Hugo - Fil 2-2 - Worksheet - 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Hugo, Ashley Niña L.

FIL 2-2

Basahin at alamin ang mensahe

PAG-IBIG – Jose Corazon de Jesus


Isang aklat na maputi, ang isinulat luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang salita,
Kinabisa at inisip mula ating pagkabata
Tumanda ka”t nagka uban, hindi mo pa maunawa,

Ang pag-ibig isipin mo p ag inisip nasa puso


Pag pinuso,nasa-isip, kaya hindi mo makuro
, Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo”y maglalaho
Layuan mo at kay lungkot,nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila”y ayaw nang matagalan,


Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman
Ang halik na ubos tindi minsan lamang na halikan,
At ang ibig kung bumaha, tandaan mo”t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa”t walang agos,


Walang talon, walang baha,walang luha walng= lunos,
Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod.
pati dangal, yama”t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko na”y nakikinig pa sa aral


Tandang di pa umiibig,nakikita pa ang ilaw,
Ngunit kapag nag-aalab na pati mundo”y nalimutan,
Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin mo”t puso lamang!

Kapag Ikaw”y umuurong sa sakuna”t sa panganib


Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig,
Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit!

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag


Ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak.
Ang pag-ibig ay masakim, aayaw ng kabiyak,
o wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!

“Ako”y hindi makasulat at ang Nanay nakabantay!”


Asahan mo katoto ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
Minamahal ka na niya nang hiit sa kanyang buhay!

Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,


Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid
Kapag kayo”y umibig na, hahanapin ang panganib
At ang pakpak ninyo’y masusunoog sa pag-ibig!

Worksheet no 2

Mga tanong

1 Ano ang ibig sabihin”Isang aklat na maputi, isinulat sa luha”?

 Puro kahinagpisan at kalungkutan ang naisulat habang ginagawa ang liham.


2 Ano ang kahiwagaan ng pag-ibig?

 Ang pag-ibig ay isa sa mga bagay na maaaring magpaangat at magpabagsak sa atin.

3. Totoo bang bulag ang Pag-ibig? Patunayan

 Totoo ang bulag na pag-ibig dahil karamihan sa atin ay lubos pa ring minamahal ang isang
tao kahit na puno ito ng kamalian sa loob at panlabas nitong kaanyuan. Kaya nga marami
din sa atin ang nasasaktan dahil lubusan nang nabubulag sa pag-ibig.

4. Sino o kanino ipinatutungkol ang tula na ito?

 Ito ay ipinapatungkol sa mga tao lalo na sa mga kabataan na umiibig ngayon.

5. Pag hambingin ang mga kabataan noon at ngayon sa larangan ng pag-ibig.

 Sa kasalukuyang panahon, marami sa mga kabataan ngayon ay madaling umibig. Dala ng


modernisasyon at makabagong teknolohiya, madali na lamang ang pagkakaroon ng
kasintahan hindi tulad noon na dumadaan pa sa maraming proseso bago magkatulyan ang
dalawang taong lubos na nagmamahalan.

6. Ano ang maipapayo mo sa mga umiibig ngayon?

 Maging maingat sa tuwing tao ay umiibig. Dapat nating tandaan na kaakibat ng kasiyahan
na ating nadarama dulot ng pag-ibig ay kulungkutan at pagtitiis lalo na kung magpapadala
sa kapusukan at ninanais.

7 at 8. Kailan nagsisimula at natatapos ang pag ibig?


 Ang pag-ibig ay nagsisimula sa kilig at nagtatapos sa paghihinagpis at kalungkutan.

Anu –ano ang sinasabi kapag ang pag-ibig ay

9.Dakila - makapangyarihan

10.Duwag - takot o mahina ang loob

11. Matapang - lahat ay haharapin at kakayanin

12. Buko na - alam o lantad na

13. Masakim - makasarili

14at15 Mula sa tula kumuha ng 2 magkasalungat na ideya tungkol sa pag ibig

 Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,

 Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod.

Pagsubok sa talasalitaan

D 1 Nagaagaw dilim na nang nakauwi kami sa bahay.

a. Umaga b. madaling araw c. tanghali d. dapit-hapon

C 2.Sagabal sa pag-unlad ang mga negatibong kaisipan.

a. katulong b. kakampi c. hadlang d. instrument

C 3. Naibsan ang pagod ng ama nang masilayan ang umalis na anak.

a. nadagdagan b. nawala c. naramdaman d. nabigla

4.5 at Gamitin sa pangungusap

Humahalimuyak
 Humahalimuyak ang Sampaguita sa buong simabahan.

Umaalingasaw

 Umaalingasaw ang patay na pusa sa kalsada.

You might also like