Pagbasa 11 q3 Mod11 Pangangalap NG Datos at Pagbuo v3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

lOMoARcPSD|7918269

Pagbasa 11 Q3 Mod11 Pangangalap ng Datos at Pagbuo v3

Bachelor of Science in Accountancy (Bicol University)

StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)
lOMoARcPSD|7918269

Ikaapat na Kuwarter - Modyul 11:


Pangangalap ng Datos at
Pagbuo ng Unang Draft

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Kuwarter – Modyul 11: Pangangalap ng Datos at Pagbuo ng Unang
Draft Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,
Bonifacio N. Gegato Jr, Marben A. Oco
Tagasuri ng Nilalaman: Johanna Vanessa C. Obedencio
Tagasuri ng Lengguwahe: Mary Ann A. Maglangit, Russel Kerr E. Galarroza
Tagabalibasa: Louella Jean B. Mariano
Tagasuri : Aniceta T. Batallones
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Mga Tagaguhit: Perlito L. Lomongo
Naglayout: Jupiter B. Acosta
Mga Tagapamahala:
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Pangulo:Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Assistant Regional Director
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Rowena H. Para-on, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Kasapi:Neil A. Improgo, PhD,EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr.,PhD, EPS-
ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;
Kim Eric G. Lubguban, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

Ikaapat na Kuwarter - Modyul 11


Pangangalap ng Datos at
Pagbuo ng Unang Draft

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy


ng kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi
lamang ito sa serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng
asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para unawain ang
bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong
mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa


pagsusuri ng iba’t ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng
aralin at gawain na magkakanda sa iyo sa pagbuo ng makabuluhang
pananaliksik. Ang modyul na ito ay hinati sa iilang mga bahagi na may
magkatimbang na halaga sa pagkatuto.

Ito ay hinati sa mga sumusunod na bahagi:

Alamin – Sa bahaging ito nilalahad ang mga Kasanayang


Pampagkatuto na sisikapin nating matamo sa buong semestre.
Subukin – Dito susubukin ang lawak ng iyong kasalukuyang
kaalaman tungkol sa paksa.
Yugto ng Pagkatuto – Sa bahaging ito, matututunan mo ang araling
itinakda na hinati sa iilang mga bahagi gaya ng balikan, tuklasin, suriin,
pagyamanin, isaisip at isagawa.
Tayahin – Malalaman mo sa bahaging ito kung sadya bang
naunawaan mo ang bagong araling napag-aralan sa pamamagitan ng
pagtataya ng natamong kaalaman.
Karagdagang Gawain – Upang mas mapalawak at mapalawig pa ang
iyong kaalaman sa araling ito, isa pang gawain ang iyong kailangang
tapusin sa bahaging ito.

Lahat ng iyong mga kasagutan sa mga gawain ay isusulat mo sa


kalakip na Activity Sheets. Maaari kang gumamit ng dagdag na papel bilang
burador bago mo pinal na isulat sa Activity Sheets.

Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang


bunga ay matamis” kaya, hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong
paraan ng pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na
malulumbay o mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan
na ang iyong pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.

Halina’t matuto!

Mga May-akda

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

ALAMIN

Ang paggawa ng isang bagay ay madali, ngunit mayroong mga


pagkakataon na ito ay mahirap umpisahan. Kahit ang mga dalubhasa sa isang
partikular na larangan ay nahihirapang simulan ang kanilang gawain. Hindi
maibubukod sa mga gawaing ito ang pagsulat. Maraming pagkakataon na
inuumpisahan natin ang ating pagsusulat sa pagtitig lamang sa blangkong papel o
sa screen ng ating kompyuter ng ilang minuto. Ngunit huwag ipag-alala dahil sa
pagkakataong ito, gagabayan tayo ng modyul na ito ka kung paano uumpisahan
ang pagsulat lalo na ang pagsulat ng pananaliksik.

