Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Pagpupugay sa Watawat

Mga Kababayan...

Ang watawat na naladlad sa


inyong harapan ay siyang
watawat ng ating bansa, ang
Pilipinas.

Kumakatawan ito sa isang


bayang nagkaka-isa, na sa
bawat himaymay, ay may
angkop na hugis ng
kabuoan; isang
pangheograpikong sakop ng
mga lupain na walang
kabawasan: Isang Republika,
demokratiko, Malaya
at nagsasarili.

Ito'y siyang sagisag ng


pambansang kalayaan, na
nagsasalarawan ng
lahat ng kaakit-akit at
dinadakila sa buhay ng
Pilipino.

Hinubog ng matipunong
kamay ng panahon,
binigyang buhay ng isang
mapagmahal sa kalayaang
mga mamamayan at inakay
ng mapagpalang diwa sa
luklukan ng
mga bansa.

Naging pamalagiang
palatandaan ito ng ating
mga pagmamana at
nabubuhay na sagisag ng
ating mga karapatan ng tayo
ay isilang.

Ang kaluluwa nito'y


mabubuhay hanggang sa
wakas ng panahon at
ang kanyang matatayog na
mga adhika ay matatapos
lamang kapag ang
mga bansa at mga lahi ay
magmaliw ng ganap.

Ang araw ay
nangangahulugan ng
kawalang-hanggang buhay
ng ating bansa at sagisag ng
palagiang liwanag na
pumapatnubay sa kapalaran
ng ating lahi. Ang walong
silahis ay kumakatawan sa
unang mga
lalawigang nagkasama-
sama.

Tinutukoy ng tatlong mga


bituin ang tatlong malalaking
mga pook. Luzon, Visayas at
Mindanao, na inihandog sa
atin ng kalikasan ayon
sa kalooban ng Poong
Maykapal.
Ang puting tatsulok ay
nagsasaad sa ating
mapayapa at magiliw na
mga hangarin gayundin ng
katapatan at kawagasan ng
ating mga gawain, ng tatlong
mga simulain ng Masonerya,
ang pagmamahal-kapatid,
pagsaklolo at katotohanan,
at ng mga banal na
panuntunan ng pananalig,
pag-asa't pag-ibig.

Ang bughaw na kalawakan


ay nagpapakilala ng ating
pag-ibig sa Inang Bayan, at
ang matayog na panuntunan
at hangarin.

At ang malapad na habing


pula ay nagpapahayag ng
ating walang humpay na
kakayahan na nagpapanatili
sa atin ng isang bahagi sa
kalawakan ng kalangitan.

Sa Kabuoan. Ang tatsulok,


ang araw at ang tatlong mga
bituin na bumubuo ng ating
watawat ay maliwanag na
mga sagisag ng
pagkakapatiran ng tao sa
ilalim ng pagiging Ama ng
Diyos.

Tulad ng pinangarap ng
ating mga ninuno, nawa'y
pumailanlang ito sa ibabaw
ng lupain ng maliligayang
mga mamamayan sa
panghabang panahon.

Hayun, ang ating watawat,


wumawagayway, isang
sagisag ng
pambihirang ganda at
makabayang kahulugan; ang
palagiang ulirang-pananglaw
ng ating mga mamamayan
sa isang mapayapa,
nagsasarili at
malayang pamumuhay.

Magpugay kayo dito,


sapagkat ito ang kabuoang
ganap ng kaligayahan
ng ating mga ninuno sa
panahon ng mga siglong
nagdaan.

Hagkan ninyo ito, sapagkat


ito ang watawat ng
magigiting na mga anak ng
ating sina Raha Soliman at
Maria Clara.

Dam'hin ninyo ito sa inyong


dibdib sapagkat ito ang
banal na watawat ng
minumutya nating Pilipinas.

Ingatan ninyo ito sa inyong


mga puso, sapagkat ito ang
palatandaan ng ating mga
kapatid na nagbuwis ng
buhay sa kapakanan ng
ating bayan.

Mahalin ninyo ito, sapagkat


ito ang walang
kasinghalagang ala-ala
ng ating bayan na mananatili
magpakailanman sa lahat ng
magiging katayuan natin sa
buhay.

Igalang ninyo ito nang


lubusan, sapagkat ito ang
nabubuhay na katauhan ng
diwa ng lupang ating
sinilangan.

Pintuhiin ninyo ito, sapagkat


ito ang banal na tibabal na
siyang pinantakip sa duguan
at luray-luray na katawan ng
ating mga kawal
na nangamatay.

Magpala at ialay ito sa


Maykapal, sapagkat ito ang
bunga ng
mga pagpapakasakit ng
ating mga bayaning
namamayapa na.

At magtiwala sa
makapangyarihang Diyos at
sa makataong
katarungan upang ito ay
mapamalaging sa inyo, sa
inyong mga anak, at iaanak
pa ng inyong mga anak;
luwalhatiin at lalong higit na
pagpalain, nang ang mga
namatay sa kapakanan nito,
sana'y di nangamatay nang
walang kabuluhan.

You might also like