Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

5

MAPEH
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
MAPEH 5
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat
Music : Vilma P. Dingle – Teacher III
Arts : Raymund K. Asperin – Teacher III
P.E :
Health : Roderick S. Palabay – Teacher III

Layout Artist : Albert M. Marzan, San Joaquin Elementary School

Illustrator: Ernesto F. Ramos, Jr., P II

Tagapamahala:

ATTY. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Delia P. Hufalar, Ph.D, EPS in Charge of MAPEH
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

AIRs - LM
5

MAPEH
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
MUSIC

Aralin
Ang Tempo
2

Sapulin

Sa musika, mahalaga na sundin ng mga mang-aawit at manunugtog ang


mahahalagang simbolo ng musika. Kabilang na rito ang iba’t ibang simbolo
na tumutuon sa bilis ng musika.

Sa araling ito, mapag-aaralan mo ang isang mahalagang elemento ng


musika na tumutukoy sa bilis at bagal ng musika, ito ay ang tempo. Ang
bilis o bagal ng musika ay nakaaapekto sa ating damdamin.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


kaalaman,kakayahan at pag-unawa sa aralin:
• Nagagamit ang angkop na uri o sagisag pangmusikal sa bawat
tempo ng awit (MU5TP-IVc-d-2)

Mga Layunin sa Pag-aaral:


1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng tempo
2. Nakikilala ang kaibhan ng iba’t ibang uri ng tempo sa
pamamagitan ng pakikinig
Simulan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.

_____1. Alin sa mga sumusunod na elemento ng musika ang naglalarawan


ng bilis at bagal ng awitin o tugtugin?
A. Dynamics B. Melody C. Rhythm D. Tempo

_____2. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na tempo?


A. Allegro B. Largo C. Presto D. Vivace

_____3. Alin sa mga sumusunod ang napakabagal na tempo?


A. Accelerando B. Largo C. Presto D. Ritardando

_____4. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na nagmamadaliang tempo?


A. Andante B. Moderato C. Largo D. Vivace

_____5. Alin ang tempo na pabagal nang pabagal?


A. Accelerando B. Crescendo C. Decrescendo D. Ritardando

Lakbayin

Ang Tempo

Ang tempo ay isang elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o bagal


ng isang awitin o tugtugin. Nagpapahiwatig ito ng damdamin o ideya ng
manunulat. Ang tempo ng musika ay nasusukat sa pamamagitan ng isang
metronome. Ito ay ginagamit upang malaman ang bilang ng kumpas sa
isang minuto. Ang bilang ng beat ng isang awit ay makikita sa kaliwang-
itaas na bahagi ng isang likhang awitin.
Ang mga Uri ng Tempo sa Musika

May mga salita sa wikang Italya na maaaring maglarawan ng iba’t ibang


uri ng bilis o bagal ng musika. Ang mga salitang ito ay nagbibigay ng ideya
sa mga mang-aawit o manunugtog kung gaano kabilis o kabagal dapat
awitin o tugtugin ang isang kanta. Narito ang ilan sa mga salita na
kadalasang nakikita sa mga awitin mula sa iba’t ibang bansa.

Tempo Kahulugan
Largo napakabagal (very slow, broad)
Andante mabagal (slow)
Lento mabagal na mabagal (extremely slow)
Adagio mabagal, dahan-dahan ( slow and leisurely)
Moderato hindi gaanong mabilis, hindi gaanong mabagal;
katamtaman lamang
Allegro mabilis
Vivace mas mabilis at mas masigla (quick, lively)
Presto mabilis na mabilis
Ritardando pabagal nang pabagal (gradually becoming slower)
Accelerando Pabilis nang pabilis (gradually becoming fast)

Ang accelerando at ritardando ay ginagamit sa pagbabago ng tempo.


