Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

4

EPP-ICT
Kwarter 0 – Modyul 7:
Email Email Paano ka Gawin
at Ipadala.
(Nakakagawa ng email-address at
nakapagpapadala ng email)
EPP-ICT Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 0 – Modyul 7 Email Email Paano ka Gawin at Ipadala. (Nakakagawa ng
email-address at nakapagpapadala ng email)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marivic B. Abawag
Editor: Jelly M. Flores
Tagasuri: Filip P. Cañas
Tagaguhit: Fatima Preciousa T. Cabug
Tagalapat: Fatima Preciousa T. Cabug, Antonio L. Morada
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad - Regional Director, DepEd Region V
Francisco B. Bulalacao Jr. - CLMD Chief, DepEd Region V
Grace U. Rabelas - Regional EPS In-Charge of LRMS, Region V
Ma. Leilani R. Lorico - Regional ADM Coordinator, DepEd Region V
Lita T. Mijares - CID Chief, DepEd, Division of Camarines Sur
Salvador T. Pelingon, Division EPS In- Charge of LRMS
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V


Office Address: _____________________________________________
_____________________________________________
Telefax: _____________________________________________

E-mail Address: _____________________________________________


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP-ICT sa ika-apat na baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Email Email Paano ka
Gawin at Ipadala (Nakakagawa ng email-address at nakapagpapadala ng email).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa EPP-ICT 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Email Email Paano ka Gawin at Ipadala (Nakakagawa ng email-address
at nakapagpapadala ng email).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay inaasahang matutunan ang mga


sumusunod:
• nabibigyang-kahulugan ang email;
• nakagagawa ng sariling email account o address gamit
ang internet; at
• nakapagpapadala ng mensahe gamit ang sariling email
account o address.

1
Subukin

Kaya Mo na Ba?

A. Subukan natin kung kaya mo na ang sumusunod na


kaalaman at kasanayan. Lagyan mo ng tsek (/) ang hanay ng
thumbs up na icon kung taglay mo na at ekis (x) ang thumbs
down icon kung hindi pa.

Kasanayan sa Email

1. Pagkakaroon ng email account o address


2. Paggawa ng sariling email account o
address
3. Pagbubukas ng sariling email
4. Pagbasa ng mga mensahe sa sariling email
5. Paggawa ng mga mensahe gamit ang email
at pagpapadala nito sa kinauukulan

B. Isulat ang salitang tinutukoy sa bawat pangungusap sa


pamamagitan ng pagsulat ng nawawalang titik upang mabuo ang
salita.
1. Ito ang hinihinging pangalan tuwing ikaw ay gagamit ng
email.

u s r a e

2
2. Para sa salitang government.
. g v

3. Ito ang kumakatawan sa salitang ‘commercial.’

. c m

4.Kumakatawan sa salitang . e u
education.
5.Para sa salitang . n t ‘network.’

ICT: Email Email Paano ka


Lesson Gawin at Ipadala.

7 (Nakakagawa ng email-
address at nakapagpapadala
ng email)

Nasubukan mo na bang magpadala ng liham sa yong


kaibigan? Alam mo ba kung gaano katagal bago ito makarating
sa iyong padadalhan? Noon ang liham ay kailangan pang lagyan
ng selyo at paghuhulog nito sa Post Office. Hanggang ngayon ay
ginagamit pa rin ito ng ilan. Ngunit may mas mabilis kayang
paraan ng pagpapadala ng liham? Alam ko na mas gusto mong
matangap ng iyong padadalhan ang isang liham kung ito ay
makakarating lamang sa loob ng ilang segundo o ilang minuto
.Siguradong magiging mabilis din ang magiging kasagutan dito.
Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na ito kung paano tayo
makakapagpadala ng liham sa loob lamang ng ilang segundo.

3
Balikan

Gumawa ng talahanayan at tsart mula sa mga sumusunod na


datos.
Si Karla ay nag-iipon ng kanyang baon upang makabili ng regalo
para sa kanyang Nanay sa kaarawan nito.Gumawa siya ng
listahan ng naiipon nya araw-araw atin itong tingnan at
pagkatapos ay gawan ng table at tsart.
Ang ipon ni Karla
Lunes 5.00 Php
Martes 8.00 Php
Miyerkules 8.00 Php
Huwebes 3.00 Php

Tuklasin

Basahin natin ang isang komik strip.

