Episode-2 Anilao Edited

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ANILAO NATIONAL HIGH SCHOOL RADIO- BASED INSTRUCTION

Episode Number: 2

Learning Area: Filipino 8

Pamagat: PaghahambingngTeksto at AntasngPormalidadngWika

Layunin:Nagagamitsaibatibangsitwasyonangmgasalitangginagamitsaimporma
lnakomunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG-IIa-c-30).

TIME TECHNICHAL SPIEL


INSTRUCTIONS

00:00-00:04 BLANK

00:04-00:14 HOST: RBI EPISODE 2 PARA SA FILIPINO 8–


IKATLONG KUWARTER – UNANG LINGGO
ARALIN 2. PAMAGAT: ANTAS NG PORMALIDAD
NG WIKA.

00:14-00:24 OBB KAMPEON SA KAHANGINAN. EDUKASYON


PARA SA KABATAAN. INI ANG RADYO
KAMPEON.

00:24- 00:54 HOST: MASAYANG UMAGA MGA MAG-AARAL


SA IKAWALONG BAITANG! KUMUSTA KAYO?
BINABATI KO KAYO AT NAPAGTAGUMPAYAN
NINYO ANG MGA ARALIN AT GAWAIN SA
UNANG EPISODE. BILANG PAGPAPATULOY
SASALUBUNGIN NATIN ANG IKALAWANG
EPISODE, PAG-ARALAN NAMAN NATIN SA
EPISODE NA ITO ANG ANTAS NG
PORMALIDAD NG WIKA

00:54- 01:04 MUSIC 1 UP,


SUSTAIN FOR 10
SECONDS THEN
FADE UNDER

01:04-01:24 HOST: ANG KOMPETENSI NA MATUTUHAN


NINYO SA ARALING ITO AY ANG:

NAGAGAMIT SA IBAT IBANG SITWASYON ANG


MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA
KOMUNIKASYON(BALBAL, KOLOKYAL,
BANYAGA)

01:24-01:34 MUSIC 1 UP,


SUSTAIN FOR 10
SECONDS THEN
FADE UNDER

01:34-01:44 HOST: HANDA NA BA KAYO? BAGO NATIN


SIMULAN ANG ARALIN, NAGAGALAK AKONG
IPAKILALA SA INYO ANG INYONG GURO… SI
TEACHER SUZETTE LAMPREA.

01:44-01:54 MUSIC 1 UP,


SUSTAIN FOR 10
SECONDS THEN
FADE UNDER

01:54-02:00 GURO: MAGANDANG UMAGA MGA MAG-


AARAL! HANDA NA BA KAYONG MATUTO NG
PANIBAGONG ARALIN SA ARAW NA ITO?
MAKINIG AT SISIMULAN NA NATIN ANG
UNANG GAWAIN.

02:00-02:10 MUSIC 1 UP,


SUSTAIN FOR 10
SECONDS THEN
FADE UNDER

02:10-03:10 GURO: ANG ISANG MANUNULAT AY MAY IBA’T


IBANG PARAAN NG PAGSUSULAT. MAARING
SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG ANTAS
NG PORMALIDAD NG WIKA, GAMIT NG
TALASALITAAN, PAGBUO NG KAISIPAN,
BALANGKAS KAHIT PA SA ISTRUKTURA.

PAG-ARALAN NATIN NGAYON ANG MGA


ANTAS NG PORMALIDAD NG WIKA.

MGA ANTAS NG PORMALIDAD NG WIKA

A. PORMAL- ITO AY MGA SALITANG


STANDARD NA DAHIL ITO AY
KINIKILALA , TINATANGGAP NG
KARAMIHANG NAKAPAG-ARAL NG
WIKA. ITO ANG KALIMITANG GINAGAMIT
SA MGA PAARALAN, AT SA IBA PANG
MAY PANGKAPALIGIRANG
INTELEKTUWAL. ANG PORMAL NA MGA
SALITA AY NAUURI SA DALAWA.
1. PAMBANSA- ITO AY TUMUTUKOY SA
MGASALITANG GINAGAMIT SA MGA
AKLAT AT BABASAHING
IPINALALABAS SA BUONG
KAPULUAN AT LAHAT NG
PAARALAN. ITO RIN ANG WIKANG
GINAGAMIT NG PAMAHALAAN AT
WIKANG PANTURO
SA MGA NAGSISIPAG-ARAL.
HALIMBAWA: KAPATID, MALAKI,
KATULONG.