Ang accelerando ay sagisag na pabilis nang pabilis na tempo ng awit o
tugtugin. Ito ay inilalagay sa ibabaw ng limguhit sa bahaging gudtong
baguhin ang tempo. Inaawit ito ng pablis nang pabilis hanggang sa tanda ng
pagbabago ng tempo. Ang ritardando naman ay sagisag ng papabagal na
pag-awit ng himig hanggang sa sususnod na pagbabago ng tempo.

https://press.rebus.community/sightreadingforguitar/chapter/more-notes-on-the-fifth-string-expression/

Hindi lamang sa wikang Italyano mailalarawan ang tempo, maaari ring


gamitin ang salita o wika ng kompositor. Kung ang kompositor ay mula sa
Pilipinas, maaaring gamitin ang wikang Filipino.

Halimbawa ay ang mga salitang masaya, mabilis, kaunting mabilis,


mabagal, at marahan. Narito ang ilang halimbawa ng awitin na may iba’t
ibang uri ng tempo.
http://kristincavallaris.blogspot.com/2010/02/happy-birthday-music-notes-for-facebook.html

https://www.bethsnotesplus.com/2016/03/leron-leron-sinta.html
https://youtu.be/kJBudtMXaTI

http://www.piano-play-it.com/music-tempo.html
http://www.piano-play-it.com/music-tempo.html

https://brainly.ph/question/2072027
https://youtu.be/_12-fZvdPHg
https://courses.lumenlearning.com/musicappreciation_with_theory/chapter/tempo-markings-and-changes/

Galugarin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng bawat tempo na nasa
Hanay A. Piliin ang lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang
bago ang bilang.

A B

_____1. Ritardando A. pabilis nang pabilis

_____2. Andante B. napakabagal

_____3. Vivace C. pabagal nang pabagal

_____4. Allegro D. mabagal

_____5. Presto E. mabilis na mabilis

_____6. Accelerando F. katamtaman ang bilis

_____7. Moderato G. mas mabilis at mas masigla

_____8. Largo H. mabilis

_____9. Adagio I. mabagal na mabagal

____10. Lento J. mabagal, dahan-dahan

K. mahina
Palalimin

Gawain 1
Panuto: Ayusin ang bawat tempo mula sa pinakamabagal hanggang sa
pinakamabilis. Lagyan ng bilang kung saan bilang 1 ang
pinakamabagal at bilang 6 ang pinakamabilis.

_____allegro _____moderato

_____andante _____presto

_____largo _____vivace

Gawain 2
Panuto: Isulat sa bawat patlang ang tinutukoy na tempo sa bawat
pangungusap.

_________1. Ito ay sagisag na pabilis nang pabilis na tempo ng awit o


tugtugin.
__________2. Ang sagisag na ito ay nagsasabi ng papabagal na pag-awit ng
himig hanggang sa susunod na pagbabago ng tempo.
__________3. Ito ay sagisag na mabagal ang tempo ng isang awit.
__________4. Ito ay sagisag ng mabilis na mabilis na pag-awit.
__________5. Ito ay katamtaman lamang ang bilis na uri ng tempo.
Sukatin

Panuto: Isulat ang W kung ang isinasaad sa pangungusap ay wasto at DW


kung hindi wasto.

________1. Ang galaw ng isang uod ay maaaring ihambing sa tempo ng largo.


______ 2. Ang tempo ay ang bilis o dalang ng daloy o galaw ng melodiya ng
isang awit o tugtugin.
________3. Angkop ang tempo na allegro sa mga awiting pampatulog sa mga
bata.
________4. Walang kaugnayan ang bilis ng awitin sa damdaming
ipinapahayag nito.
________5. Tanging mga salitang Italiano lamang ang maaaring gamitin
upang ilarawan ang bilis ng isang awitin.
________6. Ang accelerando ay inilalagay kung ang bahagi ng awit ay
kailangang awitin nang papabilis.
________7. Ang accelerando at ritardando ay nagpapaganda sa takbo ng
musika.
________8. Ang ritardando ay sagisag ng papabilis na tempo.
________9. Isinusulat ang accelerando sa ganitong paraan (accel.).
______10. Ang papabagal na tempo sa awit ay ritardando.
ARTS

Aralin Mga Gamit ng Nagawang


1 3-Dimensional na Gawaing Sining

Sapulin

Sa pagdaraos ng kapistahan, kasal, binyag o mga pagdiriwang ay


mapapansin natin ang pagkamalikhain ng mga Pilipino. Sa mga palamuti na
lang naipapakita ang pagkamalikhain at kahusayan nila sa larangan ng
sining.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


kaalaman,kakayahan at pag-unawa sa aralin:

- Tinatalakay ang mga posibilidad na gamit ng mga nilikhang 3-D crafts.


