Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

FILIPINO 5
Unang Markahan, Ika-3 Linggo

Pangalan:_______________________________________ Petsa:___________________
Baitang at Pangkat:_______________________________ Iskor:____________________

Pagsagot sa mga Tanong sa Binasang Kwento at Tekstong Pang-impormasyon

I. Kasanayang Pampagkatuto
Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang kwento at tesktong pang-
impormasyon (FSPB-Ia-3.1, FSPB-Ic-3.2)

II. Layunin
Naisasalaysay ang mahahalagang impormasyon sa binasa/napakinggang kwento
o teksto
Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa binasa/napakinggang kwento o
teksto
Naipakikita ang positibong pananaw sa binasa/napakinggang tekstong pang-
impormasyon

III. Panimula (Susing Konsepto)


Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng
isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng
isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Ang
kwento ay may 11 elemento na siyang magagamit sa pagsagot ng mga tanong. Ito ang
mga sumusunod: panimula, saglit na kasiglahan, suliranin, tunggalian, kasukdulan,
kakalasan, wakas, tagpuan, paksang diwa, kaisipan, at banghay.
Ang tekstong impormatibo ay uri ng teksto na nagpapahayag ng mga
mahahalagang pangyayari na may tiyak na mga impormasyon hinggil sa isang
pangngalan. Ito ay may mapagkakatiwalaang mga datos at nakasulat sa paraang
obhetibo at walang halong opinyon ng manunulat. Isinusulat ang tesktong impormatibo
ng mga eksperto base sa mga tunay na pangyayari. Kung may takdang-aralin ka o
kaya’y may gustong pagbasehan sa isang research, piliin mong basahin ang pagkuhanan
ng sagot ang mga tekstong impormatibo.

Ang kakayahan sa pagbasa at pakikinig ay isa mga pinakamahalagang kasanayang


dapat matamo ng isang bata sa unang taon pa lamang ng kanyang pag-aaral. Dito
nakasalalay ang magiging tagumpay niya at kaunlaran sa hinaharap.
Sa pagbasa ng kwento, kinakailangan natin ang masusing pang-unawa sa ating
binabasa. Dahil sa ganoong paraan natin maiintindihan ang tekstong nais basahin. Ang
pagbasa ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon sa ating binabasa. Dahil sa
pagbasa, nagkakaroon tayo ng iba’t ibang kaalaman at ideya.
Mahalaga ang pagsagot sa mga tanong ng kuwento o teksto dahil dito
mapapatunayan kung naintindihan ba talaga ng isang mag-aaral ang kwento o tekstong
kanyang binasa.

IV. Mga Gawain


Gawain 1 Basahin ang kwento.

Ang Mausisang Sisiw

Nakikikalaykay ang sisiw na si Susie sa lupang nilalakaran nilang mag-ina,


tinutuka niya ang mga nagkalat na bigas sa kapatagan at nagnanahap pa ng ibang
makakain. Takang taka ang sisiw sa kanyang nakikita sa lupa. “Nanay, paano bilangin
ang lupa?” Nagtatakang tanong ni Susie. ”Anak, hindi maaring bilangin ang lupa”,
sagot ng ina. “Pero ang mga uod po nabibilang takang sagot ni Susie. ‘Halika ka anak,
dakutin mo ang lupa” Banggit ng ina. Dinakot ni Susie ang lupa at nakita kung gaano
kaliit ang mga ito. Nang biglang humangin, nawala ang dinakot na lupa sa kamay,
“Nanay, nawala ang lupang dinakot ko. Siguroy maliit ang mga ito wika ng sisiw.
“Oo anak sa sobrang liit ay mahirap bilangin ang mga iyan. Kagaya din ng ating
balahibo, ng bigas na tinutuka natin, ang pawis na lumalabas sa ulo natin kapag,
napapagod, luha kapag umiiyak, ang asin na ginagawa ng mga hayop sa tabing-dagat,
pati ang tubig, kape at mga kauri nito ay hindi nabibilang “turo ng ina”.

