DIskriminasyon

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 36

DISKRIMINASYON

Diskriminasyon

Ang diskriminasyon ay ang pagkukumpara o paghuhusga ng isang tao sa kapwa


nya na kadalasan ay nakaka sakit sa damdamin ng taong ikinukumpara.Ang
diskriminayon ay madalas na nangyayari sa lipunan na kadalasan ay nangyayari
nang hindi man lang natin namamalayan.Ito ay nangyayari sa mga taong na iiba
sa physical o mental na kaanyuan halimbawa na lang ang isang taong may mas
maitim na balat ay palaging inaasar sa lipunan dahil ang kulay ng kaniyang balat
ay naiiba kaysa sa karamihan.

Ang diskriminason ay nakaka sakit sa damdamin ng isang tao dahil sya ay


hinuhusgahan ng ibang tao katulad na lang ng mga LGBT saating lipunan sila ay
hinuhusgahan at minsay pinagtatawanan dahil lang ang kanilang kataohan ay
hindi tumutugma sa kanilang kasarian kaya naman ay maraming na bubully sa
kanilang mga paaralan dahil sa sila ay na iiba.Ang diskriminasyon ay isang
halimbawa ng mga problema sa lipunan na hindi natin hinahanapan ng sulusyon
dahil ito ay nakasanayan na saating lipunan isang problema na lumalaganap
saating bansa .

Ang diskriminasyon ay hindi lamang sa kasarin,idad o pag iisip ito a nangyayari


din sa lahi kagaya nga ng nabangit kanina ang kadalasan na madiskrimina ay
ang mga maiitim katulad na lang sa bansang America ang mga maiitim noon sa
bansang iyon ay kadalasang madiskrimina dahil sa iba ang kanilang kulay.Ang
ibat ibang lahi ng tao ay pwedeng mang diskrimina o madiskrimina ito ay
nakabase sa mga taong nasa paligid nila na naghuhusga at nagkukumpara
sakanila na hindi iniisip ang kanilang nararamdaman.

Ang diskriminasyon ay isa sa mga problema na kinakaharap hindi lamang ng


ating bansa ito ay problema rin ng buong mundo dahil marami na ang maga
nagpapakamatay na tao dahil sila ay na diskrimina noong may 14,2018 ay
mayroong naitalnag 239,000 ang namamatay sa India dahil sa diskriminasyon
sa kasarian.Ang diskriminasyon ay isang problema na hindi masusulusyunan
dahil ang mga tao mismo ang gumagawa nito ito ay hihinto lamang kung
gugustohin ng mga tao na tumigil sa pag kukumpara at paghuhusga ng ibang tao
sa mental,pisikal,lahi at kasarian nang tao sa paligid nila.
KAHIRAPAN
Kahirapan

Ang kahirapan ay isang problema dito saating bansa na lumalaganap sa


paglipas ng panahon.kadalasan ang paghihirap ay dahil sa kakulangan sa
edukasyon at minsan naman ay hindi maayos pagpaplano ng maayos sa
pagpapamilya.maraming naghihirap na tao saating bansa pero madalas nating
sisihin ang mga maling pamamalakad ng mga pinunu ng bansa at mga kurap na
opisyal ng gobyerno pero di natin naisip na tayo rin ang sanhi ng kahirapan dahil
maraming tamad na tao saating bansa kaya marami rin ang naghihirap dahil ang
katamaran ay katumbas din ng kahirapan,tama din ang mga taong nagsasabi na
nasa gobyerno ang pagkakamali.

Ang rason kung bakit patuloy ang paglaganap ng kahirapan sa ating bansa ay
ang kakulangan ng pagtutulungan.Dahil hindi nag tutulungan ang mga tao
masrumarami ang mga naghihirap saating bansa isa pa sa dahilan ng paghihirap
ay ang pagmamalabis maraming tao ang nagmamalabis at hindi iniisip kung ano
ang mangyayari sakanila at sa mga nasa paligid nila dahil dito maraming tao
ang nahihirapan sakanilang pamumuhay at sa katagalan ay nagiging mahirap at
ang pinaka sanhi ng paghihirap saating bansa ay ang iba ang inuuna ng may
hawak ng pera katulad na lang ng mga buwis ng tao na ginagamit ng mga
opisyal ng gobyerno para sa pansarili nilang gusto kaysa sa mga programang
para sa mga proyekto para sa lipunan at mga mamamayan nito.

