Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

DALUBHASAANG MABINI

Daet, Camarines Norte


Kolehiyo ng Edukasyon

MODYUL 5
Ang Pagsulat ng Komposisyon

A. Panimula
Isa nanamang panibagong karunungan ang iyong tutuklasin sa modyul na ito. Pokus
ng modyul na ito ang maibahagi sa mga mag-aaral ang kahulugan, proseso ng
pagsulat, katangian at maging uri ng komposisyon. Tiyakin lamang ng bawat mag-aaral
na masagutan ang mga katanungan at gawaing makikita sa katapusan ng modyul na
ito. Makibahagi rin sa mga talakayang isasagawa sa pamamagitan ng google meet at
zoom app.

B. Layunin
Pagkatapos na mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang
makatatamo ng mga sumusunod;

1. Naiisa-isa ang kahulugan, proseso ng pagsulat, katangian at uri ng komposisyon.

2. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan na may kaugnayan sa paksang pinag-


aralan.

3. Nakikritik ang ilang mga halimbawang komposisyon gamit ang mga gabay na
pamantaya.

C. Nilalaman ng Talakayan

Panuto:
Ang mga sumusunod ay ang mga kaalamang dapat na mabatid ng mga mag-
aaral sa modyul na ito. Basahin at makiisa sa mga pagpapaliwang na itatakda ng guro
gamit ang google meet at zoom app.

KOMPOSISYON

Ang kompsisyon ay isang pangkasanayang sulatin ng mga mag-aaral sa klase. Ito


ay isinasagawa ng malinaw at mabisa sa pamamagitan ng maselang pamimili, mahusay
na pagsasaayos at masinop na pagpapaunlad ng mga ideya sa pangungusap at talata,
sa gayon ay makabuo ng isang akdang may mabuti, kawili-wili at makabuluhang
nilalaman at may lohikal at orihinal na pormat.

LAYUNIN

Nagsusulat tayo sa kadahilanang tulad din sa kung bakit tayo nagsasalita – para
maihayag ang mga ideya sa kapwa. Mayroong dalawang pinaka-layunin ang
komposisyon;
 Mabigyan ng pagsasanay ang mga mag-aaral sa pagsulat na
nagpapahayag ng mga ideyang base sa katotohanan, sa wasto, angkop at
nauunawaang wika
 Malinang ang mga kasanayang kailangan sa pagsulat ng may kabuluhang
nilalaman at may orihinal na pormat.
PROSESO NG
PAGSULAT

 Sa anumang anyo ng sulatin, ang unang-unang pinag-iisipan ay ang


papaksain. Ang paksa ay ang isang ideyang matalinong pinauunlad sa
pamamagitan ng mabibisang pamamaraan ng pagtalakay. Pinakapipili ang
paksa ayon sa interes, kaalaman at karanasan ng magsusulat.
 Dapat isaalang-alang ang babasa, kaya kailangan ito’y maging kaakit-akit
at kapaki-pakinabang sa kanya para pag-ukulan ng panahong basahin.
 Kalimitan upang maging kawili-wili sa babasa ang paksa dapat na ito ay
may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay at napapanahon, maging
tungkol sa mga taong kilala, kaiba at kontrobersyal ganun din sa mga
pakikibaka ng tao sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan at sa lahat-lahat na.
 Kapag napili na ang paksa ang pangalawang pinag-iisipan ay ang
pagtalakay na rito. Nakapaloob sa pagtalakay ang layunin mo sa pagsulat;
 Magbigay impormasyon
 Mang-aliw
 Manghikayat
 Mambatikos at iba pa.
 Pagpasyahang mabuti ang iaanyo sa pagtalakay;
 Paglalahad
 Pagsasalaysay
 Paglalarawan at
 Pangangatwiran
 Kailangan na ang nabanggit sa itaas ay bumagay sa layunin, gayundin sa
paksa. Saka simulan ang pagsulat.

BAHAGI

Simula o intoduksyon, gitna o katawan, wakas o kongklusyon. Tatlong


mahahalagang bahagi ito hindi lamang ng koposisyon kundi ng bawat akda.
Matamang pinapansin ang pagsulat sa bawat bahagi para mabigyan ang mga ito
ng sapat na nilalaman at pare-parehong haba. Ang haba ng simula ay dapat na
proporsyon sa haba ng katawan hanggang wakas.

