahanap ng bawat
Pilipino sa kandidatong pangulo. Hindi natin lubos na iniisip kung ano nga ba ang nararapat
taglayin ng pangulo sa lubhang nakakatulong sa suliranin ng ating bansa. Basta kung sino man
ang makakuha ng loob natin sa pamamagitan ng kanilang pananalita ay siyanh pipiliin. Hindi na
natin kinikilatis kung alin ang dapat sa hindi.
Ang katangian na nararapat na taglayin ng isang lider ng bansa ay: Una, kakayahan. Kakayahang
pamunuan ang isang bansang binubuo ng hiwa-hiwalay na pulo na may iba't ibang pananaw
ukol sa mga bagay-bagay. Kakayahang makaisip at makapagbigay ng mga solusyon sa mga
nangungunang suliranin ng bansa. Kakayahang makapagbigay ng pantay-pantay na pagtingin at
pakikitungo sa bawat isa. At kakayahang maging isa sa kanyang mamayan. Ikalawa, hindi puro
salita. Mapapatunayan ang kakayahan ng isang pangulo sa pamamagitan ng kanyang mga
gawa. Hindi kailangan ng isang Pilipino ang maraming salita na aantig sa kanilang mga puso, ang
kailangan nating mga Pilipino ay aksyon na makakapagpabago sa kalagayan ng ating bansa.
Hindi masusukat ng bawat salita o pangako ang pagiging mahusay ng isang pinuno. Gaeain ang
solusyon sa mga suliranin, hindi salita. Ikatlo, ugnayan. Ang pinuno kahit anuman ang gawain
niya ay nararapat na may kaugnayan sa kanyang nasasakupan. Nararapat na may ugnayan sa
pagitan ng pinuno at nasasakuapn. Ugnayan, kung saan sila'y magkakaunawan o
magkakaintindihan. Ang isang pinuno ay hindi padalos-dalos sa kanyang desisyon, nararapat
muna niyang alamin kung ito'y makakadulot ng mabuti sa kanyang nasasakupan o kung walang
masasagasaan na paniniwala o pananaw. Ugnayan ang isa sa pinakamahalagang sangkap tungo
sa maunlad na bansa. Ikaapat, ginawa ang tungkulin alang-alng sa tungkulin. Ang isang pinuno
ay naghahangad mamuno upang mapaglingkuran ang mamamayan hindi para sa kasikatan.
Gagawin ng isang pinuno ang tungkulin dahil sa siya ang naihalal na pinuno at iyon ang
magsisilbing kabayaran sa pagtitiwalang natanggap. Gagawin ng isang pinuno ang tungkulin
dahil sa siya ang naihalal na pinuno at iyon ang magsisilbing kabayaran sa pagtitiwalang
natanggap. Gagawin ng isang pinuno ang kanyang tungkulin dahil iyon ang sinumpaan niyang
reaponsibilidad sa harap ng kanyang nasasakupan. Ikalima, may pagpapahalaga at bukal sa
kalooban. May pagpapahalaga sa bawat desisyong binibitawan at paninindigan sa kung anuamn
ang amging resulta nito. Pagpapahalaga sa tungkuling kanyang tinatanggap at pagpapahalaga
sa kanyang mamamayan. Pinahahalagahan ng isang pinuno ang kapakanan ng kanyang bansa
higit kanino man at hindi ipagdadamot ang kanyang mga kaalaman. Bukas sa tao at hindi
magtatago ng kahit anuman. Bukal sa kanyang loob nag maging tagapanguna nating mga
Pilipino at bukal sa kanya na harapin ang responsibilidaf na kanyang madaraanan. At panghuli,
pananampalataya. Pananampalataya sa sarili,sa bawat Pilipino at sa Diyos.
Marahil na wala naman talagang tamang katangian para sa isang pinuno, nguni ito ay nabubuo
base sa kailangan ng ating bansa. Ang katangian ang magsisilbing batayan upang makapamili ng
nararapat na pinuno.
Tayong mga Pilipino ang natatanging pag-asa ng ating bansa. Nasa ating mga sarili ang solusyon
sa bawat suliranin, kailangan lamang itong hanapin at linangin. Tayo ay nararapat na
magkaroon ng iisang hangarin at tunguhin. Sa darating na eleksyon, lubos na isiping kung sino
nga ab ang nararapat na tawaging pangulo. Makapangyarihan ang bawat salita huwag
palilinlang sa nakikitan ng mga mata, isiping mabuti ang bawat desisyong pakakawalan, upang
sa huli'y hindi pagsisihan.
Agham at Teknolohiya
TUBIG : buhay ng Daigdig
Kaya lagi na nating tandaan na ang tubig ay isang biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Diyos na
nararapat nating pangalagaan, pagyamanin, at tipirin. Nang mastumagal pa nag nasabing taon
na magkakaubusan ng tubig at upang magamit o maipamana pa natin sa susunod pang mga
henerasyon.
