Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mateo, Trevor L 11 HUMSS – D

“Ang Hatid ng Sakuna”

Noong Marso 16 2020 isinailalim ng Presidente ng Pilipinas ang buong Luzon sa Enhanced
Community Quarantine (ECQ) bilang isang hakbang upang pigilan ang mabilis na pagtaas ng
kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Patuloy na dinaranas at tinitiis ng mamamayang Pilipino ang
binansagang “the world’s longest lockdown” ngunit kapansin-pansin ang nakaka-alarmang
pagtaas sa bilang ng mga kaso na umaabot ng libo kada araw. Mistulang nagsisimula pa din ang
ating bansa sa pagtugon sa sakit na ito. Napakalaki ang naging epekto nito sa ating lahat, mula
sa kung paano isinasagawa ang ating pang araw-araw na mga gawain tulad ng pag-aaral,
paglilibang at pamamalengke hanggang sa mga hanapbuhay ng mamamayang Pilipino.
Mistulang tumigil ang pag-ikot ng mundo at napilitan tayong lahat na manatili sa ating mga
bahay. Kapani-panibago ito para sa ating lahat ngunit ang pinakamatinding naapektuhan ng
pangyayaring ito ay ang mga mamamayang naghahanapbuhay para may makain ang kanilang
mga pamilya.
Ang epekto ng COVID-19 sa kita ng mga negosyo ay mas naging malinaw nang inulat ng
mga kumpanya ang kanilang kinita nooong ikalawang kwarter ng 2020 kung saan ipinatupad ang
istriktong “lockdown” sa buong Luzon upang kontrolahin ang paglaganap ng sakit. Ang sector
ng ekonomiya nakaranas ng pinakamalaking pinsala.
Dahil sa malaking pinsaa sa sektor ng turismo, ang Belle Corp., isang “leisure estate” at
“gaming firm”, ay nag-ulat ng ₱355 milyong pagkalugi sa ikalawang kwarter dahil sa kawalan
ng kita na dulot ng pagsasara ng mga kasino na bahagi ng “quarantine”. Hindi rin nakaligtas ang
mga malalaking korporasyon sa pinsalang hatid ng pandemya. Ang abolitiz Equity Ventures Inc.
ay nakapagtalaga ng 63%-₱2 bilyong pagkalugi sapagkat karamihan sa mga negosyo ay
naapektuhan. Isa na rin ang Robinsons Retail Holdigs Inc. na pinamumunuhan ng mga
Gokongwei. Ito ay nakapag-ulat ng 33.2% na pagbaba sa ikalawang kwarter na may pagkaluging
₱719 milyon dahil sa pagsara sa karamihan ngf mga pamilihan na alinsunod sa patakarang
inilabas ng gobyerno. Ngunit hindi dito nagtatapos ang pinsalang dulot sa ekonomiya ng ating
bansa.
Nagkaroon na ng sari-saring daing ang mga Pilipino na naapektuhan ng mga kaakibat na
restriksyon ng bagong direktiba. Habang nahaharap ang mga buong bansa sa pagdami ng mga
nauulat na kaso, maraming lugar ang nagsasara ng mga negosyo, paaralan at iba pang mga
pampublikong pasilidad na naging dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga manggagawang nawalan
ng trabaho sa gitna ng pandemya. Nasa 97% ng mga empleyado't manggagawa sa ngayon ang
nagsasabing wala sila sa trabaho dahil sa COVID-19 at lockdown. Mula sa 1.1% noong Abril
2019, ito’y biglang tumamas sa 38.4% noong Abril 2020. Dahil diyan, 12.5 milyon ang itinaas
ng may trabaho ngunit wala sa trabaho sa loob ng isang taon. Napakaraming pamilya ang
nagugutom. Ang iba ay nanlilimos na lang sa mga daan para maitawid ang isang araw.
Ngayon ay limang buwan na ang nakalipas. Unti-unti nang binubuksan ang ekonomiya kaya
naman bumabalik na sa trabaho ang iba kahit na andito pa din ang pandemya. Kapag tumaas ang
bilang ng mga kaso, magkakaroon ng panibagong “lockdown” at babalik tayo sa simula. Hindi
ito makakayanan ng ating bansa ngnuit pipiliing makipagsapalaran ng mga mangagawa sapagkat
mas takot silang mawalan ng ipapakain sa kanilang mga pamilya kaysa sa sakit na naging
dahilan ng lahat ng ito. Nakakapanibago ang kapaligiran ngayon, nakakatakot ang sitwasyon,
lalo na’t walang pinipiling estado sa buhay ang pandaigdigang mikrobyong nambubulabog
ngayon.

References
ABS-CBN News. (2020, March 18). 'Mahirap pa mahirap': Taxi drivers, vendors idinaing ang mga epekto
ng Luzon lockdown. Retrieved from ABS-CBN News Web SIte: https://news.abs-
cbn.com/spotlight/03/18/20/mahirap-pag-mahirap-taxi-drivers-vendors-idinaing-ang-mga-
epekto-ng-luzon-lockdown

Ang COVID19: Isang pahayag mula sa Local Autonomous Network. (2020, April 13). Retrieved from
Libcom.org: https://libcom.org/blog/ang-covid19-isang-pahayag-mula-sa-local-autonomous-
network-13042020

Cabuag, V. (2020, June 01). Belle Corp. income dips 31% in Q1 on fall in tourist arrivals. Retrieved from
BusinessMirror: https://businessmirror.com.ph/2020/06/01/belle-corp-income-dips-31-in-q1-
on-fall-in-tourist-arrivals/

Fermin, C. (2020, March 20). 'Nakakapanibago ang nangyayari sa kapaligiran'. Retrieved from Philstar:
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/showbiz/2020/03/20/2002184/nakakapanibago-ang-nangyayari-sa-kapaligiran

Philippine Daily Inquirer. (2020, July 12). Dance of survival. Retrieved from Philippine Daily Inquirer:
https://opinion.inquirer.net/131680/dance-of-survival

Philippine Daily Inquirer. (2020, August 03). Editorial: Severe Losses. Retrieved from Philippine Daily
Inquirer: https://opinion.inquirer.net/132361/severe-losses

Philippine Daily Inquirer. (2020, August 01). RRHI profit down by 33.2% in Q2 as lockdown crimped sales.
Retrieved from Philippine Daily Inquirer: https://business.inquirer.net/304096/rrhi-profit-down-
by-33-2-in-q2-as-lockdown-crimped-sales

Rappler. (2020, May 30). [PODCAST] Pagdurusa ng manggagawang Pilipino sa gitna ng pandemya.
Retrieved from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-
stories-labor-jobs-losses-coronavirus-pandemic-philippines

Relativo, J. (2020, June 5). 'Record-high': 17.7% kawalang trabaho naitala nitong Abril kasabay ng
COVID-19. Retrieved from Philstar: https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/06/05/2018857/record-high-177-kawalang-trabaho-naitala-nitong-abril-
kasabay-ng-covid-19

Rivas, R. (2020, July 28). Virus disrupts Aboitiz, profits down 55% in H1 2020. Retrieved from
Rappler.com: https://www.rappler.com/business/aboitiz-equity-ventures-earnings-report-
january-june-2020

You might also like