Isang umaga ay nagpaalam si Susie sa kanyang ina na pupunta sa silid aklatan ni


Tiyagong Kuwago. Binabagtas niya ang daan patungo sa silid akalatan nang mapag-
aliwan niyang tukuyin ang mga nakikita sa paligid. Una niyang nakita ang lupa
“Ahhh hindi ka nabibilang pati ang paborito kung mais at munggo, hirap kaming
bilangin kayo. Dumaan siya sa pagitan ng mga puno ng kapok. “Matayog na puno
nabibilang kaba! Maya maya ay humangin at nagsipaglagpakan ang mga bulak
“Hindi nabibilang ang mga hibla ng buhok pati ang haring hangin, hindi na binilang.
Nang malapit na siya sa silid aklatan ni Tiyagong Kuwago, nakita niya ang mga
musang na kumakain ng kape, kaya kung bilangin ang mga butil ng kape na inyong
kinakain, pero kapag nadurog ang mga ito, aba hindi ko na kayang bilangin pa.
Natawa nalang ang mga musang sa mausisang si Susie. Binigyan siya ng tubig ni
Tiyagong Kuwago sapagkat napansin nitong napapagod na siya, pagkainom niya ng
tubig sabi niya Ginoong Tiyagong kuwaga hindi po nabibilang ang tubig. Hindi
pwedeng bilangin pati ang lupa, pati paborito kung munggo’t mais, at ang hangin
pagmamayabang ni Susie. Napakatalino mo talagang inakay, Susie alam kung nais
mo na namang magbasa “wika ni Tiyagong Kuwago.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel

1. Anong uri ng kuwento ang iyong nabasa?


a. pabula b. parabola c. alamat

2. Anong uri ng hayop ang ginamit sa kwento?


a. manok b. sisiw c. itik

3. Anong pag-uugali ang ipinakita ng sisiw sa kwento?


a. masiyahin b. masipag c. mausisa

4. Ano ang nais bilangin ng sisiw?


a. butil b. bigas c. buhangin

5. Anong uri ng ibon si Tiyago?


a. kalapati b. kuwago c. maya

6. Sino ang kasama ni Susie habang naghahanap ng pagkain?


a. ang kanyang ina b. ang kanyang ama c. ang kanyang lolo

7. Bakit kaya pinayagan si Susie ng kanyang ina na pumuntang mag-isa sa silid-


aklatan ni Kapitan Tiyago?
a. upang mas may matuklasan pa siyang mas maraming bagay na nakikita niya sa
daan habang siya ay naglalakad
b. upang mapahinga muna ang kanyang ina sa katatanong niya
c. upang makapalibang si Susie

8. Ano ang gagawin ni Susie sa silid-aklatan ni Kapitan Tiyago?


a. maglalaro b. magbabasa c. maglilinis
9. Sino ang nakita ni Susie na nangangain ng mga butil ng kape?
a. mga musang b. mga lobo c. mga tigre

10. Ayon sa ina ni Susie, ang mga sumusunod ay hindi nabibilang maliban sa isa.
a. lupa b. balahibo c. daliri

Gawain 2 Basahin ang teksto.

Formosa

Noong unang panahon, binihag ng Formosa ang mga taong-bundok na kauri ng


mga Malayo-Pilipino. Dumating sa Formosa ang mga dayuhang Portuges noong 1590
at pinangalanan nila itong “Ilha Formosa” na nangangahulugang “ang maganda”.
Nang dumating naman sa Formosa ang mga nakikipagsapalarang Tsino at Hapones,
itinabot silang paalis ng mga galit na taumbayan. Noong 1642, dumating sa Formosa
ang mga Dutch ngunit pinaalis naman ang mga ito ng mga Espanyol. Sa kbilang
dako, pinaaalis naman ng mga Tsino ang mga Espanyol sa Formosa. Nasakop ng mga
Tsino ang mga

Espanyol sa Formosa. Nasakop ng mga Tsino ang Formosa hanggang 1885, bago ito
napabasabansang Hapones pagkatapos ng digmaan ng mga Tsino at Hapones. Sa
kasulukuyan, matibay na kuta ng Nasyonalistang Tsina ang Formosa. Kilala ito
ngayon sa pangalang Taiwan. Ang Taipei ang pinakapangunahing lungsod nito.
Kasapi ang Formosa sa mga Bansang Nagkakaisa noong una ngunit ngayon ay hindi
na.

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at alamin kung Tama o Mali ito. Isulat ang
tama kung wasto ang salaysay at mali kung ito ay hindi. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Binihag ng Formosa noong unang panahon ang mga taong-bundok na kauri ng mga
Malayo-Pilipino.
2. Ang Ilha Formosa ay nangangahulugang ang matapang.
3. Ang nagbigay ng Ilha Formosa na pangalan sa Formosa ay ang mga Dutch.
4. Pinaalis ang mga Tsino at Hapones sa Formosa dahil galit sa kanila ang mga
taumbayan.
5. Pinaalis ng mga Espanyol ang mga Dutch sa Formosa.
6. Ang mga Portuges naman ang nagpaalis sa mga Espanyol sa Formosa.
7. Nasakop ng Tsina ang Formosa hanggang 1885.
8. Nasakop naman ng mga Hapones ang Formosa pagkatapos ng digmaan ng Tsino at
Dutch.
9. Ang Formosa ang nagsisilbing matibay na kuta ng Nasyonalistang Tsina.
10. Taipei ang pinakapangunahing lungsod ng Formosa.