Ang iba saatin ay naghihirap dahil wala silang disiplina at kuntrol sa sarili na
nagdudulot ng pag wawaldas ng pera sa di naman importanteng mga bagay.
Ang kahirapan ay mas lumalaganap dahil ang sulusyon ng gobyerno ay itaboy
ang mahihirap imbis na tulungan sila.Kung titingnan natin marami pang
naghihirap saating bansa kahit tumataas ang ating ekonomiya ito ay dahi sa
hindi man lang maisip ng ibang tao na may magandang katayuan sa buhay na
tulungan ang mga mahihirap itinataboy nila ang mga mahihirap dahil sila ay
nandidiri sakanila.Ang kahirapan ay dapat nating masulosyunan dahil pag
tumagal pa ito ay mas lalo itong lalala.Ito ay mapipigilan lamang sa pag
tutulungan ng tao at pagkakaintindihan ng bawat isa at pagpili ng mga tao na
mapagkakatiwalaan sa maayos at magandang pamamalakad ng lipunan.
DI PAGKAKAINTINDIHAN

Di pagkakaintindihan

Ang hindi pagkakaintindihan ay isang malaking suliranin para sa isang pamilya


dahil dito hindi naiiwasn ng mga bahagi ng isang pamilya na makagawa ng
maling bagay dahil sa pagakalito o maling pagkakaintindi sa isang bagay na
kaniyang narinig.Ito ay madalas na nangyayari kapag ang idea ng isang tao ay
hindi nagkakatugma sa idea ng iba na kasama nya o kausap.Ang
dipagkakaintindihan ay isang karaniwang problema ng mga pamilya sa lipunan
dahil sa ang pamilya ay maraming myembro sila ay madaling di magka intindihan
dahil maraming idea ang bawat isa na minsay hindi sumasangayon sa idea ng
iba kaya sila ay madalas na mag away away dahil hindi sila nag kakaintindihan
ng tama kung ano ang kanilang gagawin halimbawa na lamang ay ang panonood
ng TV sa bahay ang mga magulang ay gusting manood sa istasyung may balita
at ang mga bata ay gusting manood sa istasyong may mga pilikula o may
pambatang palabas.

Ang di pagkakaintindiha ay di lamang sa pamilya ito ay matatagpuan din saating


lipunan.Minsan ang mga tao at gobyerno ay hindi nagkakaintindihan dahil sa ang
gusto ng gobyerno ay hindi alinsunod sa gusto ng mga mamamayan ng lipunan
na nagsasanhi minsan ng pagpoprotesta sa mga pampublikong lugar at
nakakaistorbo sa ibang mamamayan katulad ng mga mag aaral at mga
nagtatrabaho dahil minsan ang pagpoprotesta ay nagsasanhi ng trapiko na
ngdudulot ng pagkahuli sa mga mamamayan ng lipunan.

Ang mga mamamayan ng lipunan ay ang nagkakawsa ng di pagkakaintindihan


sa lipunan dahil sa kanilang di pagkakasundo sa isang bagay ay nagdudulot ito
ng mas malaking di pagkakaintindihan sa iba dahil hindi sila nagkakaisa sa mga
bagay na kanilang gustong gawin.Ito ang isa sa mga problema na
masusulusyunan lamang sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagkakasundo ng
mga mamamayan sa lipunan dahil ang di pagkakaintindihan ay mas lumalala
kapag hindi nagkakasundo ang mga idea at gustong gawin ng mga tao sa ating
lipunan
KURAPSYON

Kurapsyon

Kurapsyon isa sa mga pangunahing sanhi ng kahirapan at pagbasak ng


ekonomiya.Ang ating ekonomiya ay lumalago dahil sa tax na ating binabayaran
sa bagbili ng gamit o pag ninigosyo ang tax ay importante saating lipunan dahil
ito ang ginagamit na pondo sa pagpapatayo ng mga iskwelahan,ospetal at
marami pang ibang pampublikong mga gusali na ating ginagamit araw araw pero
ang tax ng taong bayan ay minsay ibinubulsa lamang ng ating mga opisyal sa
goyerno na nagdudulot ng pagbagsak ng ekonomiya at pag laganap ng mga
mahihirap dahil sa kulang na ang pondo para sa mga proyekto ng gobyerno ay
minsay hindi na ito natatapos at kung misay binababaan na lamang ang sweldo
ng ating mga manggagawa na mas nagpapahirap pa sakanila.Ang kurapsyon ng
mga tao saating gobyerno ay nagsasanhi ng mas mahirap na pamumuhay ng
mga tao sa lipunan.