Sa ibang bansa nagtatrabaho ang asawa ni Nanay Selia. Doon na


ito naghahanapbuhay kung kaya’t malayo sa kanyang
pamilya.Isang araw napansin ni Nanay Selia na mukhang
malungkot ang anak nito.

4
Basahin natin ang naging usapan nila.
Nay hindi po masama
ang pakiramdam ko.
Anak,mukha yatang Gusto ko lang po na
malungkot ka mapadalhan si Tatay
masama ba ang ng mensahe para sa
iyong pakiramdam? nalalapit niyang
kaarawan

Ganun ba anak, Ano po nay na email?


sige tutulungan
Matatangap niya po ba
kita magpapadala
agad Nay ang mensahe
tayo ng email sa
na gusto kong iparating
Tatay mo.
sa kanya?

5
Talaga po Nay?Sige
Oo naman po gusto kong
anak,ilang Segundo magpadala ng email
lang ay matatangap
kay Tatay.Salamat po
na nya ang
Nay.
mensahe mo.

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino-sino ang mga tauhan sa comic strip?
2. Bakit mukhang malungkot ang anak ni Nanay Selia?
3. Ano ang gusting gawin ng anak ni Aling Selia?
4. Ano ang gagawin ni Nanay Selia upang matulungan ang
kanyang anak na makapagpadala ng mensahe sa
kanilang Tatay?
5. Makakatulong kaya ang pagpapadala ng email?
6. Ikaw, marunong ka bang mag-email?

6
Suriin

Sa tingin mo makakatulong kaya kina Nanay Selia ang


pagpapadala ng email sa kanilang mahal sa buhay?
Ikaw marunong ka bang magpadala ng email?
Sige tuturuan kita.
Ang una nating dapat gawin ay gumawa ng email Adress.
Paano mo ito gagawin?
Bago ka gumawa ng sariling email kailangan mo munang
malaman ang mga bahagi ng email address.

1. Username- Ito ang hinihinging pangalan tuwing ikaw ay


gagamit ng email. Madalas ginagamit dito ang pangalan at
apelyedo.
2. Pangalan ng domain- Ito ang pangalan ng mail server kung
saan maaaring gumawa ng isang account. Halimbawa nito
ang Gmail at Yahoo.

7
3. Uri ng domain-Ito ay naglalarawan kung sino ang
gumagamit o saan nanggagaling ang domain. Ito ay
nilalagay pagkatapos ng mail server at isang tuldok.
Mga Karaniwang Uri ng Domain at Gamit nito:

.com Kumakatawan sa salitang ‘commercial’.


Karaniwang ginagamit ng mga negosyo at
commercial enterprises.
.edu Kumakatawan sa salitang ‘education.’ Ito ay
ginagamit ng mga paaralan at unibersidad.
.net Para sa salitang ‘network.’ Ginagamit ng mga
internet service providers at web-hosting
companies.
.org Para sa salitang ‘organization.’ Karaniwang
ginagamit ng non-profit groups o trade
associations.
.gov Para sa salitang ‘government’. Ginagamit ito ng
mga ahensiya ng gobyerno.
.pro Gamit ng mga professionals tulad ng abogado at
doctor.
.info Para sa mga informal sites.’
.int Kumakatawan sa salitang ‘international.’
Ginagamit ito ng mga samahang itinatag ng
kasunduang pandaigdigan.

Sa pagkakataong ito, gagamitin natin ang Gmail sa paggawa ng


account. Libre ito at madaling intindihin at gamitin.
1. Sa iyong computer, gamitin
ang internet at magpunta
sa home page ng Google at
i-type ang www.gmail.com

8
2. Hanapin ang “Create an
Account” button. I-click ito
at i-type ang lahat ng
impormasyong hihingin ng
Gmail upang makapag-sign
up at magkaroon ng
sariling account.

3. Hihingin din nito ang gusto


mong maging username.
Dahil marami nang taong
may account sa
Gmail,titingnan nito kung
wala kang kapareho ng
username at kung maaari
mo pa itong gamitin. Kung
nagamit mo na
ito,magbibigay ito ng mga
suhestiyon ng username na
maaari mong gamitin. Kung
wala itong kapareho,
maaari mong gamitin ang
ibinigay na username.