Hindi magiging ganap o buo ang gagawing pananaliksik kung walang datos
na tutulong sa pagbuo ng mga ideya. Tatalakayin din dito ang mga hanguan ng
datos na magiging batayan sa kridibilidad ng gagawing pananaliksik. Nagiging
makatotohanan ang isang teksto o sulatin kung ito ay nakabatay sa mga datos na
nakalap nang sa gayon madali itong matanggap ng mga mambabasa.

Makikita rin sa modyul na ito ang yugto ng pagkatuto na balikan,


tuklasin, suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas
ng modyul, may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago
matapos ang aralin upang mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran
(cognitive), pandamdamin (affective), at saykomotor (psychomotor).

Sa pagtatapos ng talakayan na ito, inaasahang makakamit mo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin at metodo ng pangangalap ng
datos at pagbuo ng draft. (FIIPU-IVef-91)

1. a. Naiaayos ang nakalap na datos para sa pagbuo ng burador at


presentasyon ng resulta sa pananaliksik.
1. b. Natutukoy ang mahalagang nilalaman ng pangangalap ng datos
at pagbuo ng unang draft ng sulating-pananaliksik.

2. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa


pagsulat ng isang pananaliksik. (F11WG- IVgh_ 92)

2.a Naisasagawa ang isang aktwual na pangangalap ng datos para sa


isusulat na pananaliksik.

3. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang


paksa. (F11EP – IVij - 38)

3.a. Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop


na pananaliksik.

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

SUBUKIN

PAUNANG PAGTATAYA

Tama o Mali. Isulat ang salitang ISPRIKITIK kung ang pahayag


ay tama at isulat naman ang ISPRITIKIK kung ang pahayag ay mali.

__________ 1. Lahat ng mga impormasyong mula sa internet ay maaaring


magamit.
__________ 2. Ang mga datos na nakalap ang magpapatibay sa gagawing
pananaliksik.
__________ 3. Ang pahayagan ay hanguang sekundaryo o pumapangalawa
lamang.
__________ 4. Magkaiba ang burador at draft.
__________ 5. Nahahati sa yugto ang pananaliksik sa silid-aklatan.
__________ 6. Nararapat na lagyan ng katibayan ang susulating teksto.
__________ 7. Ang burador ay patalata ang pagkasulat.
__________ 8. Ang pagtatanong ay makatutulong sa pagbuo ng pananaliksik.
__________ 9. Hanguang tersiyaryo ang saligang batas.
__________ 10. Hindi mahalaga ang balarila sa pagsulat ng burador.
__________ 11. Hanguang primarya ang sarbey.
__________ 12. Maaaring gamitin ang lahat ng impormasyon mula sa internet.
__________ 13. Mahalaga ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya na isusulat.
__________ 14. Ang diksyunaryo ay maaaring gawing datos.
__________ 15. Magagamit ang mga datos na nakalap sa pagbuo ng unang
burador.

PAALALA!

Bagong paksa, bagong kaalaman,


Kung may kahirapan man, ituloy pa rin
ang laban!
Sa dulo nito’y tiyak walang kabiguan.
Handa ka na ba? Tayo na’t matuto!

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

BALIKAN

Basahin at unawain ang bawat bahagi ng Konseptong Papel. Punan ang


mga blangkong kahon sa ibaba ayon sa hinihinging bahagi nito.

Paksa Impluwensiya ng Korean Boy Band sa Musika ng mga


Kabataang Pinoy
Rasyonale
Layunin Malalaman ang lawak ng impluwensiya ng Korean Boy
Band sa mga kinahiligang musika ng mga kabataang
Pinoy.
Metodolohiya
Inaasahang
Resulta

TUKLASIN

Basahin at intindihin ang halimbawa sa ibaba at gawin ang kasunod


na bilang. Punan ang mga patlang ayon sa mga hinihinging detalye.
Halimbawa:
Paksa: Covid 19

I. Mga Kukuning Detalye


a. Kailan ito nagsimulang kumalat?
b. Paano ito nakamamatay?