(A5EL-Ivc)

Simulan

Panuto:Kilalanin ang mga sumusunod na larawan kung anong gamit ng mga


ito.
Lakbayin

Mga maaring gamit ng mga 3 dimensional “Art Craft”

Mobile art- sa mga malls makikita natin ang mga naggagandahang mga
palamuti na siyang nanghihikayat sa mga mamimili, sa paaralan naman
nakikita natin ay ang mga pangalan ng araw, buwan o kaya’y mga hugis, sa
pook dasalan mga naggagandahang mga “Chandelier”naman ang mga
makikita, sa mga kapistahan naman mga palamuting ilaw naman ang
gingamit nila pandisenyong mobile.

Paper beads-ginagawang palamuti sa katawan tulad halimbawa


Ay ang mga pulseras, kuwintas, hikaw, at korona. Sa mga bahayan naman
ginagawa itong kurtina sa pintuan at bintana, lalagayan ng alahas at kung
minsan ay “organizer” o kahong sisidlan.

Papier Mache- ito’y tinatawag na taka o ang pagbubuo ng isang likhang sining
mulas sa pinilas o pinirasong papel na pinagpatong-patong. Ginagawang
palamuti tulad ng mga banga, tauhan sa mga “Belen”, sisidlan ng pera o
alkansiya, Laruang Kabayo at iba pa. Sa mga mga kapistahan ginagamit din
itong palamuti sa mga entablado, kasuotan o mga props.
Galugarin
Pansinin ang mga larawan. Isulat kung anong 3D craft at gamit ng mga ito.

1. _______
2.____________

3._______ 4.__________

5._____________
Palalimin

Panuto: Magtala ng mga 3D Crafts na maaring gamitin sa mga


sumusunod na pagdiriwang o pook pasyalan.

Pagdiriwang Mobile art Paper beads Paper mache


Kaarawan
Kapistahan
Paaralan
Mall

Sukatin

Panuto: Kilalanin kung anong 3D craft ang mga sumusunod na larawan.

_______ _______
______ ______

_______
HEALTH

Aralin Mga Layunin ng Pangunang Lunas


2

Sapulin
Napakahalaga ng may kaalaman sa pangunang lunas upang maging handa
sa anumang maaaring mangyari. Ano-ano ang layunin ng pangunang
lunas? Paano mo ilalarawan ang kabutihang naidudulot ng pangunang
lunas?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang


kaalaman,kakayahan at pag-unawa sa aralin:

Natutukoy at naipapaliwanag ang mga layunin ng pangunang lunas


(H5IS-Iva-34)

Simulan

Panuto: Isulat ang T kapag tama ang pahayag at M kung hindi tama.

______1. Kapag ang naaksidente ay hindi nabigyan ng pangunang


lunas ito ay maaring mamatay kaagad.

______2. Ang paglalagay ng betadine sa iyong sugat ay isang uri ng


pangunang lunas.

______3. Iba- iba ang maaring pangunang lunas sa ibat-ibang klase ng


disgrasya o aksidente.

______4. Sa pagbibigay ng pangunang lunas ay dapat isaalang-alang


ang kaligtasan ng pasyiente.
______5. Ang pangunang lunas minsan ay nakakaantala sa kaligtasan
ng pasyiente.

______6. Isa sa mga layunin ng pagbibigay ng pangunang lunas ay ang


pag-iwas sa paglala ng kapinsalaan o karamdaman.
______7. Mabilis ang pagkitil sa buhay kapag ginamitan ng pangunang
lunas.
______8. Mababawasan ang gastusin sa hospital kapag alam ang
gagawin sa pangunang lunas.
______9. Hindi makakatulong sa pagsagip ng buhay ang pangunang
lunas
______10. Sikaping makapagligtas ng buhay at ibigay ang pangunang
lunas sa nangangailangan sa pinakamabilis na paraan.

