Professional Documents
Culture Documents
Filipino 7 Quarter 4 Edited
Filipino 7 Quarter 4 Edited
Filipino 7 Quarter 4 Edited
__________________________________________________________________________________________________
Yunit IV
Ibong Adarna:
Isang Obra Maestra
Aralin 1
Presentasyon
Sinasabi man ng ilang kritiko na hiram sa ibang bansa ang kasaysayan ng Ibong
Adarna, may karapatan itong ituring na akdang pampanitikan ng wikang ginagamit sa
pagsasalin lalo pa't umangkop naman sa kalinangan o kultura ng mga Pilipino. Ang isang
magsasakang marunong magbasa ay tumatakas sa kanyang daigdig ng hirap at tiis sa
kanyang sira-sirang kubo sa sandaling isapi niya ang sarili sa pakikipagsapalaran ni Don
Juan, ang makisig na bidang prinsipe ng Ibong Adarna.
Pagbasa sa Akda
Basahin at unawain ang akda.
3. Mula sa Paderborn (Alemanya). Isang gintong ibon ang laging nagnanakaw ng isang
bungang ginto sa puno ng mansanas ng hari. Isa-isang nagbantay ang tatlong anak ng hari
ngunit ang bunso lamang ang nakakita sa ibon nakahuli rito. Sa kasamaang-palad, ang
prinsipe ay nahuli ng hari ng iba kaharian na siyang may-ari ng ibon. Nangako ang hari na
ibibigay rito ang ibong ginto kung mahuhuli ng prinsipe ang kabayong ginto. Sa tulong ng
isang zorra, nalampasan ng prinsipe ang mga pagsubok at naiuwi niya ang ibong ginto at
nailigtas pa ang kapatid niya.
4. Mula sa Vanderborn, sinulat ni Gretchen Wild ang Maputing Kalapati (1808). May
isang hari na may puno ng peras. Laging nawawala ang bunga nito kaya't pinabantayan ng
hari ang puno sa kanyang tatlong anak na lalaki. Nakatulog ang dalawang nakatatanda, at
ang ikatlo ang nakakita sa isang kalapating puti na nagnanakaw ng bunga. Sa tulong ng
isang matanda, nasundan niya ang ibon at nakita itong balot ng sapot ng gagamba. Nang
mailigtas niya ito, nagbago ang anyo ng kalapati at naging prinsesa, napangasawa ito ng
prinsipe.
5. Mula sa Denmark, 1696. Nagkasakit si Haring Eduardo ng Inglatera at ang lunas ay
ang ibong Phoenix na pag-aari ng reyna sa Arabya. Sa huli, napangasawa ng bunsong
prinsipe ang reynang ito.
6. Mula sa One Thousand and One Nights, may isang kuwentong pinamagatang,
“Tatlong Prinsipe sa Tsina.” Nagkasakit ang ina at ang lunas ay ang tubig ng buhay. Ang
bunsong anak ang nakakuha nito matapos ang maraming pakikipagsapalaran, at sa huli, ang
bunso ay naging isang sultan.
7. Mula sa Malayo-Polinesya, sinulat ni Renward Brandstetter. May mga bahagi ito na
kahawig ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol sa "Halaman ng Buhay na pinaghahanap ng
marami; ang pangunahing tauhan, si Djajalankara na may dalawang kapatid na naglilo upang
siraan si Djajalankara sa amang may sakit; ang pagkatuklas sa mahiwagang halaman sa
pamamagitan ng panaginip, at iba pa.
Nalampasan ni Don Juan ang sumusunod na mga pagsubok sa tulong na rin ng mahika
ni Maria: (1) pagpatag ng bundok upang pagtaniman ito ng trigo, na ang bunga ay ginamit sa
paggawa ng tinapay na ihahain sa almusal ng hari; (2) pagbabalik sa 12 negrito na pinawalan
sa dagat; (3) pag-uusad ng bundok sa tapat ng palasyo; (4) paggawa ng isang kastilyo sa
dagat; (5) pagbabalik sa dating lugar ng bundok na ginagawang kastilyo; (6) paghanap sa
dagat ng diyamanteng singsing ng hari; (7) pagpapaamo sa simarong kabayo na sa
katunayan ay si Haring Salermo mismo ang nag-ibang anyo. Lahat ng ito ay pinagawa sa
loob lamang ng magdamag. Sa kapabayaan ni Don Juan, naputol ang isang hintuturo ni
Maria sa ikaanim na pagsubok, at ang putol na hintuturong ito ang naging palatandaan ni
Don Juan nang papiliin siya sa tatlong prinsesang nakakulong sa isang kuwarto at hintuturo
lamang ang nakalabas.
Kahit pa nakapasa sa mga pagsubok si Don Juan, tumanggi pa rin ang hari na ipakasal
dito ang anak na prinsesa, kaya't nagtanan ang dalawa. Nagkasakit si Haring Salermo
hanggang sa mamatay.
