Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 47

MARION C.

LAGUERTA
Guro sa Filipino

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 1


Paunang Salita

Pangunahing layunin ng MODYUL na ito makapagbahagi ng mga kaalamang


may kaugnayan sa pagsulat ng sulating akademik. Ang maunawaan ng mga mag-aaral
ang kahulugan, kalikasan at katangian ng pagsulat. Malinang ang mga kaalaman at
kasanayan sa pagkatuto ng sulating akademik. Magamit ang mga kaalaman sa
pagkatuto ng sulating aakademik upang magamit sa aktwal at reyalidad na
pamamaraan ng pakikipamuhay .
Ang modyul na ito’y magiging patnubay sa pagtataamo ng kaalamaan at
ipinauubaya sa mga gurong magtututro ang galing nila sa pamamahagi ng mga
akaalamaang nakapaloob sa aklat na ito.
Inaasahan ng mga may-akda na magiging makahulugan, makabuluhan at
katanggap-tanggap para sa mga mag-aaral ang mga gawaing pansilid aralan para sa
ganap na pagkatuto.
Ang tanging hangarin ng mga may-akda ay ang kabutihan ng mga mag-aaral
upang magamit sa maunlad na kinabukasan.

Pasasalamat at Pagkilala

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 2


Taus-pusong pasasalamat at pagkilala ang aming ipinaaabot sa mga

sumusunod:

Punong guro…

Mga guro…

Mga mag-aaral…

Mga awtor ng ibang aklat sa Filipino na ginamit bilang lunsaran…

At higit sa lahat ay sa Dakilang Lumikha.

Yunit I

Sulating Akademik

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 3


Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Sulating Akademik

Laang Oras : 4 na Oras

Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon


sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo

3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng


iba’t ibang anyo ng sulating akademiko

Panghikayat na Gawain

1. Ano ang kahulugan ng pagsulat at kahalagahan nito?


2. Sa paanong paraan ang pagsulat malilinang sa buhay ng mga mag-aaral?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman

Ang Akademikong Pagsulat

Halos lahat ng paraan ng pagsusulat ay masasabing akademik mula sa antas


primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral. Ang akademik na pagsulat ay maaaring
maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong
papel, tisis o disertastyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil
layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan.
Ang kasanayan sa pagsulat ay hindi gaanong nabigyan ng pansin sa kurikulum
noong mga nakaraang taon. Kung naging bahagi man ng mga makrong kasanayang
pangwika, ang mga gawaing pasulat ay natuon sa mga mekanikal na aspekto tulad ng
ispelling, gramatika at pangkalahatang anyo ng sulatin. Hindi sumusulat ang mga mag-
aaral upang ipahayag ang kanilang kaisipang napapakinggan, nasasabi at nababasa.
Ang pagsulat ay ginagamit na suportang kasanayan sa paglinang ng kasanayang
panggramatika na siyang pokus ng pagtuturo ng wika noong panahon ng
audiolingualism
Nagbago ang pananaw sa pagtuturo ng pagsulat noong Dekada ’70 nang
pasukin ng sosyo-linggwist ang pagtuturo ng wika. Sinimulang linangin ang
kakayahang komunikatibo o ang kakayahang magamit ang target na wika nang angkop
sa iba’t-ibang sitwasyon. Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang
pangwika ay hindi pinaghihiwalay kundi nililinang sa integratibong paraan.
Ang pokus ng pagsulat ay sa pagpapahatid ng mensahe sa target na
mambabasa at tuwirang ekspresyon at likha ng sumulat. Sa pananaw na ito, ang
intension, ang atensyon ng guro ay wala sa produkto kundi sa proseso ng pagsulat.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 4


Ang pananaw na komunikatibo ang nagbigay-daan sa bagong pananaw sa
pagsulat ng komposisyon, ang content-based approach. Sa pananaw na ito, ang
nilalaman ng sulatin ay idinidikta ng mga akademik na aralin at pangngailangan ng
,mag-aaral sa ibang asignatura.
Paano malilinang ang akademikong pagsulat?

Lumalabas sa pag-aaral na isinagawa ng EDCOM na bahagya lang makapag-


isip nang malalim ang mga mag-aaral sapagkat hindi gaanong nalilinang sa mga
paaralan ang mataas na antas ng pag-iisip. May implikasyon ito sa pagtuturo ng
akademikong pagsulat. Sapagkat ang uring ito ng sulatin ay nangangailangan ng ang
higit na mataas na antas ng mga kasanayan. Samakatuwid, dapat unahin ang
paglinang ng kritikal na pag-iisip. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na hihikayat na gumamit ng mga ideya sa halip na pagmememorya
lamang- mga tanong na magpapaunlad sa intelekwal na kapaligiran sa loob ng klasrum
at tutulong sa pagtatamo ng kasanayan sa paglutas ng suliranin, paggawa ng sintesis,
pag-eebalweyt at iba pa.
Samantala, ang kasanayan sa pagsulat ng mga akademikong papel ay
malilinang sa pamamagitan ng mga sumusunod na mungkahing paraan.

1. Pagbabasa ng mga tekstong akademiko.


2. Pagsulat ng mga payak na ulat.
3. Pagsasagawa ng pananaliksik sa aklatan.
4. Pagsasanay sa paglutas ng mga suliranin sa matematika, agham, at iba
pang asignatura,
5. Pagsasanay sa paggamit ng ibat-ibang hulwaran sa pagsulat ng
komposisyon.
6. Ang mga sumusunod naman ang mga kasanayang kailangan tungo sa
mabisang pagsulat ng akademikong papel:
a. Paglalarawan ng proseso
b. Paghihinuha at paghula
c. Pagsusuri ng validity ng ideya
d. Pagsusuri ng suliranin
e. Pagkaklasipika ng mga datos
f. Paglalapat ng impormasyon sa bagong konteksto
g. Pagbibigay-kahulugan sa datos mula sa mga grap at tsart
h. Pag-uulat at pagpapaliwanag ng datos
i. Paglalahad at pagtatanggol ng opinion

j. Pagbibigay ng depinisyon
k. Pagbuo ng buod, haypotesis at kongklusyon
l. Pagsasalin

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 5


Paglalapat

Mungkahing Gawain:
Magdala sa klase ng mga halimbawa ng mga akademikong papel hinggil sa
iba’t-ibang disiplina.
Talakayin ang mga bahagi at katangian ng mga akademikong papel na mapipili.

Pagtataya:
1. Magbigay ng limang mungkahing paraan na makalilinang sa pagsulat ng
sulating akademik.
2. Kumuha ng isang sipi ng akademikong sulatin at tukuyin ang layunin, gamit,
katangian at anyo nito.

Yunit II
Pagsulat ng mga Akademikong Sulatin

Modyul I : Sintesis at Pagsulat ng Abstrak


Laang Oras: 6 na oras
Mga Kasanayang Pampagatuto:

1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin

2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin

3. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pinakinggang


halimbawa

4. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng pulong at


sintesis

5. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan


ng mga binasang halimbawa

6. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa


piniling sulatin

7. Natitiyak ang mga elemento ngpaglalahad ng pinanood na episodyo ng isang


programang pampaglalakbay

8. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin

9. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika

10. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan

11. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 6


12. Nakabubuo ng portfolio ng mga produktong sulatin

Panghikayat na Gawain:

1. Magpakita ang guro ng halimbawa ng sintesis at halimbawa ng abstrak ng


ginawang pananaliksik.
2. Pagtalakay sa ipinakitang halimbawa ng sintesis at abstrak.
a. tungkol saan ang sintesis?
b. tungkol saan ang abstrak?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman:

Kahulugan ng Sintesis

Mahusay na pagkakahanay o pagsasaayos ng mga magkakahiwalay na mga


bahagi tungo sa pangkalahatan.

Halimbawa:

Sa pag-aaral ng pagtuturo ng Filipino, ang kahulugan, kahalagahan at gamit ng


wika, tamang paraan ng pagtuturo at suliranin sa pagtataguyod ng wika sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa.

Ang pag-aaral na isinagawaa ni Aguilar, et. Al. (2002) ay may kaugnayan sa


kasalukuyang pag-aaral sapagkat kapwa may kinalaman ang pag-aaral sa mga
suliranin ng guro sa pagtuturo ng Filipino sa ibaa’t ibang paaralang pansekundarya sa
Lunsod ng Batangas. May pagkakaiba ang kasalukuyaang pag-aaral sa naunang pag-
aaral ay tumalakay sa suliraning nararanasan ng guro sa pagtuturo ng Filipino sa
mataas na paaralan samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay tumaalakay sa mga
suliranin ng guro sa paaralang tersyarya.

Malaki ang kaugnayan ng pag-aaral na isinagawa ni Abanador, et. al. (2003) sa


kasalukuyang pag-aaral sapagkat napapaloob ditto ang kabisaan ng iba’t ibang
kagamitang panturo na ginagamit ng guro sa pagtuturo ng panimulang pagsulat at ang
kahalagahan nito sa mga mag-aaral. Dagdag pa niya, ang suliranin na nararanasan ng
guro sa pagtuturo ng pagsulat at ang mga hakbang na iminungkahi ng mga
mananaliksik upang mapadali ang pagtuturo ng pagsulat sa mga mag-aaral.

Ang ipinagkaiba ng pag-aaral na nabanggit sa kasalukuyang pag-aaral ay


nakatuon ang pansin sa mga mag-aaral sa elementarya samantalang ang
kasalukuyang pag-aaral ay ang mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng Filipino.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 7


Inilahad sa pag-aaral ni Alvarado, et. al. (2001) na ginawa ang pagsisiyasat ng
iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng HEKASI sa publiko at pibadong paaralaang
elementarya sa Lunsod ng Batangas ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral
sapagkat ito ay tumalakay sa pagtuturo, mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili
ng gagamiting estratehiya sa pagtuturo at mga problemeng kaalinsabay sa paggamit
ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo nito. Ilan dito na may kinalaman ay ang layunin
sa pagtuturo, kaangkupan ng pamamaraang gagamitin ukol sa paksa at kakayahan ng
guro. Ang naunang pag-aaral ay may pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat
ito ay may kinalaman sa pagtuturo ng HEKASI sa publiko at pribadong paaralan sa
elementary samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay may kinalaman sa pagtuturo
ng Filipino sa kolehiyo.
Sa pananaliksik na isinagawa ni Agbay, et. al (2002) ay tumalakay sa pagtuturo
ng panitikan sa mga piling paaralang sekundarya, istatus at suliranin ay may
kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ito ay sumasaklaw rin sa mga
katangian personal aat propesyonaal ng mga guro, istatus ng mga gurong nagtuturo ng
panitikan at kahalagahan ng pagtuturo ng wikang Filipino. Dagdag pa niya, ang mga
suliraning kinaharap, ang mga solusyon upang mabigyang lunas ang problema sa
pagtuturo at ang gawaing iminungkahi upang mapaunlad ang pagtuturo ng panitikan.

Ipinaliwanag naman sa pag-aaral ni Maranan, et. al. (2002) ang mga


metodolohiya at estratehiya na ginagamit sa pagtuturo ng Filipino sa ikaanim na baiting
sa mga piling mag-aaral sa Lunsod ng Lipa ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-
aaral sapagkat inilahad ditto ang mga hakbang na nakasasagabal sa epektibong
pagtuturo ng mga guro gamit ang iba’t ibang metodolohiya at estratehiya at gaano
kabigat ang mga suliraning nararanasan ng mga guro sa paggamit nito sa Filipino.
Dito maliwanag na naihanay at naisaayos ang mga konsepto ng iba’t ibang
manunulat sa pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino.
Pagsulat ng Abstrak

Kahalagahan ng Pagsulat ng Abstrak:

Isang napakahalagang bahagi ng pag-aaral sapagkat ito ang kabuuan ng tesis


at disertasyon. Sinusulat ito upang bigyang lagom o buod ang isinagawang pag-aaral.
Halimbawa:

“Heograpikong Varayti ng Tagalog-Batangas ng mga Guro at Mag-aaral sa Ilang


Piling Mag-aaral sa Ilang Piling Lugar sa Batangas: Tungo sa Pagbuo ng Modelo
sa Pag-aaral ng Varayti ng Wika”

Mananaliksik: Dr. Demetrio B. Bautista


Digri: Doctor of Philosophy
Riserts Abstrak
2013-2014

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 8


I. Panimula

Ang pagkakaroon ng pagbabago sa wikang ginagamit ang nagiging dahilan o


sanhi ng pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit sa lipunan. Ang konsepto ng
pagbabago ay walang humpay na nangyayari sa lipunan upang magamit ng tao sa
pakikipag-unawaan sa larangan ng pakikipagtalastasan.

II. Mga Tiyak na Layunin

1. Masuri ang varayti ng Tagalog-Batangas na sinasalita sa mga particular na lugar


sa Batangas bunga sa impluwensya ng mga karatig na lugar na nakatuon sa:
a. paraan ng pagbigkas
b. talasalitaan
2. Mailarawan ang naging impluwensya ng mga karatig na lugar sa pagkakaroon ng
varayti ng Tagalog-Batangas sa mga napiling lugar.
3. Makabuo ng modelo na magiging gabay sa iba pang pag-aaral sa varayti ng wika.

III. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kasalukuyang pag-aaral ay maaaring magbigay ng mahahalagang


ambag sa larangan ng lingguwistika. Pokus ng pag-aaral na ito ay nasa
heograpikong varayti ng Tagalog-Batangas ng mga guro at mag-aaral sa ilang
piling lugar sa Batangas tungo sa pagbuo ng modelo ng pag-aaral ng varayti ng
wika. Kaya ang resulta ng pag-aaral na ito ay makapagdudulot ng mahahalagang
datos na maaaring magamit sa pagpapayaman ng teoryang may kaugnayan sa
varayti ng wika.

IV. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa paglalarawan ng heograpikong


varayti ng Tagalog-Batangas ng mga guro at mag-aaral sa ilang piling lugar sa
Batangas tungo sa pagbuo ng modelo sa pag-aaral ng varayti ng wika ayon sa
paraan ng pagbigkas at talasalitaang ginamit ng mga guro at mag-aaral sabawaat
lugar. Ang impluwensya at varayti sa paraan ng pagbigkas (ponolohiya at
morpolohiya) ay binigyang tuon sa pag-aaral na ito.
Mga guro at mag-aaral sa ilang piling lugar sa lalawigan ng Batangas.

V. Mga Hakbang sa Pag-aaral

Ang pag-aaral ay gumamit ng metodong deskriptib o palarawang


pananaliksik na may layuning mailarawan ang heograpikong varayti ng Tagalog-
Batangas ng mga guro at mag-aaral sa ilang piling lugar sa Batangas.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 9


VI. Pamamaraan ng Pag-aaral

1. Interbyu / Pakikipanayam
2. Talatanungan / Kwestyoner

VII. Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Malaki ang gampanin ng wikang ginagaamit sa paraan ng pagbigkas at


talasalitang ginagamit
2. Makikita ang impluwesya sa pagkakaroon ng varayti ng wika
3. Ibayong pag-aaral sa varayti ng wika.

Mungkahing Gawain:

Magsaliksik sa silid-aralan ng pag-aaral sa inyong pamantasan. Pag-aralan ang isang


natapos na tesis. Subuking gawan ng abstrak ang nasabing tesis.

Pagtataya:

1. Magkaroon ng ganap na kaalaman sa bawat bahagi sa pagsulat ng bawat bahagi ng


abstrak.
2. Maghanda para sa biglaang pasalitang gawain sa loob ng silid-aralan para sa markahang
pagsagot.

Modyul II: Panukalang Proyekto

Laang Oras : 12 oras

Panghikayat na Gawain

1. Ano ang panukalang proyekto?

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 10


2. Sinu-sino ang mga taong gumagawa ng isang panukalang proyekto?
3. Anu-ano ang mga karaniwang paksa ng panukalang proyekto?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman

MGA PANUKALA PARA SA PANGANGALAP NG PONDO


ni Phil Bartle, PhD
Isinalin ni Lina G. Cosico

Batayang Dokumento

Paano Makakuha ng Pondo mula sa Donor na Organisasyon

Panimula

Ang panukala o proposal ay isang paghiling o paghingi ng tulong na pinansiyal para


maisagawa ang isang proyekto. Para sa isang proyekto sa komunidad, maaari itong gamitin para
humingi ng pagpapatibay mula sa mga mamamayan (dahil sa ang komunidad ang
pinakamahalagang donor). Maaari mong gamitin ang mga patnubay dito para humingi ng pondo
maski kaninong donor. Inererekomenda namin na maghanap ka ng maraming panggagalingan ng
pondo. Kung iisa lamang ang pagmumulan ng iyong pondo, baka lagi ka na lang umasa sa donor
na iyon.

Ang panukala ay hindi lang isang listahan ng mga bagay na gusto mo. Ang panukala ay
dapat na magbigay ng dahilan kung bakit kinakailangan ang bawat bagay sa listahan para
madesisyunan ng donor kung gusto nitong ibigay ang ilan o lahat ng nakalista. Dapat na alam
ninyo ( at maibahagi ang kaalamang ito) kung ano talaga ang gusto ninyong gawin sa mga bagay
na ito, kaya kailangan ninyong magdisenyo ng proyekto para maisagawa ninyo ang inyong
minimithi.

Mahalaga na maging maingat sa pagplano at pagdisenyo ng inyong proyekto. Mahalaga


din ang pagsulat ng panukala na makakaakit ng kinakailangang pondo. Ang pagsulat ng
panukala ay isang kakayahang nangangailangan ng kaalaman at pag-eensayo.

Ang panukala ng proyekto ay dapat na maging tapat na dokumento ng "pagbebenta".


Kailangan nitong magbigay ng kaalaman at magkumbinsi.

Walang lugar dito para sa pagsesermon, pagyayabang o paglilinlang. Kung kayo ay


kumbinsido na mabuting ideya ito at dapat na suportahan, matapat ninyong isaad ito sa inyong
panukala para magamit ito ng mga donor sa paghahambing sa iba pang mga panukalang
kailangang tustusan. Kailangang malinaw na nakasulat kung paano at kailan matatapos ang
proyekto, o kung kailan kakayanin ng komunidad na palakarin ang proyekto ng walang tulong

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 11


mula sa labas. Ang mga panukala ay dapat na maayos at malinis, mas mabuti kung naka-type at
walang mga kung anu-anong impormasyon na walang kinalaman sa proyekto.

Ang pagkadetalyado ng inyong panukala ay depende sa dami ng inyong hinihiling at sa


laki ng inyong proyekto. Baguhin ninyo ang patnubay para maging akma sa proyekto at sa
donor.

Ang panukala ng proyekto ay dapat magbigay ng mga impormasyong nakalap ninyo


tungkol sa proyekto at dapat itong isaad ng maayos. Hindi sapat na gumawa kayo ng sulat at
sabihin dito ang inyong kahilingan. Kailangan ninyong ipakita ang pangangailangan ng
komunidad at patunayan na ang proyekto ay karapat-dapat na tustusan. Tandaan ninyo na
marami pang ibang organisasyon at indibiduwal na kakumpitensiya ninyo sa pondo.

Gumamit kayo ng maiksi at simpleng salita na tiyak ang kahulugan. Kung kinakailangan,
gumamit kayo ng mga "diagram o chart" para mailarawan ang mga susing punto. Gumamit ng
mga kalakip (appendix) para maiwasan ang paghaba ng katawan ng panukala at maging maayos
ang takbo ng ulat. Iakma ang inyong presentasyon sa ahensiyang inyong nilalapitan. Ipaliwanag
ninyong interesado kayong makapanayam na personal ng ahensiya pagkatapos nilang matanggap
at mabasa ang inyong panukala.

At, napakahalaga....
Huwag kayong masisiraan ng loob kung hindi tanggapin ang inyong panukala. Alamin kung
bakit ito hindi tinanggap, at sumubok sa ibang ahensiya.

2. Planuhin ang Proyekto (Praktikal na Pananaw):

Maaaring ikaw at ang iyong mga kasamahan ay maraming ideya tungkol sa mg agusto
ninyong gawin; nakikita ninyo ang pangangailan na bawasan ang kamangmangan, bawasan ang
kahirapan, magbigay ng ligtas na inuming tubig, pabutihin ang antas ng kalusugan, magbibigay
ng pagsasanay para sa mga may kapansanan, at marami pang iba.

Subalit dapat kayong pumili ng isang proyekto lamang, limitahan ninyo ang inyong
layunin sa isang minimithing solusyon sa problemang may pinakamataas na prayoridad.

Isali ang buong komunidad. Sa pagpili ng proyekto, tumawag ng miting at huwag


kalimutang isama ang mga taong madalas na nakakaligtaan, ang mga kababaihan, may
kapansanan, mga mahihirap, mga taong walang tinig sa pagdedesisyon sa komunidad.
Siguraduhin na ang mga taong inaasahang makikinabang sa proyekto ay nararamdamang
proyekto nila ito, para sa kanilang benepisyo, at maaari silang umambag sa proyekto dahil
proyekto nila ito.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 12


Subalit hindi sapat na piliin lamang ang layunin. Kailangan din ang maayos na
pagplaplano, pagkilala sa mga pagkukunang yaman (mayroon na o potensiyal), pag-iisip ng
ilang istratehiya at pagpili sa pinakamagaling, pagdesisyon kung paano susubaybayan ang
proyekto para masigurong hindi ito malilihis sa plano, paniniguro na ang pagtutuos ng mga
pondo ay bukas sa lahat at wasto, at paggawa ng talatakdaan para malaman kung kailan gagawin
ang mga bagay-bagay. Kailangan din na magsaliksik tungkol sa lokasyon, mga katangian ng
populasyon, situwasyon, mga nakatayong pasilidad para mailarawan ng maayos ang background
ng proyekto. Ang pagsali ng komunidad at ng mga makikinabang sa proyekto sa pagsasaliksik
ang pinakamagaling na paraan para masiguro na ito ay tumpak.

Para sa komunidad o grupong tinatarget, gamitin ang Mga Prinsipyo at Pamamaraan


ng Brainstorming (Brainstorming Principles and Procedures) para magbalangkas ng Plano
o Disenyo ng Proyekto. Sabihan ang mga miyembro ng grupo na mag-ambag sa bawat
hakbang ng proseso ng brainstorming (pero paalalahanan sila na ang mga kritisismo ay hindi
tinatanggap): ano ang prayoridad na suliranin (ilista lahat, maski na ang mga walang katuturan;
at pagkatapos ay ayusin base sa ranggo ng prayoridad), tulungan ninyo ang grupo na
maunawaan na ang layunin ay ang solusyon sa kinilalang suliranin. Tulungan sila na makabuo
ng mga tiyak na layunin (objective) ( may katapusan, mapapatunayan at tiyak) na tutungo sa
pangkalahatang layunin (goal). Kilalanin ang mga pagkukunang yaman at mga blakid,
pagkatapos ay magbuo ng ilang alternatibong solusyon, at pumili ng pinakamagaling. May ilan
pang dokumentong magagamit para ipaliwanag ang proseso ng brainstorming nang mas
detalyado, ang narito ay maikling balangkas lamang.

Ngayong nakalap ninyo na ang mga impormasyong kailangan ninyo, maaari nang
simulan ang pagsulat ng inyong panukala. Inirerekomenda namin na humingi kayo ng pondo
mula sa ilang donor. Huwag hayaang umasa ang inyong organisasyon o grupo sa isang donor
lamang.

Bago sulatin ang inyong panukala, tandaan ang mga sumusunod na punto:
 Mahalaga na malaman (bago magsulat) kung saan kayo makakahingi ng pondo, mula sa
mga gobyerno, mga ahensiya ng UN, mga internasyonal na NGO o pribadong
foundation.
 Karamihan ng mga donor ay tinitignan ang antas ng partisipasyon ng mga mamamayan
sa panukala ng proyekto, ang paggamit ng mga pagkukunang yaman na nasa lugar ng
panukala mismo at ang mga plano para maipagpatuloy ng komunidad ang proyekto
kapag naubos na ang pondong ibinigay ng donor.
 Dapat ay praktikal ang iyong proyekto, hindi masyadong magastos, at may potensyal na
maulit o magamit sa iba pang siyuwasyon.
 Dumadami na rin ang mga ahensiyang nagbibigay ng pondo na naghahanap ng mga
"integrated approach" sa mga proyektong nagsusulong sa komunidad. Ang ibig sabihin

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 13


nito, kailangan na ang proyekto ay sumusuporta o nakakaragdag sa mga kasalukuyang
aktibidad at ang proyekto ay nakatakdang malunasan ang mga nakilalalang problema.
 Halos lahat ng mga ahensiya ng UN at mga gobyerno, mga foundation, at pribado at
boluntaryong ahensiya ay may kanya-kanyang pormularyo ng panukala na gusto nilang
gamitin ninyo. Kung wala kayong makokontak na lokal o rehiyonal na kinatawan,
magpadala ng sulat na humihiling ng impormasyon tungkol sa nga wastong paraan,
format ng aplikasyon at mga pangangailangan sa pagpondo. Maaaring magkakaiba ang
format, subalit parepareho lamang ang mga impormasyong hinihingi ng lahat ng
ahensiya at foundation.
 Alamin ang siklo ng badyet ng ahensiya, kung ito ay taunan, apat na beses kada taon o
tuluy-tuloy. Alamin mo kung may huling araw ng pagtanggap ng aplikasyon.

3. Istruktura ng Proyekto ( Balangkas ng iyong Panukala)

Ang mga patnubay na ito ay hindi para sabihin sa inyo kung ano ang inyong isusulat,
kundi paano isusulat ang panukala. Kung kayo ang responsable sa pagsulat ng panukala, ito ay
dahil sa kayo ang eksperto. Kung kayo ay responsable, alam ninyo kung ano ang gusto ninyong
makamit at ang pinakamagaling na paraan para makamit ito. Huwag mabahala sa pag-iisip nito
at huwag mawalan ng gana dahil sa mga teknikal na salita na sa kasamaang palad ay madalas na
ginagamit.

Huwag mong atuhang mag-isang sulatin ang panukala. Humingi ka ng tulong mula sa
iyong mga kaibigan at kasamahan sa trabaho na makakatulong sa konsepto o estilo ng
pagsusulat. Isipin mo na ang ang paghahanda ng panukala ay parang isang nakasulat na
"dayalogo" na kung saan ang bawat magkasunod na panukalang isinulat o draft ay pagpapatuloy
ng proseso.

