1kabanata 23-24

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 23 - HULING PAGLALAKBAY SA LABAS NG BANSA

1. Mula Dapitan patungo ng Maynila


a. Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang kaibigan
na siHerrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang kapitan ng
guardia civil.
b. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag-asawang Mateo na kanyang nakilala sa
Madrid.
c. Dumaan ng Iloilo para mamili at nagdaan sa Capiz ang barko.
1. Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon na sasakyan sana
niya patungo ng Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa barkong Castillasa loob halos ng isang
buwan bilang panauhin ni Enrique Estalon, ang kapitan ng barko.
2. Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol.
Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga
pahayagan sa barko.
3. Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sukat ni Blanco na nag-eendorso
sa kanya sa Ministro ng Digma.
4. Inilipat si Rizal ng Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla de Panay na maglalayag na patungong
Barcelona.
5. Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore, pansamantalang bumaba si Rizal sa
Singapore at pinayuhan siya niDon Manuel Camus na isang Pilipinong naninirahan na
samantalahin na ang pagkakataon upang makatakas. Hindi ito sinunod ni Rizal.
6. Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na nagpapadala ng telegrama
si Blanco sa Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang utak ng himagsikan.
7. Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay sa mga Pilipinong
naghihinalang kasangkot sa himagsikan.
8. Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating sa
Barcelona.
9. Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal)
ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila.
11. Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala sa
Munjuich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol .Oktubre 6, 1896 -
inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong Colon.

KABANATA 24 - HULING PAGBABALIK AT PAGLILITIS


A. Ang Huling Pagbabalik
1. Sa Barkong Colon si Rizal ay binigyan ng isang kabuna at nasa ilalim ng mahigpit na
pagbabantay.
2. Nalaman niya sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa nagaganap na
madugong himagsikan sa Pilipinas.
3. Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal.
4. Sa pagdating ng barkong Colonsa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio Regidor at Sixto
Lopez sa pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si Attorney Fort na bigyan si Rizal ng
habeas corpusngunit hindi ito naipagkaloob sa dahilang ang barkong Colon ay nasa ilalim ng
bandila ng Espanya.
5. Nobyembre 3, 1896 - Nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na inilipat si
Rizal sa Fort Santiago. Sa panahong ito ang mga Espanyol ay nangangalap na ng ebidensiya
laban kay Rizal. Pinahirapan ng mga Espanyol ang maraming mga Pilipino para isabit si Rizal sa
nagaganap na himagsikan.
6. Nagkaroon ng isang Preliminary investigation sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni
Colonel Francisco Olive . Si Rizal ay sumailaliam sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon.
7. Pinili ni Rizal ang pangalan niTinyente Luis Taviel de Andradebilang abogado sa
gaganaping paglilitis sa kanya.
8. Nagsimula ang paglilitis kay Rizal noong Disyembre 26, 1896 at sa nasabi ding araw ay
nagpasiya ang hukuman na bitayin si Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.
9. Noong Disyembre 28, 1896nilagdaan ni Gobernador Heneral Camilo Polaviela ang
kautusan ng pagbaril kay Jose Rizal.

You might also like