Ang sobrang pagkuha ng pera ng mga opisyal ng gobyerno ay nagsasanhi sa


kakulangan sa mga bagay na kailangan ng mga mamamayan para mabuhay
katulad na lamang ng pagkukulang ng mga pananim dahil sa kulang na ang
budget ng Department of Agriculture para bumuli muli ng mga pananim na
kailangan ng mga magsasaka.Ito ay nagdudulot sa kakulangan ng supply ng
bigas at mga prutas sa merkado dahilan para ang presyo ng mga ito ay lalung
tumaas kaysa sa dati nitong presyo.

Ang Ekonomiya ng ating bansa ay bumababa dahil sa labis na kurapsyon ito ay


nagdudulot sa pagkalugi ng mga magsasaka at pagrami ng mga mahihirap sa
bansa.Dapat nating pagisipang mabuti kung sino ang ating iboboto sa eleksyon
dahil baka ang ating maiboto ay isang kurap na inuuna ang sarili bago ang mga
mamamayan na kaniang pinagsisilbihan dapat rin tayong matutung magreklamo
at gawin ang nararapat para mabawasan ang mga kurap na opisyal ng gobyerno
saating bansa.
PAGKALULONG SA DROGA
Pagkalulong sa Droga

Ang Droga ay delekado saating pagiisip at kalusugan dahil ito ay maaaring


makapagdulot ng masamang gawain at pagbagsak ng ating kalusugan na
maaaring magdulot ng malubhang sakit na pwedeng maging dahilan ng
pagkamatay.Kung papalawakin natin ang salitang droga ito ay may pusitibo at
negatibong epekto saating kalusugan at pagiisip ngunit ang marami saatin ay
nagpopokus sa negatibo lamang.Maraming droga ang masama para sa tao pero
marami din ang mabuti hindi lang natin nakikita ng maigi ang mga mabuting
droga dahil kulang ang ating kaalaman dito kapag ito ay napag uusapan

Ang droga ay isa sa malaking problema ng ating bansa.Isa ito sa dahilan kung
bakit ang mga tao ngayong henerasyon ay wala nang alam kung hindi ay bumili
at gumamit nito.Maging ang mga batang 13 pataas ay marunong ng
gumamit ng droga kungkayat nakakalimutan na nilang pumunta sa kanilang
paaralan kaya dumarami ang hindi nakapagtapos ng pag aaral saating bansa
.Ang iba sa mga istudyante na gumagamit ng droga ay naimpluwensyahan lang
ng kanilang kaibigan o barkada kung paano gumamit nito habang ang iba naman
at nakita lang nila kung paano ito ginagamit ng mga matatanda.

Maraming dahilang kung bakit nagpapatuloy gumamit ng droga ang ibang tao isa
na rito sa mga dahilang ito ay ang mga problema sa pamilya.maraming tao ang
nakakaranas ng mga problema sa buhay lalu na kung ito ay problema sa pamilya
dahil ito ang sentro ng ating atensyon.hindi natin maiiwasan ang ganitong
sitwasyon laluna at ang ating mga pamilya satin ang humuhubog saatin para
tayo ay maging mabuting mamamayan sa lipunan.kung sa palagay nyo ay
nagkaroon kayo ng isang di pagkakaintindihan lalo na kung maliit pa lamang o
kaya man maari pang ayusin ay huwag na natin itong palalain pa dahil sino pa
ba ang magtutulungan kundi ang bawat myembro ng pamilya.Ang droga ay isa
sa mga isyu saating lipunan na dapat na kaagad na masolusyunan kung gusto
nating hindi bumagsak ang ating ekonomiya at ang ating bansa kaya naman tayo
ay dapat makiisa sa pag pigil sa pagkunsumo ng mga droga ng ating mga
kababayan.
KAWALAN NG TRABAHO
Kawalan ng trabaho

Ang kawalan ng trabaho ay isang suliranin na kinakaharap ng ating bansa mula


noon hanggang sa kasalukuyan.Sabawat araw na lumilipas parami ng parami
ang mga taong nawawalan ng hanapbuhay.Isa na sa mga sanhi ng kawalan ng
trabaho a ang pagtaas ng mga istudyanteng nagsisipagtapos ng kolehiyo at
bumababa ang bilang ng porsiyento ng nangangailangan ng mga manggagawa
saating bansa.Dahil sa pagbaba ng demand para sa mga manggagawa ay
nahihirapang maghanap ng trabaho ang ating mga kababaan dahil puno ang
vacant o wala na ang nais nilang pasukang hanapbuhay.

