Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARALING PANLIPUNAN 10 – KONTEMPORYONG ISYU

GAWAIN 2: PAKSA: KAHALAGAHAN AT KATUTURAN NG LIPUNAN

PANUTO: Magbigay ng halimbawa, (maaaring kumuha ng larawan sa internet) kung papaano na ang mga
pananaw ng sosyolohista sa lipunan ay maipapakita sa mga sumusunod na aspeto. Maaring pumili
lamang ng isa sa tatlong aspeto. (Pamilya, Paaralan, Bansa/Komunidad). Bigyang paliwanag ang larawan
batay sa aspetong napili.

EMIL DURKHEIM “ Ang lipunan ay patuloy na kumikilos at


nagbabago”

LARAWAN: PALIWANAG:
BANSA
Makikita sa larawan kung paano patuloy na
nagbabago ang isang bansa. Hindi ang pagbabago sa
paligid ang nagbabago satin. Tayong mga tao ang
nagbabago dito. Sang-ayon naman ako na
nagbabago ang isang bansa upang umunlad ito, na
para ito sa mga mamamayan nito. Unti unti nang
nasisira ang ating kalikasan dahil marami na ang
nagpapatayo ng mga bagong gusali sapagkat ang
mga gusali na ito ang siyang tumutulong satin upang
mabuhay. Para saakin, hindi lahat ng pagbabago ay
masama, ang mga pagbabago sa ating lipunan ay
maaaring hindi magandang tignan ngunit ay
tunguhin naman nito ay para sa ikabubuti natin.

KARL MARX “ Ang lipunan ay punung-puno ng tunggalian sa


kapangyarihan”

LARAWAN: PALIWANAG:
KOMUNIDAD
Mayroong kasabihan na “Desperate times call for
desperate measures.” Sa larawan ay makikita ang
dalawang kamay na parang baril. Ipinapakita dito na
hindi lahat ng intension ng isang tao ay nakabubuti
para sa lahat. Masasabi ko na marami satin ang
nagiging desperado para lamang matugunan ang
ating mga pangangailangan upang mabuhay.
Nakakayanan nag iba na makipag-agawan sa ibang
tao sa mga limitadong pinakukunang yaman,
mayroon pa na hangarin ang kapangyarihan. Sa mga
tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang
pangkat na siyang kumukontrol sa produksyon.

CHARLES COOLEY “ Ang lipunan ay may magkakawing na ugnayan at


tungkulin “

LARAWAN: PALIWANAG:
PAMILYA
Ang ugnayan na ito ay naguumpisa sa pinakmaliit
nay unit ng lipunan, sa ating pamilya. Sa pamilya
naguumpisa ang lahat, kung paano tayo makitungo
sa iba at sa pakikitungo na ito ay doon natin
mauunawaan at higit na makikilala ang ating sarili.
Ang mga simpleng pakikipag-usap at kwentuhan ay
makakamit na natin ito. Sa pamamagitan ng maayos
na interaksyon sa ating mamamayan ay makakamit
natin ang kaayusan at kapayapaan sa ating lipunan.
Mas magiging maayos ang lipunan kung ang bawat
pangkat ay gagampanan ng maayos ang kani-
kanilang mga tungkulin.

You might also like