Professional Documents
Culture Documents
Pamamahayag 6 - Pagsulat NG Espesyal Na Balita-Pakikipanayam o Interbyu, Katuturan, Pagsasagawa NG Interbyu - Krisel
Pamamahayag 6 - Pagsulat NG Espesyal Na Balita-Pakikipanayam o Interbyu, Katuturan, Pagsasagawa NG Interbyu - Krisel
URI NG PAKIKIPANAYAM
1. Pakikipanayam tungkol sa Opinion
- Ang tao ay kinakapanayam dahil sa siya ay awtoridad o may kaalaman sa isang bagay.
- Isinasagawa ito upang makakuha ng komentaryo o opinion sa mga taong kilala at may
awtoridad.
2. Pakikipanayam tungkol sa Personalidad
- Ang personalidad ng isang tao ay ang nagiging batayan at hindi dahil sa kanyang kuru-kuro.
- Ang pakikipanayam sa isang sikat na tao na may kinalaman sa kanyang pagkatao ay
magiging kawili-wili sa mga mambabasa.
3. Biograpikal
- Pakikipanayam tungkol sa talambuhay ng isang tao.
4. Pagsasama ng Tatlong uri ng Pakikipanayam o Exclusive Interview
- Ang kinakapanayam lamang ang naroroon at maraming mamamahayag ang nagtatanong sa
kanya tulad ng pangulo ng bansa o sa isang tanyag na tao.
IBA PANG URI
1. PORMAL
- Kung ang mamamahayag ay gumagawa ng pakikipagtipon sa taong kakapanayamin.
- Ang sesyon ng sagot-tanong ay may kapaligirang pormal.
2. DI- PORMAL
- Kung ang sesyon ng tanong at sagot ay payak.
- Ang mamamahayag ay hindi gumagawa ng pakikipagtipon sa taong kakapanayamin.