Isa pang sanhi kung bakit ang iba’y walang trabaho ay dahil mababa ang tingin
ng ibang tao sa mga mahihirap.Kung minsa naman ay kasalanan rin ng iba kung
bakit sala ay walang trabahong napapasukan at dahil din sa mapili o maarte sa
matatanggap nilang sahod.Dahil dito ay humahanap sila ng mga hanapbuhay na
mayroong mataas na sahod kahit ito ay hindi permanenteng trabaho.Nakaka
pinsala naman naman ang kawalan ng trabaho sa kinabukasan ng mga bawat
tao.dahil lahat tayo ay may responsibilidad at may dapat gampanan hindi lang
saating pamilya kung hindi saatin ring sarili.Sa trabaho umaasa angbawat isa
para kumita at magkaroon ng sapat na pera para makabili ng ating mga
pangangailangan para sa pang araw araw na pamumuhay.

May isyu rin ang kawalan ng trabaho sa ibang bansa gaya ng sa Indonesia na
may un employment rate na 6% bumaba lang ng 1.3%saating bansa na
may7.3% na unemployment rate.Maiiwasan ang kawalan ng trabaho sa ating
bansa kung itutuon lang ng pamahalaan ang kanilang atensiyon sa sector ng
agrikultura,dito makalilikha ng maraming trabaho na ikakabuhay ng ating mga
kababayan.Napaka rami ng tabaho na makukuha sa sector ng agrikultura
sapagkat napakayaman ng lupain na magagamit para sa mga hanapbuhay na
kailangan katulad na lamang ng pagsasaka at pagaalaga ng mga hayop na
pwedeng pagkakitaan at makatulong saating mga kababayang walang mga
trabaho.
TERORISMO
Terorismo

Ang terorismo ay hindi lamang isang simpleng na krimen sa isang bansa ito ay
isang krimen na laban sa isang bansa at sa mga mamamayan sa loob nito.Ang
terorismo ay isinusulong ng isang tao o grupo ng tao para makadulot ng
kaguluhan sa isang lugar.Ang terorismo ay walang pinipiling biktima at handa rin
ang mga terorista na maging biktima mismo nga kanilang isinagawang
krimen.Ang terorismo ay maraming dahilan para maka sakit ng ibang mga
mamamayan sa ating lipunan.Una sila ay galit sa mundong ating ginagalawan
pangalawa ay maaaring isang katuwaan lamang ito sakanila dahil gusto nilang
makakita ng maraming patay na tao.Alin man ang dahilan sa mga nabanggit
hindi natin lubos maisip kung bakit kailangan pang mandamay ng maraming
inosente ang mga terorista mga wala bang paggalang o pagmamahal sakanilang
kalooban

Dahil ang terorismo ay krimen laban sa pangkatauhan ang mga terorista ay


kalaban ng mga tao dahilsila ay nandaramay ng ibang tao na wala naming
nagawang masama sakanila.Ang mga terorista ay dapat na madakip at malilitis
sa hokuman dahil sila ay nagasala di lamang sa isang tao kundi lahat sakanila
.Ang terorismo ay ang problemang hindi malulutas sa pamamagitan ng pagiging
mabait sa mga terorista kailangan nating turuan sila ng leksyon para sila ay
matutu na ito ay isang masamang Gawain.

Ang banta ng terorismo ay huwag nating gawing biro dahi ito ay isang seryosong
bagay na dapat nating di ipag walang bahala.hindi lang ang bansa natin ang
nakararanas ng terorismo maging ang ibang parte rin ng mundo ay nakakaranas
din nito .patuloy nating ipagdasal ang kapayapaan at mga taong naiipit sag era
ngayon dahil sa terorismo.hindi man nating ginusto ang terorismo ito ay
nangyayari pa din dahil sa mga taong haling ang kaluluwa na gusto lang
makasakit ng iba pang inusenteng mga tao saatong bansa.
TRAPIKO

Trapiko

Sa panahon ngayon isa sa mga problema ng malaking lungsod ay ang problema


sa trapiko dahil ito ay nag dudulot ng malaking abala para sa mga tao na may
kailangang habuling orsa gaya na lang ng mga istudyante na pumapasok sa
paaralan.Isa sa matindi at malalang trapikong naranasan ng mga kababayan
nating mga Pilipino ay sa kalakhang maynila.Ang maynila ay ang centro ng
kalakalan dito saating bansa kaya naman maraming tao rito na mayroon ng
sasakyan.Sa araw-araw maraming pinupuntahang mga lugar ang tao dahil dito
ay kailangan nilang sumakay sa mga pampasaherong sasakyan o kaya naman
ay gamitin ang kanilang sariling sasakyan.Ito ang nagiging dahilan kung bakit
nag kakaroon ng matinding trapiko saating bansa.Ang patuloy na paglala ng
trapiko ngayon ay walang pinipiling oras.isa sa epekto ng traffic sa mga
mamamayan ay ang pagkaubos o pagkabawas ng kanilang productivity time.Ang
kanilang oras ay nababawasan sa bahinga o trabaho dahil sa napupunta na lang
iyon sa matagal na biyahe dahil sa trapiko.