 Ang Simula o Introduksyon


- ang simula ang pinakamukha ng komposisyon. Dito hinahatulan, kung
magtatagumpay o mabibigo, ang isang katha. Kailangan, sa sulyap pa
lamang ng babasa, ito’y kaakit-akit na, nakapupukaw, nakagaganyak,
nakahahatak ng kuryusidad para tuluyang titigan, tunghayan hanggang
sa ang malay, maaari pa ngang pati buhay ay matangay ng kasabikan.
- Narito ang ilan sa pinakagamiting mabibisang panimula.
 Pasaklaw na pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o ang
kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunod-sunurin
mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga ang
mga detalye.

Halimbawa:
a. Isang binatang guro ang dumalo sa kaarawan ng kaniyang
kaibigan ang brutal na pinatay makaraang saksakin ng
apatnapu’t pitong beses ng apat na estudyante na nainis sa
ginawang pagbati ng una kamakailan sa Santo Tomas,
Batanga.
b. Isang vegetable nursery bawat barangay ang
pinagkakaabalahan sa Rizal, Laguna ngayon.
 Pagbubuod – ang panimulang ito ay naghahayag muna ng
pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.

Halimbawa:
a. Ang kinabukasan ng bayan ay nasa kasipagan ng bawat
mamamayan.
b. Kahibangan nan gang matatawag ang pagmamatuwid sa
pananatili pa ng mga base militar ng mga Amerikano ditto…
 Pagtatanong – ang panimulang ito ay nagtataglay ng mga
katanungang makakaakit sa interes ng mga mambabasa. Isa ito sa
kadalasang ginagamit sa anumang anyo ng sulatin.

Halimbawa:
a. Langis at tubig nga ba ang interes ng kaguruan at iba pang
kawani ng Pamahalaan? Ito ang susing tanong sa mga
pagtatalo…..
b. Mahina ba ang disiplina o talagang walang disiplina ang mga
Pilipino? Katanungan itong base sa pagmamasid sa trapiko…
 Tuwirang Sinabi – ang panimulang ito ay karaniwang makikitang
nakapanipi sapagkat mulat ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na
pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad, at maari din
namang karaniwang taolamang ngunit ang sinabi’y naghahayag ng
mahalagang bagay na magagamit sa lundayan sa pinakapaksa.

Halimbawa:
a. Isang sundalo ng Timugang Vietnam ang nagpahayag
kamakailan na, “Kung mamamatay ako’y tiyak na mapupunta
ako sa langit, sapagkat tulad ng sa impyerno ang buong
buhay ko rito sa lupa.”
b. “Idiots are forever!” Ito ang pahayag ni Meriam Santiago sa
mga kabataan nagsisimula pa lamang sa karera.
 Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng
kahalagahang unibersal na maaring hanguin sa mga salawikain, sa
mga kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na
makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.

Halimbawa:
a. Minsan pang napatunayan ang matandang pamahiin na
“huwag tumuloy sa pupuntahan kapag may bumagtas na
pusang itim sa dinaraanan.
b. Walang pangalawang glorya, karaniwa’y pangalawang dusa.
Dito ibinase ng isang biyuda ang naging karanasan niya sa
pag-aasawang muli.
 Paglalarawan – ang panimulang itoay ginagamit pag nagtatampok
ng tao. Sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at
maaksyong salita ang ginagamit.

Halimbawa:
a. Baliw daw si Mercy, ang babaeng may bigote’t
balbas…..Marusing pero hindi marumi. Nakatali ang manipis na
buhok na lampas-balikat ang haba. Hanggang tuhod ang
pantalon kaya kampansin-pansin ang malago at kulot na
balahibo sa mga binti.
b. Si Rosella na yata ang pinakamabait sa klase. Malawak ang
kanyang pang-unawa. Mapagbigay at maalalahanin siya lagi.
Tapat na tapat siyang makisama. Lamang, hindi siya masalita.
Parang laging napakalalim ang iniisip. Ang pagiging walang
kibo niya’y hiwagang pinakatitinginan ng lahat.
 Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit na panimula kung ang
bibigyang-larawan ay pook.