Gawain 3 Basahin ang teskto.

Sanggang-Dikit

Dalawa kaming magkapatid na parehong lalaki. Mula kami sa payak at masayng


pamilya. Jawe ang pangalan ng aking kuya. Halos sabay kaming lumaki ni Kuya
dahil dalawang taon lamang ang aming pagitan. Si Tatay ay isang drayber at si Nanay
naman ay isang maybahay. Nakatuon lamang ang oras at atensiyon ni Nanay sa
aming magkapatid. Sina Lolo at Lola ay katulong din nila sa pag-aalaga sa amin.
Kapuwa kami pinalaki n gaming mga magulang na mabubuti at matatapat na mga
bata na may paggalang at pagmamahal sa Diyos at sa kapuwa tao. Tuwing hapon
pagkagaling sa paaralan, nagkukuwentuhan kami ni Kuya habang ginagawa an
gaming takdang-aralin. Lagging sinasabi ni Kuya na nais na niyang maging isang
doctor upang maalagaan an gaming mga magulang sa kanilang pagtanda, gayundin
sina Lolo at Lola. Kaya lagi ko naming sinasabing ang mga pangarap niya ay
pangarap ko rin. Kaya sa mga pagkakataong kami ay maglalaro sana, mas pinipili
naming ni Kuya na gawing laro ang pagbabasa ng mga aklatat magkunwaring mga
doctor at minsan naman ay pasyente. Naalala ko pa ang mga salitang lagi kong
sinasambit kay Kuya, “diba sanggang-dikit tayo, Kuya? Ang pangarap mo’y pangarap
ko rin.”
Panuto: Mula sa nabasang teksto, sagutin ang mga sumusunod na tanong sa bawat
bilang. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Mga tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng “sanggang-dikit”?
2. Sino ang magkasanggang-dikit?
3. Sa ano-anong bagay magkatulad ang magkasanggang-dikit?
4. Tungkol saan ang binasang teksto?
5. Paano pinalaki ng kanilang magulang ang magkasanggang-dikit? Ipaliwanag ang
sagot. Magbigay ng patunay.
6. Ganito rin ba kayo kalapit o magkasanggang-dikit ng iyong kapatid? Ibahagi ang
iyong kuwento.
7. Sa iyong palagay, paano napatitibay ng pagiging magkasanggang-dikit ang
magkapatid?
8. Sa iyong palagay, magiging matagumpay kaya ang magkapatid sa pag-abot ng
kanilang mga panagarap? Bakit?

Gawain 4 Basahin ang kwento.

Sa Pagbabalik ni Lolo Godo

May ilang taon ding hindi nakauwi sa Pilipinas si Lolo Godo mula nang
magtungo siya sa Amerika at manirahan sa piling ng isang anak na nagtatrabaho sa San
Francisco at doon na nakapag-asawa. Isa si Lolo Godo sa mga beterano ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig na pinahintulutang manirahan doon bilang pagkilala sa kanilang
ginawang paglilingkod noong panahon ng himagsikan.
Nagpasyang magbalikbayan si Lolo Godo upang makalahok sa dantaong
pagdiriwang ng kalayaan ng ating bansa. Isinama niya si Anton, ang kanyang apo na
isinilang sa Amerika.
Nag-umapaw sa galak ang puso ni Lolo Godo nang makita ang anak at apo sa
paliparan. Humahanga rin siya sa malaking ipinagbago ng Pandaigdigang Paliparan sa
Maynila.
“Mano po Itay,” ang magalang na pagsalubong ni aling Carmen sa kanyang ama.
Nagmano rin sina Aldo at Nina.
“Naku, ang laki na nang mga apo ko,” ang pansin ng matanda sa mga apo.
“Anton, halika at magmano ka sa iyong Tiya Carmen.
“Mano po Tiya” sabay abot sa kamay ni Aling Carmen upang siya’y
makapagmano.