Dahil hindi makontrol ang trapiko dito sa pilipinas,nagigigng congested hindi


lamang ang maliit na daan kindi pati na rin ang mga malalawak na kalsada lalo
na sa mga lungsod at sa ibat ibang panig ng bansa na madalas daanan ng mga
sasakyan .Hindi lamang ang maliitr na daan kundi na rin ang mga maluluhog na
panag kaliht sa iasat isa sa panig ng ating mga mangbabalita.

Tinatayang nasa labing na sa t400,000 na katao araw araw ang namamatay


dahil sa pulosyon sa hangin na dulot ng mga sasakyan.Mas madami ang
naibubugang usok ng mga sasakyan kung mas natagal sila sa kalsada .Ang
usok ay masama hindi lamang para saating kalusugan kundi na rin para saating
kapaligiran.Dito saating bansa alam naman natin na kakaunti o halos walang
puno sa siyudad na makakatulong upang mabawasan ang usok na dulot ng
trapiko na nagdudulot ng pulisyon na nakakasira sa kapaligiran.
KONTRAKTWALISASYON
Kontraktwalisasyon

Ang pagkakaroon ng mababang minimum wage at ang pagiging kontraktwal at


pagiging malupit at hindi makataong ng mga manggagawa sa mga pabrika at iba
pang mga pagawaan ay patuloy paring nangyayari sa Pilipinas.Ito ay nagdudulot
nang pagiging kapos sa mga pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino
dahil ang kanilang sahod ay masyadong mababa at ang kanilang trabaho ay
hindi pirmanente.Ang batas ukol sa pagproprotekta ng mga manggagawa na
nakararanas ng paglabag sa karapatan nila ay hindi epektibo dahil dito ay
patuloy na naaabuso ang ating mga manggagawa ng kanilang mga amo.ang
ating pangulo ay nagbigay ng pangako noong siya ay tumatakbo pa lamang na
pahahalagahan niya ang karapatan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng
paglaban sa kontraktwalisasyon.

Ang kontraktwalisasyon ay isang suliranin sa mga manggagawang kayod ng


kayod para sila at ang kanilang pamilya ay mabuhay at matustusan ang kanilang
mga kailangan.Ang mga kapitalista ay nakagawa nito dahil sa kawalan ng
access sa mga paraan ng pamumuhay sa ilalim ng kapitalismo.Ang mga
manggagawa ay pinipilit na ibenta ang tanging bagay na kanilang tinatangkilik
ang kanilang lakas sa paggawa o ang kanilang kakayahang mag trabaho sa
kapitalista upang hindi magutm o mamatay.

Upang bilihin ang paggawa ng mga manggagawa ang mga kapitalista ay


nagbabayad sa mga manggagawa ng ng isang sahod na mas katumbas ang
halaga sa mga kalakal at serbisyo.Sa pangunguna ng kilusang Mayo Uno(KMU)
nagtipon ang may 35,000 na mga manggagawa,maralitang tagalungsod at
ibapang sector sa kamaynilaan noong mayo 1 upang gunitain ang
pandaigdigang araw ng paggawa.pangunahing panawagan ng grupo ay
magkaisa para labanan ang kontraktwalisasyon pero wala paring pagbabago ang
nangyayayri mula noon kaya’t dapat nating pagtuunan ng pansi ang ating mga
manggagawang gustong ipaglaban ang kanilang karapatan.
CHILD ABUSE
Child Abuse

Ang child abuse ay isang krimen na nangyayari karaniwang sa loob ng isang


pamilya na may roong mga magulang na nangaabuso ng kanilang mga anak at
iba pang mga bata sa lipunan.Ito ay isa sa mga nagdudulot para mapunta ang
mga kabataan sa maling landas at makagawa ng mali dahil sa mga nararanasan
nila mula sa kanilang mga magulang.Patuloy na pinag tutuunan ng pansin ng
sektor ng edukasyon saating bansa ang pakikipaglaban sa ibat ibang uri ng pang
aabuso lalo na sa mga kabataan.Pisial man o emosyunal na pang aabuso
nangangahulugan ito ng kapabayaan,kalupitan,at pang aapi.Ang pang aabuso ay
anumang klase ng kilos pananalita na nakapagpapababa sa o nakapagpapahina
sa dignidad ng isang tao..