Ang mga kapitulo ng inyong panukala ay hindi kailangang isulat ayon sa sa


pagkakasunud-sunod dito, subalit ang nakasulat sa bawat kapitulo ay dapat na may tiyak na
koneksyon sa nakasulat sa ibang kapitulo. Siguraduhin na tama ang nilalaman ng bawat
kapitulo. Siguraduhin na ang bawat paksa ay may koneksyon sa ibang paksa at sa kabuuan ng
panukala.

4. Pahina ng Pamagat (Panakip)

Isang pahina lang ito; ang pangunahing takip na panukala. Dapat ay kasama dito ang:
 Petsa;
 Pamagat ng Proyekto;
 Mga Lokasyon ng Proyekto;
 Pangalan ng organisasyon; at
 Kung ano pang mahalagang impromasyon na maisusulat sa isang linya lamang.

Ang abstrak o "executive summary" ang sumusunod sa pahina ng pamagat, subalit huwag
ninyo munang isipin ito, basahin ninyo muna ang iba pang bahagi ng panukala.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 14


5. Background ( Mga Dahilan Ng Problema):

Ang bahaging ito ang dapat sumagot kung bakit kailagan ang proyekto. Dito ay
magbibigay kayo ng deskripsyon ng situwasyon at bigyang pansin ang mga dahilan na
nagbunsod sa inyo na mag-isip ng ipinapanukalang proyekto. Isaad kung paano napagtanto ang
pangangailangan sa proyekto at kung sinu-sino ang kasama sa pagbubuo ng proyekto.
Ipaliwanag ang simula o istorya ng iyong proyekto.

Makabubuti na isali ang buong komunidad sa pagkilala ng mga prayoridad na problema;


ito ang tinatawag na "participatory research" o pagsasaliksik na kasali ang mga mamamayan.

Ang unang ginagawa sa background ay ang pagkilala sa problema. Ibig sabihin nito ay
dapat pangalanan ang problema at isaad kung nasaan ang problema. Sinasaad dito ang pakay na
grupo (mga makikinabang), ang sektor, ang lawak o laki, at iba pang mga kasama sa paglunas sa
problema. Isinasaad din dito kung ano na ang ginawa ninyo at ng iba pang grupo para malunasan
ang problema.

Habang sinusuri ang mga problemang gustong lunasan, may ilang katanungang lalabas.
Ano ang kondisyon ng pakay na grupo para maging makabuluhan sa donor na magbigay ng
pondo o makakatulong na empleyado ng donor? Hindi kinakailangan ang buong kasaysayan ng
komunidad o grupo o ng proyekto, ngunit makakatulong ang isang maikling balangkas.

Ang mas mahalaga ay kung anu-anong kondisyon o anu-anong pagbabago sa kondisyon


ang nakikita sa hinaharap na makakapagtulak sa donor na magbigay ng pondo?

Maaari mong isama ang mga sumusunod:


 Sakop ng proyekto ( Mga isyu at problema, hindi mga deskripsyon ):
 Mga dahilan sa paggawa ng panukala;
 Mga pangyayaring nagbunsod sa proyekto; at
 Mga mas malawak na plano o istratehiya na kung saan ang proyekto ay isang bahagi.

Kung ang iyong proyekto ay hindi na bago, isaad rin sa background ang mga pagbabago sa
proyekto mula ng ito ay sinimulan.

Tandaan na ang kapitulo ng background ay naglalarawan ng mga pangyayari na tututmbok sa


problemang gustong lunasan ng inyong proyekto. Lahat ng nakasulat dito ay magpapatunay sa
pangangailangan ng tulong o pondong inyong hinihingi. Hindi makakatulong ang mahahabang
kasaysayan o pagsusuri.

6. Mga Pangkalahatan at Tiyak na Layunin ( Solusyon= Produkto):

Dapat na ang pangkalahatang layunin ng inyong proyekto ay lunasan ang problema o


mga problema na isinaad sa background. Ang mga pangkalahatan at tiyak na layunin ay dapat na
may koneksyon sa mga nakaraang kapitulo, sa pamamagitan ng pagsasaad kung ano ang

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 15


solusyon sa mga nasabing problema. Kailangan mo ang isang set ng pangkalahatang layunin
(goals), at isang set ng mga tiyak na layunin (objectives).

Unahin ang mga "goals" na pangkalahatan, pangmahabang panahon at malawak na


adhikain. Mula dito, bumuo ka ng mga tiyak na layunin o "objectives" na mapapatunayan,
masusukat, may katapusan at may tiyak na petsa ng pagkakamit. Halimbawa: " Upang bawasan
ang kamangmangan, " ay isang pangkalahatang layunin; habang ang " Upang magturo ng mga
pangunahing kakayahan sa pagbasa at pagsulat sa 20 kliyente bago matapos ang Marso 2," ay
isang tiyak na layunin.

Kailangang tiyak ang mga "objective" ng inyong proyekto. Kailangang isulat ito batay sa
mga inaasahang resulta ng proyekto, hindi batay sa kung paano makakamit ang mga resultang
ito. Kailangang mapapatunayan ang mga resultang ito ( madali maipapakita na nagawa ito, at
mapapatunayan ito ng mga tagalabas na tagamasid).

Sa pagpili ng mga pangkalahatan at tiyak na layunin ng proyekto, alalahanin kung sino


ang inyong donor; anong klase ng solusyon ang kanilang hinahanap?

Ang mga donor ay ayaw na palagi silang inaasahan kaya hindi sila interesado sa
pagbibigay sa mga serbisyong kawanggawa na obligasyon ng mga awtoridad na dapat na
mangalaga sa karapatan ng mga mamamayan. Karamihan ng mga donor ay hindi interesado sa
pagsasagawa ng mga paulit-ulit na "operation." Interesado sila sa pagsuporta sa mga akitibidad
na sasagot sa mga pangangailangan ng mga pinakamahirap at mahihinang mamamayan, sa
pagtataguyod ng pag-asa sa sarili at hindi sa iba, pagkakasundo ng iba't -ibang grupo o lipi at
pagsulong ng komunidad.

7. Mga Makikinabang ( Pakay na Grupo):

Sa kapitulong ito, ilarawan ng mas detalyado ang mga makikinabang o pakay na grupo.
Maari ring idagdag ang mga hindi direktong makikinabang (gaya ng mga taong sinanay para
tulungan ang mga pangunahin o direktong makikinabang). Maaari itong idagdag sa bahagi ng
background; isaad ang kanilang bilang, mga katangian, dahilan ng kahinaan, tirahan, at iba pa.

Karamihan ng mga donor na ahensiya ay mas kikiling sa inyong proyekto kung


maipapakita ninyo na ang mga makikinabang ay kasali sa pagpili at pagdisenyo ng proyekto.
( Maaari ilista sa kalakip ang mga pagpupulong ng mga makikinabang pati na ang detalye ng
petsa, lugar, oras, paksang pinag-usapan, mga tagapagsalita at mga taong makikinabang na
dumalo. Banggitin ang kalakip sa kapitulong ito; huwag isama dito; ilagay ito sa dulo ng
panukala).

8. Mga Target at Aktibidad ( Mga Input):

Sa kapitulong ito, isinasaad ang mga input ng inyong proyekto, gaya nang ano ang mga
pagkukunang yaman ( pera, tauhan, mga aksiyon) na gagamitin sa inyong proyekto.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 16


Una, magsimula sa pagsusuri ng mga posibleng istratehiya para maabot ang mga tiyak na
layunin (objective) na nabanggit sa itaas. Ang bawat kaso ay dapat na i-ugnay sa nakaraang
kapitulo. Ang pinakamagaling na panukala ay naglilista ng dalawa, tatlo o apat na iba't-ibang
istratehiya, pagkatapos ay pumipili ng isa pagkatapos ipaliwanag kung bakit hindi magagamit
ang mga hindi napiling istratehiya. Susundan ito ng katanungang, " kung mayroon tayong
ganitong mga tiyak na layunin at istratehiya, anu-anong mga aktibidad ang dapat nating gawin o
umpisahan para magamit ang napiling istratehiya at maabot ang layunin?"

Ang kahulugan ng target ay, "Gaano kalaki, para kanino, saan at sino?"- Sa madaling
salita, "Sino ang gagawa ng ano?" Halimbawa, anong klase ng training ang inyong gagawin,
gaano katagal, at ilang tao ang kasali?

Anong mga tiyak na kakayahan ang ituturo at anu-ano ang gagawin para masubaybayan
ang progreso ng mga sinanay?

Isaad kung anu-anong klase ng mga trabaho ang gagawin sa proyekto. Banggitin sa kalakip ang
mga mahahalagang deskripsyon ng trabaho (job description). Laging i-ugnay ang aktibidad sa
tiyak na layuning nabanggit. Kahit na ang mga aktibidad ng mga tagasuportang tauhan
(sekretarya, driver, atbp) ay mabuting ipaliwanag na mahalaga para makapagtrabaho ng maayos
ang mga "operational staff" ( inhinyero, doktor, atbp).

9. Ang Talatakdaan ( Bawat Aksiyon Kailan):

Sa bahaging ito, ilarawan ang pagkakasunud-sunod ng mga plano ninyong aktibidad para
maabot ang inyong mga tiyak na layunin.

Mas mabuti kung kaya ninyong tiyakin ang petsa, kung hindi, maski hindi tiyak na araw ay
linggo o buwan. Maaari kayong gumamit ng "diagram o bar chart" o kalendaryo para markahan
ang pagdaraos ng mga aktibidad.

Isama ninyo sa plano ng trabaho (work plan) ang mga bahagi o "phase" ng proyekto; paano
nagpapatuloy ang proyekto mula sa isang bahagi patungo sa susunod.

Gaano katagal kakailanganin ang suporta?

(Kailan matatapos ang proyekto, o kailan kakayanin ng komunidad na itaguyod ang proyekto ng
walang tulong mula sa labas?)

10. Ang Organisasyon ( "Profile"):

Sa bahaging ito, isinasaad ang ( maaaring nagbabagong) istruktura ng organisasyon at


pamamahala na kailangan para maisagawa ang mga nabanggit na aktibidad. Ito ang "O" sa

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 17


"CBO- Community Based Organization" o mga organisasyong base sa komunidad.
Nakakatulong dito ang paglalarawan o diagram.

Maikli ninyong isiwalat ang mga pangkalahatan at tiyak na layunin ng inyong organisasyon.
Maging tiyak sa pagsasaad ng mga karanasan ng organisasyon sa paglunas ng mga katulad na
problema, anu-ano ang mga kakayahan nito at mga pagkukunang yaman para maisagawa ang
nasabing proyekto.

Maaaring ang pinakamahalagang katangian ng inyong organisasyon ay ang mga abilidad at


karanasan ng mga tauhan nito. Isulat ninyo rin ang mga tulong na inaasahan ng inyong
organisasyon mula sa iba pang ahensiya.

Ilakip ang iba pang karagdagang impormasyon, gaya ng taunang ulat ("annual report"), kung
mayroon.

Ipaliwanag:
 Paano ito gagawin?
 Sino ang responsable sa proyekto?
 Sino ang magsasagawa nito (sino ang gagawa)? at
 Sino ang mamamahala sa pagsasagawa ng proyekto?

Sino ang magpapatakbo sa proyekto? Sino ang may responsibilidad sa pangkalahatang


organisasyon? Sino ang responsable sa pangkalahatang pagsasagawa ( hindi ito katulad ng
responsibilidad sa disenyo at pagsubaybay ng proyekto, at iba rin ito sa hiwalay na tauhan,
ahensiya at lokasyon)? Magbabago ba ito? Maaaring isaad ang lahat ng ito sa panukala. Tingnan
Pag-oorganisa sa Pamamagitan ng Training ng mga pamamaraang may partisipasyon para
sa pagsulong ng organisasyon.

Huwag mong kalilimutan ang mga aktibidad ng mga taong nagboboluntaryo sa proyekto. Kahit
hindi sila binabayaran, nag-aambag pa rin sila sa proyekto.

11. Mga Gastos at Benepisyo (Pagsusuri):

Sa isang panukala, ang kapitulo tungkol sa mga gastos at benepisyo ay hindi katulad ng
mga linya sa badyet na may mga numerong nagsasaad ng halaga ng pera na gagastusin. ( Ang
detalye ng badyet ay dapat na isama sa kalakip sa dulo ng dokumento, hindi sa teksto).

Sa teksto ng panukala, ang kapitulo tungkol sa mga gastusin at benepisyo ay kailangang


mapanuri at direkto at kaugnay sa mga naunang kapitulo. Dapat ipaliwanag ang mga linya ng
badyet, gaya ng mga gastusin o pangangailangan na hindi malinaw o agarang mababatid kung
bakit kailangan sa proyekto.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 18


Pagsikapang gumawa ng tinatawag na "cost benefit analysis", na kung saan ay
kakalkulahin mo ang gastos kada benepisyaryo ( halimbawa, ang gastos kada batang
nagbenepisyo sa proyekto laban sa kamangmangan ay katumbas ng pangkalahatang gastos sa
proyekto na hinati ng bilang ng kabataang natutong magbasa at magsulat).