2. PAMPANITIKAN-TUMUTUKOY
SAMGA SALITANG MATATAYOG,
MALALALIM, MAKUKULAY AT
SADYANG MATAAS ANG URI. ITO
ANG MGA SALITANG GINAGAMIT NG
MGA MANUNULAT AT DALUBWIKA.

HALIMBAWA: KAPUSOD, GA-HIGANTE,


KATUWANG.

ANO ANG DALAWANG URI NG PORMAL NA


ANTAS NG WIKA?

TAMA! ANG DALAWANG URI NG PORMAL NA


ANTAS NG WIKA AY ANG PAMBANSA AT
PAMPANITIKAN.

B. DI-PORMAL O PORMAL-ITO ANG MGA


SALITANG KARANIWAN AT PALASAK NA
GINAGAMIT SA MGA PANG-ARAW-
ARAW NA PAKIKIPAG-USAP AT
PAKIKIPAGSULATAN SA MGA KAKILALA
AT KAIBIGAN. ITO NAMAN AY NAUURI
SA TATLO.
1. LALAWIGANIN(PROVINCIALISM)-
TUMUTUKOY ITO SA MGA SALITANG
KILALA AT SAKLAW LAMANG NG POOK
NA PINAGGAGAMITAN NITO. KAPANSIN-
PANSIN ANG LALAWIGANING SALITA,
BUKOD SA IBA PANG BIGKAS, MAY
KAKAIBA PANG TONO ITO.

HALIMBAWA: ANG SALITANG MALAKI SA


FILIPINO NA MAY KATUMBAS NA TUGANG
SA (BIKOL), DAKO SA (BISAYA) AT
NGARUD NAMAN ITO SA (ILOKANO).

MAY ALAM KA BANG MGA SALITANG


LALAWIGANIN?

MAGALING!

2. BALBAL (SLANG)- ANG MGA SALITANG


ITO AY TINATAWAG DING SALITANG
KANTO O SALITANG KALYE.
ITINUTURING NA PINAKAMABABANG
ANTAS NG WIKA.

HALIMBAWA: YOSI-SIGARILYO, LISPU,


PARAK-PULIS, 143-I LOVE YOU, FYI- FOR
YOUR INFORMATION, TOMGUTS/TOM
JONES-GUTOM, SHUTIFUL- MAGANDA

ANO-ANO ANG MGA SALITANG BALBAL NA


ALAM MO?

MAGALING!

3. KOLOKYAL-TUMUTUKOY SA SALITANG
GINAGAMIT SA PANG-ARAW-ARAW NA
PAKIKIPAGTALASTASAN NGUNIT MAY
KAGASPANGAN AT PAGKABULGAR.
KINIKILALA RIN BILANG PAGPAPAIKLI
NG SALITA.

HALIMBAWA: PISTA SA HALIP NA PIYESTA,


NASAN SA HALIP NA NASAAN, ‘NAY SA
HALIP NA INAY.

ANO NGA ANG TATLONG URI NG


SALITANG IMPORMAL?
TAMA! ITO AY BALBAL, KOLOKYAL AT
LALAWIGANIN.

03:10-03:20 MUSIC 1 UP,


SUSTAIN FOR 10
SECONDS THEN
FADE UNDER

03:20-03:40 GURO:NGAYONG ALAM NIYO NA ANG


TUNGKOL SA ANTAS NG PORMALIDAD NG
WIKA, NAWA’Y GAMITIN NIYO ITO SA
PAKIKIPAG-USAP NANG MABUTI AT SA IYONG
KAPWA. LAGING ISAALANG-ALANG KUNG
SINO ANG IYONG KAUSAP, ANG SITWASYON
AT LUGAR UPANG MALAMAN MO KUNG
ANONG ANTAS NG WIKA ANG MAAARI MONG
GAMITIN.

03:40-03:50 MUSIC 1 UP,


SUSTAIN FOR 10
SECONDS THEN
FADE UNDER

03:50-05:00 GURO: NGAYON NAMAN TUKUYIN KUNG


BALBAL, LALAWIGANIN O KOLOKYAL ANG
MGA SALITANG GINAMIT SA SUMUSUNOD NA
PANGUNGUSAP.

1. MASIGASIG NA GINAGABAYAN NG MGA


ERMAT ANG KANILANG MGA ANAK
DAHIL GUSTO NILANG MAKATAPOS
ANG MGA ITO SA KANILANG PAG-
AARAL.