Kadalasan,sila ang mga hindi napagkakalooban ng sapat na pangangailangan


tulad ng pagkain,tahanan,edukasyon,pag aaruga at higit sa lahat ang pag
mamahal.Kailangan ding magkaroon ng kamalayan ang mga magulang,public at
private school teacher sa nilalaman ng DepEd child protection policy para
malaman ang mga karapat,responsibilidad at regulasyon ng eskwelahan ang
respeto,tamang pag uugali at proteksyon sa bawat mag aaral habang nasa loob
sila ng paaralan.Gayundin,napakahalagang mapaalalahanan ng ating
konstitusyon ang lahat ng uri ng kapabayaan,pang aabuso,kalupitan
,pagsasamantala at anumang nakakahadlang sa karapatang pantao ng
kabataan.

Kaya ang anu mang uri ng mga pang aabuso sa mga kabataan ay maitutri nating
krimen dahil ito ay sumusira sakanilang kinabukasan at sa kanilang
personalidad.Kaya sa pamamagitan ng patuloy na pagsugpo ng pang aabuso at
pagsasagawa ng mga in service traning at seminar na tumatalakay sa ganitong
mga usapin sa na ay tuluyan ng mawala ang pangaabuso sa ating mga kabataan
at dapat tayo ay magtulungan para makamit ito.
CHILD LABOR
Child Labor

Marami satin ang nangangarap ng isang marangal na trabaho pero hindi lahat ay
nabibigyan ng tiyansang magkaroon nito.Marahil ay dahil sa kakulangan ng pang
matrikula kaya hindi nakatapos ng pag aaral at hindi maabot ang kahilingan na
pakapag trabaho sa kumpanya.O kaya ay naroroon ang pagnanais makapag
trabaho ngunit ay kinukulang ng paglakip sa gawa.Kaya naman ang ilang mga
anak ay namulat sa maagang pagtatrabaho kahit sa mura at minordeng edad pa
lamang.Ang iba naman ay sapilitang pinagtatrabaho ng kanilang mga
magulangkahit sila ay musmus pa lamang.Ang mga kabataan ay dapat lamang
na nasa paaralan upang makakuha nga matinong edukasyon sila ay hindi dapat
nasa alsada para manglimos o sa kunstraksyon para magtrabaho doon.

Ang mga kabataan ay ang susi sa magandang kinabukasan ng ating bansa.Iyan


ay palagi nating naririnig mula sa kasabihan ng ating pambansang bayani na si
Jose Rizal.Nanagangahulugan ito na dapat ay pinakaiingatan natin ang mga
kabataan at binibigyan sila ng karapatan lalo na sa eduasyon Ang pagdami ng
bilang ng mga kabataanng nagtatrabaho o child workers ay indikasyon n
nalumalala ang kahirapan saating bansa.Sa murang edad ng mga bata ay
natututu na itong magbanabt ng buto dahil ang kanilang magulang ay walang
mga trabaho dahil ito ay hindi naapagtapos ng kanilang pag aaral na
nakaaapekto sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Maraming mga batas ang nagbabawal sa child labor ngunit marami parin an
gang bilang ng mga batang naghahanap buhay.Mayroong dalawang dahilan
kung bakit dumarami ang mga child laborers ito ay ang ang kulangan sa
edukasyon at ang pngalawa ay ang kawalan ng trabaho ng kanilang mga
magulang.Sa tulong ng mga programang pinapatupad ng ating mga gobyerno
sana nga ay tuluyan ng matuldukan ang child labor at magkaroon ng kalayaan
ang mga kabataan na makapag ara sa mga paaralan para sila ay magkaroon ng
magandang kinabukasan.
TEENAGE PREGNANCY
Teenage Pregnancy

Saating bansa may mga pilipina na may edad 15-19 na taong gulang pa
lamang ay buntis na o di kaya mga ina na.Ang mga kabataang na bubuntis ay
maaaring ikasira ng kanilang buhay dahil sa kawalan nang mayos na
pamumuhay para matugunan ang mga pangangailangan ng maagang
pagpapamilya.Ang isang pinaka dahilan o epekto ng teenage pregnancy ay ang
kahirapan kung saan napipilitan ang mga ababaihan na ibenta ang kanilang
katawan para mabuhay at matugunan ang kanilang pangangailangan.Maraming
mga kabataang mahirap na may anak dahil hindi sila nakapag aral at dahil sa
kakulangan nila sa edukasyon hindi sila makahanap ng trabaho.Ang teenage
pregnancy ay isa sa mga tampok na isyu na lumalaganap saating bansa.