Ang mga buod o kabuuan ng mga sumusunod na impormasyon ay maaaring makatulong sa


pagdedesisyon ng mga donor:
 mga gastusing lokal;
 mga gastusing panlabas;

 mga paraan ng pagpopondo;


 mga kailangang palitan ng pananalapi -lokal vs. banyaga;
 mga kontribusyong hindi pera ng lokal na komunidad ( ang bawat isa ay bigyan ng
katumbas na halaga sa lokal na pananalapi);
 mga paraan ng pagkuha ng mga gagamitin sa proyekto ( saan at paano bibilihin); at
 proporsiyon ng kabuuang gastos na hinihiling sa panukala.

Bukod sa mga gastusin ( pati na ang pondong hinihingi sa panukala), dapat na magsagawa
ng pagkukumpara ng mga gastos (mga input) at ng halaga ng mga benepisyo ( mga output o
resulta). Maaaring sagutin ang mga sumusunod:
 Sino ang mga makikinabang?
 Paano sila makikinabang?
 Mga dahilan para suportahan ang proyekto?
 Ano ang mga tiyak na ibubunga ng proyekto?
 Ano ang gastos kada taong makikinabang?
 Ang halaga ba ng benepisyo ay lamang sa mga gastos (o ang kabaligtaran nito)? Gaano
ang lamang?

Kapag ang mga tiyak na layunin ay nagkakaiba ang kalidad ( halimbawa, bilang ng mga
nabuong bagong komite ng mga magulang at bilang ng mga batang natutong magbasa at
magsulat), kailangang magkaroon ng risonableng pagkalkula ng gastos kada benepisyaryo.

Ang kabuuang badyet ay dapat nakasaad sa bahaging ito, banggitin na ang detalye ng badyet
ay nasa kalakip. Dapat ding isaad ang ibang pinanggalingan ng pondo ( mga donor at kanilang
kontribusyon). Ang kabuuang halaga na hiniling ay dapat isama sa teksto.

12. Pagsubaybay (Pagmamasid):

Ang pagsubaybay ay dapat gawin ng:

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 19


 naapektong komunidad, sa pamamagitan ng lokal na komite;
 ng inyong ahensiya o organisasyon (isaad kung sino dito); at
 mga donor.

Paano masusukat ang inyong mga nagawa?


Sino ang magpapatunay?

Ang pagsubaybay ay dapat kasama sa mga aktibidad ng proyekto. Dapat na bahagi nito
ang tuluy-tuloy na "self-evaluation" o pagsusuri sa sariling gawain ng inyong ahensiya.

Ang pagsubaybay at pagtanggap ng mga ulat mula sa proyekto patungo sa mga donor ay
dapat na planuhin at isama sa panukala. Ang mga buwanang report o ulat ay dapat na gawin sa
paraang makakatulong sa donor sa pagplaplano ng kanilang mga programa sa bansa.

Isang bagay ang sigurado; dapat na bigyang diin sa pag-uulat ang mga resulta o output
ng proyekto - ang mga epekto ng proyekto sa pakay na grupo o mga benepisyaryo. Wala ding
masama kung isusulat mo ang mga aktibidad, kung ito ay maikli. Ang pag-uulat ng mga resulta
at pagkukumpara nito sa mga tiyak na layunin na nakasaad sa panukala ng proyekto ay
napakahalaga.

Tingnan Pagsubaybay

13. Pag-uulat (Pagbibigay- alam ng mga Obserbasyon):

Sa anumang proyekto na pinondohan ng isang ahensiya, napakahalaga ng pagtutuos ng


pondo at ng pagkakaroon ng pananagutan. Totoo ito para sa karamihan ng mga donor na
ahensiya, UN, pampamahalaan o NGO.

Sa inyong panukala, ang pamamaraan mo sa pag-uulat ay dapat na sumagot sa : " gaano


kadalas, kanino ipapadala, ano ang kasama sa ulat?" Maaari itong itanong sa mga lalapitang
ahensiya dahil maaaring magkakaiba ang hinihingi sa pag-uulat, at maaari ring depende sa klase
ng proyekto.

Makakatulong din sa proyekto at sa donor ang ebaluwasyon ng proyekto habang ito ay


isinasagawa dahil makikita ninyo ang progreso at mga resulta, pati na ang mga posibleng
aksiyon sa hinaharap. Ang maingat na pag-uulat ng isinasagawang proyekto ay makakatulong sa
iba na maaaring magsagawa ng katulad na proyekto.

Isaad sa panukala kung anu-anong ulat ay ibibigay ninyo. Kasama dito ang regular ng
ulat habang isinasagawa ang proyekto at ang pinal na ulat. Ang mga maikli at madalas na

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 20


ipadalang ulat ( gaya ng lingguhang ulat) ay maaaring magsaad ng mga pagdaraos at aktibidad
lamang.

Ang mga mas mahabang ulat ay nagsasaad ng mga resulta ng aktibidad (hindi lang
aktibidad), pagsusuri kung gaano na ang naabot ng proyekto sa layunin nito, mga dahilan kung
bakit hindi pa naaabot ito, at ang epekto sa mga benepisyaryo.

Pinakamabuti na gumawa at magsumite ng ulat kada buwan. Sa panukala, isaad kung


anu-anong ulat ang isusumite, kung gaano kadalas at anu-ano ang nilalaman. Ang bawat
proyekto ( kung ang grupo ninyo ay may iba pang proyekto) ay nangangailangan ng hiwalay na
ulat ( dalawa o tatlong pahina ng teksto at mga kalakip).

Ang detalyadong buwanang ulat ay dapat magsaad kung gaano na ang naabot ng
proyekto sa layunin nito, mga dahilan kung bakit hindi pa naaabot, mga suhestiyon at dahilan sa
pagpapalit sa mga layunin kung kinakailangan. Maaari ding isama ang impormasyon tungkol sa
mga pagdaraos at mga input ( anu-anong mga aksiyon ang ginawa, tingnan sa ibaba), subalit
dapat ding bigyang diin ang mga output (ang mga resulta ng mga aksiyon at paano nito naaabot
ang mga layunin). Bigyang pansin ang bilang at lokasyon ng mga benepisyaryo. Ang buwanang
ulat ay aayusin katulad ng mga bahagin ng panukala.

Ang buwanang ulat tungkol sa pananalapi ay kailangang detalyado at nagsasaad kung


anu-anong pondo ang tinanggap at kung saan-saan ito nanggaling, anong pondo na ang nagamit
- ilista ayon sa mga linya ng badyet sa panukala, mga dahilan ng mga labis o kakulangan sa
paggastos, at pagsusuri kung paano nakatulong ang mga paggastos sa pag-abot sa mga nasabing
layunin ng proyekto.

Ang pinal na ulat ay may mga paksang tulad ng buwanang ulat at may karagdagang
bahaging tinatawag na "Mga Natutunang Aral" at isang bahaging nagsasaad ng epekto ng
proyekto sa pakay na komunidad at sa kanyang kapaligiran. Dapat na maiksi ngunit kompleto
ang ulat.

Ang mga ulat ay dapat na matapat sa pagkritisismo at pagsusuri sa sariling proyekto.


Tingnan ang modulo tungkol sa Pagsulat ng Ulat.

Ang mga prinsipyo at patnubay sa paggawa ng mga salaysay na ulat ay dapat gamitin sa
paggawa ng mga pananalaping ulat (financial reports). Ang buwanang resulta ng badyet ng
proyekto ay mahalaga para sa paggawa ng programa (ng organisasyon), ganun din ang mga tala
sa pagtutuos ng badyet. Dapat na kasama dito ang mga paliwanag sa anumang pagkakaiba sa
mga planong gastusin.

14. Mga Kalakip:

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 21


Ang teksto ng panukala ay dapat na isang maiksi ngunit kumpletong argumento mula sa
simula hanggang sa katapusan, at madaling basahin. Kung maraming mahahalgang detalye ang
isasama sa teksto, magiging magulo at mahirap basahin ito kaya makabubuti na ilagay ang mga
ito sa mga kalakip sa dulo ng panukala.

Ang mga dokumentong kadalasang inilalagay sa kalakip ay:


 mga listahan;
 mga diagram o larawan;
 detalyadong badyet;
 deskripsyon ng mga trabaho; at
 iba pang kailangang detalyadong dokumento.

Kapag natapos na ang unang draft ng panukala, basahing mabuti ito at tingnan kung may mga
detalye sa teksto na makakaagaw ng pansin ng nagbabasa sa maayos na takbo ng argumento.
Ilipat ang mga ito sa kalakip, at sa lugar nito, maglagay ng maiksing nota tungkol dito at isaad
na tingnan ang mga detalye sa kalakip.

Basahing muli ang dokumento. Ngayong nakalagay na sa kalakip ang mga detalye, mas
maayos ba ang takbo ng argumento, subalit hindi naman humina ang argumento sa pagkawala
ng detalye sa teksto? Oo? Mabuti! Nakita ninyo ang isa pang paraan ng paggamit ng mga
kalakip.

Ang mga kalakip ay maaring paglagyan ng anumang dokumentong makakatulong sa


donor na ahensiya na makapagdesisyon kung magbibigay o hindi ito ng pondo.Ginagamit ang
mga kalakip para makapagsama ng mga kailangan at mahalagang detalye ( na susuriin ng isang
metikulosong magbabasa), na hindi isinasama sa teksto dahil makakasagabal sa maayos na takbo
ng maiksing argumento. Sa kalakip, maaaring basahin ito kung kailan gustong basahin.

15. Detalyadong Badyet:

Ang bawat linya ng detalyadong badyet ay dapat ilagay sa kalakip. Ang bawat linya ng
badyet ay dapat magsaad ng kabuuang gastos sa bawat kategorya ng badyet. Ang mga linya ay
dapat ding i-grupo batay sa klase ng gastos ( halimbawa - mga suweldo, sasakyan, gasolina,
atbp).

Hanggat maari, paghiwalayin ang mga "non-expendable" na gamit ( mga kagamitang


magagamit muli) sa mga "expendable" ( mga gamit na nauubos).

Ang badyet ay dapat na makatotohanang estimasyon ng lahat ng gastos sa pagsasagawa


at pagpapalakad ng proyekto. Kung maaari, ipakita ang potensyal ng komunidad na itaguyod sa
sariling pagsisikap ang proyekto, o suporta mula sa iba pang ahensiya.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 22


Ang mga estimasyon ng gastos ay dapat ilagay sa mga makabuluhang kategorya ("line
item") gaya ng: mga suweldo; mga materyal; mga kagamitan; mga paglalakbay at per diem;
renta, telepono.

Ang mga boluntaryong kontribusyon sa proyekto ng inyong organisasyon ay dapat na


ilista at bigyan ng perang halaga o isaad na "no charge" o hindi kinukuwenta. Ilahad ang mga
pisikal na pasilidad ng inyong organisasyon na gagamitin sa proyekto. Isaad din ang mga
kagamitan at materyales ng inyong organisasyon na gagamitin sa proyekto. Isama din ang
anupamang gamit sa proyekto na magmumula sa gobyerno o iba pang organisasyon.

Kadalasan, mas gusto ng mga donor na tapatan ang pondo o magbigay ng bahagi ng
kabuuang gastos kaysa sa magbigay ng kabuuang gastos. Dahil dito, makabubuti na ipakita mo
ang kabuuang gastos sa iyong aplikasyon at isaad kung may inaasahan kang iba pang donor.

16. Abstrak ("Executive Summary"):

Huling isulat ang bahaging ito. Ito ang bahaging binabasa ng potensyal na donor na
maaaring pagbasihan ng napakahalagang panimulang desisyon: kung seryoso bang pag-iisipan
ang pagtulong sa proyekto.

Hindi ito dapat isulat o pag-isipan hanggat hindi pa naisusulat ang mga nabanggit nang
bahagi. Iwasang sulatin ito bilang introduksiyon. Isaisip mong ito ay isang maikling buod o
konklusyon.

Ang pinakamabuting haba nito ay kalahating pahina; hindi ito dapat lumampas sa isang
pahina. Pag mahaba ito ay baka hindi na ito basahin o ikonsidera. Dapat lamang isaad ang mga
susing rekomendasyon; tandaan na ang magbabasa ng panukala ay mga abalang opisyal na
kailangang magbasa ng hanggang limampung panukala kung kaya't kadalasan ay ang "executive
summary" ng bawat panukala ang una nilang binabasa.

Kahit huli mong isusulat ang abstrak, ilalagay ito sa unahan pagkatapos ng pamagat at pag
natapos na ang pagsulat nito: . . .

Ipasa ang kopya ng panukala sa mga kasamahan para manghingi ng mga komento at suhestiyon.
Maging kritikal sa pagtingin sa panukala at maging handa kung kinakailangang baguhin at isulat
muli ito.

17. Ilang Huling Patnubay:

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 23


Ang mga proyektong mas malamang na mabigyan ng pondo ay ang mga proyektong
madaling matapos, maitataguyod ng komunidad, hindi kalakihan ang sakop, at may mababang
badyet na gagamitin para malunasan ang mga pinakamahalagang pangangailangan na kinilala ng
mga komunidad.

Kadalasan, ang mga panukala ay titignan kung paano ito makakadagdag sa mas malawak
at masusustinang kabuuang pagsulong ng nasabing lugar.

Ang aktibong partisipasyon ng kababaihan sa pagkilala, pagpapatupad o pagsasagawa at


pagsubaybay ng panukalang proyekto ay dapat itaguyod. Kailangang malinaw na isaad kung ilan
ang kababaihang kasali sa pagdisenyo at pagpapatupad, at ilan ang benepisyaryo.