Lagi din nating tandaan na "Kung walang tubig, walang bubay ang daigdig".
ZIKA VIRUS
2016 na! Ngunit sa pagpasok ng bagong taon ay may bagong hamon na naman sa kalusugan na
kahaharapin at dapat paghandaan sa mundo, ayon sa pagsasaliksik ng mga eksperto sa bansang
Brazil kung saan nagsimula ang tinatawag na Zika Virus, ang naturang sakit ay nagmula sa kagat
ng lamok sa isang buntis o nagdadalang tao, natuklasang habang dinadala ng ina ang kanyang
pinagbubuntis ay walang pang makikitang sintomas ng naturang sakit. Ang epekto o resulta ng
kagat ng lamok na ito ay makikita sa sanggol na inilabas ng ina, natutukoy na may Zika Virus ang
bata kung ang utak at ulo nito ay maliit.
Sa pagkatuklas ng virus na ito ay nagpabahala sa iba't ibang panig ng mundo lalo na ang
Pilipinas, puspusang paghahanda ang ginagawa ng mga Pilipinong eksperto upang maiwasab at
matukoy ang gamot para sa naturang sakit.
Nang umabot ang virus sa bansang Canada at Estados Unidos ay lalong nabahala ang
Departamento ng Kalusugan. Ayon sa kanila, hindi maiiwasang makarating sa ating abnsa ang
virus na ito kaya inabisuhan nial ang mga inang nagadadalangtao na mag-ingat at maging
mapanuri sa kanilang kapaligiran. Sa anunsyong ito ng Departamenti ng Kalusugan, maraming
tao ang nababahala kaysa gumagawa na sila ng hakbang upang maiwasan.
Ni Jamie Alvarez
Bakasyon na naman, ito ang panahon kung saan tayong mga Pilipino ay mahilig kumain ng kung
anu-ano at maggala kung saan-saan pero bago muna ang lahat dapat isaalang-alang muna natin
ang ating kalusugan kungsaan ito magiging ligtas.
Ngayong panahon ng tag-init wag tayong maging kampante sapagkat sa panahong ito
maraming sakit ang pwede nating makuha. Ito ay dulot ng matinding init ng panahon. May anim
na posibleng sakit tayong makuha ngayong tag-init isa na rito ang bungang araw kung saan
nagkakaroon ng mga butlig-butlig sa balat na makati at mahapdi, pangalawa'y sunburn o
pagkasunog ng balat, pangatlo ay heatstoke o sobrang pagtaas ng temperaturasa katawan na
maaring magdulot ng kamatayan, pang-apat ay dehydration o higit na bumilis ang pagkawala
ng tubig sa katawan sa panahon ng tag-init, panglima'y pagkalason sa panahon ng tag-init mas
mabilis dumami ang bacteria sa mga pagkaing napabayaan, at ang huli ay fungi sa balat tulad ng
an-an, buni at hadhad.
Para makaiwas sa mga nasa ing sakit dulot ng sobrang init ay maari nating gawin ang
sumusunod, una ay damihanang pag-inomng malamig na tubig, pangalawa'y umiwas sa mga
inuming may alkohol o may caffeine tulad ng kape at soft drinks na maaring magdulot ng
dehydration,pangatlo'y magbasa ng bimpo at ilapat sa mukha o ibang bahagi ng katawan,
pang-apat dalasan ang paliligo at ang huli ay kung walang aircon, maglagay ng yelo sa
palanggana at itapat ito sa electric fan paramaging malamig ang hangin. Paglalabas, o
magsiswimming, makakabuting maglagay ng sunblock upang maprotektahanang balat mula sa
sikat ng araw.
Maari din namang Ang mga nasabing tips ay makakatulong sa atin upang makaiwas sa mga sakit
dulot ng mainit na panahon.
Panlibangan
Trivia
-adik sa toothpaste?
-ako rin.
7. Tulog ka na?
8. Lowbat na ako.
-debaterya ka na rin?
9. Pagbilan ng payless, yung Lucky me.
PABABA
1.Hustisya
2.Pagkaing kalye
3.Asawa
4.Bilang si
5.Taho
10.Istraktura ng Pamilihan
12.Iat--; tira-tira
13.Durog na durog
17.Pilosopiya sa Pamamahala
18.Sapot ng Gagamba
23.-ngas; liyab
26.Armas
28.Nip--; Payat
31.B--na bato
PAHALANG
1.Hawakang maigi
3.Pagdurog ng yelo; pag-inulit
6.Isang panghalip
9.Isang panghalip
12.Dusta
14.Aluminum; Simbolo
15.Inglesng hilaw
16.Nakal----; nakalagay
17.Taguri sa ama
19.Asa
20.Ma-----;luagr sa Pangasinan
22.Panghalip na Pananong
24.Uri ng awitin
25.Araling Panlipunan
27.Puwit ng Manok
28.Sil--; tingin
30.Gusto
33.Masarap; doble
34.Tulad ng 6 Pahalang