II. Pagkukunan ng Detalye


a. artikulo- pahayagan, magasin
b. libro
c. internet

Paksa: __________________________________

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

I. Mga Kukuning Detalye


a.________________________________________
b.________________________________________
II. Pagkukunan ng Detalye
a._______________________________________
b._______________________________________

SURIIN

ARALIN 1 - PANGANGALAP NG DATOS

Walang saysay ang isang pananaliksik kung wala itong sustansiya-


nilalaman, diwa, bigat at katatagan. Ang isang mahusay na pananaliksik ay
nakabatay sa ilalatag na mga datos. Kapag nakakuha ng datos at naihanay ito
sa maayos na paraan, hindi na maaaring pagdudahan ang nilalaman at
pamamaraan ng proseso sa pagbuo ng pananaliksik. Mahalagang bahagi ng
pananaliksik ang datos. Kung walang datos, walang susuriin o sasaliksikin.
Magiging madali ang paghahanap ng mananaliksik ng mga datos
kung mayroon siyang susunding gabay o guide. Makikita ang huwaran o
pattern ng kanyang gagawin at mapapadali pa ito. Makatutulong ang
balangkas na ito upang malaman kung ano lang ang hahanapin ng
manunulat.
Ayon kina Bernales, et al. (2009), may tatlong (3) yugto ng
pananaliksik sa silid-aklatan. Ito ay ang sumusunod:
Yugto 1: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming
at scanning ng mga aklat.
Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at
scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng sipi o
citation mula sa mga babasahin.
Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo,
kompyuter, printouts, at iba pang sanggunian.
Nakakatulong ang mga yugtong ito sa pagpapanatili ng kaayusan sa
pangangalap ng mga impormasyon sa gagawing pagsusulat. Maliban sa mga
aklat na nasa loob ng silid-aklatan, makabubuting sumangguni rin sa mga
magasin, dyaryo at iba pang babasahin (Bernales et al., 2009).

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos


Ayon kina Mosura, et al. (1999) sa Bernales, et al., (2012) ang mga
hanguang primarya (primary sources) ay:
• Mga indibidwal o awtoridad,
• Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon,
fraternity, katutubo o mga minorya, negosyo, samahan, simbahan at
pamahalaan,
• Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa,
sistemang legal at ekonomiks at iba pa, at
• Mga pampublikong sulatin o dokumento tulad ng konstitusyon, batas
kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan
sa korte, sulat, journal at talaarawan o diary.
Ang mga hanguang sekundaryo (secondary sources) naman ay:
• Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensiklopedya, taunang-ulat o
yearbook, almanak at atlas,
• Mga nalathalang artikulo sa dyornal, magasin, pahayagan at
newsletter,
• Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng feasibility, nailathala man ang
mga ito o hindi, at
• Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.
Maliban sa hanguang primarya at sekundaryo, may isa pang
mapagkukunan ng mga impormasyon o datos —ang hanguang elektroniko
o mas kilala sa tawag na internet
Mas angkop na gamitin sa pangangalap ng datos ang primaryang
datos sapagkat ang mananaliksik ay nakakukuha ng mga impormasyon
mula mismo sa mapagkakatiwalaang kinauukulan. Makatutulong din ito
upang magkaroon ng orihinal na impormasyon upang masabi na ang
pananaliksik ay mapagkakatiwalaan (Simbulan, 2008)
Mga Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos
1. Ang Survey ay isang pamamaraan o metodolohiya na magagamit sa pag-
unawa ng katotohanan bilang katibayan tungkol sa tiyak na sitwasyon.
Layunin ng survey na maglarawan, maglahad, magsalaysay, mangatuwiran
ng tiyak na bilang ng kasagutan na nasasakop na populasyon ng pag-aaral.
Hakbang sa Pagsasakatuparan ng Survey
• Pagtatakda ng layunin sa pagsasagawa ng survey
• Paggawa ng disenyo ng pananaliksik
• Paghahanda ng maaasahan at balidong instrumento sa pagsasagawa
ng survey
• Pagsasagawa ng aktuwal na survey
• Pagtatala at Pag-aanalisa
• Pagbabalita o pagpapahayag ng datos mula sa survey