Halimbawa:
a. Namamayani pa ang dilim, halos wala nang patlang ang
tilaukan ng mga tandang sa silong ng mga dampang
nangatirik sa tabing-dagat.
b. Unti-unting huminga ang kalye ng mga sasakya-kalesa, dyip,
kotse, bus, bisiklita, traysikel, pedikab at iba pa. Ilang sandali
pa, buhay na ang aspaltong kalye at ang mga sementong
gusali. Buhay na ang Abenida, ang daang tirahan ng ilan, ang
daang pinangingilagan ng marami.
 Pagsusumbi – bibihirang ang panimulang ito. Maikli lamang, na
karaniwan nang binubuo ng iisang salita. Masurpresa itong parang
suntok kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.

Halimbawa:
a. Sa Luneta
Sa Luneta natagpuan ni Deo ang kaniyang sarili.
Natutulog siya sa damuhan, mistulang pulubi.
b. Luha!
Salitang may apat na titik lamang datapwat
naglalaman ng isang libo’t isang kahulugan.
 Pagsasalungat – sa panimulang ito, ang binibigyang diin ay ang
pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod ditto ay mas malaki ang
pagkakaiba, mas matindi ang bias.

Halimbawa:
a. Noong basketbolista si Jaworski, pikon, marumi, nananagi ng
kalaban maglaro. Ngayon , pag ganito ang gawa ng kanyang
basketbolista, dahil coach na siya, sinisibak niya.
b. Nang kararaang pitong buwan, humalakhak nang abot-langit
sa kaginhawaan ang buong Lungsod ng Angeles. Ngayon,
nanaghoy ito nang ubod-lalim sa pagkakalibing ng buhay sa
lahar.
 Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na
pagkukuwento.

Halimbawa:
a. Bago pa dumating ang jeans at levi’s uso na ang maong.
b. Ika-9 pa lamang ng umaga ay napaupo na ako sa kama para
sagutin ang telepono.
 Makatawag-pansing pangungusap - ito’y isang mapanggitlang
panimula dahil di-karaniwang sinasabi o naririnig sa araw-araw, ang
pamamariralang ginagamit ditto. Ito’y isang patayutay na
pagpapahayag.

Halimbawa:
a. Sinakmal ng makapal na usok mula sa Taal ang buong
Batangas.
b. Masarap ang miryenda sa CR!
 Analohiya – ang panimulang ito ay nagtutulad o nagwawangis.

Halimbawa:
a. Hindi ko malaman kung anong di-matiyak na
kapangalawahan, di mawaring kalungkutan ang umiinis sa
kaluluwa ko, katulad ng malalim na kalungkutan ng mga
lungsod pagkatapos ng isang magulong kasayahan, ng isang
lungsod pagkaraan ng isang napakaligayang pag-iisa.
b. Ang buhay ay gulong, umiikot, mabilis, mabagal,
pumapailalim, pumapaibabaw.
 Anekdota – isang panimulang nagkukuwento ng maikling istorya para
pasiglahin ang nababasa, o di kaya’y gamiting tularang lundayan
ang kaugnayan sa paksang tatalakayin.

Halimbawa:
Ang paksa tungkol sa PANGUNGUMUNYON
Kinagawian nan g mag-ina ang pagsisimba tuwing linggo.
Ngunit minsan, nang oras na ng pangungumunyon at hinihila na
ng ina ang anak para pumunta na sila sa altar at kakaunti na
lang ang nakapila, nagulat na lamang ang ina sa pag-ayaw ng
anak.
“Bakit anak?” ang tanong ng ina.
“Kasi po hindi ko gusto ang ginagawa ng paring iyan.” Ang
sagot ng anak.
Piningot ng ina ang walong taong anak.

“Kahit na po dalawang tenga ko pa’ng pingutin n’yo ayoko


talaga!” pagmamaktol ng anak.

“Bakit ba?” galaiti ng ina.

“ Kasi po…suwapang ang paring iyan e! Di n’yo po ba


napapansin, parang siya lang ang nauuhaw! Di man lang tayo
tirhan ng konting tubig. Siya lang nang siya ang umiinom,”
 Pagsasalitaan – ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan o
diyalogo, na ayon kay Rufino Alejandro, mas mabuti itong gamitin sa
paglalahad ng pagkatao.