Hindi parin ito naiiwasan,lalo na sa bansang pilipinas.Sa henerasyon ngayon ay


lumalaganap ang pagkakaroon ng relasyon lalo na sa mga kabataan na nauuwi
sa pakikipag talik.Kinahahantungan rin ito ng masamang epekto para sa mga
dalagang babae na nakikipag talik ng wala pa sa tamang edad.Karamihan rin sa
mga kabataang maagang nabubuntis ay wala pa sa wastong pag iisip para
gawin ang isang bagay.Ang teenage pregnancy ay may malaking epekto o
emplekasyon sa health care ng isang bansa ito ay ang malaking health risk at
ang mas pag rami ng pupolasyon.Ang mga batang magulang o maagang
nabuntis ay hindi pa lubos ang kaalaman at hindi pa handa sa mga
responsibilidad na kanilang kinahaharap.

Ang maagang pagbubuntis ay isang isyu ngayon sa buong mundo dahil maaari
itong magbunga ng malaking problema.Ang teenage regnancy maaring mgdulot
ng sapilitang pagtigil sa pag aaral na maaaring ikasira ng kanilang
kinabukasan.Mahihirapan rin silang buhayin ang bata dahil hindi pa nila alam
kung ano ang gagawin.Maaaring ipa abort nila ang bata dahil akala nila ito ang
sulosyon sa kanilang problema pero alam naman nating hindi ito tama dahil ang
bata sa loob ng kaniyang ina ay tao rin kagaya natin..Bilang isang teenager
dapat nating iwasan ito dahil ito magpapahirap saating buhay dahil wala pa
tayong alam dito.
BULLIYING
Bulliying

Ang bulliying ay karaniwang nararanasan ng mga kabataan sa paaralan dahil


dito nagtitipon tipon ang mga kabataan na mayroong ibat ibang ugali at ang iba
hindi pa nadidisiplina ng mabuti ng anilang mga magulang.Ang bulliying o
pangungutya ay isa sa mga isyu sa lipuna na pag napabayaan ay maaaring
makaapekto sa kinabukasan ng isang tao.Sa mga pelikula sa telebisyon madalas
nating nakikita ang pang aapi ng karakter ng kontrabida sa kawawang bida
upang mas lalong mahikayat angmga manonood ngunit sa bandang huli
magtatagumpay ang biktima ng pang aapi at malalaga sa kaawa awang
sitwasyon ang nang aapi.Ngunit hindi isang pilikula ang lamang ang
nangyayaring ito ngayon sa loob at labas ng paaralan at nakalulungkot isipin na
hindi rin pala ligtas ang mga bata kahit sa loob ng paaralan dahil maari silang
maging biktima ng bulliying.

Nagkakaroon ng buly sa isang lugar particular na sa paaralan dahil pag ma


nakikita silang tao na hindi kaaya aya ay agad nila itong kinukutya.Ang gusto
lamang gawin ng isang bulli ay gawing miserable ang buhay ng isang tao o ng
isang mag aaral..Isa sa pinakamagandang paraan para hindi ka nila
maapektohan ay huwag mo silang pansinin.Pero may mga oras na kahit anong
iwas mo sa kanila ay hindi ka nila tatantanan.

Ang pangaapi o bulliying ay nagkakaroon ng epekto sa isang tao na pupwedeng


makabago sa anila sa ibat ibang paraan .Ilan sa mga sanhi ng bulliying sa mga
nangaapi ay pagkakulang sa pansin at gabay sa magulang kaya ang mga nang
aapi ay ganoon na lamang kung magi sip.Nasa isip nila na mas madali nilang
maiisip ang atensyon ng mga tao lalo na ng kanilang mga magulang sa ganoong
paraan.Sila nga ay madaling mapansin ngunit sa hindi naman magandang
paraan.Hindi madaling bigyan ng sulusyon ang bulliying dahil ito ay halos
nakadepende sa mga taong na bubuli at nang bubuli at sa mga taong nasa
paligid nila.
POLUSYON