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

Halimbawa ng talatanungan sa survey

Pangalan (opsiyonal): ______________________________


Panuto: lagyan ng tsek (/) ang angkop na impormasyon.
Kasarian:
____ babae _____ lalaki
Katayuan sa buhay:
____ mag-aaral
____ may trabaho
Edad:
____ 15-20 taong gulang
____ 21-25 taong gulang

2. Ang panayam o interview ay isang paraan ng pagtatanong upang


makakuha ng datos mula sa pakikipag-usap. Ito ay agad-agarang pagkuha
ng impormasyon sa taong kinakausap. Layunin ng panayam na makakuha
ng makabuluhang impormasyon sa kinakapanayam. Samakatuwid, malaki
ang gampanin ng epektibong pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan
upang mapagtagumpayan ang pamamaraang pakikipanayam.
3. Imersiyon, ito ay pakikihalubilo at pakikisangkot sa pagkuha ng datos
Madalas itong gawing paraan ng pangangalap sa disenyong qualitative.
Karaniwang ginagamit sa dokumentasyon upang mas maging buo at
komprehensibo ang datos. Nais makuha ng imersiyon ang layuning maipabatid
ang panlabas, panloob, ibabaw at ilalim na kuwento sa likod ng datos.
Naglalaan ng matagal na panahon ang mananaliksik sa pamamagitan ng
pakikipamuhay sa komunidad na pagkukunan ng datos. Isinasabuhay ng
mananaliksik ang karanasang ginagawa ng mga pagkukunan ng datos. Sa
ganitong paraan mas nararamdaman ng mananaliksik ang mismong
pakiramdam ng kinunan niya ng datos kaya’t naipapahayag niya ang mas
malalim na interpretasyon sa paksang pinag-aaralan.

TANDAAN!
Hindi lahat ng mga impormasyong mula sa internet ay
tama. Mayroong mga impormasyon na hindi dumaan sa
pagwawasto. Ang mga manunulat sa internet ay malayang
sumulat kahit hindi nakikita ang kamalian o kakulangan
ng kanilang naisulat. Para sa dagdag na kaalaman hinggil
sa paksang ito maaaring tingnan ang kasunod na link
https://www.slideshare.net/aliciamargaretjavelosa/pangangalap-ng-
datos-filipino

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

Sagutin ang sumusunod na katanungan. Ibigay ang hinihinging


tamang sagot sa bawat bilang. Piliin ang mga sagot sa mg pagpipiliang
nasa loob ng panaklong.

1. Ang mga (datos, survey, panayam) ay maaaring nanggaling sa


hanguang primarya, sekundarya o elektroniko.
2. Anong yugto na may pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing,
skimming at scanning ng mga aklat? (yugto 1, yugto 2, yugto 3)
3. Ito ay mapagkunan ng impormasyon maliban sa hanguang
primarya at sekundarya. (elektroniko, survey, panayam)
4. Mas angkop gamitin sa pangangalap ng datos ang hanguang
(eketroniko, primarya, sekondarya).
5. Ang mga tesis at disertasyon ay halimbawa ng hanguang (primarya,
sekundarya, elektroniko).
6. Ang (survey, imersiyon, pakipanayam) ay isang paraan ng
pagtatanong upang makakakuha ng datos mula mismo sa taong
kinakausap.
7. Ang pamamaraang ito ng pagkuha ng datos ay sa pamamagitan ng
pakikihalubilo at pakikisangkot sa pamumuhay ng taong nais
pagkunan ng datos. (survey, imersiyon, pakipanayam)
8. Gaano kahalaga ang kawastuan ng mga datos na nakalap?
Ipaliwanag ang sagot.

Mula sa pangangalap ng datos, maging handa ka na


sa pagsisimula ng pagsulat ng iyong pananaliksik.
Kung papano alamin natin sa sumunod na aralin.