Nang makauwi sa Berbanya ang dalawa, iniwan muna ni Don Juan si Maria sa nayon
at mag-isa siyang umuwi upang maghanda ng marangyang pagsalubong sa prinsesa. Agad
itong niyakap ni Leonora pagdating sa palasyo. Nalimutan ng prinsipe si Maria. Inihanda ang
kasal nina Don Juan at Leonora.
Sa araw ng kasal, dumating si Maria at naghandog ng palabas na nagpaalala kay Don
Juan ng nakaraan. Isinalaysay naman ni Leonora ang ginawa niyang pagtulong kay Don
Juan at ang matiyaga niyang paghihintay sa pagbabalik nito. Nang ipasya ng arsobispo na
kay Leonora ipakasal si Don Juan, nagalit si Maria at pinabaha ang buong kaharian. Noon
nagpasya si Don Juan na kay Maria magpakasal. Si Leonora naman ay nagpakasal na kay
Don Pedro.
Ipinamana kay Don Pedro ang kaharian ng Berbanya. Bumalik sa Reyno de los
Cristales sina Don Juan at Maria at naghari roon nang mapayapa.
Pagsusuring Pampanitikan
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Medya at maaaring
nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit noong Dantaon 18
lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa imprenta at pagkatuto
ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
1. anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila
2. ang mga tauhan, na mga prinsipe at prinsesang may pangalang dayuhan
3. ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa
4. ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.
Binigyan ng bagong bihis ng mga may pagkamalikhaing katutubo ang tulang romansa:
May dalawang anyo ng tulang romansa: awit at korido. Nagkakaiba ang dalawang ito
sa sukat, himig, at pagkamakatotohanan.
Ang korido ay —
1. may walong (8) pantig ang bawat taludtod
2. sadyang para basahin, hindi awitin
3. kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro ito ay dahil maikli ang mga taludtod, wawaluhing
pantig lamang
4. ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga
kababalaghan na di magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang-
anyo, at iba pa
5. dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na
buhay
Aralin 2
Presentasyon
Pagbasa sa Akda
Basahin at unawain ang akda.
Unang Bahagi
Aralin 3
Presentasyon
Sa Luman Tipan
(Old Testament) ng
Bibliya ay nasusulat
ang kasaysayan ni
Abel at Cain. Bakit ng
aba humahantong
sa kamatayan ni
Abel ang matinding poot
ni Cain sa Kapatid.
Pagbasa sa Akda
Aralin 4
Presentasyon
Pagbasa sa Akda
Basahin at unawain ang akda.
Ikatlong Bahagi
Pagsusuring Pampanitikan
Aralin 5
Presentasyon
Oo Hindi
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
Pagbasa sa Akda
Basahin at unawain ang akda.
Ikaapat na Bahagi
Usapin sa Puso: Prinsesa Maria vs. Prinsesa Leonora (Saknong 1372-1715)
Pananaw
Pananaw (point of view) - ito ay tinatawag ding punto de vista. Masasabing ito
ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda. Gayunman, sa pagtalakay sa
ano mang akda o teksto, ito ay sumasagot sa tanong na "Sino ang nagsusulat o
nagkukuwento?"
Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng
naglalahad at ang pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng
naglalahad. Ang pananaw na gagamitin sa teksto o akda ay nakadaragdag ng
kawilihan sa pag-unawa ito. Ang pananaw ng awtor ay makikita sa pamamagitan ng
mga panghalip na ginagamit sa teksto.
Unang panauhang pananaw - ako, ko, atin, natin, tayo, kami
Ikalawang panauhang pananaw - ikaw, mo, ka, iyo, kanila, kita, tayo inyo, ninyo
Ikatlong panauhang pananaw - siya, niya, kanya, sila, nila, kanila
Ang pananaw ay pagtukoy din kung ano ang preperensiya ng manunulat sa
teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa paksang
tinatalakay. Nasa unang panauhan ba ito na maaaring magpakita na personal ang
perspektiba niya sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong panauhan na
nagbibigay ng obhektibong pananaw at paglalahad sa paksa?
Pagbibigay ng Sariling Pananaw
Sa kabilang dako, sa usaping paglalahad ng sariling pananaw o ideya - hindi
lahat ng pananaw o ideya ay dapat tanggapin agad. Kailangang kilatising mabuti ang
anumang pananaw o ideya kung ito ba ay balido (valid o hindi. Sa pagsusuri ng teksto
kaugnay ng baliditi ng mga ideya nito, kailangang matukoy muna kung sino ang
nagsabi ng ideya at ang kanyang naging batayan sa pagbanggit sa ideya.
