Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAANO MAGLUTO NG PORK BARBEQUE?

Ang pork barbeque ay kadalasang naihahanda sa mga


simpleng selebrasyon ng okasyon sa bahay. Karaniwan itong
may matamis na lasa na siyang kinasasarapan ng lahat.
Simple lamang ang mga hakbang at kasangkapan sa
pagluluto nito. Kailangan ng 1kilo ng karne ng baboy, 40
pirasong barbeque stick, 1 tasa ng toyo, 2 pirasong sibuyas na
nahiwa, tasa ng kalamansi juice, 1 kutsara ng pamintang durog,
3 kutsara ng asukal na pula, tasa ng ketsup at 1 ulo ng bawang
na tinadtad ng pino.
Sa pagluluto, una, hiwain ang karne ng manipis at pahaba.
Paghaluin ang lahat ng mga natitirang mga sangkap maliban sa
barbeque stick at ibabad rito ang hiniwang karne. Ibabad ang
karne sa loob ng tatlong oras at baligtarin at ibabad muli ng isa
pang tatlong oras. Habang nakababad ang karne, ibabad din ang
barbeque sticks ng tubig ng nakapahiga upang matanggal ang
mga nakausling bahagi at maiwasan ang pagkasunog ng karne
habang iniihaw. Kapag natapos na ang pagbababad, tuhugin ang
karne sa bawat barbeque sticks. Ihanda ang pag-iihawan. Ilagay
ang tinuhog na karne kapag mainit na ang ihawan. Gamitin ang
pinagbabaran ng karne bilang pamahid sa ini-ihaw upang
maging hindi tuyo ang karne. Baligtarin ang bawat gilid nito
upang maluto ng mabuti. Malalamang luto na ang karne pag
mapula na.
MGA PARAAN UPANG MANATILING MALUSOG ANG
KATAWAN
Ang kalusugan na mabuti ay isang estadong hinahangad ng lahat. Ang
kalusugan ay isang pangarap para sa mga mahihirap at maging para sa
mayayaman. Ano nga ba ang mga sikretong dapat malaman para sa pagpapanatili
ng malusog na katawan?
Una na rito ang pagkonsidera sa mga kinakain. Kailangan unawain ang
mabuting nutrisyon, maaring hatiin ang mga sustansiyang kailangan ng katawan sa
mga sumusunod na importanteng kategorya. Ang carbohydrates na nagmumula sa
mga butyl, buto, prutas at gulay. Ang protina na siyang nakakatulong sa
pagsasaayos at paglaki ng mga tisyu ng katawan. Ang mga taba na mapagkukunan
ng enerhiya upang manatiling masigla ang katawan. Ang mga bitamina na
kailangan para sa normal na paglaki at pagkilos. Ang mga mineral na mahalaga sa
kalusugan ng tao at madaling makuha mula sa mga pagkaing galing sa hayop at
halaman.
Pangalawa, pag-inom ng mas maraming tubig kaysa sa mga soda, ang pag-
inom sa 8-10 baso na tubig araw ay siyang nakapagbibigay ng lakas sa katawan.
Ang purong tubig na iinumin ay siyang makakatulong sa pagtangal ng dumi sa
loob ng katawan. Mas higit na kailangan ng katawan ang tubig kaysa mga
kinasasarapang soda drinks. Maraming mga hindi magandang naidudulot ang pag-
inom ng mga soda kaya mas mainam na tubig nalang ang inumin. Bukod sa
makakatipid sa gastusin, malayo pa sa sakit ang katawan at maayos pa ang
kalusugan.
Pangatlo, ang pag-eehersisyo, magandang masanay ang katawan sa pag-
eehersisyo upang sa gayon ay mananatiling flexible at maayos ang kalusugan. Ang
ehersisyo ay bahagi ng isang kumpletong kalusugan. Ang layunin ng ehrsisyo ay
ang panatilihin o mas painamin ang kabuuang pisikal na kalakasan at ang
pangkalahatang kalusugan. Taglay ang panibagong lakas mula sa ehersisyo.
Binibigyan-daan ng ehersisyo ang tuloy-tuloy na pagbabawas ng timbang at
pinapaganda ang postura at anyo ng katawan.
Ang masiglang kalusugan ay nangangailangan ng pagkilos, paggalw at
ehersisyo. Ang mabuting kalusugan ay di lamang tungkol sa hindi sa pagkakasakit
kung hindi ito ay nangangahulugan ng kasiyahan at pagkadama ng pagiging buo
mula sa pananaw na pisikal, metal, sosyal at espiritwal.

You might also like