ARALIN 2 - PAGSULAT NG UNANG BURADOR

Ang Burador o draft ay ang tentatibong kabuuan ng papel, isa ito


sa unang hakbang para sa aktuwal at mekanikal na pagsulat ng
panimulang bahagi ng pananaliksik at nabubuo ang mga datos sa
pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay nito.
Ang tatlong (3) bahagi ng teksto ay kinabibilangan ng: panimula
(kaligiran at ang suliranin), katawan (nakapaloob dito ang mga impormasyon
na magpapatibay o magpapaliwanag ng iyong paksa at pinakamahaba na
bahagi), at wakas (ang buod ng teksto at konklusyon o resulta).

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

Ayon kina Bernales, at al. (2012), ang hakbang na ito ang


nakaaaliw at nakapapagod na bahagi. Pagkatapos ng mga paghahanda
bago sumulat, dito masusukat ang iyong kasanayan sa pagsusulat. May
mga simpleng gabay upang mabuo ang ninanais na teksto:
• Magsimula sa isang paksang pangungusap. Simulan sa paksang
pangungusap ang iyong unang talata. Mainam na sumusuporta sa paksang
pangungusap ang bubuo sa unang bahagi ng unang talata.
• Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan.
Nararapat na maipresenta ang mga tiyak na detalye— tulad halimbawa ng
pangangatuwiran, ebidensya at mga halimbawa sa iyong teksto upang
maging kapani-paniwala at makahikayat ng mga mambabasa.
• Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Obserbahan
ang pagkakaugnay- ugnay ng mga ideyang ipinasok. Dapat isaisip nang
mabuti upang hindi maguluhan ang mga mambabasa sa tekstong binabasa.
• Isulat nang malinaw o error-free ang pangungusap. Hindi dapat
ipagwalang-bahala ang mga tamang estruktura o kaayusan ng gramatika o
maging simpleng paggamit ng mga bantas. Hangga’t maaari ay error- free
ang kabuuan ng ating teksto.
Wika rin nina Brandil, et al., (2016), ang mga sumusunod ay
dapat na isaalang-alang sa pagbuo ng burador.
• Magbalangkas sa paraang konseptuwal, pangungusap, patalata, o biswal
na paraan gamit ang grapikong pantulong.
• Ayusin o ihanay ang pangunahing ideya patungo sa mga tiyak na ideya o
konsepto,
posibleng gumawa ng sariling pananda o highlighter upang matukoy ang
dibisyon ng mga konsepto.
• Gumamit ng akmang salita batay sa hinihingi ng akademikong sulatin o
pananaliksik. Maikli, malinaw, pormal, at intelektuwal na wikang gamitin.

TANDAAN!

Ito ay burador pa lamang, unang subok sa pagsulat pagkatapos ng mahabang


pangangalap ng datos. Lawakan ang isip sa maaaring pagbabagong magaganap,
na hindi nabanggit sa balangkas at konseptong papel na una nating ginawa.

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

Sagutin ang sumusunod na katanungan. Ibigay ang hinihinging


tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay ang tentatibong kabuuan ng pananaliksik, unang


hakbang sa pagsulat . ____________________
2. Nakapaloob sa bahaging ito ang kaligiran at suliranin ng
pananaliksik. ______________________
3. Tandaang ang unang talata ay magtataglay ng _____________ at
ang mga detalye na susuporta nito.
4. Linisin ang pagkasulat batay ang tamang gamit ng mga salita
at gramatika, hangga’t maari gawin itong ____________.
5. Ayusin ang pagkakalahad ng mga ideya, kung maaari gumawa
ng mga ___________upang matukoy ang dibisyon ng mga
konsepto.
6. Isaalang ang kaayusan ng istrkatura ng burador sa
pamamagitan ng paggamit ng ____________, ito man ay sa
paraang konseptuwal, pangungusap, patalata, o biswal na
paraan gamit ang grapikong pantulong.

PAGYAMANIN

I. Tukuyin kung anong uri ng hanguan ng datos napabibilang ang


mga sumusunod. Isulat ang A kung ito ay Hanguang Primarya, B
naman kung ito ay Hanguang Sekundarya, at C kung ito ay
Elektroniko.