ANONG ANTAS NG PORMALIDAD NG


WIKA ANG ERMAT?

TAMA! ANG ERMAT AY SALITANG


BALBAL.

2. NAWAWALA ANG ATENSYON NI TONY


SA PAGSAGOT SA MODYUL DAHIL
SOBRANG INGAY NG AYAM SA LABAS
NG KANILANG BAHAY.
ANO NAMANG ANTAS ANG AYAM?

TAMA! ANG AYAM AY LALAWIGANIN

3. PAGOD NA PAGOD NA ANG ATING MGA


FRONTLINERS SA KABABANTAY UPANG
MAKONTROL ANG PAGLAGANAP NG
VIRUS SAMANTANG TAYO AY PARANG
WALANG PAKIALAM. ASAN NA ANG
ATING KONSENSYA?

ANONG ANTAS ANG ASAN?

MAGALING! ANG ASAN AY KOLOKYAL

05:00-05:10 MUSIC 1 UP,


SUSTAIN FOR 10
SECONDS THEN
FADE UNDER

05:10-05:32 MUSIC 2 UP,


SUSTAIN FOR 22
SECONDS THEN
FADE OUT

05:32-06:00 INFOMERCIAL

HELLO MGA SISSY! KUMUSTA NA KAYO?


ARE YOU STILL OK SA PANAHON NGAYON?
BORED NA BA? NAKAKAMISS NA BA ANG
TSIBUGAN SA KAPISTAHAN? GORA AT
GUGUNITAIN NATIN ANG ATING MGA ALAALA
NOONG WALA PA ANG PANDEMYA.

LAKWATSA DITO, WALK DOON. MALL PAG


WALANG PASOK, MANOOD NG PABORITONG
ARTISTA SA PUTING-TABING, NIGHT-OUT
PAG-TGIF. MAGALIT MAN SI ERMAT AT ERPAT
MAKAPAGLARO LANG NG ML SA PAYAG
KASAMA ANG MGA KATROPA. DI BA ANG
SAYA.

NGAYON GUSTUHIN MO MANG PUMUNTA


AT MAKIPAGTSIKAHAN SA MGA FRIENDS DI
NA PWEDE DAHIL SA LOCKDOWN, AT HEALTH
PROTOCOLS

MGA SISSY, MAGTIIS LANG MUNA TAYO


MATATAPOS DIN ANG LAHAT NG ITO. HUWAG
LANG TAYONG MAPAGOD SA PAGHINGI NG
GABAY AT AWA SA ATING DAKILANG
LUMIKHA NA MATAPOS NA ANG
PANDEMYANG ITO. HUWAG NATING
KALIMUTAN ANG PALAGING PAGSUNOD SA
HEALTH PROTOCOL PARA SA ATING
KALIGTASAN. INGATS!

06:00-06:06 MUSIC 2 UP
SUSTAIN FOR 6
SECS THEN
FADE OUT

06:06-06:16 GURO: PARA MAS LALONG MAPAGTIBAY ANG


IYONG KAALAMAN TUNGKOL SA ANTAS NG
PORMALIDAD NG WIKA, BUMUO NG ISANG
RAP SONG NA GINAGAMITAN NG MGA
SALITANG PORMAL AT IMPORMAL. ISULAT
ANG RAP SONG SA ISANG HIWALAY NA
PAPEL AT IPASA SA INYONG GURO.

06:16-06:19 MUSIC 1 UP,


SUSTAIN FOR 3
SECS THEN
FADE UNDER

06:19-06:29 GURO: BINABATI KITA AT NATAPOS MONG


MAY TUWA AT GALAK SA PUSO ANG
PAGTALAKAY NATIN NGAYON. STAY SAFE AT
LAGING MAGSUOT NG FACE-MASK AT
PALAGING MAGHUGAS NG KAMAY. SA MULI
ITO ANG INYONG GURO, GNG SUZETTE C.
LAMPREA NA NAGSASABING SA ‘’BAWAT
GISING SA UMAGA AY MAY BAGONG PAG-
ASA’’.
06:29-06:51 MUSIC 1 UP,
SUSTAIN FOR 22
SECS THEN CUT

06:51-06:55 KAMPEON SA KAHANGINAN. EDUKASYON


PARA SA KABATAAN.

SCRIPTWRITERS: SUZETTE C. LAMPREA, ZENY REY A. DEPITA

VOICE TALENTS:

TECHNICAL:

QUALITY ASSURANCE: LORJIE D. SUMALDE

ANILAO NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like