Polusyon

Ang ating bansa ay bininuo ng mga pabrika at mga sasakiyan na nag sasanhi ng
ibat ibang uri ng polusyon.Sadyang mahirap harapin ang katotohanan na sa
kabila ng lahat ng ating kinahaharap na problema tayo ang gumagawa at
naaapektuhan nito.Hindi natin dapat isisi ang lahat saating pamahalaan ang
pagkakaroon nito dahil alam nating na my kasalanan rin tayo.Ang polusyon ay
hindi natin maiiwasan laluna dahil saatin mismo nagmumula ito.Ito ay
nararanasan ng lahat ng tao,halamamn at hayop na naaapektuhan rin
nito.datirati aynakakalanghap pa tayo ng sariwang hangin at nakakakain ng mga
sariwang isda.Ngayon iilang lugar na lamang ang pay roong mga sariwang
bagay dahil ang ibang mga lugar halos puno na ng mga sasakyan at mga
pabrika na mas nagpapalala sa polusyon na ating nararanasan ngayon.

Marami nang sakit ang mga lumalaganap dahil sa mga contaminado na ang mga
pinagkkukunan natin ng pag kain at ang ating tubig na iniinum sa mga lugar na
laganap ang polusyon.Sa maynila bilang centro ng kalakalan makikita ang ibat
ibang klase ng polusyon.Isang halimbawa ng rehabilitasyon ang ginawa ng
pamahalaan sa burakay,isa sa tinaguriang piaka magandang isla sa buong
mundo.Dahil na rin sa pang aabuso ng mga tao sa kapaligiran hinayaan nating
masira ito ng ating mga basura at ang dating magagandang lugar ngayon ay
puno na ng mga basura na tayo mismo ang may dala.

Hindi pa huli ang lahat maaaring maiwasan ang malalang polusyon kung
magsisimula ito saatin.magsimula tayo sa mga simpleng bagay tulad ng
paghihiwahiwalay ng mga basurang nabubulo at di nabubulok at pakiki isa sa
mga programa ng gobyerno na makabubuti para saating kapaligiran katulad na
lang ng pag tatanim ng mga punong kahoy na itinataguyod ng reforestation
program ng gobyerno sa pamamagitan ng mga gawaing ito ay mababawasan
natin ang polusyon saating lipunan.
DENGUE
Dengue

Ang dengue ay isang kondisyon ng mga kagat ng lamok na nagdadala ng


dengue virus.Ang dengue ay isang sakit na kumitil na ng maraming tao dito
saating bansa.Kapag darating na ang tagulan ay siguradong magkakaroon ng
mga taong may dengue dahil sa napupuno ng tubig ang mga bote at kanal na
pwedeng pamugaran ng mga lamok para magparami dahilan kung bakit as
lumalaganap ang dengue kapag tagulan.nakakaalarma ang pagtaas na bilang ng
mga nabibiktima ng dengue.Ayon sa report ng Department of Health(DOH) ay
umaabot ng mahigit sa 200 katao ang namamatay dahil sa dengue,

Mula ng magka kontrobersiya sad engvaxia vaccine noong 2016,dumami ang


nagkaroon ng sakit na dengue.Marami kasing magulang ang natataot na
pabakunahan ang kanilang mga ana dahil sa report na karamihan na
binakunahan ng dengvaxia ay namatay.Ang dengue ay hated ng lamok na na
Aedes Aegypti.Ang lamok na ito na kadalasang nangangagat tuwing umaga ay
madaling makilala dahil sa mga batik batik nito sa katawan.Ang pagbibigay ng
gabay samamamayan ukol sa dengue ay nararapat pang paigtingin ng
DOH.Magbigay ng impormasyon sa mamamayan ukol sa dengue upang ganap
na maiwasan ito.Marami parin ang salat sa kaalaman uol sa mga lamok na
naghahatid ng sakit lalo na ang mga nasa liblib na mga lugar

Ang kalinisan sa loob ng bahay at kapaligiran ang susi para mapigilan ang
pagkalat ng mga lamok na may dengue.Huwag iistak ang mga basyo ng
bote,lata,gulong ng sasakyan at paso ng halaman sapagkat napupuno ito ng
tubig sa panahon ng tagulan.Linisan rin ang mga kanal na hindi umaagos ang
tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok.Ipagpatuloy natin ang kampanya
laban sa nakakamatay na dengue at tumuklas pa ng ibang mga paraan para
mapigilan ito sa pagkat ito lang makakaya nating gawin para masugpo ang sakit
na ito.Kung hindi natin ito maagapan paano na kaya ang ating kinabukasan?

You might also like