Halimabawa:
“Mabuhay! Mabuhay ang Presidente!” ang walang
kamayawang pagbati ng nagsisiksikang madla sa harap ng
Luneta Grand Stand nang humarap sa kanila ang bagong
halal ng pangulo na abot-tainga ang mga ngiti ng “Maraming
salamat mga kababayan! Maraming-maraming salamat sa
pagtitiwala ninyo!”
 Gitna o Diskusyon
- Ang gitnang bahagi o diskusyon ang pinakakatawan ng sulatin.
Dito makikita ang mga kalamnan.
- Binubuo ito ng mga talatang kinapapalooban ng
mgapangunahing kaisipan at mga pantulong o pamunong mga
detalyeng maayos ang masuring pagkakauri-uri at
pagkakasama-sama, at makatwiran ang pagkakahanay-hanay
at pagkakasunod-sunod tungo sa malinaw at ikapapaliwanag ng
paksa.
- Mabisa nag gitna kung bukod sa sinisiyasat munang mabuti ang
mga kaisipan bago isulat para matiyak ang mga katunayan at
mga kapaliwanagan, ang mga ito ay nakabalangkas na maigi.
- Higit pang napabibisa ang pagkakabuo ng gitnang bahagi ng
komposisyon kung ang pagsasaayos nito ay isinusunod sa mga
pamamaraang umaangkop sa paksa, layunin at pinag-uukulan
nito. Ang mga ito ay ang sumusunod:
 Pakronolohikal – pagsasaayos itong ang paraan ng pagpapaunlad
ay ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
mulang pinakamatagal na hanggang sa pinakakasalukuyan.

Halimbawa:
Kung ang paksa ay tungkol sa Unang araw sa Unibersidad, ito’y
maaaring simulan sa oryentasyon patungo sa pagpapatala, tuloy-
tuloy sa mga pilang kailangang paghintayan para opisyal na
maasikaso ng kinauukulan.
 Paangulo – ang pamamaraan ng pagsasaayos na ito sy ibinabatay
sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao na tungkol sa mga
bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa
isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat upang makabuo ng isang
komposisyon.

Halimbawa:
Kung ang paksa ay tungkol sa Bitay o Hatol na Kamatayan, ang
mga anggulo ay maaring kunin sa mga sumusunod;
 sa mga kriminal mismo na maasahan ang pagtutol o di
pagsang-ayon dahil sa buhay nila ang nakataya.
 ang mga naging biktima kasama na rito ang pamilya na
tiyak namang lubos itong sasang-ayunan.
 ang bawat sektor ng mamamayan na magkakaroon ng
iba’t ibang pagpapasya.
Sa pamamagitan ng pagtitimbang –timbang sa bilang ng
reaksyong nakuha ang konklusyon ay madaling magagawa.
 Paespesyal o Paagwat – pagsasaayos itong pinauunlad ang
paglalahad sa pamamaraang sa malapit sinisimulan dahil ang mga
bagay-bagay dito’y alam na alam na, patungong malayo o palayo
kung saan ang mga bagay-bagay ay hindi masyadong kilala o vice
versa.

Halimbawa:
Kung ang paksa at tungkol sa Kapitbahay, simulan ang
pagtalakay sa sariling bahay, tuloy-tuloy sa mga bahay na malayo sa
sariling bahay.
 Paghahambing - sa pamamaraang ito ang pagpapaunlad ay
isinasaayos nang paseksyon. Sa unang seksyon , sinisimulan muna ang
pagkakaiba tungo sa ikalawang seksyon na ang mga
pagkakapareho naman. Ito’y vice versa o puwedeng paglipatin o
pagpalitin ang ayos, iyong pagkakapareho muna bago ang
pagkakaiba.
 Palamang/Pasahol – sa pamamaraang ito ang bagay munang
lalong mahahalaga ang binabanggit bago ang di-gaanong
mahahalaga o vice versa.
 Patiya/Pasaklaw – isinasaayos naman ito sa pamamaraang sinasabi
muna ang mga partikular o depinidong detalye bago ang
pangkalahatang mga pahayag. Ito’y naisasa-vice versa rin.
 Papayak/Pasalimuot – gayundin sa tatlong sinusundan ang mga
pamaraang ito lamang sinisimulan itong iayos sa mga bagay na
komplikado kasunod ang mga bagay na simple o vice versa.