Ang alin mang proyekto na bahagi ng mas malaki o mas mahabang plano ay dapat na
magsaad ng iba pang pagmumulan ng pondo ( mas mabuti kung mayroon nang natanggap) na
magpapatunay na tuluy-tuloy ang pagpapalakad ng proyekto.

Ang mga proyektong magsusulong sa komunidad, magtataguyod ng pag-asa sa sariling


sikap at maitataguyod ng komunidad ang mas malamang na makatanggap ng pondo. Ang
estimasyon kung kailan kakayanin ng komunidad na palakaring mag-isa ang proyekto ay dapat
isaad sa panukala.

Ang pagtatagumpay ng proyekto ay nangangailangan ng kooperasyon ng lahat ng


seksiyon ng tinatarget na komunidad. Dapat ay nadarama ng komunidad na "pag-aari" nila ang
proyekto (pati na ang mga apektadong lokal na residente at mga taong lumikas). Ibig sabihin,
dapat ay may mga naunang aktibidad ng " pagmomobilisa sa komunidad para sa pagsulong"
(community development mobilization), "pagbibigay sigla sa lipunan" (social animation) o iba
pang pagtataguyod ng partisipasyon ng komunidad sa pagdedesisyon tungkol sa panukalang
proyekto. Ang aktibong partisipasyon ng buong komunidad (lahat ng miyembro) sa pagkilala,
pagtasa at pagsasagawa ng proyekto ang kadalasang pangunahing hinahanap ng donor.

Ang mabuting proyekto ay dapat na maaaring ulitin o tularan. Kailangang maaari din
itong ipatupad sa ibang komunidad.

Napakahalaga ng pagtutuos ng pananalapi at pagkakaroon ng pananagutan.

Maaaring dahil sa ating pag-aalala sa kalagayan ng komunidad ay malimutan nating


isaalang-alang ang kanilang mga natatagong pagkukunang yaman.

Kasama rito ang kanilang mga kakayahan at kaalaman, mga materyal na bagay, gaya ng
kapital at mga gamit. Ang layunin ninyo bilang tagamobilisa at tagapagsanay ay itaguyod ang
proseso ng paglalabas ng mga natatatagong yamang ito at palakasin ang kanilang tiwala sa sarili
para hindi sila umasa sa iba.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 24


PORMULARYO NG PANUKALANG PROYEKTO

(The Project Proposal Form)

1. Proponent ng Proyekto (Project Proponent)


Isinulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng panukalang proyekto,
adres,
telepono o cellphone, e-mail at lagda

2. Pamagat ng Proyekto (Project Title)


Ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw

3. Kategorya ng Proyekto
(pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak, seminar/kumperensya,
pangaraling-aklat at/o malikhaing pagsulat)

4. Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed)

5. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale)


Isaad ang background, kahalagahan ng proyekto

6. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Projectr)


Ipaloob dito ang maikling deskripsyon ng proyekto, kategorya o uri nito. Dito rin
isasaad ang mga layunin (panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain.

7. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits)


Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng proyekto
PATNUBAY SA NILALAMAN NG TERMINAL REPORT

1. INTRODUKSYON

1.1. Rasyonal ng Proyekto


1.2. Layunin ng Proyekto
1.3. Deskripsyon ng Proyekto

2. AKTWAL NA IMPLEMENTASYON

2.1. Deskripsyon ng mga Gawain/Aktibidades


2.2. Deskripsyon ng Lugar na Pinagdausan

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 25


2.3. Profile ng mga Kalahok
2.4. Profile ng trainors/facilitators/speakers
2.5. Benepisyaryo: audience/kalahok

3. MGA KALAKIP (ANNEXES)

3.1. Mga Larawan na may deskripsyon (labels)


3.2. Talaan ng mga Kalahok
3.3. Talaan ng mga facilitators at resume
3.4. Kinalabasan ng Wokshop (kung mayroon)
3.5. Kopya ng programa/dahong pang-alaala (kung mayroon)
3.6. Kopya ng module/panayam (kung mayroon)
3.7. Kopya ng Talumpati/paper (kung mayroon)
3.8. Kopya ng press releases, write ups, atb.

Ang mga nakatala sa itaas ay mga pangunahing impormasyong dapat lamanin


ng terminal report. Maaari rin isama ang iba pang impormasyong may
kaugnayan sa proyekto.

Magsumite ng isang hardbound/softbound na kopya ng terminal report; may


sukat 8”x11” white bond paper.

Isulat sa Pabalat ang mga sumusunod: Pamagat ng Proyekto, Petsa ng


Implementasyon, Venue at Pinagkalooban (Grantee)

http://wika.pbworks.com/f/Pormularyo_Panukalang_Proyekto.pdf

Mungkahing Gawain:

1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa maliit na grupo lamang.


2. Mag-usap –usap o magplano tungkol sa maaaring maging panukalang proyekto
ng grupo.
3. Pagpapatibay ng napagkasunduang panukalang proyekto sa guro.
4. Pagsasagawa ng pinagtibay na paksa ng panukalang proyekto.

Pagtataya:

1. Pagsasagawa ng pasalitang pagsusulit tungkol sa ginawang panukalang proyekto.


2. Pagmamarka ng guro batay sa napagkasunduang batayan ng pagmamarka.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 26


3. Pagsusumite ng pinal na sipi sa tanggapan ng punung-guro.

Modyul III – Bionote


Laang Oras – 6 na oras
Panghikayat na Gawain:

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 27


1. Sa palagay ninyo kaya, bakit ang isang tao ay nagiging kilala, sikat o tanyag sa
lipunang kinabibilangan?
2. Tulad mo, ano ang maaaring pagkikilanlan sa iyo na tumatak sa isipan ng ibang
tao?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman

Ang bionote ay tungkol sa may-akda ng mga nakalimbag na babasahin na


pinagbabatayan ng mga karapatan sa paggawa ng sulatin. Patunay na kapani-paniwala
ang mga sinulat o akda na napalimbag sa pasulat na paraan ng pagpapahayag.
Mahalaga ang bionote sapagkat dito ang pangalan, tinapos ng may-akda o
digring natamo, paaralan o pamantasang pinagtapusan ng pag-aaral, organisasyong
kinabibilangan, bilang ng taon ng pagtuturo, mga aklat na nasulat, posisyong
kinabibilangan at mga kasama pang may-akda o katuwang na manunulat ng aklat.

Halimbawa:

DR. DEMETRIO B.
BAUTISTA
Nagtapos ng Bachelor of
Science in Industrial Education
(BSIE) sa Batangas State University
(BSU) noong Abril 6, 1999. Tinapos
din niya ang Master of Arts in Education na ang espesyalisasyon ay Pagtuturo ng
Filipino sa Batangas State University (BSU) noong ika-5 ng Abril, 2004.
Naging guro sa Filipino at tagapayo ng FILIPINO SARILING ATIN sa Batangas
State University sa unang distrito ng Batangas (Balayan at Calaca) noong taong 1999 –
2003.
Taong 2004 – 2006, si Dr. Demetrio B. Bautista ay nagturo ng Filipino at
Panitikan at naging tagapayo ng SAMAHANG FILIPINO (SF) sa Golden Gate Colleges,
Lunsod ng Batangas.
Siya ay nasa Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham (College of Education,
Arts and Sciences) at nagtuturo ng Filipino sa Lyceum of the Philippines University
mula taong 2005 – 2006 bilang part timer.
Taong 2006, naging full time na sa pagtututro ng Filipino at Panitikan at naging
gurong tagapayo ng Samahan ng Wikang Filipino (Filipino Club) ng LIMA Campus ng
Lyceum of the Philippines University.
Katuwang na manunulat ng Filipino 1 –Komunikasyon sa Akademikong Filipino,
2011 at Filipino 2 – Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, 2008 ng Grematima
Publishing House, Hiltop Kumintang Ibaba, Lunsod ng Batangas.
Nakapagsulat na rin ng kuwento, sanaysay at tula na ginamit bilang akdang
pampanitikan sa pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 28


Bilang dagdag na impormasyon sa may-akda, siya ay kasapi ng Pambansang
Samahan ng Lingguwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) s/p Philippine Normal
University at tinapos niya ang pag-aaral ng Doctor of Philosophy (Ph.D.) – medyor sa
Filipino sa Philippine Normal University Taft Avenue, Manila noong ika-02 ng Abril,
2014.

Paglalapat

Mungkahing Gawain:
Gumawa ng halimbawa ng bionote tungkol sa taong higit mong kilala..
Ipakita sa kapwa mag-aaral ang ginawang sulatin sa masusing pagwawasto at
hayaang bigyang ng kaukulang marka batay sa napagkasunduang pamantayan ng
pagmamarka tulad ng :
a. Bantas
b. Gamit ng malaking titik
c. Wastong gamit ng salita
d. Mardyin o palugit
e. Larawan ng taong iginawa ng bionote

Modyul IV - Kahulugan ng Talumpati


Laang Oras – 8 oras

Panghikayat na Gawain:
1. Nakakita ka nab a ng taong nagtatalumpati?
2. Ano ang iyong mapapansin sa taong nagtatalumpati batay sa nilalaman?
3. Anong okasyon kalimitang ginaganap ang pagtatalumpati ng isang tao?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman

Isang masigla at makulay na pasalitang pakikipagkomunikasyon ang


pagtatalumpati. Sa pagtatalumpati, kapag ang tagapagtalumpati ay nagbukas ng bibig

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 29


at naging matatas sa pagsasalita, ang paghanga ng mga tagapakinig ay nagkakaroon
ng kaganapan na gawin ang pakikinig ng may kahusayan. Ang pagtatalumpati ay ang
sining ng pagbigkas nang malinaw, kahika-hikayat, kaakit-akit at epektibong paraan ng
pagbigkas sa harap ng publiko tungkol sa mahahalagang paksa para maghatid ng mga
impormasyon.

Paksa ng Talumpati

Sa paksa ng talumpati, ayon sa tagapagtalumpati lahat ng paksa ay nagiging


bago sapagkat sa pamagitan ng pagpapakilos ng isip, sa pag-oorganisa ng mga ideya
ay nagiging mahalaga sa pandinig ng mga tagapakinig. Mahalagang talakayin ang mga
sumusunod na paksa.

1. Talumpati sa iba’t ibang uri ng okasyon tulad ng kasal, pagtatapos sa paaralan, kaarawan,
sa pangangampanya at iba pa.
2. Angkop sa personalidad, kawilihan at panahon ng mananalumpati.
3. Angkop sa edad, interes, gawain, libangan at karanasan ng tagapakinig.

Uri ng Talumpati

1. Biglaan. Walang paghahandang nagaganap. Ginagawa ito ng mga taong dalubhasa na sa


pagsasalita at nagtataglay ng maraming kaalaman sa alinmang paksa.

2. Maluwag. May panahon para makapag-isip sa paksang dapat talumpatiin na noon din
lamang ipinaalam malapit sa panahon ng pagtatalumpati.

3. Pinaghandaan. Ito ay sadyang pinaghandaan, may pag-aaral o pagsasaliksik na naganap


at pinagsumikapang pagsanayan upang mabigkas sa harap ng publiko.

Kailangan sa Mabisang Pagtatalumpati

May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagtatalumpati upang mahikayat


ang mga tagapakinig. Sa pagtatalumpati kailangang-kailangan ang mga sumusunod
upang maging malinaw ang lahat ng konseptong ipinahayag ng mananalumpati.

1. Kaalaman. Dapat taglayin ng tagapagsalita. Makapukaw ng interes ng mga


tagapakinig.May sapat na kaalaman sa paksang tinatalakay bunga ng ginawang
pagbasa, pakikinig at pagsasaliksik sa iba’t ibang paksa.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 30


2. Tiwala sa sarili. Walang takot o pangamba sa pagtatalumpati. Relaks ang
pakiramdam anumang oras ng pagsasalita. Mabilis kumilos ang pag-iisip upang
magkaroon ng tuluy-tuloy na kaisipan at magkaroon ng maliwanag na kahulugan ang
kanyang sinasabi.

3. Kasanayan. Ang kasanayang ito ay napakahalaga sapagkat nalilinang rito ang


kumpiyansa sa sarili.

4. May angking kasanayan. Natatamo ito sa pamamagita ng masusing pagbabasa at


pakikinig ng iba’t ibang talumpati.
5. May inters sa kapaligiran. Ang pagkalugod sa kanyang paligid. Nagbibigay ng lakas
at sigla sa paksang tatalakayin.

6. Palapatawang pakiramdam. Ang pagmamasid sa reaksyon ng madla sa mga


ipinahahayag ng tagapagtalumpati na kailangang maging sa ipinamamalas naa estilo
sa paraan ng pagsasalita.

7. Kumbersasyonal sa pagsasalita. May himig na nakikipag-usap upang kampihan ang


tagapagtalumpati at mapalagay ang loob ng tagapakinig.

Layunin sa Pagtatalumpati

Upang maging matagumpay sa pagtatalumpati kailangang isaalang –alang ang


mga sumusunod na layunin sa pagtatalumpati.

