Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Bahay ng mga Alaala

Hindi gusto ni Eddie ang paglilinis, pero sa mga nagdaang araw, kailangan na
niyang ilagay ang mga lumang laruan sa basurahan at ang mga bago naman ay sa
kahon. Tinapon niya ang mga luma, nanuyong laruang putik, puzzle na minsa
niyang idinikit ng sama-sama, laruang mga hayop at marami pang iba, Lilipat na ng
bagong bahay ang pamilya ni Eddie at kailangan malinis ang bahay nila para sa
susunod na maninirahan dito.

“Hindi ba nila gusto an gating mga kagamitan?” Tanong ni


Eddie sa kaniyang Ina, “Sino bang may ayaw sa mga laruan?”
“Magdadala sila ng sarili nilang mga laruan” sagot niya. “Eddie,
Tara na! Malapit na tayong matapos, Atik na lang ang naiwang
lilinisin”

Tumingin si Eddie sa paligid ng bahay, walang mga kagamitan, nagmukhang


Malaki ang bahay, walang laman at kakaiba. Nakaramdam si Eddie ng kaunting
lungkot. Gusto niya ang bahay na ‘yon pati na ang mga kaibigan niya, at ayaw niya
talagang lumipat.

Sinundan ni Eddie ang ina sa paanan ng marupok na hagdanan papunta sa attic


kung saan kanina pa nandoon ang Ama niya na tumitingin-tingin sa mga kahong-
kahong lumang larawan.
“Dahan-dahan ang hakbang. Mas matanda pa sa’kin ang hagdanang
ito” Dahan-dahan umakyat si Eddie sa hagdanan. Sa itaas,
Nasurpresa siya ng Makita ang Malaki, madilim, at maalikabok na
pasilyo. Paling ang kisame, at ang lapag ay gawa sa hilera ng tabla
na kahoy na may kakaibang kulay rosas na himulmol sa pagitan ng
mga tabla.

“Kailangan sa sahig na kahoy ka dumaan” Sabi ng Ama ni Eddie na sa sulok ng


kwarto. “Ang kulay rosas na bagay sa pagitan ng sahig na ‘yan ay tinatawag na
pagitan. Kapag tinapakan mo ‘yan ay mahuhulog ka sa at babagsak sa kusina!”

Sa tulong ng kaniyang ina, nakabalanse si Eddie sa kahoy na sahig at mabagal na


lumakad sa atik, Napuntahan niya ang kaniyang ama, na may iniabot na maliit at
maalikabok na larawan. Wala na itong natitirang kulay pero ipinapakita ng larawan
ang isang batang lalaki na naglalaro ng baseball sa bakuran

“Ako po ba ito no’ng ako’y bata pa?” tanong ni Eddie

“Ako iyan Eddie, no’ng ako’y nasa edad mo.” Sagot ng kaniyang ama. “nahanap
ko ito sa isa sa mga kahon na ito.”

“Tingna mo, meron ako’’ Singit ng kaniyang Ina, sabay abot kay Eddie ang isang
larawan.

Makikita sa larawan na ‘yon ang isang batang babaeng naglalaro ng piko sa tabing
kalsada. Inilay ni Eddie sa magkabilaan ang dalawang larawan sa sahig na
kaniyang binabalansehan.

“Naging bata kayo?” Tanong ni Eddie.

“Hindi naman kami pinanganak ng matanda” Sagot ng Ina nito habang tumatawa.
Tumingin pa si Eddie ng iba pang mga larawan. Kahit kalian ay hindi niya pa
nakikita ang Ama o Ina niyang maglaro ng baseball o piko o kahit ibang mga laro.
Palagi kasi silang nagtratrabaho, nagluluto, naglilinis, nagmamaneho at gumagawa
ng mga bagay nga pangmatatanda na. Mahirap silang isaisip bilang mga batang
naglalaro sa kanilang mga bakuran.

Sinundan ni Eddie ang kanyang Ina sa sulok ng atik kung saan ang maalikabok na
bintana ang ` kanilang pader. Pagtingin niya sa labas, nakita ni Eddie ang kanilang
bakuran na may mga duyan, munting traysikel at ang malaking makina na
gumagawa ng mga bula. Naglalaro si Eddie sa mga laruang iyon hangga’t maalala
niya.

“Malapit na, May bagong pamilya ang titira dito at ituturibg nilang kanila ang
bahay na ito” Pabulong nasabi ng ina ni Eddie mula sa balikat nito. “At gagawa
tayo ng bakuran at ituturing din nating atin.”

Tumingin muli si Eddie sa maalikabok na bintan. Gusto niya ang mga duyan, at
naging sobrang saya niya sa bakuran na iyon. Ngunit hindi na siya bata. Sa bagong
bahay, papasok siya sa bagong iskwelahan. Gusto niyang sumali sa grupo ng
soccer ng iskwelahan at kung maari ay sa drama klab rin. Siguro’y maganda
pagkakataon na rin ito para lumipat.

Tinapos na nila Eddie kaniyang magulang ang paglilinis sa atik at bumaba sa


lumang hagdan, halos wala ng laman ang bahay. Kinuha ni Eddie ang kamera,
iniabot sa kaniyang magulang at sinabing, “Ma, Pa pwede niyo po ba akong
kuhanan ng litrato sa likod bahay?”

You might also like