Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Paaralan DONA TEODORA Baitang GRADE 11

ALONZO SENIOR HIGH


SCHOOL
FILIPINO- PAGBASA
Tagapagturo MAYCELLE ROSE S. Asignatura PAGSUSURI NG IBA’
Gabay sa PANOY IBANG TEKSTO TUN
Pagtuturo sa PANANALIKSIK
Filipino Petsa at oras ng Markahan PANGALAWANG
Sesyon SEMESTRE/UNANG
KWARTER

I. Nilalaman

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig

PAMATAYAN SA PAGGANAP
Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig F11PB – IIId – 99

DETALYADONG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral a
ng sumusunod:

A. Nasusuri ang binasa batay sa katangiang taglay ng tekstong teksto


B. Naipaliliwanag ang halaga ng pagbabasa ng iba’t ibang tekstong impormatibo
C. Naitatala ang mga impormasyong nalaman sa napanood na balita sa telebisyon

II. NILALAMAN

A. PAKSA
Tekstong Impormatibo

III. MGA KAGAMITAN

A. KAGAMITAN AT SANGGUNIAN
*laptop

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula
1. Pagbati
2. Pagkuha ng Liban
3. Pagbabalik Aral

B. Panimulang Gawain

Magpapanood ang guro ng isang news report kaugnay sa isang napapanahong isyu/paksa.
Makaraang mapanood ang video, magbibigay ng tanong ang guro hinggil sa mga impormasyong nalaman
ng klase sa napanood.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Magpapabasa ng isang halimbawang infographics ang guro sa klase. Mula rito’y magbibigay ng
tanong ang guro hinggil sa mga impormasyong nakapaloob sa teksto.

D. Input ng Guro

TEKSTONG IMPORMATIBO
 Ang tekstong impormatibo ay uri ng babasahing di-piksyon.
 Isinusulat ito sa layuning makapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa.
 Maaari itong mabasa sa mga magasin, mga batayang aklat, sanggunian at iba pa.
 Iba-iba ang paraan ng pagkakasulat nito depende sa uri ng impormasyong nilalaman nito.
 Maaari itong nasa wikang madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa o wikang teknikal para sa
mga dalubhasa o iskolar.
 Ang iba ay may kasamang biswal na representasyon tulad ng mga talahanayan o grap upang maging
mas madali ang pag-unawa sa mga datos na isinasaad ng ganitong uri ng teksto.
 Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin na naglalaman ng tekstong impormatibo ay:
o Mga sangguniang aklat
o Ulat
o Pananaliksik
o Artikulo/komentaryo/balita
o Polyeto
o Suring-papel
o Sanaysay

KATANGIAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO


 Naglalahad ito ng mga mahahalagang impormasyon, bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong
paniniwala, mga bagong impormasyon at tiyak na detalye para sa kabatiran ng mga mambabasa.
 Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may pagkakasunod-sunod at inilalahad nang buong linaw at
kaisahan.
 Karamihan sa mga impormasyon ay patungkol sa mga bagay at paksang pinag-uusapan.
 Nagbibigay ito ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay-linaw sa mga
paksang inilahad upang mawala ang alinlangan.
 Naglalahad ng mga datos na nakatutulong sa paglilinaw ng mga konsepto.
E. Pagpapayaman

Magpapasuri ang guro ng isang Tekstong impormatibo. Sasagutin ang tseklist ng mga katangiang dapat
taglayin ng isang tekstong impormatibo.

F. Paglalapat

Tanong ng Guro:

1. Anong uri ng tekstong impormatibo ang karaniwan mong nababasa?


2. Paano nakatutulong sa sa iyo bilang mag-aaral ang pagbabasa ng iba’t ibang halimbawa ng tekstong
impormatibo?

G. Paglalahat

Anong Say Mo?

Sang-ayon at Di-Sang-ayon.
Magbibigay ng pahayag at tanong ang guro kaugnay sa araling tinalakay at pagkaraa’y hihingin nito ang
tugon ng klase kung sang-ayon o hindi ang mga ito sa kanyang tinuran.

1. Mahalaga sa pagsulat ng tekstong impormatibo ang maayos na paghahanay ng mga kaisipan o


impormasyon.
2. Nagagawa bang makatulong ang tekstong impormatibo sa mga taong may alinlangan sa iba’t ibang
paksang nasusulat rito? Paano?
3. Ang mga maikling kuwento at nobelang piksyon ay mahusay na mga halimbawa ng tekstong
impormatibo

H. Pagtataya

Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga impormasyon tungkol sa Tekstong impormatibo
1. Ang tekstong impormatibo ay uri ng babasahing piksyon.
2. Iba-iba ang paraan ng pagkakasulat nito depende sa uri ng impormasyong nilalaman nito.
3. Nagbibigay ito ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay-linaw sa mga
paksang inilahad upang mawala ang alinlangan.
4. Isa sa mga halimbawa ng mga sulatin na naglalaman ng tekstong impormatibo ay komiks.
5. Naglalahad ng mga datos na nakatutulong sa paglilinaw ng mga konsepto.

I. Takdang Aralin

1. Ano ang Tekstong Deskriptibo?


2. Ano-ano ang Elemento ng Tekstong Deskriptibo?

Inihanda ni:
MAYCELLE ROSE S. PANOY
Teacher 1

You might also like