Lakbayin

Malaki ang naitutulong ng first aid upang


protektahan ang buhay, pawiin ang sakit at
upang maiwasan ang kapansanan. Maaaring
makatamo ng pagsasanay ang isang
pangkaraniwang tao upang maisagawa ang
pagbibigay ng tulong na ito, kahit man hindi
ginagamitan ng mga natatanging aparatong
panggagamot.
Survivalized.com

Ang tatlong (3) pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na


mas kilala bilang 3 P (tatlong P) ang mga sumusunod:

Pagpapanatili ng buhay (Prolong/Preserve life)


Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas
sa paglala ng kapinsalaan o karamdaman (Prevent further injury or
illness)
Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

Bilang karagdagan, may ilang mga tagapagsanay na nagtuturo ng ika-apat


na "P" - ang Pag-iingat ng sarili, Protektahan ang sarili, o
Pagpapananggalang ng sarili (Protect yourself), bagaman sinasabi ng iba
na kasaklaw at nakasukob na ito sa ilalim ng ikalawang "P" na Pag-iwas
mula sa mga karagdagang pinsala para sa kapakanan ng sarili, ng biktima
o pasyente, at ng iba pang tao. Kapag maingat ang sarili - ang tagasagip o
tagapagligtas - ay may kakayahan itong pangalagaan at magligtas pa ng
ibang tao.
Galugarin
Panuto: Anu-ano ang mga salita o bagay na may kaugnayan sa pangunang
lunas? Hanapin ang ilan sa mga ito sa puzzle at bilugan. Isulat ang ito sa
mga numerong nakalaan sa ibaba.

C L S A K U N A G P Q R U P Q P T P

A P P L A A P Q F K A F J I A L F I

S T U L O N G R W Y V N I C S M G N

S O O K S K T A R L S V K K D O H S

D U I J F Y M B G I N G L L F I T A

Z G A K S I D E N T E F T S E R W L

G T Y D T M M H Y H A T N N T J E A

H R O K G B R T U G D S O G Y M S P

N M I D N H D Q I F C H A T U N W U

Q B E S H G S M O D W L U N A S Y L

Palalimin
Panuto: Basahin ang bawat tanong at ipaliwanag ang hinihinging sagot.

1. Anu-ano ang mga layunin ng pangunang lunas?


_____________________________________________________________________
_______________________________________________________

2. Paano mo mailalarawan ang kabutihang dulot ng pangunang lunas?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________
3. Ano ang mangyayari kapag walang kaalaman at kasanayan ang taong
magbibigay ng pangunang lunas sa taong nasaktan?
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________
4. Anu-anong sitwasyon ang maaring paggamitan ng kaalaman sa
pangunang lunas?
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________
5. Paano ka magkakaroon ng kasanayan sa pangunang lunas?
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________

Sukatin
Panuto: Tingnan mabuti ang bawat larawan. Pagdugtungin
ang salita batay sa larawan. Isulat ang alam ninyo ang pangunang lunas sa
bawat isa.

1. Sugat / wound A.
Lunas= __________________________

2. Kagat ng Aso/ Dog Bite


Lunas= __________________________ B.

3. Kagat ng Kulisap/ Insect Bite


Lunas=___________________________ C.

4. Pagdurugo ng Ilong/ Nosebleeding


Lunas=_____________________________ D.

