Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat_:________________

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Week 1
Activity Sheet
Pangalan:__________________________________ Baitang at Pangkat_:________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Week 2
Activity Sheet

Pag-aralan ang sitwasyon sa ibaba. Alamin kung may nalabag na karapatang pantao.
Isulat sa sagutang papel ang iyong kuro-kuro. Pagkatapos ng pag-aaral sa Junior High School
ay binalak ni Noel na mag-aral ng Senior High School sa isang kilalang unibersidad sa
Maynila. Binasa niya ang mga kwalipikasyon at mga pamamaraan upang siya ay makapasok
sa nasabing paaralan. Nang matiyak sa sarili na taglay niya ang mga nakasaad na kasanayan
ay sinunod niya ang mga proseso sa pag-aapply. Nang siya ay nasa huling hakbang upang
makapasok sa nasabing paaralan ay sinabihan siya ng administrador ng paaralan na hindi siya
maaaring tanggapin sapagkat iba ang kaniyang relihiyon. Ngunit hindi naman nakasaad sa
kwalipikasyon ng eskwelahan ang patungkol sa pananampalataya. Kung ikaw si Noel ano
ang mga hakbang na iyong gagawin upang maipaglaban ang iyong karapatan?

Mga Tanong:
1. May nalabag ba sa karapatan ni Noel? Tukuyin ito.
2. Kung ikaw si Noel ano ang mga hakbang na gagawin upang maipaglaban ang iyong
karapatan?
3. Bakit mahalaga na alam ng tao ang kaniyang mga karapatan?
Pangalan:__________________________________ Baitang at Pangkat_:________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Week 3
Activity Sheet

Tukuyin kung tama o mali ang nakatala sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA kung tumutukoy
sa kilos na sumasang-ayon sa kabutihang panlahat at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa
sagutang papel.
1. Sinisikap ni Joymie na gawin sa abot ng kaniyang makakaya ang mga trabaho na
nakaatang sa kaniya upang matustusan ang pangangailanganng pamilya.
2. Dahil modular distance learning ang piniling paraan ng pag-aaral ni Jan Kaev Marie, palagi
niyang pinagagawa ang mga gawain sa kaniyang nanay upang hindi siya mahirapan.

3. Gustong mapabilang ni Arah sa grupong kinabibilangan ng mga mahuhusay na


mananayaw sa kanilang lugar kaya’t lagi niyang iginagawa ng takdang aralin ang mga
kasamahan.
4. Bagamat mahirap ang buhay, sinikap ni Jilyn Joy na itaguyod ang kaniyang pag-aaral.
5. Pinag-aralang mabuti ni Kent ang mga istratehiya sa paglalaro ng badminton sapagkat
naniniwala siya na may kakayahan siyang magtatagumpay sa larangang ito.
Pangalan:__________________________________ Baitang at Pangkat_:________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Week 4
Activity Sheet
Pangalan:__________________________________ Baitang at Pangkat_:________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Week 5
Activity Sheet

Sa iyong sagutang papel, kopyahin at sagutan ang gawain. Kilalanin kung ang mga nakasaad
ay nagtataguyod ng dignidad ng tao sa paglilingkod. Lagyan ng hugis puso () ang bilang na
nagpapakita nito.
1. Nag-overtime sa trabaho si Lovie sapagkat nais niyang matapos ang mga deadline bago
ang itinakdang oras.

2. Inuna ni Yujin ang paglalaro ng online games bago niya ginawa ang iniutos na gawaing
bahay ng kaniyang ina.

3. Bilang guro ay ibinibigay ni Jaypee ang lahat ng kaniyang magagawa upang matulungan
na maunawaan ng kaniyang mga mag-aaral ang kanilang aralin.

4. Dahil hindi ganoon kalaki ang suweldo bilang janitor, si Mang Ben ay madalas
magpahinga sa trabaho dahilan upang siya ay laging sitahin ng kaniyang manager.

5. Bagamat pagod na sa trabaho si Leila bilang nurse ng isang ospital ay sinisikap pa rin niya
na maalagaan ang kaniyang mga pasyente sa abot ng kaniyang makakaya.
Pangalan:__________________________________ Baitang at Pangkat_:________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Week 6
Activity Sheet
Pangalan:__________________________________ Baitang at Pangkat_:________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Week 7
Activity Sheet

Unang Araw:

Basahin at unawain ang araling “Bolunterismo at Pakikilahok sa Gawaing Pampamayanan”


na nasa pahina 30 hanggang 34 ng inyong modyul. Pagkatapos ay gawin ang gawain na nasa
ibaba.

Ayon sa kantang “Pagbangon” ni Julie Ann San Jose na nasa pahina 32 ng inyong modyul,
sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

Mga Tanong: 
1. Ano ang susi sa mabilis na pag-usad kung ang bansa ay dumaranas ng pagkalugmok? 
2. Papaano ipinakikita sa awitin ang pagbangon ng mga Pilipino kapag nakararanas ng mga
sakuna? 
3. Mahalaga ba ang pakikilahok at pagdadamayan sa tuwing may problemang kinakaharap?
Bakit?

Ikalawang Araw:
Sa isang buong papel, Sumulat ng isang autobiography ng isang sikat na indibidwal na
nagtaguyod ng bolunterismo. Illagay bilang highlights ng kanyang autobiography ang
kanyang nagawa na nagpapakita ng bolunterismo.

Para sa mga paglilinaw/suhestion, buksan lamang ang inyong GC para sa araling ito.

You might also like