Ano Ang Kaugnayan NG Retorika Sa Grammar o Baralira Sanaysay 50 Pangungusap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

RETORIKA

Masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang pangwika ang balarila at retorika.


Retorika ay nagbibigay-linaw, at kagandahan sa pagpapahayag, habang nagdudulot ng kawastuhan sa
pahayag ang balarila. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa mga parirala, sugnay at pangungusap ng
pahayag; ang tamang mga panuring, mga pang-ugnay, mga pokus ng pandiwa at iba pa para sa kaisahan
at kakipilan ng mga pangungusap ay naibibigay rin ng balarila.

Tila hindi magiging malinaw at kaaya-aya ang isang pahayag kung hindi wasto ang tungkulin at
ugnayan ng mga salita. Dahilan upang sabihing, ang relasyon ng balarila at retorika ay napakahalaga
upang maisakatuparan ang mabisang pagpapahayag. Sa larangan ng pagpapahayag, pasulat man o
pasalita, lubhang mahalaga ang tamang pagpili ng mga salita. Maaaring maganda ang ibig ipahatid,
maaari rin naming may mabuting layon sa pagpapahayag subalit hindi nagbubunga nang mabuti kung
mali ang pagkakapili ng mga salita.

Tulad ng nasabi, ang retorika ay nagbibigay ng linaw, bisa at kagandahan sa pahayag, ang
balarila naman ay nagdudulot ng kawastuhan sa pahayag. Ang retorika ay isang uri ng sining na
naisasagawa sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Saklaw ng dalwang elementong pang
komuinikasyon, ito ay tunay na maituturing bilang isang haligi ng pakikipagdayalogo. Sa aking
paghahanap ng kahulugan ng retorika, maraming lumalabas na ibig sabihin nito, iba’t ibang kahulugan
ang sinasabi nila kaya nakakalito din kung ikukumpara sila sa iba. Nag kakaiba iba sila ng kahulugan base
sa kanilang kaalaman patungkol dito kung gaano kalawak ang kanilang isispan. Pero malawak man ang
pagbibigay nila ng kahulugan may isa lang silang tinutumbok, ito ay mabisang pagbibigay ng mesahe
dahil maganda itong nailalahad, malinaw, at maayos.

Sa kabilang dako, ang balarila ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga
sumusunod: morpolohiya o pagsusuri sapakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks
(syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay magingmakabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya
o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; atng etimolohiya o ugat o
palaugatan ng mga salita. Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa
wastong paggamit. Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na
nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung
minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan
o saligan ng mga kaalaman. Tinatawag din tong gramatika o palatuntunan ng isang wika Bagamat iba’t
ibang kahulugan ang ibinibigay sa bararila, iisa ang tunguhin ng kanilang depinisyon. Ang balarila ay
tumutukoy o may kaugnayan sa pag-aaral at uri ng mga salita; tamang gamit ng mga salita, at tamang
kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa.

Ang baralila at retorika ay dapat na magkatuwang at hindi maaaring paghiwalayin upang


magawa ang mabisang pagpapahayag. Ito ay dapat na maganda, kaakit- akit at tama. Retorika ang
sumasaklaw sa kagandahan at pagiging kaakit-akit ng isang pahayag at Baralila naman ang nangangalaga
sa kawastuan na siyang pundasyon ng malinaw at mabisang pahayag. Ang ganap na kahusayan sa
pagpapahayag sa wikang gingamit ay nakikita sa kawastuhang panggramatika na lalong nakikita sa
pasulat na pagpapahayag. Ang kasanayan sa wasto at mabisang pagpapahayag bunga ng magkasamang
pagsasaalang-alang sa retorika at balarila ay isa sa mga palatandaan ng mataas na antas ng edukasyon.
Tunay na mag kaugnay ang retorika at balarila dahil ang kagandahan ay maipapakita sa retorika kasabay
ng balarila na nag bibigay ng kawastuhan.

You might also like