Kaugnay ng pagiging aktibo ng tao, karaniwan nang Gawain ang pagbibigay ng
sariling
Aralin 6 pananawa o ideya hinggil sa kanyang nabasa, narinig, napanood, o
naranasan. Sa pagbibigay ng tiyak na pananaw sa mga ito, karaniwan itong
Malikhaing
humahantong pagtatanghal ng piling
sap ag sang-ayon
Saknong ng Ibong Adarna
Pagsulat ng Iskrip
Kaisahan at Pagkakaugnay
ROCKFORT PREPARATORY SCHOOL INCORPORATED/JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT 24
Filipino 7
__________________________________________________________________________________________________
Presentasyon
Pagbasa sa Akda
Basahin at unawain ang akda.
Dula
…………………………………………………………………………………………………………......
Pagsusuring Pampanitikan
Wika at Gramatika
Halimbawa:
Pagkakaugnay-ugnay o Coherence
Ang mga pangungusap na bumubuo sa isang talata ay kina ding paghabi-habiin nang
maayos upang magkaroon ito ng pagkakaugnay-ugnay o coherence. Napapanatili ang
pagkakaugnay-ugnay sa talata sa pamamagitan ng paggamit ng mga cohesive devices tulad
ng mga salita o pariralang transisyonal, mga panghalip na tumutukoy sa mga pangalan, pag-
uulit ng mga pangunahing salita, parirala o pangungusap. Ang mga cohesive devices na ito
ay ginagamit ng mga manunulat upang mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na pagdaloy ng
mga kaisipan mula sa isang pangungusap patungo sa susunod na pangingusap.
Tinutulungan nila ang mga mambabasa na makita ang pagkakaugnay ng mga ideya sa loob
ng talata.
Kaayusang Kronolohikal
Una sa dakong huli sa wakas
Kaayusang spatial
sa tabi sa bandang kanan sa harap
sa likod sa timog sa kabila
sa pagitan sa ibayo sa gitna
Pagdaragdag
At bukod dito/diyan pati
gayon din bukod tangi sa roon muli
bilang karagdagan at saka
Kontrast
Gayunpaman sa kabilang dako di tulad ng
Gayunman ngunit kasalungat ng
Pagtutulad
gaya ng katulad ng gayundin naman
tulad ng gayon din
Resulta o Bunga
sa wakas dahil ditto dahil doon
bilang resulta sa gayong dahilan samakatuwid
kaya (nga) sa gayon anupat
Halimbawa
Halimbawa alalang baga bilang halimbawa
tulad ng ipaghalimbawa
Paglalagom
Bilang paglalagom sa madaling sabi
Bilang kabuuan bilang pangwakas
Karaniwang ginagamit bilang panghalili sa pangalan ang mga panghalip panao (hal. ako, ikaw,
kayo, siya, ito, kami, sila, kanya, kanila) panghalip pamatlig (hal. ito, iyon, iyan, doon, diyan, nito).
Narito ang talatang gumagamit sa panghalip bilang cohesive devices.
"Ang pag-aasawa ay di tulad ng kaning isusubo na mailuluwa kung mapaso. Iyan ang laging
paalala ng matatanda sa mga kabataang nais lumagay sa tahimik, nag-aakalang ang pag-aasawa ay
gayon-lamang. Ang mga kabataan lalo na yaong nasa unang yugto ng sapat na gulang, ay madaling
mahalina sa matuling agos ng pagbabago kaya nakakalimutan na nila ang dapat isaalang-alang
bago sila makipag-isang dibdib.”
Ang mga pangunahing salita o mga salitang batay sa pariralang salitang-ugat ay maaaring
ulitin sa loob ng talata upang maipakita ang pagkakaugnay ng ideya.
Halimbawa:
Sa kabila ng pagharap natin sa krisis ng buhay, kawalan ng mapapasukang hanapbuhay,
dapat pa rin tayong maging matatag, huwag tayong padadala sa alok ng bansang banyaga na tayo'y
sasakupin kapalit ay tulong. Sa pagharap sa atin, pati ang wikang yaman ng bansa ay mapapalitan
ng wikang banyaga. Dapat nating ipagtanggol ang sariling atin, ang ating prinsipyo, sa ating
kayamanan. Ang wika ay yaman mo. Ang wika mo ay yaman ko at ang wika ng sambayanang
Pilipino ay yaman ng Pilipinas.
Ginagamit din ang paralelismo o pag-aagapay ng mga salita, parirala o pangungusap upang
mapanatili ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya sa loob ng talata. Ito'y nangangahulugan na ang
mga magkakatulad na ideya ay maaaring maipahayag sa mga istrukturang magkakatulad.
Halimbawa:
Ako ang sibol ng Bagong Republikang nagkakaloob ng pantay-pantay na karapatan sa sino
mang Pilipino. Isang Pilipino na dati-rati’y nag-aalinlangang magsalita para sa kanyang karapatan at
kaunlaran. Ako ay nakapagsasalita nang walang agam-agam. Ako an mga panukala na
makapagpataas sa pambayan, nakilaho pambayan, nakilahok na ako sa had ng mga kuro-kurong
tungo sa aking pangangailangan.