Professional Documents
Culture Documents
EsP 9-Q3-Module-1
EsP 9-Q3-Module-1
3
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Kahulugan at Kahalagahan ng
Katarungang Panlipunan
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
ukol sa Modyul 1: Ang Kahulugan at Kahalagahan ng Katarungang Panlipunan !
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng
mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sa sagot sa mga katanungan.
BALIK-ARAL
PANUTO: Isulat ang salitang OK sa patlang kung tama ang sinasabi ng bawat
pangungusap at Di OK kung mali ang sinasabi ng pangungusap.
________ 2. Ang paggamit ng iyong talento ay makatutulong sa iba at sa iyong sarili din.
ma-swab test sa covid virus palibhasa ay may ibabayad, samantalang mas nakararaming
kababayan natin ay hindi man lamang makapagpa-swab test dahil sa mahal ng presyo
nito. Parang iniisip natin, “Bakit parang hindi yata patas?” at “Nasaan na ang
katarungan sa lipunang ginagawalan natin?” Sa modyul na ito ay mahalagang pag-
aralan natin ang kahulugan ng katarungan. Iuugnay natin ito sa katarungang
panlipunan nang sa gayon makita natin ang kahalagahan nito.
Ano nga ba ang nararapat sa ating kapwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa indibidwal
na pagkatao niya dahil sa kanyang dignidad bilang isang tao. Ayon kay Sto. Tomas de
Aquino, ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng pagpapasya na ibigay ang
nararapat sa isang indibidwal batay sa kanyang dignidad. Magandang halimbawa nito
ay ang isang amo na nagbibigay nang tamang sweldo sa kanyang manggagawa at ang
manggagawa naman ay nagtatrabaho nang tamang oras batay sa sa inaasahan sa kanya
sa trabaho. Pareho silang nagiging makatarungan sapagkat ibinibigay nila ang
nararapat sa kanilang kapwa. Gayun din naman, nagiging makatarungan ang isang
kabataang kagaya mo, halimbawa, kung may nakita kang isang cellphone o wallet sa
isang classroom, nararapat lamang na hanapin mo ang may-ari nito at ibalik ito sa
kanya. Kung hindi mo makita agad ang may-ari, dapat isuko ang iyong natagpuan sa
iyong guro, sa guidance o principal’s office upang tulungang maisauli ang nasabing gamit
sa tunay na may-ari nito. Kapag ito ay iyong inangkin o kinuha nang walang paalam,
ikaw ay hindi nagiging makatarungan sapagkat hindi mo ibinigay ang nararapat para sa
iyong kapwa. At iyon ang ginagawa ng mga magnanakaw, ito man ay sa pamahalaan,
kumpanya, paaralan, o komunidad.
Bakit mahalaga ang katarungang panlipunan? Ang bawat isang tao sa lipunan
ay dapat nakikiisa sa pagtitiyak na
maisakatuparan ang katarungang
panlipunan sapagkat may taglay itong
kabutihang panlahat. Una, natutugunan nito
ang pangunahing pangangailangan ng
mga tao. Lahat ng tao ay dapat may pagkain
sa hapag-kainan, sariling bahay na
tinitirahan, at malinis na tubig na naiinom. https://www.elifestylemanila.com/coming-home-for-a-sumptuous-family-meal/
https://magnaanimaeducation.wordpress.com/senior-high-
lipunan ay lubos na nakikinabang kapag ang mga
school-program/
kabataan nito ay nagkaroon ng edukasyon. At
panglima, natataguyod nito ang patas na paglagong ekonomiya. Ang pagitan ng
mayaman sa mahirap ay talagang lumalawak. Ngunit sa patas na ekonomiya, bagamat
mayroong talagang mayayaman, ang mahihirap ay hindi dapat masadlak sa labis na
kahirapan kundi may kakayahang matugunan ang kanilang pangangailangan dahil sila
ay nakapaghahanapbuhay nang malaya at walang anumang pangamba. Kapag ito ay
napagsikapan na maibigay sa bawat tao tunay na naipagkakaloob natin ang nararapat
ayon sa kanyang dignidad at karapatang pantao. Kung magkagayon, naisusulong natin
ang katarungang panglipunan.
PAGSASANAY
Gawain 1: WOW O WOW MALI
PANUTO: Isulat sa patlang ang WOW kung tama ang pangungusap at WOW MALI
kung mali ang pangungusap.
PANUTO: Isulat ang mga nararapat na matanggap ng ating kapwa sa patlang ayon
sa paglalarawan dito. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon
Sitwasyon # 1: Bagong sweldo ang iyong ama at nakapamili kayo ng pagkain mula sa
palengke at nakapag-grocery kayo para sa buong linggo. Nalaman mo na ang
iyong kamag-aral at kapit-bahay rin ay walang makain dahil natanggal sa
trabaho ang kanyang tatay dahil sa pandemya. Ano ang iyong gagawin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sitwasyon # 2: May bago kang kamag-aral na malakas ang amoy sa kili-kili nya.
Napansin mong madalas siyang paringgan ng mga kaklase mo at pagtawanan.
Ano ang iyong gagawin? __________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAGLALAHAT
Panglima: Pangalawa:
Ang
Katarungang
Panlipunan ay
pagbibigay ng
nararapat para sa
kapwa batay sa
Pang-apat: Pangatlo:
kanyang dignidad.
PAGPAPAHALAGA
Panuto:Paano mo ito mailalapat sa iyong buhay bilang isang kabataan? Isulat ang iyong
sagot sa patlang na may 5 hanggang 10 pangungusap.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sa sagot sa mga katanungan.
b. Ang isang amo na huling ibinigay ang sweldo sa kaniyang empleyado dahil
tatamad-tamad ito sa trabaho.
5. WOW OK 5. 2. OK
GAWAIN 2: Gawain 1: 4. a 1. c
R E F E R E N CE S
1. Gayola, et al, Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang, Modyul para
sa Mag-aaral. Unang Edition 2015. ISBN: 978-971-9601-75-3
2. https://www.investopedia.com/terms/s/social-justice.asp
3. https://www.sdfoundation.org/news-events/sdf-news/what-is-social-justice/
4. https://www.un.org/esa/socdev/documents/ifsd/SocialJustice.pdf
5. https://www.humanrightscareers.com/issues/10-reasons-why-social-justice-is-
important/
6. https://www.sciencedirect.com/topics/social-sciences/social-justice
7. https://www.pachamama.org/social-justice/social-justice-issues
8. https://plato.stanford.edu/entries/justice/
9. https://www.mypope.com.ph/jeepneys-uv-express-resume-operations/
10. https://www.elifestylemanila.com/coming-home-for-a-sumptuous-family-meal/
11. https://magnaanimaeducation.wordpress.com/senior-high-school-program/