4. Hihingi din ito ng password


na dapat i-type sa keyboard
sa tuwing gagamitin ang
iyong account.Binubu ito
ng walo (8) o higit pang
kumbinasyon ng mga letra,
numero,o simbolo. Dapat
na laging tandaan ang

9
iyong password at
panatilihin itong sekreto.
5. Sundin ang iba pang
hakbang na hihingin ng
Gmail. Matapos gawin ang
mga ito, makalilikha ka na
ng sariling account sa
Gmail server.

Dahil meron ka ng email address subukan naman nating mag


e-mail. Tara subukan nating mag-sign in at mag-sign out
1. Simple lang ang pag sign-in
sa iyong Google Account.I-
click lang ang sign-in button
sa kanang sulok sa tuktok
ng anumang serbisyo ng
Google upang tingnan ang
iyong Gmail.
2. Kung madalas kang
gumagamit sa mga internet
café, gamitin ang dalawang
paraan sapag-verify upang
mapanatiling ligtas ang
iyong account. Tiyakin ding
naka-sign out ka bago
umalis sa harap ng
computer.

10
Halika na at magpadala ng Email
1. Para makagawa ng
mensahe sa email,i-click
ang “Compose Mail”

2. I-type ang address ng


account na padadalhan
ng mensahe sa kahon ng
“To:” Siguraduhing tama
ang nai-type na email
address upang maipadala
ito nang maayos at
mabilis.

11
3. I-type ang paksa ng iyong
email sa kahon na
“Subject.”

4. Gamitin ang iyong mouse


at itapat ang cursor sa
puting kahon sa ilalim.
Ito ang tinatawag na
Message Box. Maaari mo
nang i-type ang iyong
mensahe rito.

5. Matapos i-type ang


mensahe, maaari nang i-
click ang “Send”.

12
Pagyamanin

Kung nasunod mo na ang mga paraan sa paggawa ng email


address maaari ka bang gumawa ng isang maikling mensahe sa
akin para magpatunay na ikaw ay may sapat ng kaalaman sa
pagpapadala ng email?
Magpadala ng email sa guro na naglalaman ng dahilan ng
pagliban sa klase.Ang magiging Subject mo ng iyong email ay
“Excuse Letter”.

Isaisip

Subukang Balikan ang mga pamamaraan ng paggawa ng email


at pagpapadala ng email. Isulat sa patlang ang nawawalang
salita.Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Internet
create an account
sign in button
compose mail
username

1. Sa iyong computer, gamitin ang ___________at magpunta sa


home page ng Google at i-type ang: www.gmail.com
2. Hanapin ang __________ ____ ____________button.
3. Hihingiin dito ang gusto mong gamiting ________.

13
4. Simple lang ang pag sign-in sa iyong Google Account. I-click
lang ang ______ _____ _________sa kanang sulok sa tuktok
ng anumang serbisyo ng Google upang tingnan ang iyong
Gmail.
5. Para makagawa ng mensahe sa email,i-click ang _______
___________.

Isagawa

Ngayon na may kaalaman ka na sa paggawa ng email


address at pagpapadala ng email address, ating tulungan ang
anak ni Nanay Selia na magpadala ng mensahe sa email para sa
kanyang Tatay sa ibang bansa. Gumawa ng mensahe para sa
Tatay na may kaarawan at ipadala sa aking email address.

Tayahin

Hanapin ang kasagutan sa Kolum B ng mga salitang tinutukoy


sa kolum A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A B
______1. Sa bahaging ito inilalagay a. create an
ang paksa ng iyong account
mensahe.
b. compose
______2. Ano ang button na dapat i-
c. subject
click upang makagawa ng
sariling email address? d. username

______3. Ano ang button na dapat i- e. pangalan ng domain


click upang makagawa ng f. uri ng domain
mensahe?
______4. Ito ang hinihinging

14
pangalan tuwing
ikaw ay gagamit ng
email.
______5. Ito ang pangalan ng mail
server kung saan maaaring
gumawa ng isang account.

Karagdagang Gawain

Gawing Muli!
Ano ba ang mga kapakinabangang naidudulot ng email sa
iyo bilang mag-aaral. Nais ko na magtala ka ng limang (5) mga
kapakinabangan ng paggawa ng email address at pagpapadala ng
email address.Ipadala ito sa aking email address.

Binabati kita at natamo mo ang lahat ng kaalaman sa modyul na


ito.

15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian

Eden F. Samadan, Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou


E. Marta R. Benisano. 2015.Edukasyong pantahanan at
pangkabuhayan kagamitan ng mag-aaral. Pasig City Philippines
1600: Vibal Group,Inc.

17
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like