_____ 1. Interbyu sa isang saksi o witness sa banggaan ng motorsiklo


at jip.
_____ 2. Tesis bilang hanguan
_____ 3. Sarbey kung sino ang sang-ayon sa same-sex marriage.
_____ 4. Programang Sineskwela
_____ 5. www.google.com
_____ 6.Dokumentaryo ng mga reporter o mamamahayag.
_____ 7. Department Order 58 s. 2017
_____ 8. Manila Bulletin
_____ 9. Tulang Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus
_____ 10.1987 Philippine Constitution
_____ 11. Freebasic.com
_____ 12. Youtube
_____ 13. Liham
_____ 14. Libro
_____ 15. Magasin

10

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

II. Ayusin mo ang mga ito batay sa tamang pagkakaayos batay sa


bahaging panimula, katawan at wakas hanggang mabuo mo ang
teksto. Isulat ang iyong sagot sa espasyong inilaan sa ibaba.

ORDER LEPIDOPTERA ( PARUPARO AT GAMUGAMO)


Ni Lilian A. De Las Llagas
Order Lepidoptera (Paruparo at Gamugamo) na nasa Entomolohiya
Medikal, Sentro ng Wikang Filipino, 1998)

Sumasailalim sa apat na yugto ng buhay ang mga ito: itlog, larva,


pupa, at tigulang. Haba at bilugan ang higad (larva) ng mga ito. Buong-buo
na ang ulo, may tatlong pares ng paa sa dibdib at limang pares sa tiyan,
maliit at malaman ang tatlong pares ng paa ng mga ito sa dibdib at may
maliit na pangkawit sa dulo. Nasa gilid ng ulo ang maliit na pares ng mata
ng mga ito.
Nabibilang ang mga paruparo at gamugamo sa grupo ng Lepidoptera.
Umaabot sa 5,000 ang mga ito sa Pilipinas. May apat na malapad, malaki at
makaliskis na pakpak ang mga ito. Ginagamit ng tigulang ang bibig sa
pagnguya at makikita ito sa ilalim ng labi kung hindi ginagamit. Sa kabilang
dako, mahaba at payat ang sungot ng larva nito. Mayroon ding iba’t ibang
hugis ang mga ito: mala-brotsa, mala-golf club, at hugis palu-palo.
Kabilang sa mga kilalang species ng Lepidoptera ang mga tussock moth
(lymantriidae) flannel moth (melagolidae) at garden tiger moth (actidae).

PANIMULA
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

KATAWAN
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

WAKAS
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

11

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

ISAISIP

Madali ang gumawa ng istorya ngunit sa


panahon ngayon na kailangan ang pananaliksik
mahirap mangumbinse kung wala kang mga
impormasyon o datos na magiging batayan o
patunay. Kagaya ng pag-ibig mahirap paniwalaan
kung hindi isinasakilos ang nararamdaman.
Hindi madali ang pangangalap ng datos
dahil dadaan ito sa proseso. Pagdadaanan nito ang
tatlong (3) yugto upang makilatis ang impormasyong
gagamitin sa pagsulat lalo na sa pananaliksik.
Kinakailangang sundin ang mga balangkas na
gagabay upang maging sistematiko ang gagawing
sulatin o teksto. Kasama sa pagkilatis ang pagtukoy
sa bawat datos na kakailanganin kung ito ba ay
primarya o sekundaryo.
Kung nahihirapan kang magsulat, sa
umpisa lang yan. Kapag naumpisahan mo na ang
pagsulat, magiging tuloy-tuloy na ito. Kung handa ka
ng sumulat dahil marami ka ng baong mga
impormasyon, hindi ka mahihirapan na bumuo ng
ideya na magiging sentro ng iyong teksto. Ang
paksang pangungusap at mga katibayan nito ay
makatutulong na makabuo ng makabuluhang
sulatin. Huwag isiping baka magkamali dahil normal
lamang ito.

12

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

ISAGAWA

A. Tingnang mabuti ang talahanayan. Isulat ang angkop na datos na


kailangan ng paksa ayon sa uri ng hanguan. Sa huling bilang,
punan mo ng sarili mong paksa. Ang unang bilang ay ginawang
halimbawa.

