Professional Documents
Culture Documents
Filipino Grade 8
Filipino Grade 8
PANGALAN: ___________________________PANGKAT:__________________ISKOR_____________
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Pag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw. Ito ay halimbawa ng isang_____________.
a. Kasabihan b. sawikain c. salawikain d. kawikaan
2. Si Nena ay may gatas pa sa labi kaya di pa siya maaaring mag-asawa. Nangangahulugan ito na________.
a. Si Nena ay umiinom pa ng gatas
b. Si Nena ay mahilig uminom ng gatas
c. Si Nena ay nag-aaral pa
d. Si Nena ay batang-bata pa
3. Isang karunungang bayan na gumagamit ng matalinhagang salita at may tugma kaya masarap pakinggan.
a. Sawikain b. salawikain c. kasabihan d. bugtong
4. Bukas na aklat ang kanyang buhay kaya wala siyang maitatago sa mga tao. Ang salitang may salungguhit
ay isang______________.
a. Sawikain b. salawikain c. kasabihan d. bugtong
5. Si Allan ay maingat sa kanyang katawan. Ayaw niyang siya ay magkakasakit. Anong kasabihan ang
angkop para kay Allan?
a. Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan
b. Malayo sa bituka kaya di malubha
c. Ang kalusugan ay kayamanan
d. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
PARA SA BILANG 26 - 27
Biglang naalala ni Aling Rosa ang huli niyang sinambit sa kanyang anak na si
Pinang, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang mga
hinahanap. At sabay ang pag agos ng napakaraming luha sa kanyang mga mata,
at laking pagsisi niya dahil sa tumalab kay Pinang ang kanyang mga winika.
Mula sa Alamat ng Pinya
26. Pansinin ang huling bahagi ng alamat. Ano ang kalimitang nangyari sa pangunahing tauhan?
a. biglang nawala b. pinarusahan c. ginamtimpalaan d. tinablan ng sumpa
27. Suriin ang sipi ng alamat. Ano ang naging kapuna – puna sa pangyayari sa alamat?
a.maaaring nangyari b. kapani-paniwala c. guni-guni lamang d. kathang-isip lang
28.
Pagkakita sa puno, naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa doon
mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging.
"Ang halamang iyan ay si Aging," wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon
ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging Saging.
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga
sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga
ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim.
Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Panuto: Ayusin ang sumusunod na mga pahayag. Lagyan ng bilang (1-5) ayon sa pagkasunod-sunod.
___ 36. Kung gayon, harapin natin nang buong tatag ang mga pagsubok na iyan nang mapasaatin ang
tagumpay na inaasam.
___ 37. Hindi ito kusang dumarating.
___ 38. Bawat hirap na ating maranasan sa pagtatamo nito ay hindi dapat makasira ng ating loob.
___ 39. Sa halip, ito’y pinagsisikapang makamit.
___ 40. Ang tagumpay ay hinahangad na matamo ninuman.
Inihanda nina:
KABUUAN
PAGBUBUO
PAG-ALALA
PAG-UNAWA
PAGLALAPAT
PAGSUSURI
PAGTATAYA
KASANAYANG PAGKATUTO