 Wakas o Kongklusyon
- Sa wakas nagtatapos ang kabuuan ng komposisyon. Ito ay
sinasambit sa ilang pananalita na lamang dahil kung pahahabain pa,
bukod sa hindi na kasisiyahan, ay hindi na magiging mabisa.
Datapwat kung pakasusundin ang alituntunin sa pagkatha, dapat ito
ay kasinhaba lang ito ng simula.
- Sa wakas napapaloob ang pangkalahatang palagay o pasya
tungkol sa paksa base sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa
sa bahaging gitna.
- Tulad rin sa panimula, kailangan din ng isang komposisyonang
mabisang pangwakas, sa gayon hindi man matandaan ng mga
mambabasa ang buong paglalahad, ang isang impresyong titimo sa
damdamin at kritikal sa isipan ay sapat na para tagumpay na
maituring ang katha dahil tiyak na lagi itong maaalala.
- Narito ang mga sumusunod na mabibisang pangwakas. Ang ilan sa
mga ito ay naipaliwanag na sa dakong unahan dahil ginagamit ding
panimula. Obserbahan na lamang ang mga halimbawa.

 Tuwirang Sinabi

Halimbawa:
Mula ngayon at di na magtatagal ang bukambibig na sabi ni
Jose Rizal na “ Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan” ay
mapapatunayan na.

 Panlahat na Pahayag

Halimbawa:
Makabuluhan sa makatuwid ang palasak nating kawiakaang
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.”

 Pagbubuod – ito ang pinakagamitin sa mga pangwakas. Sa halip na


sa simula binubuod ang kabuuang diwa ng komposisyon, ditto
naman’y sa katapusan.
Halimbawa:
Marahil, sa atin, napakaliit ng 50 pesos. Kulang pa ngang pambili
ng quarter pounder sa McDo. Pero sa mga kasama nating
manininda, isang puhunan na iyon para may makain bukas.

 Pagpapahiwatig ng Aksyon - ito’y isang pangwakas na tuwiran o di


tuwirang nagpapakilos sa mga mambabasa ayon sa hinahangad na
inaakalang mahalaga sa ikatatamo ng kabutihan ng lahat.

Halimbawa:
Ang dapat sisihin ay hindi ang baying naging biktima ng
panggagahis, kundi ang pinunong kasangkapan sa hukbong
sandatahan upang gahisin ang bayan.

“Ang pagkakaisa ng mga estudyante ay karagdagang lubid na


bibigkis sa pinag-isang simulain – ang masagana at makatarungang
bukas para sa lahat”.

 Mahalagang Insidente – ito’y isang madulang pangwakas na


maaaring magpakita ng pagbabago sa takbo ng mga pangyayari at
sa katauhan ng mga nasasangkot sa katha.

Halimbawa:
Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang katahimikang
naging mailap noong sila’y nagsasama pa, nang magtagpo silang
muli……sa morge.

 Pagtatanong

Halimbawa:
Ano pa an gating hinihintay? Matatamad tamaran na lamang
ba tayo habang buhay? Kailan natin bubuksan ang pinto ng
maunlad na kinabukasan?

 Pagsisipi – pangwakas itong kumukopya ng isang taludtod o mahigpit


pa sa isang akda, patula man o patuluyan, na ang sinasabi ay
angkop sa tinatalakay na paksa.

Halimbawa:
Wala na namang pakialam si Lorraine sa kanila, o maging sa
mundo. Tila pagkawalang bahala sa mga kumbensyon ng lipunan.
Kalayaan na maihahalintulad sa paligid ng ibong pipit. Paglipad
upang salubungin ang umagang nagpapangako ng mas
magandang bukas.

Batayang Uri

 Informativ- Naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.


Hal. mga kasaysayan, mga balita

 Argumentativ- N a g l a l a h a d n g m g a p r o p o s i s y o n n a
n a n g a n g a i l a n g a n n g p a g ta l u n a n o pagpapaliwanagan.
Hal. mga editorial

 Persweysiv- Textong nangungumbinse o nanghihikayat.


Hal. mga nakasulat na ptopaganda sa eleksyon, mga advertisement

 Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng


nagsasalayasay.
Hal. mga akdang pampanitikan

 Deskriptiv- Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay, lugar,


pangyayari atbp.
Hal. mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

 Prosijural- Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang


sa paggawa ng isangbagay.
Hal:Ang pagluluto ng kahit anong uri ng pagkain.

You might also like