5. Kagat ng Ahas/ Snake Bite


Lunas=____________________________ E.
Susi sa Pagwawasto

MUSIC

ARTS
HEALTH
Sanggunian:
Copacio, Hazel P., et. al.,2016 Halinang Umawit at Gumuhit 5 Batayang Aklat ( pp.84-87), (DepEd-
BLR) Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600
Sunico, Raul M., et. al., 1999 Musika at Sining 6 Batayang Aklat (59-61)
102 B. Gonzales St., North Xavierville Quezon City, Philippines
K to 12 Teacher’s Guide (Music TG), Yunit 3-Aralin 2
MELC-K to 12 Curriculum, Music 5 (p. 256-257)
K to 12 Teacher’s Guide (Health TG), Yunit 4-Aralin 2
MELC-K to 12 Curriculum, Health 5
Links
https://glosbe.com/it/tl/adagio
http://kristincavallaris.blogspot.com/2010/02/happy-birthday-music-notes-for-facebook.html
https://www.bethsnotesplus.com/2016/03/leron-leron-sinta.html http://www.piano-play-
it.com/music-tempo.html
https://youtu.be/kJBudtMXaTI
http://www.piano-play-it.com/music-tempo.html
https://brainly.ph/question/2072027
https://youtu.be/_12-fZvdPHg
https://courses.lumenlearning.com/musicappreciation_with_theory/chapter/tempo-markings-and-
changes/

https://press.rebus.community/sightreadingforguitar/chapter/more-notes-on-the-fifth-string-
expression/

https://www.google.com/search?q=costume+accessories+made+of+paper&source=lnms&tbm=isch&s
a=X&ved=2ahUKEwj8sNW28vfuAhXmw4sBHYbSAdAQ_AUoAXoECA0QAw&biw=911&bih=438#imgrc=rIn
h0OYOgtEohM
https://www.google.com/search?q=mobile+art++in+malls&tbm=isch&ved=2ahUKEwj-
rprr8_fuAhVFU5QKHQt0BVsQ2-
cCegQIABAA&oq=mobile+art++in+malls&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BggAEAgQHlCZ1wRY5-
8EYN31BGgAcAB4AIAB8gGIAckMkgEGMC4xMC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img
&ei=frUwYP73MsWm0QSL6JXYBQ&bih=438&biw=911#imgrc=AOLyxYbLAid3yM
https://www.google.com/search?q=papier+mache+examples+moriones&tbm=isch&ved=2ahUKEwjR4
YXr9ffuAhVFR5QKHSZHCA8Q2-
cCegQIABAA&oq=papier+mache+examples+moriones&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQHlDkFFibPWC0
Q2gBcAB4AIAB0QGIAcMKkgEFMS44LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=l7cw
YJG6FsWO0QSmjqF4&bih=427&biw=899&hl=en#imgrc=OtutTubjGaBp1M

https://www.google.com/search?q=maskara+festival+headress&tbm=isch&ved=2ahUKEwinw5bbpPju
AhUPBaYKHdG_A40Q2-
cCegQIABAA&oq=maskara+festival+headress&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BggAEAoQGFD8kQhYs
a4IYIq0CGgAcAB4AIAB5wGIAbsJkgEFMC44LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&
ei=vugwYKfsIY-KmAXR_47oCA&bih=427&biw=899&hl=en#imgrc=2e8AGObf--bFzM
https://www.google.com/search?q=paper+beads+costume&tbm=isch&ved=2ahUKEwiDwJ-
epfjuAhUqzYsBHYwmBKMQ2-
cCegQIABAA&oq=paper+beads+costume&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoFCAAQsQM6CAgAELE
DEIMBOgIIADoHCAAQsQMQQzoGCAAQBRAeOgYIABAIEB46BAgAEBhQ-
bIKWPmOC2CkkgtoAHAAeASAAaUCiAHRH5IBBjIuMjkuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEAwAEB
&sclient=img&ei=S-kwYMPuDKqar7wPjM2QmAo&bih=427&biw=899&hl=en#imgrc=sGyAZ-e3mG1O0M
https://www.google.com/search?q=curtain+made+of+paper+beads&tbm=isch&ved=2ahUKEwiXo
YjnpvjuAhWPEKYKHXDfBhsQ2-
cCegQIABAA&oq=curtain+made+of+paper+beads&gs_lcp=CgNpbWcQA1DuKVifOGCYQWgAcAB4AI
ABzgGIAacHkgEFMC41LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=8OowYJfpF
Y-hmAXwvpvYAQ&bih=427&biw=899&hl=en#imgrc=RnWYg5xC3aGeFM

You might also like