1. Nanghihikayat. Kailangang makumbinsi ang paniniwala o pananaw ng mga


tagapakinig o higit na maging kapani-paniwala upang maimpluwesyahan ang
damdamin at kaisipan ng mga tagapakinig. Ang mananalumpati ay kailangang
maging lohika sa paraan ng kanyang pagsasalita upang makuha ng tagapakinig ang
konsepto ng may pagkakasunud-sunod ang kaisipang nais ipabatid ng
tagapagtalumpati.

2. Nagbibigay ng malinaw na detalye o impormasyon. Ang pagsasalita sa harap ng


publiko sa pamamagitan ng pag-uulat, naglalahad, nagbibigay-kabuluhan at
nagpapakita ng kaganapan at dumaan sa mga hakbangin para sa hangaring
maunawaan at magbalik ala-ala mula sa pagbabahagi ng mga kaalaman ng mga
tagapagsalita.

3. Nagtataguyod ng pagkakaisa ng lipunan. Ang pagkakalapit –lapit ng damdamin ng


bawat tao ay nagbubunga ng pag-angat sa lipunan. Ang makapagdulot ng saya, ang

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 31


makapagbigay nang lugod sa bawat isa, ang magbigay nang interes na makiisa o
makisangkot sa tagapagsalita at tagapakinig ay layunin ng talumpating ito.

Dalawang Uri ng Kumpas sa Pagtatalumpati

Ang pagkumpas sa pagtatalumpati ay isa ring mayamang pinagmumulan ng


mensahe.
A. Kumpas na Kinaugalian

1. Kumpas na parang may itinuturo. Gamit ang hintuturo upang ipanturo sa mga
bagay, tao at anumang mayroon sa paligid na dapat ituro.

2. Kumpas na ang palad ay nakataob at ayos patulak. Ang kumpas na ito ay


nagsasaad ng pagtutol o pagtanggi sa kung ano ang isinasaad sa talumpati.

3. Kumpas na ang palad ay nakatihaya. Nagsasaad ng pagtanggap, pagsang-ayon o


pagpapahalaga.

4. Kumpas na ang kamay ay ayos pasuntok o nakakuyom. Nagsasaad ng matinding


emosyon tulad ng galit o masidhing damdamin.

5. Kumpas na parang may pagbubukod-bukod na nagaganap. Ang paghihiwalay sa


kilos ng mga kamay patungo sa dalawang magkaibang direksyon.

B. Kumpas na Parang may Inilalarawan.

Sa pamamagitan ng kumpas na ito, sa pagpapamalas o pagpapakita ng mga


larawan batay sa laki, hugis at galaw ng mga bagay-bagay. Nakatutulong ito sa
paglalarawan ng bawat bagay upang madaling maunawaan ang inilalarawan ng
nagtatalumpati.

Halimbawa ng Talumpati:

Wikang Filipino ang Wika ng Pambansang Kaunlaran: Ang Mabuting Binhi


Dr. Demetrio B. Bautista
Kenneth John I. Luna

Ang binhi ba ay mananatiling binhi na lamang? O ang binhi bang ito ay


mapagyayaman at mapakikinabangan ng maraming mamamayan? Marahil, nasa
ating mga kamay ang totoong kasagutan. Tulad ng isang binhi na aating ipinunla,

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 32


maging ang katangiang taglay nito dulot ng wastong pangangalaga at pag-aaruga
mula sa pagsibol hanggang sa patuloy na pagyabong nito ay makikita natin ang
ganap na pagbabago, ang pagbabagong hangad – ang pambansang kaunlaran.
Ang wika ay isang binhi. Ang wikang nagmula sa ating mga labi na wala ring
humpay sa patuloy na paghahangad ng pagbabago. Sa pamamagitan ng mga taong
gumagamit nito bilang mabisang kasangkapaan sa pagpapalaganap at pagtataguyod
ay lalago rin ang wikang Filipino na katulad ng isang binhi.
Nagsisilbing salamin ng lipunan at kaluluwa ng bansa ang wikang Filipino. May
iba’t ibang wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan sa kapuluan ng Perlas ng
Silangan. Ang wikang pambansa, ang wikang Filipino ay matibay na pundasyon ng
pagkatuto, pagkakaunawaan, pagkakakilanlan at pagkakaisa tungo sa kaunlarang
pang-ekonomiya, pangkultura, panlipunan at panteknolohiya.
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Sagisag ang wika at ang kultura ay
durungawan ng lipunan. Ang ugali’t isip ng tao, ang mga paniniwalang hinubog ng
wika, ang tradisyong kinamulatan o binuo na patuloy na isinasabuhay ay mga
patunay lamang na buhay ang kulturang Pilipino. Nagiging matatag at sibilisado ng
bawat lipunang ating kinabibilangan sa tulong ng mga taong doon ay naninirahan.
Layunin ng wika na maging kasangkapan upang maipamahagi ang kulturang
kinagisnan at mapagyaman sa paraan ng pakikipamuhay ng mga susunod pang
salinlahi. Sa bawat titik, salita at pangungusap na ating sinasambit ay hindi
mapapasubalian na malaki ang papel ng wika sa pagkatuto ng bawat mamamayan
para sa kaunlarang pangkultura.
Bunga naman ng karunungang pantao dulot ng edukasyong natamo gamit ang
wikan Filipino, natuto tayong iangat ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa. Sa
larangan ng pakikipagtalastasan, ang wika ay instrument upang ating ipahayag an
gating mga saloobin at kaisipan o ideya. Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na
maging propesyonal sa larangan ng pakikipagkalakalan, paglilingkod at pagpapatibay
sa mga kasunduang inilunsad ng pamamalaan sa larangang pampulitika,
komunikasyon, transportasyon, larangang pansakahan, paggawa ng mga pelikulang
Pilipino at edukasyon na siyang pundasyon tungo sa paglago ng ekonomiya ng
Pilipinas.

Saan mang bahagi ng kapuluan, hindi mawawalaa ang ugnaayaan ng tao at ng


lipunan. Ang pag-aaral sa ugali at wika ng taao ay nagdudulot ng pagkakabuklud-
buklod sa mgaa kolektibo o pangkat ng mga tao kahit na may pagkakaiba-iba aay
nabubuo pa rin ang wika ng pagkakaisa. Iiral lamang ito kung tayong lahat ay
magkakaroon ng positibong pananaw at mithiin tungo sa kaunlarang panlipunan.
Ang panghihiram ay bahagi na rin ng talasalitaang Filipino. Walang wika sa
daigdig ang hindi nanghiraba pang wika. Bilang patunay nito, hindi maitatangging
napalagay sa Saligang Batas ng Pilipinas ang konsepto ng panghihiram. Isang patibay

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 33


na lamang nito ay ang relasyon ng Ingles at Wikang Filipino gamit ang iba’t ibang
kagamitang pangkomunikasyon na patuloy na umusbong at tinatangkilik ng mga
mamamayang Pilipino. Ang kulturang pangkultura, pang-ekonomiya at panlipunan
ay nasasaklawan ng kaunlarang panteknolohiya dulot ng konsepto ng globalisasyon
sa isyu at kalakaran ng Wikang Filipino sa panahon ngayon.
Ang binhi ba ay mananatiling binhi na lamang o binhing pagyayamanin o
pakikinabangan? Ikaw ba ay mabuting binhing sisibol na magiging katulong sa
pagpapalago, pagpapalaganap at pagtataguyod ng Wikang Filipino para sa
Pambansang Kaunlaran?
Paglalapat:
Mungkahing Gawain:
Gumawa ng talumpati sa iba’t ibang uri ng okasyon.
Pagtataya:
1. Pipili ang guro sa tulong ng mga mag-aaral ng isang pinakamaayos at pinakamahusay na
talumpati batay sa ginawang pamantayan ng pagmamarka.
2. Pagpapabigkas ng talumpati sa bawat mag-aaral sa sunod na araw ng pagkikita.

Modyul V - Agenda / Katitikan ng Pagpupulong

AGENDA PARA SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA


Ika - 1:00 NG Hapon
Agosto 20,2014
Laang Oras – 8 oras

Panghikayat na Gawain:

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 34


1. Ano ang ibig sabihin ng agenda?
2. Sinu-sino ang mga taong sangkot sa paksa ng usapan?
3. Sino ang nagtatala ng mga paksang pinagtalakayan?
4. Ano ang kabutihang dulot ng pagtatala ng mga paksang pinagtalakayan?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman

I. PAG-APRUBA SA PROBISYONAL NA AGENDA

II. KATITIKAN NG NAKARAANG PAGPUPULONG (Apendiks A)

III. MGA PAKSANG TINALAKAY SA NAKARAANG PAGPUPULONG

IV. PAGPAPAKILALA SA MGA BAGONG MIYEMBRO NG KAPULUNGAN

V. ULAT MULA SA MGA PINUNO NG DEPARTAMENTO* / DEKANO

VI. PAG-APRUBA SA MGA PATIMPALAK SA G. at Bb. BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

VII. MGA PALIGSAHAN SA AKADEMIK NA GAWAIN

VIII. IBANG USAPIN

Paglalapat

Mungkahing Gawain:

1. Mgadala ng mga halimbawa ng aktwal na katitikan ng pagpupulong na naganap


sa inyong barangay.

2. Gumawa ng sariling halimbawa ng katitian ng pagpupulong

3. Suriin ang halimbawa ng katitikan ng pagpupulong na inyong dinala sa klase.

Pagtataya

1. Pagpapanood ng video clip batay sa katitikan ng pagpupulong.


2. Pagsusuri sa napanood na video.

Modyul VI - Posisyong Papel


Laang Oras – 6

Panghikayat na Gawain

1. Ano ang wika sa Pilipinas?


2. Ano ang naging batayan ng wikang Filipino?
3. Sinu-sino ang naging tagapagtanggol ng wikang Filipino?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 35


Ipagtanggol ang Tagumpay ng Wikang Filipino, Tutulan ang Pagbabalik ng Ingles Bilang
Pangunahing Wikang Panturo

Sentro ng Wikang Filipino Unibersidad ngPilipinas-Diliman. Mahigpit naming


tinututulan ang
isang peligrosong panukala na niluto at ihahain ng Kongreso laban sa wikang Filipino.
Kinonsolida nitong Setyembre 2005 ng Committee on Basic Education at Committee on Higher
Education ng Kongreso sa iisang panukalang batas ang kampanya upang tuluyang maipatupad
ang paggamit ng wikang Ingles bilang pangunahing wikang panturo sa batayan at mataas na
antas ng edukasyon – ang House Bill 4701.

Dahil dito higit pang pinagbuklod at pinalakas ng HB 4701 ang atake sa wikang Filipino.
Ipinag-uutos nito ang sapilitang paggamit ng wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa lahat
ng antas, sa lahat ng sabjek (maliban sa Filipino), at sa lahat ng oras sa bawat sulok ng paaralan
simula sa akademikong taon 2007-2008. Saklaw nito ang preschool, elementarya, hayskul, at
kolehiyo; at maging sa mga teknikal at bokasyunal na kurso. Nakalakip din sa panukala ang
paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng mga eksaminasyon para sa admisyon, akreditasyon at
akselarasyon ng mga paaralan.

Ang HB 4701 ay supling ng dalawang naunang hakbangin upang puksain ang wikang
Filipino. Una na rito ang HB 1652 nina Kongresman Jose R. Gullas at Edgardo R. Gullas na
naglalayong gawing Ingles ang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas simula unang baitang.
Sinundan ito ng atas ni Pangulong Gloria M. Arroyo, ang Executive Order 210 na naglalayong
palakasin ang Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit ng
Ingles bilang wikang panturo.

Kapag naisabatas ang HB 4701, ipapawalang-bisa nito ang Patakarang Bilingguwal ng


1987 na naglalayong pahusayin ang kasanayan sa Filipino at Ingles sa pamamagitan ng
pagtuturo ng dalawang wikang ito at sa paggamit ng mga ito bilang mga midyum ng pagtuturo
sa lahat ng antas. Bukod sa pagtutol, dapat labanan at biguin ang HB 4701.

Una, ito ay sukdulang paglabag at pagbaluktot ng probisyon sa wika ng Konstitusyon


1987. Ayon sa Artikulo 14 Seksiyon 6: “Sang-ayon sa mga probisyon ng batas at sa kung ano
ang nararapat ayon sa Kongreso, magsasagawa ng hakbang ang gobyerno upang masimulan at
maipagpatuloy ang paggamit sa Filipino bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pangedukasyon.”

Ngunit sa HB 4701, sa halip na ipagpatuloy ang nasimulan, winawakasan at pupuksain


nito ang wikang Filipino. Ikalawa, binabale-wala nito ang mga pag-aaral sa siyentipikong
batayan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Pinatutunayan ng mga pananaliksik sa bansa at

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 36


karanasan sa pandaigdigang pagsusulit (EDCOM Report 1998; Third International Math and
Science Study-TIMSS) na mas mabisa at mabilis na matuto ang bata ng pangalawang wika kung
matatag ang pundasyon niya sa unang wika. At kasunod nito, mas madaling matutuhan ng mag-
aaral ang iba pang aralin kapag itinuro ang mga ito gamit ang wikang alam niya. Sa madaling
salita, dapat patatagin muna ang kasanayan ng mag-aaral sa akademikong paggamit ng kaniyang
unang wika (wikang bernakular o Filipino) bago ituro ang pangalawang wika (Ingles).

