Professional Documents
Culture Documents
Performance Task - Quilo-Quilo
Performance Task - Quilo-Quilo
Performance Task - Quilo-Quilo
ANSWER SHEET
BY GROUP: PANUTO. Bumuo ng malinaw na konseptong Panukalang Proyekto patungkol sa proyektong nais ninyong gawin.
Isaalang-alang ang mga bagay na napag-aralan para sa epektibong sulatin. Gamiting format ang halimbawang panukala na nilikha
nuong nakaraang aktibiti. Dapat din na naisaalang-alang ang mga mekaniks sa ibaba.
MEKANIKS sa Panukalang Proyekto:
Haba: 1 taon na paglikha
Suliranin: Krimen (anytime)
Badjet: 2 million
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang Barangay West, ay isa sa lugar sa Lungsod ng Heneral Santos na may iba’t ibang
krimeng nagaganap tulad na lamang ng pagnanakaw, pagtago ng iligal na armas at pag gamit
at pagbenta ng ipininagbabawal na droga, at dahil dito dumarami ang bilang ng mga bilanggo
na galing sa nasabing barangay.
Isa sa mga suliraning na nahaharap ng mga dating bilanggo ay ang hirap sa paghahanap
ng trabaho dahilan ng kanilang nakaraang rekord o krimeng nagawa at Nakakaranas sila ng
diskriminasyon lalo na sa mga kompaniyang kanilang ina-aplayan.Madalas sabihan na wala
ng pag asang magbago dahil sa krimeng nagawa.
II. Layunin
Makapagsagawa ng livelihood program para sa mga dating bilanggo na nahihirapang
maghanap ng trabaho at nakakaranas ng diskriminasyon. Layunin ng programang ito na
makapagbigay at makatulong sa mga dating bilanggo ng hanap buhay tulad ng Fishing
Livelihood program. Isa ang pangigisda sa pangunahing hanap buhay ng mga mamamayaan
ng brangay west dahil malapit ang kanilang tirahan sa dagat.
Ang Fishing livelihood Program ay isang programa na ang pangunahing benepisyaryo
ay mga nahatulan ng hindi gaanong seryoso at seryosong mga pagkakasala na naninirahan
sa Barangay West at nakamit ang mga parusa na pagkabilanggo sa mga lokal o pambansang
institusyon ng pagwawasto. Ang programang ito ay nakatuon sa pag bibigay ng mga
kagamitan sa pangigisda at nakakasigurong mabigyan ng hanapbuhay na siyang tutulong
upang ma sustentuhan ang kanilang pangangailang.