Paksa Hanguang Hanguang Paraan ng


Primarya Sekundaryo Pangangalap
(Survey, Panayam,
Imersiyon)
1. Eleksyon
Artikulo o
Kandidato sa Panayam at Survey
Balita
Eleksyon
2. Problema
sa Kalikasan
3. Adiksyon sa
Social Media
4. Makabagong
Teknolohiya
5. Bullying

6. Depresyon sa
mga Kabataan
7. Sanhi ng
Broken Family
8. Epekto ng
Online Game
sa Pag-aaral
9. Impluwensiya
ng KDrama
10.

13

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

B. Mula sa iyong napiling paksa sa nakaraang talakayan, umpisahan


na
ang paggawa ng burador.

(Paksa)_____________________________________

A. Panimula
____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

B. Katawan

___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

C. Wakas
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

14

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


Kohirens. Kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya.
1 2 3 4 5 6
6- Lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t isa.
5- Halos lahat ng mga ideya ay magkakaugnay sa isa’t-isa.
4- Maraming mga ideya ang magkakaugnay sa isa’t isa.
3- Maraming ideya ang hindi magkakaugnay sa isa’t isa.
2- Iilan lang ang mga ideya na magkaugnay sa isa’t isa.
1- Walang magkakaugnay na mga ideya.
Kaisahan. Malinaw na magkaugnay sa isa’t isa ang ideya.
1 2 3 4 5 6
6- Lahat ng mga ideya ay may kaisahan.
5- Halos lahat ng ideya ay may kisahan.
4-Maraming ideya ang may kaisahan.
3-Maraming ideya ang walang kaisahan.
2- Iilan lang ang ideya ang may kaisahan.
1- Walang kaisahan ang mga ideya.
Empasis. Naka-highlight o nabigyang-diin ang mahahalagang punto.
1 2 3 4 5 6
6- Nabigyang-diin ang lahat ng punto.
5-Nabigyang-diin ang halos lahat na punto.
4-Nabigyang-diin ang maraming punto.
3- Maraming hindi nabigyang-diin na mga punto.
2-Iilan lang ang nabigyang-diin na mga punto.
1-Walang nabigyang-diin na mga punto.
Kasapatan. Sapat ang materyal- halimbawa, detalye, paliwanag at mga
ebidensya/datos.
1 2 3 4 5 6
6-Sapat ang materyal.
5-Halos sapat ang materyal.
4-Maraming sapat ang materyal.
3- Maraming hindi sapat na materyal.
2- Iilan lang ang materyal.
1- walang materyal
Kasanayan sa Pangungusap. Wastong gamit ng balarila gaya ng bantas, baybay
at maging pormat na ibinigay ng guro at aspekto ng pandiwa.
1 2 3 4 5 6
6- Wasto ang lahat ang pagkagamit ng balarila.
5-Halos wasto lahat ang pagkagamit ng balarila.
4-Maraming wasto na pagkagamit ng balarila
3-Maraming hindi wasto na pagkagamit ng balarila
2-Iilan lang ang wasto na pagkagamit ng balarila.
1-Walang wasto na pagkagamit ng
balarila Puntos ___________________

15

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

TAYAHIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Tama o mali. Isulat ang iiiciiiii kung ang pahayag ay tama at


isulat naman ang iiiciiii kung ang pahayag ay mali.

__________ 1. Lahat ng mga impormasyon mula sa internet ay maaaring


magamit.
__________ 2. Ang datos na nakalap ang magpapatibay sa gagawing
pananaliksik.
__________ 3. Ang pahayagan ay hanguang sekundarya.
__________ 4. Magkaiba ang burador at draft.
__________ 5. Nahahati sa yugto ang pananaliksik sa silid-aklatan.
__________ 6. Nararapat na lagyan ng katibayan ang susulating teksto.
__________ 7. Ang burador ay patalata.
__________ 8. Ang pagtatanong ay makatutulong sa pagbuo ng pananaliksik.
__________ 9. Hangunag tersyarya ang saligang batas.
__________ 10. Hindi mahalaga ang gramar sa pagsulat ng burador.
__________ 11. Hanguang primarya ang sarbey.
__________ 12. Maaaring gamitin ang lahat ng impormasyon mula sa internet.
__________ 13. Mahalaga ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya na isusulat.
__________ 14. Ang diksyunaryo ay maaaring gawing datos.
__________ 15. Magagamit ang mga datos na nakalap sa pagbuo ng unang
burador.