At ikatlo, inililibing nito sa limot ang makasaysayang pagpupunyagi ng mga


makabayang Filipino mula kay Jose Rizal, Andres Bonifacio, Manuel L. Quezon at sa mga
delegadong masikhay na nagratipika ng mga probisyon sa Konstitusyon 1987 sa pagtatanghal ng
wikang pambansa. Ang pagbabalik ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo ay isang malinaw na
pagpapawalang-halaga sa dunong, pawis, panahon, at salaping isinakripisyo alang-alang sa
tagumpay ng wikang Filipino. Ang mga Kongresman at mismo ang Pangulong Arroyo ay
nangangalandakan na kailangang gawing mandatory ang Ingles upang maging “globally
competitive” at mapataas ang “English comprehension’ ng mga Filipino.

Ngunit sa likod ng mga retorikang ito ng globalisasyon, ang kampanya sa Ingles ay


lumilikha ng mga “world class citizen” na mapapabilang lamang sa hukbo ng domestic helpers,
call-center operators, mga guro, mga nars at doktor, at iba pang propesyunal na lumalabas ng
bansa. Sa halip na asikasuhin ng gobyerno ang ekonomiya, siyensya, at negosyo upang lumikha
ng oportunidad sa lokal na trabaho, ang pagtatamo ng “English proficiency” ay nakatuon sa
paglilingkod sa kapakanan ng dayuhan.

Hindi Ingles ang solusyon sa problema ng bayan. Matagal na nating ginagamit ang
wikang ito ngunit nanatili pa rin ang problema ng bansa sa ekonomiya at edukasyon. Ang tunay
na solusyon ay ang pagkakaroon ng isang gobyernong may matatag na kapasyahang political
upang iwaksi ang politika ng pakikipagkompromiso, pandaraya, at paninikluhod sa dayuhan.
Isang gobyernong may makabansa, siyentipiko at demokratikong programa sa
pagpapahusay ng sistema ng edukasyon. Sa halip na gumawa ng paraan upang itaguyod ang
pambansang wika, muling hinahati at pinagwawatak-watak ng administrasyong Arroyo ang
sambayanan. Inilalayo nito ang bukal at batis ng mabunying kaalaman na makakamit sa
paggamit ng kaniyang sariling wika tungo sa landas ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran.

Dapat nating pahigpitin ang pagkakaisa upang paghandaan ang nagbabantang unos sa
wikang Filipino. Iisa lamang ang direksyon na tinatahak ng HB 1652, EO 210, at HB 4701 : ang
pagbabago ng Konstitusyon o ang charter change. Kaya’t hindi nakapagtatakang ang mga
isponsor ng mga panukalang batas at atas laban sa wikang Filipino ang siyang ring mangunguna
sa pagwawasiwas ng tabak upang tuluyan nang pugutan ng ulo ang wikang Filipino
sa Konstitusyon.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 37


Bilang mga edukador, mananaliksik, mag-aaral, at mamamayang nagmamahal sa wika,
kultura, kasaysayan, at identidad ng Filipino kailangan nating magsama-sama hindi lamang sa
loob ng paaralan kundi maging sa lansangan upang lumahok sa malawakang pakikibaka ng
sambayanan. Ang atake sa wikang Filipino ay atake sa ating pagkabansa. Atake ito sa
kabuhayan, karapatan, at kapakanan ng sambayanan. Kapag minamaliit at ipinagkakait ang
wikang Filipino sa mamamayan, para na ring kinitil ang kanilang karapatan na mabuhay ng
malaya, marangal, at matalinong ipagmalaki ang kanilang pagka-Filipino. Ang pakikibaka ng
wikang Filipino ay hindi na lamang pakikibaka sa loob ng akademya. Ang suliraning pangwika
ay suliraning pambansa. Kung kaya’t kami sa Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng
Pilipinas ay nananawagan na TUTULAN, LABANAN, AT BIGUIN ANG HOUSE BILL
4701!!! IPAGTANGGOL ANG TAGUMPAY NG WIKANG FILIPINO!!! SULONG
WIKANG FILIPINO, SULONG SAMBAYANAN!!!

Paglalapat
Munkahing Gawain
1. Maglahad ng paraan ng iyong pagtutol sa wikang Ingles laban sa wikang Filipino.
2. Magmungkahi ng paraan ng iyong pagsang-ayon sa tagumpay ng wikang Filipino bilang
pangunahing wika sa Pilipinas.
Pagtataya
1. Pangkatin sa maliit na grupo ang mga mag-aaral at magkaroon ng debate hinggil sa
pananagumpay ng wikang Filipino laban sa wikang Ingles.
2. Pag-uulat ng naging resulta ng nasabing gawain.
Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
http://swf.upd.edu.ph

Modyul VII - Pictorial Essay


Laang Oras – 10 oras

Panghikayat na Gawain:
Magkakaroon ng laro na ang paksa ay may kaugnayan sa pamilya o isang
charade.

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman

Ang Pamilya

Una sa lahat, ang isang Pilipino ay bahagi ng kanyang pamilya.  Kahit siya ay
doktor, manunulat, siyentipiko, o ano pa man, nananatili siyang ama o anak,
pamangkin o apo, sa loob ng kanyang pamilya.  Dito ay iba ang kanyang katungkulan
at ang pagkakakilala sa kanya.  Sa lahat ng oras ay pangunahin sa kanya ang kanyang
tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.

Ang pinakaubod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang ama
ang pinakapuno ng pamilya.  Siya ang nasusunod at nagpapasya para sa pamilya.  Sa
kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at papag-aralin ang

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 38


mga miyembro ng kanyang pamilya.  Kaya siya ang nagtatrabaho at kumikita ng pera.  
Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata.   Siya ang
humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya. 
Ang mga anak naman ay may responsibilidad rin.  Sagutin nila ang mahusay na pag-
aaral at ang pagtulong sa bahay.

Kasama rin sa pag-aalala ng pamilya ang lolo at lola, ang mga kapatid ng ama
at ina, lalo na't ang mga ito'y nakababata.  Kadalasa'y sama-sama sa isang bahay ang
lolo at lola, ang ama at ina, at ang mga anak.  Kung minsa'y kapisan din ang wala pang
asawang kapatid ng ama o ina.  Kapag ganitong kumpleto ang pamilya'y tatlong salin-
lahi ang nakatira sa iisang bahay.   Tulung-tulong sila sa mga gawain at sa
paghahanap-buhay.

Masinsin ding inaalala ng pamilya ang bawat kaarawan at anibersaryo.  Sa mga


okasyong ito ay may mga salu-salo't pagtitipon.  Ang may kaarawan o may anibersaryo
ay binibigyan ng regalo.  Nagbabalitaan ang pamilya at ikinukuwento ang buhay-buhay
ng isa't-isa.  Gayun din ang buhay-buhay ng iba pang kamag-anak.  Sa ganitong
paraan, alam ng lahat ang halos lahat nang nangyayari sa iba pang pinsan o
pamangkin.  Masasabing tsismis ang ganitong pagbabalitaan subali't may mabuti itong
aspeto.  Kung may nangangailangan ng tulong ay nalalaman kaagad ng pamilya.

Ang pagtulong ay isang malaking bahagi ng samahan ng magkakamag-anak. 


Sa pananaw na ito, hindi maaring umangat nang nag-iisa ang isang tao.  Kailangan
niya ang tulong ng kaniyang pamilya --sapagkat lubhang mahirap ang buhay sa
mundo. 

Sa kabilang dako, ang taong may pag-aaruga sa kanyang pamilya ay


kinakasiyahan ng kapalaran.  Ganito halos ang nangyayari lalo na sa mga pamilya ng
dukha.  Nagtutulong-tulong ang mga nakababatang anak, ang ama at ina, upang
mapaaral ang pinakamatanda.  Pag nakatapos na ito, tungkulin naman niyang paaralin
ang kanyang mga kapatid.  Kung mag-aasawa man siya ay inaasahan na tutulong din
ang mapapangasawa niya.

May mabuti at masamang aspeto ang ganitong tradisyon sa Pilipinas.  Kung


minsan ay nagsasamantala ang ibang kamag-anak.  Sapagkat lagi silang may
matatakbuhan ay hindi sila natututong maging responsable sa kanilang buhay.  
Pangalawa'y nahihirapan ang isang Pilipino na makaabot sa kanyang mga layunin sa
buhay.  Mangyari'y dala-dala niya ang problema ng kanyang buong pamilya.

Sa kabilang dako, ang pagtutulungang ito marahil ang pinakamatibay na


sandata laban sa trahedya.  Ang mga naulilang mga bata ay may maaasahan.  At kahit
na mahirap ang isang pamilya'y nakararaos din kahit paano.   Ang pamilya rin ang
nagtataguyod ng mahuhusay na pagpapahalagang sosyal.   Itinataguyod nito ang

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 39


pagiging responsable, ang pagtutulungan, ang pagkakaisa at pagtatangi sa isa't-isa. 
Matibay din itong sanggalang laban sa tinatawag na "alienation" at iba pang
karamdaman ng isip at damdamin.

HINDI AKO NAGING DOKTOR

March 25, 2016§ · by ellamae§ · in Career§, Sanaysay§. ·


Bata pa lang, gusto ko nang maging doktor. Naiisip ko na noon kung ano ang
gagawin ko bilang doktor. Magkakaroon ako ng klinika, titingin ako ng pasyente,
magsusulat ng reseta. Ibabandila ko ang stethoscope ko at ipagmamalaki ang MD sa
dulo ng aking pangalan. Gusto kong maging doktor at gusto kong gawin ang mga
ginagawa ng doktor. At akala ko ‘yon lang ang gagawin ko buong med school.
Ngunit sa loob ng isa at kalahating linggo, hindi ako naging doktor.

Photo credit to Rio May Llanes


Sa isa at kalahating linggo ng pamamalagi at pakikisalamuha namin sa
komunidad, wala kaming ginawang katulad ng karaniwan naming ginagawa sa
paaralan. Hindi kami nag public health lecture, hindi kami tumingin ng mga pasyente, at
hindi man lang kami naglabas ngstethoscope.
Sa isa at kalahating linggo, natutunan kong hindi kailangang lagi kang doktor.
Kung akala nating ang history, P.E., pathophysiology, atmanagement lang ang
kailangan natin, doon tayo nagkakamali. Minsan, kailangan marunong tayong makipag-
usap sa ibang tao, gumawa ng imbitasyon, mangasiwa ng pagpupulong, magtiyaga sa
pag-iikot, at maraming-marami pang iba. Kailangan natin ‘tong gawin kasi minsan, hindi

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 40


doktor ang kailangan ng komunidad. Akala natin madali, pero minsan ‘yon pa ang
pinakamahirap gawin. At hindi ‘yon ginagawa dahil gusto lang natin o dahil sinabing
gawin natin. Kailangan ‘yong gawin dahil iyon ang kailangan nila, at sila ang dapat
mauna.
Hindi ito madaling tanggapin. Minsan kasi, mas madali talagang diktahan na
lang sila, sabihin  na lang ang dapat nilang gawin. Minsan nakauupos na ng pasensya
at pag-unawa. Minsan gusto mo na lang tumigil. Pero anumang hirap na pagdaanan
namin, sa ‘di malamang dahilan, ayaw ko ring sumuko. Ramdam kong kaya pa, may
magagawa pa, at hindi dapat sumuko. Kulang ang isa at kalahating linggo para
makagawa ng permanenteng pagbabago, pero natuto na akong matuwa sa mga maliliit
na tagumpay. Umaasa ako na unti-unti, mayroong nasisimulan at mayroong
patutunguhan.

Sa isa at kalahating linggo, hindi ako naging doktor, pero alam kong maraming-
marami akong natutunan. Natuto ako mula sa mga tagapayong hindi nagsawang
gabayan kami.

Natuto ako mula sa mga kagrupo kong hindi rin sumuko. Natuto ako mula sa
mga nakilala ko sa barangay, mga iba’t ibang tao na may samu’t saring karanasan at
ugali. Sa pamamagitan nilang lahat, natuto akong makisalamuha at makinig. Sa abot
ng aking makakaya, pipilitin kong hindi mawala ang mga natutunan kong ito, mga
bagay na gusto kong dalhin kahit hindi na ako mag-aaral, na dala-dala ko pa rin kapag
ganap na akong doktor.

Hindi ako naging doktor, at ayos lang ‘yon. Ayos lang ‘yon kung hindi naman
‘yon ang kailangan. Dahil kung tutuusin, hindi pagiging doktor ang mahalaga. Hindi ito
tungkol sa katalinuhan o sa katanyagan. Hindi ito tungkol sa kung ano ang mabibigay
natin sa kanila, o kung bakit dapat tayo ang pakinggan. Hindi tayo superhero at hindi
tayo diyos. At sa totoo lang, hindi naman ito tungkol sa atin. Hindi tayo ang
mauuna. Hindi tayo ang priority. Hindi tayo ang bida.
Magiging doktor din tayo balang-araw, ngunit dumating man ang araw na ‘yon,
huwag sana nating kalimutan kung ano ang mahalaga, kung sino ang mahalaga, at
kung bakit nga ba tayo naging doktor.

Paglalapat:

Munkahing Gawain:

1. Bumuo ng grupo ng mga mag-aaral na bubuo sa isang huwarang pamilya.

2. Magsagawa ng dayalogo na magpapakita ng obligasyon ng bawat kasapi ng


pamilya.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 41


Pagtataya:

Gumuhit ng larawan ng isang modelong pamilya at bigyan ito ng magandang


paliwanag gamit ang coupon band.