“Natutuwa ako at marunong pala si Anton ng kaugaliang Pilipino, “ang puna ni


Aling Carmen. “Aba, oo. Laging ipinaalaala ng iyong kapatid na di dapat kalimutan ang
magaganda nating kaugalian kahit sila ay nasa ibang bansa. Alam mo bang Tagalog ang
ginamit nilang usapan sa bahay? Siyanga pala, Anton, ang iyong mga pinsan, sina
Ronaldo at Nina. “Kumusta ka Ate Nina at Ronald,” ang bati ni Anton sa mga pinsan.
“Hindi Ronald ang palayaw ko, Aldo,” ang pagwawasto ni Ronaldo.“ Sorry, Aldo. Akala
ko Ronald katulad ni Ronald Reagan.”
Nagkatawanan ang magpipinsan. lyon ang nagiging simula ng masaya nilang
pagbabalitaan hanggang makarating sila sa bahay nila sa Paranaque.
Nakahanda ang hapag-kainan nang sila ay dumating. Napansin kaagad ni Lolo
Godo ang mga paborito niyang ulam sa mesa.
“Naku, naalaala ko tuloy ang inay mo. Alam niya kasing paborito ko ang inihaw
na hito.
Magsipaghugas na kayo ng kamay at tila ba nakaramdam ako ng matinding gutom
nang makita ang mga nakahain sa mesa.” “Marunong bang magkamay si Anton?” ang
tanong ni Aling Carmen. “Bahala na po kaming magturo sa hanya,” ani Nina. ”Hindi siya
makakain ng alimango at hipon hung hindi siya magkakamay.”
Patuloy na nagbalitaan ang mag-anak habang kumakain. Nanghihilot ng tiyan ang
lahat matapos kumain sa kabusugan. Matapos makapagpahinga, niyaya ni Lolo Godo ang
mga apo sa kanyang silid. Sabik na rin siyang maipagmalaki sa mga apo ang mga itinago
niyang kagamitan noong siya ay kawal pa.
Binuksan niya ang isang malaking baul. Isa-isang inilabas ni Lolo Godo ang
kanyang mga uniporme gayon din ang gora at mga medalya niyang tinanggap sa pagiging
kawal.
“Ang putting unipormeng ito ang isinusuot naming tuwing kami ay pumaparada
sa Luneta kung Araw ng Kalayaam,” ang simula ni Lolo Godo.
“Ang medalyang iyan ay ipagkakaloob sa mga sundalong nagging matagumpay
ang pakikidigma sa mga kalaban n gating bayan sa iba’t ibang lugar ditto sa Pilipinas. Ito
ang paborito kong medalya. Ibinigay ito sa mga kawal na kasama sa Death March,” ang
salaysay ni Lolo Godo.
“Ano po ang Death March?”, ang usisa ni Anton.
“Iyon ang sukdulang pahirap sa amin ng mga kalabang nang kami ay naglakad
mula sa Bataan patungo sa Tarlac kung saan ay binalak na kami ay tapusin ng mga
kalaban subalit sa kabutihang-palad kami ay nakatakas.”
Nang dumating ang araw ng Kalayaan, kabilang si Lolo Godo sa mga beteranong
lumahok sa parade. Suot niya ang mga ipinakita niya sa mga apo. Buong pagmamalaki
naming pinanood nina Anton, Aldo at Nina ang kanilang lolo.
“Hayun si Lolo,” ang tuwang-tuwa sigaw ni Anton nang Makita si Lolo Godo na
nagmamartsa kasama ng maraming mga beterano.
“Gusto ko na yatang maging sundalo, Anton. Ibig kong maging katulad ni Lolo
Godo na naglingkod sa bayan upang ipagtanggol ang kalayaan,” ang wika ni Aldo.
“Ako rin. Sabihin natin kay Lolo pag-uwi mamaya,” ang sang-ayon ni Anton sa
kanyang pinsan.
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit umuwi si Lolo Godo?


2. Ano-anong mga kaugaliang Pilipino ang nanatili sa pamilya ni Lolo Godo kahit nasa
ibang bansa na sila?
3. Ano-anong mga bagay ang nakatago sa baul na nagpaalala sa kanyang pagiging kawal?

B. Batay sa mga salitang natutuhan, gamitin ito sa pagbuo ng mga pangungusap sa


talataan sa ibaba.

Nagdiwaang ang Pilipinas ng isang 1._________ kalayaan noong Hunyo 12,


1998. Ang mga 2. __________ ay lumahok sa parada. Suot nila ang mga 3. _________
ipinagkaloob sa kanila bilang parangal sa kanilang katapangan. Ang ibang mga medalya
ay nakasabit sa kanilang mga 4. ____________. Lahat ng kanilang mga gamit ay
nakatagao sa isang 5. ________.

dantaon baul gora beterano medalya flashback

V. Pampinid na Gawain o Repleksyon

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang pagkakaiba ng maikling kwento at tekstong impormatibo?
2. Bakit mahalaga ang pagsagot sa mga tanong sa nabasa o napakinggang kwento o
teksto?

VI. Mga Sanggunian


Department of Education. 2010. Alab sa Filipino 5 p. 12-13.

Department of Education. 2010. Gintong Aklat sa Pagbasa 6, pp.37-40

Department of Education. 2020. MELC Guide

VII. Susi sa Pagwawasto


Inihanda nina:

ANA JESUSA P. CAMPANIA


ARFHEL C.
ACOSTA
SDO Bongabon Annex

Binigyang Pansin:

ARNOLD M. GALVEZ, PhD


OIC-EPS

You might also like