Manana" Habit

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Maitururing na mayaman at malalim ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga kultura at

kaugalian ng bawat isa. Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon na mabubuting kaugalian na

naipagmamalaki sa buong mundo. Ilan dito ang pagmamano, paggamit ng " po " at " opo" na

tanda ng pagiging magalang, ang malugod na pagtanggap ng mga panauhin, bayanihan at

marami pang iba. Ang mga kaugaliang ito ay nakagisnan na at nagpapasalin - salin na sa iba't -

ibang henerasyon. Ngunit mayroon ding mga kaugalian ang mga Pilipino na di nakabubuti na

nagdudulot ng negatibong pananaw sa buhay katulad ng crab mentality, colonial mentality o

panggagaya, ningas cogon at mañana habit.

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kaugaliang Pilipino na mañana habit na ayon kay

Pepoa (2010) ay tumutukoy sa gawi ng pagpapaliban ng mga gawain. Ayon kay Maxxwell

(2009), ang kaugaliang ito ay naipasa sa mga Pilipino ng mga Espanyol noong panahon ng

kanilang pananakop. Ang salitang " mañana " ay saling espanyol na nangangahulagang "

kinabukasan " o "mamaya na lang ". Ang kaugaliang ito ay nananatili parin sa kasalukuyan at

nakakabit na sa pamumuhay ng mga Pilipino. Tanda ng kaugaliang ito ay ang pagsasabi ng mga

katagang " mamaya na lang " o " bukas na lang". Ang pag - uugaling ito ay tila isa ng problema

ng mga Pilipino sapagkat nagiging dahilan na ito upang ang isang gawain ay hindi na magawa o

matapos. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon itong negatibong epekto ngunit patuloy

parin itong isinasabuhay.

Ang mañana habit ay maituturing ring " procastination virus " na may masamang epekto sa

pagsasakatuparan ng mga gawain. Dahil dito nagiging mas tamad at bumababa ang

kapakinabangan ng isang indibidwal sa kanyang trabaho kaya naman hindi nagagawa ang
gawain sa takdang oras. Ang kaugaliang ito ang isa sa mga dahilan kaya napipigilan ang paglago

ng pagkatao ng isang indibidwal. Nalilimitahan din ng pag - uugaling ito na ang mga

pagkakataon at oportunidad sa buhay kaya naman kadalasan hindi naisasakatuparan ang

inaasahang makamit ang minimithi ng isang indibidwal (Pepoa, 2010).

Ang kaugaliang ito ay nangangahulugang pagpapaliban ng gawain na maiuuugnay sa gawi ng

mga mag - aaral na ipagpaliban ang kanilang mga gawaing pang - akademiko. Ayon sa isang

artikulo ni Joey Aguirre (2014), ang pagpapaliban ng gawaing pang - akademiko ay maituturing

na " student's syndrome " na kung saan ang isang gawain ay gagawin lamang kung malapit na

ang itinakdang oras ng pagpapasa nito. Ito rin ang nagiging sanhi kung bakit nawawalan ng

dedikasyon at konsentrasyon ang isang mag - aaral sa paggawa ng kanyang mga gawain. Ang

gawing ito ang pumipigil sa isang mag - aaral na gampanan ang kanyang mga tungkulin sa

paaralan sa paggawa ng mga itinakdang gawain.

Gayunpaman, sa kabila ng mga negatibong epekto nito marami pa ring mga mananaliksik ang

naniniwala na ang kaugaliang pagpapaliban ng gawaing pang - akademiko ay mayroon ding

mabuting idinudulot sa isang indibidwal o mag - aaral. Ayon sa ibang sikolohista, ang kaugaliang

ito ay ginagamit na pagkakataon ng mga mag - aaral upang maiwasan ang pressure at stress na

maidudulot ng mga mahihirap na gawain. Naniniwala ang mga iskolar na sa paraang ito

napagtutuunan ng pansin ng isang indibidwal ang mga mas mahalagang gawain na dapat bigyan

ng prayoridad. Dagdag pa dito, isa rin itong pagkakataon upang magkaroon ng oras ang isang

indibidwal na makapagpahinga sa partikular na gawain o araw. Kung magkakaroon ng malalim

na pag - aaral at pang - unawa sa isyu maliliwanagan ang lahat na ang pagpapaliban ng gawaing
pang - akademiko ay mayroon ding mabuting naidudulot sa mag - aaral at hindi lang mga

negatibo.

Bilang tugon, ang mga mananaliksik ay sisikaping magsagawa ng isang pag - aaral upang

magkaroon pa ng malawak na kaalaman at pang - unawa tungkol sa isyu. Ang pananaliksik na

ito ay magsasagawa ng isang pag - aaral sa kaugalian ng mga mag - aaral na pagpapaliban ng

mga gawaing pang - akademiko.

http://englcomadam.blogspot.com/2012/04/manana-habit-curse.html

https://www.academia.edu/37945692/Kasiglahan_Village_Senior_High_School_IMPACTS_OF_MA
%C3%91ANA_HABIT_ON_THE_ACADEMIC_PERFORMANCE_OF_GRADE_12_HUMSS_STUDENTS_AT_KAS
IGLAHAN_VILLAGE_SENIOR_HIGH_SCHOOL_BASIS_FOR_STUDENTS_EMPOWERMENT_PROGRAM

You might also like