Pagpapapaskil ng larawan sa pisara para sa pagpili ng may pinakamagandang


guhit ng larawan ng pamilya na may magandang paliwanag sa likod na bahagi ng bond
paper.

MODYUL VIII - Lakbay Sanaysay


Laang Oras – 10 oras

Panghikayat na Gawain:

1. Sa inyong palagay , bakit nagkakaroon ng lakbay –aral sa mga lugar na may


kaugnyan sa asignatura sa mga paaralan.
2. Ano ang kahalagahan o kapakinabangang naidudulot nito?
3. Ano ang naging bunga o epekto nito sa iyong paraan ng pakikipamuhay?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman

Paglalakbay sa Rizal

Noong Agosto 20, 2011, naganap ang isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa
pag-aaral ko ng Rizal Course. Hindi kasi naging limitado sa mga libro, pagsusulit at diskusyong
nagaganap sa klase ang nasabing kurso, sa halip ay nagkaroon pa kami ng oportunidad na higit
na kilalanin si Rizal sa pamamagitan ng pagpunta sa mga lugar na makabuluhan sa kanyang
buhay.

Una kaming nagtungo sa Fort Bonifacio sa Maynila upang makita ang Rizal Shrine na
sumasalamin sa ikatlo o huling yugto ng buhay ng ating Pambansang Bayani – ang kanyang
misyon, layunin, martiryo at pagkamatay. Nakamamangha ang bawat tanawin sa nasabing lugar
(lalo na doon sa kanyang kulungan kung sa’n isang estatwang hinulma sa kaanyuan ni Rizal,
nakaupo’t nagsusulat sa gilid ng isang madilim na silid, ang mamamataan sa loob ng shrine)
ngunit di ko rin naiwasang malungkot habang napagmamasdan ang mga lulungang nasa ilalim
ng naturang lugar. Dito noon nakakulong ang mga indiyo’t walang awa silang hinahayaang
malunod sa malakas na buhos ng ulan, pinakakain na tila mga buwayang hinahagisan lamang ng
maipapansubo sa kumakalam na sikmura, at wala ring masilungan sa matinding tirik ng araw.
Dama ko ang pighati nila lalo pa’t isa ‘kong Pilipinong may paninindigan.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 42


Isa sa pinakasikat na tanawin sa Fort Bonifacio ay ang mga bakas ng paa (“footprints”)
ni Rizal na makikita sa pagpasok at paglabas sa nasabing lugar. Mahalaga para sa’king
matunghayan ang mga bakas ng paa niyang ito upang malaman ang landas na tinahak niya sa
pagtanggap at pagharap niya sa kamatayan.

Matapos puntahan ang huling yugtong ito ng buhay ng ating bayani, agad na kaming
nagtungo sa Laguna upang lubos na maunawaan ang buhay niya noong kanyang kabataan. Dito
kasi mamamataan ang Rizal Shrine na sumasalamin sa unang yugto ng kanyang buhay.
Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe mula Maynila, nakarating na kami sa bahay ni
Paciano, ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Rizal. Maganda, maaliwalas at tila bago ang
nasabing bahay. Puno ito ng mga litrato ng buong angkan nila. Natuklasan ko rin mula sa mga
litratong nakasabit sa dingding, na ang anak ni Paciano ay nakaisang-dibdib ng anak ni Narcisa.

Interesanteng malaman na hindi lamang pala si Rizal ang umibig sa kanyang pinsan, si
Leonor Rivera, kundi maging ang kaniyang mga pamangkin sa kanyang kuya Paciano at ate
Narcisa.

Sa pagtungo namin sa tahanan ni Paciano, nalaman ko rin na noo’y isang kubo lamang
ang bahay na ito. Sinimulan lang itong ayusin at patayuan ng animo’y isang “resort” o bahay-
bakasyunan sa gilid ng bahay, noong taong 2007. Ngunit gayunpaman, bakas pa rin ang mga
alaala ng kahapon mula sa ayos ng bahay maging sa mga litrato’t sapatos ni Paciano noong
hinirang siyang heneral, na ngayon ay gulanit-gulanit na.

Ilang minuto matapos naming makita ang bahay ni Paciano, dumiretso na kami sa bahay
ni Jose Rizal sa Calamba. Hindi ito ang unang beses kong napuntahan ang bahay na ito, ngunit
gaya ng dati’y mangha pa rin akong tila bago sa paningin ko ang lahat ng aking nakikita. Kahit
na sinong makapupunta sa bahay na ito’y masasabing mayaman ang pamilyang Mercado.
Malawak ang naturang bahay; hacienda kung ito’y matatawag. Sa labas nito’y isang malaking
hardin, kung sa’n nakalibing ang mga magulang ni Rizal na sina Don Francisco at Donya
Teodora. Sa pagpasok sa bahay ay isang grandeng hagdan ang sumalubong sa amin, paakyat sa
salas, kainan, kusina at asotea. May dalawang salas sa bahay ng pamilya – ang isa’y bukas para
sa mahahalagang bisita, na napagigitnaan ng dalawang kwarto. Sa gawing kanan ay ang kwarto
ng mga babae. Sa kaliwa naman ay ang kwarto ng mga lalaki, na konektado rin sa kwarto nila
Don Francisco at Donya Teodora.

Napalilibutan ng mga litrato’t memorabilia ang bawat silid o parte ng bahay. Bukod pa
sa mga alaalang ito, marami ring pagmamay-aring muwebles ang pamilya, pruweba na
miyembro sila ng principalia. Noong panahon kasi’y ganado sa pamimili ng mga muwbles o
kasangkapan sa bahay ang mga mayayaman.

Matapos naming ikutin ang buong bahay ni Rizal, nagtungo naman kami sa isang lugar
na noo’y akala ko’y sa telebisyon ko lamang makikita’t kailanman ay di ko mapupuntahan. Ito
ang lugar na noon pa lamang ay interesado na akong tuklasin – ang Watawat ng Lahi, isa lamang
sa napakaraming samahan ng mga Rizalista sa bansa. Bago namin tuluyan natungtong ang

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 43


nasabing lugar, kinailangan muna naming maglakad sa matarik na kalsada. Nakapapagod man,
hindi pa rin naalis ang aming pagkasabik na matunton ito. Isa lamang ako sa hindi na
makapaghintay pang makilala ang mga Rizalista. Napakarami kong nais malaman, napakarami
kong katanungan.

Sa pagpasok namin sa kanilang kapilya, isang bagay ang sumagi sa aking isipan, “Para
rin palang ordinaryong simbahan ang kanilang simbahan… ang kinaibahan lang ay wala silang
mga santo sa harapan, at sa halip na mga rebulto ang nakasabit sa dingding, ay malaki’t tila
higanteng kopya ng mga nobelang ‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ang nasa
magkabilang gilid ng altar.” Hindi agad nagsimula ang diskusyon dahil hinintay pa naming
dumating ang ilang nahuling mga estudyante. Pagkatapos ng halos isang oras na paghihintay at
pagpupuno sa kapilya, nagsimula na ang diskusyon. Batid kong posibleng pagmulan ng mainit
na diskurso ang magkakaibang opinyon o panayan sa relihiyon. Para maiwasan ito,
pinaalalahanan kami ng aming mga propesor na respetuhin sila at kami’y rerespetuhin din nila.

Nagsimula nang mangaral ang tagapagsalita ng samahan. Kapansin-pansin ang kanyang


talino sa paraan niya ng pagsasalita. Kakikitaan din siya ng pagkaagresibo sa mga salitang
kaniyang binibitiwan; mayroon siyang sapat na kaalaman sa kaniyang paniniwala at batid kong
hindi basta matitinag ang paniniwalang ito. Ayon sa kanya, hindi raw nila sinasamba bilang
diyos si Jose Rizal, sa halip ay tinitingala nila siya bilang kanilang guro. Ang Watawat ng Lahi,
aniya pa, ay hindi relihiyon kundi isang samahan, ngunit maaari ring sabihing kulto. Hindi ito
relihiyon sapagkat para maging relihiyon ang isang paniniwala, kailangan daw muna itong
dumaan sa dalawang katotohanan – una, mayroon silang iisang sinasambang kung tawagin ay
“Supreme Being”; ikalawa, mayroon silang sinusunod na kasulatan o biblia. Sa kasong ito,
tanging sa unang katotohanan lamang pasok ang naturang samahan, dahil wala naman daw
silang bibliyang pinanghahawakan kundi ang mga aral ni Jose Rizal.

Marami sa kanyang sinabi ay taliwas sa aking paniniwala ngunit gusto ko man siyang
salungatin, nanatili na lamang nakatikom ang aking bibig upang umiwas sa argumento at debate.
Isa rito ang kanyang nasambit patungkol sa pagkakaiba ng Diyos Ama ni Hesus at ng Diyos
Ama ni Rizal, at na nakahihigit ang nahuli sa nauna. Naniniwala raw silang ang Diyos Ama ni
Hesus ay iba sa Diyos Ama ni Rizal, sapagkat ang Diyos Ama ni Rizal ay perpekto at hindi
seloso, samantalang hindi raw perpekto at seloso pa ang Diyos Ama ni Hesus. Maliban sa
mabibigat na salitang kanyang binitiwan, masasabi kong sumasang-ayon ako sa pinaniniwalaan
nilang salita ni Rizal, “Sa pamamagitan ng edukasyon ay tatanggap ng liwanag ang Inang
bayan,” dahil ako man ay naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon para sa lahat.

Sa aking pagbiyahe pauwi sa’king bahay, baon-baon ko ang lahat ng mga karanasan ko
sa naganap na lakbay-aral. Ang mga karanasan kong ito ay habambuhay kong sasariwain at
babalikan. Napakasaya talagang pag-aralan at kilalanin si Rizal, at ibahagi ang kaniyang
kontribusyon at diwa ng nasyonalismo sa bawat Pilipino, sa loob at maging sa labas ng Pilipinas.

Paglalapat:

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 44


Munkahing Gawain:

1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo at pabunutin ang isang mag-aaral sa
bawat pangkat ng mga kasanayan sa pagsasalita sa loob ng limang minutong
pagsasagawa sa unahan ng silid-aralan tulad ng :

a. Masining na pagkukuwento

b. Pakikipanayam

c. Pagbabalita

d. Pagdedebate

e. Pangkatang talakayan

Pagtataya:

Pagmamarka ng nasabing gawain batay sa inihandang pamantayan sa pagmamarkang


inihanda ng guro.

Modyul IX - Replektibong Essay


Laang Oras – 4 na oras
Panghikayat na Gawain:

1. Paano isinasagawa ang pagbuo ng replektibong sanaysay?


2. Ano ang naging batayan ng paggawa ng replektibong sanaysay?
3. Anong paraan ng panghihikayat upang makabuo ng replektibong sanaysay?

Paglalahad ng Paksa / Nilalaman


Global Warming sa Pilipinas – (Sulating Pormal)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung


ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una
kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko
ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na
kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng


negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa
buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang
magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming
ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang
patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan
nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng
ozone layer n gating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer,
ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 45


kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa
kasalukuyang panahon.

Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang
mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere. 

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay


na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang
mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga
dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan.
Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng
ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga fossil fuels. 

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming.


Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung
hindi natin maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran. Marapat lamang na
hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang
kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at
malinis na kapaligiran. Huwag n asana tayong dumagdag pa sa mga taong
patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa Filipino.

Paglalapat:
Mungkahing Gawain:
1. Magbigay ng sariling reaksyon batay sa paksang tinalakay.
2. Maglahad ng sapat na kaalaman hinggil sa iyong ibinigay na reaksyon hinggil sa
paksa.
Pagtataya:

Pagmamarka ng nasabing gawain batay sa inihandang pamantayan sa


pagmamarkang inihanda ng guro.

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 46


Talasanggunian

Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo. 2000. Binagong Edisyon. National Book


Store. Mandaluyong City.

Austero, Cecilia S., et. al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. 2006. Unlad
Publishing House. Caloocan City.

Casanova, Arthur P. , Rubin, Ligaya T. 2001. Retorikang Pangkolehiyo. Rex Book


Store. Manila.

Tesis / Disertasyon

Bautista, Demetrio B. 2014. Ang Pagtuturo ng Filipino sa mga Ekstensyon Kampus


ng Pambansang Pamantasan ng Batangas. BSU – Lunsod ng Batangas.

Bautista, Demetrio B. 2014. Heograpikong Varayti ng Tagalog-Batangas ng mga


Guro at Mag-aaral sa Ilang Piling Lugar sa Batangas: Tungo sa Pagbuo ng Modelo sa
Pag-aaral ng Varayti ng Wika. PNU – Manila.

Elektronik Reperens

hptts:/www.scribd.com

fil.wikipilipino.org/index.php/sanaysay

sentrofilupd.edu.ph.

sanaysay-fil.blog.spot.com 2011/07

Lessons/PamilyangPinoy/ang_pamilya.htm
http://wika.pbworks.com/f/Pormularyo_Panukalang_Proyekto.pdf
https://ellathinksaloud.wordpress.com

MODYUL SA PILING LARANG-AKADEMIK 47

You might also like