KARAGDAGANG GAWAIN

Mag-iisip ng isang paksa. Mula sa naisip na paksa, mangalap ka ng


mga datos o impormasyon sa paligid na susuporta rito. Pumili ng mga
datos na maiibigan. Nasa sa iyo na ang pagdedesisyon kung ilan ang
gagamitin mo. Pagkatapos nito, sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Bakit mo napili ang mga datos na ito?
2. Paano kaya ito makatutulong sa iyong gagawing sulatin o teksto?
3. Bakit mahalaga ang pangangalap ng mga datos kung ikaw ay
magsusulat ng isang pananaliksik?

Natapos mo na rin ang modyul na ito.


Inaasahan ko ang iyong lubos na
pagkatuto. Binabati kita sa ipinamalas
mong kagalingan!

16

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

SUSI NG PAGWAWASTO

.15ISPRIKITIK
.14ISPRIKITIK
.13ISPRIKITIK .15 Sekundarya
.12ISPRITIKIK .14 Sekundarya
.11ISPRIKITIK .13 Sekundarya
.10ISPRITIKIK .12 Sekundarya
ISPRITIKIK .9 .11 Sekundarya
ISPRITIKIK .8 .10 Sekundarya
ISPRITIKIK .7 .9 Sekundarya
ISPRIKITIK .6 .8 Sekundarya
ISPRIKITIK .5 .7 Sekundarya
ISPRIKITIK .4 .6 Sekundarya
ISPRIKITIK .3 .5 Sekundarya
ISPRITIKIK .2 .4 Sekundarya
ISPRIKITIK .3 .3 Primarya
ISPRIKITIK .2 .2 Sekundarya
ISPRITIKIK .1 .1 Primarya

Pagtataya A
Panimulang Pagyamanin

.15 iiiciiiii .6 balangkas


.14 Iiiciiiii .5 palatandaan
.13 iiiciiiii .4 error-free
.12 iiiciiii .3 pamaksang pangungusap
.11 iiiciiiii
.2 panimula
iiiciiii.10
.1 burador
iiiciiii .9
iiiciiiii .8 Aralin 2
iiiciiiii .7
iiiciiiii .6
iiiciiiii .5 .8 sariling sagot ng mga bata
.7 imersiyon
iiiciiii .4
iiiciiiii .3 .6 pakipanayam
iiiciiiii .2 sekundarya.5
iiiciiii .1 primarya.4
.3 elektroniko
Tayahin yugto.2 1
.1 datos

Suriin

17

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

TALASANGGUNIAN

AKLAT
Altes, J. A. et al. Kognitibong Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa
Akademikong Pananaliksik. Davao City: Blue Patriarch Publishing House, 2015
Bandril, L.T. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group, 2016

Bernales, R. A. et al. Pagbasa, Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik: Batayan


at Sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2012

Bernales, R. A. et al. Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang- Aklat sa Filipino


2, Antas- Tersyarya. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2009

Bernales, R. A. et al. Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon City: Mutya


Publishing House, Inc., 2009

Bernardino, E. C. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa


Pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2016

Garcia, T. P. et al. Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon


City: Mutya Publishing House, Inc., 2008

WEBSITE

https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2019%20Pagsulat%20ng
%20Burador.pdf

https://www.slideshare.net/NicoleGala/kabanata-1-sa-pananaliksik-suliranin-at-
kaligiran
https://www.academia.edu/30277619/PANGANGALAP_NG_DATOS_new

18

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)


lOMoARcPSD|7918269

For inquires or feedback, please write or call:


Department of Education – (Bureau/Office)
(Office Address)
Telefax:
Email Address

Downloaded by Ann Ganda (annganda@gmail.com)

You might also like