Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Unang Markahan – Modyul 2: Salik sa Paghahati ng Asya


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marivic B. Ruiz
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Zenaida N. Raquid, Aillen G. Sumagaysay (Teknikal)
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Salik ng Paghahati ng Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong


Baitang ng Modyul para sa araling Salik sa Paghahati ng Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang Modyul


ukol sa Salik ng Paghahati ng Asya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa ng mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok - Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay.


na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.
Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga
kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit - Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating-heograpiko: Silangang
Asya, Timog_Silangang Asya,Timog Asya, Kanlurang Asya,Hilagang Asya at
Hilagang/Gitnang .Asya.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Nasusuri ang mga salik nagiging batayan sa paghahati ng Asya.
2. Nailalahad ang mga batayan ng paghahati ng Asya.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahing mabuti ang tanong at Piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Pinagbuklod ng wikang Arabic at relihiyong islam
A. Kanlurang Asya
B. Silangang Asya

C. Timog-Silangang Asya
2. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa hatian ng Asya.

A. Hilagang Asya
B. Timog-Kanlurang Asya
C. Timog-Silangang Asya
3. Ito ay tumutukoy sa pang-unawa sa relihiyon, paniniwala, Gawain lipunan,
edukasyon at siyentipiko.
A. Heograpika B. Historikal C. Kultura

4. Tumutukoy sa pisikal na katangian ng pinag-uusapang paksa.


A. Heograpikal B. Historikal C. Kultural
5. Batay sa mga salik na heograpikal at kultural, nahati ang Asya sa ilang rehiyo

A. Anim B. Lima C. Pito


BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin ang salitang isinasaad ng pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng


tsek ang kahon ng tamang sagot.

1. Unang salita na ginamit ng Greek upang kilalanin ang isang maliit na rehiyon
malapit sa Europa.

Aprika Asya Europa

2. Ang Asya ay isang ____________________

Bansa Kontinente Rehiyon

3. Ang Asya ay nahahati sa _________ rehiyon.

Anim Apat Lima

4. Ang Asya ay maliit na tradisyon na tagatanggap lamamng ng impluwensya ng


tdakilang tradisyon. Ito ay pananaw ng mga _____________

Asyano Hapones Kanluranin

ARALIN

Ayon sa ilang mga iskolar, maging ang konsepto ng mga kontinente ay bukas
sa interpretasyon. Ito ang dahilan kung bakit maging ang larangan ng heograpiya ay
sinasabing hindi rin tahasang objective science o sangay ng agham na may 100% na
katiyakang siyentipiko. Sa makabagong pagtingin, ang paghahati sa mga teritoryo
tungo sa mga kontinente at ng mga kontinente tungo sa mga rehiyon ay depende sa
sariling pananaw ng geographer o sinumang may kapangyarihan sa pagtakda ng
mga hangganan o paghahating heograpikal.

Lubhang malawak ang Asya na sumasakop sa halos 33% ng kabuuang


kalupaan sa daigdig. Dahil dito, hinati ang Asya sa mga rehiyon upang mas
madaling mapag-aralan at maunawaan ang mga katangian nito bilang isang
kontinente.
BATAYAN NG PAGHAHATI NG ASYA
 Heograpikal Pisikal
 Kultural, Historikal at kultural na aspekto

HEOGRAPIKAL - hango sa salitang HEOGRAPI


- Pagsusuri sa pisikal na anyo ng isang lugar, sa pisikal na
parte ng mundo.
Kalakip nito ang sukat, ang nakapaligid at karakteristik na
pisikal.
- Pinag-uusapan ang pisikal na parte ng paksa.

KULTURAL - Pag-unawa o paghanga sa Sining, Kaugalian, Paniniwala,


Gawaing Panlipunan, Edukasyon, Relihiyon at Siyentipiko.

Sa heograpiya, mahalagang maunawaan na ang mga konsepto ng


paghahating panrehiyon ay binuo lamang ng tao sa pagkakapareho sa katangiang
heograpikal, pisikal, historikal at kultural. Malaki ang papel na ginagampanan ng
pisikal na heograpiya sa mga rehiyon na may pagkakaiba sa uri uri ng tirahan,
pananamit, pagkain at sistema ng transportasyon. Ang mga rehiyon sa Asya ay
tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona. Batay sa mga salik na ito, nanatili
sa limang rehiyon ang Asya : Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang
Asya.

HEOGRAPIKAL NA BATAYAN

HILAGANG May kabuuan na sukat na mahigit sa 4 na milyong


kilometro kuwadrado. Napapalibutan ito ng Russia sa
ASYA hilaga, Turkey sa kanluran,at Iran at Afghanistan sa
timog, at Tsina at Mongolia sa silangan.
KANLURANG Ang Kanlurang Asya ang Rehiyong pinagtatagpuan ng
hangganan ng tatlong mahalagang kontinente sa
ASYA daigdig- ang Africa, Asya at Europe. May kabuuan na
sukat na halos 5.5 milyong kilometro kuwadrado.
TIMOG ASYA May kabuuan itong sukat na halos 5.2 milyong
kilometro kuwadrado. Napalilibutan ito ng Tsina sa
hilaga, Dagat Arabian at Kanlurang Asya sa kanluran,
Karagatang Indian sa Timog.
SILANGANG May kabuuang sukat na halos 12 milyong kilometro
kuwadrado. Napalilibutan ito ng Russia sa hilaga,
ASYA Gitnag Asya sa kanluran, rehiyon ng Timog at Timog-
Silangang Asya sa timog, at Karagatang Pasipiko sa
silangan.
TIMOG- Isang malaking rehiyon sa Asya. Mayroon itong
kabuuang sukat na halos 5 milyong kilometro
SILANGANG kuwadrado. Napalilibutan ng Silangang Asya sa hilaga,
ASYA karagatang Indian sa kanluran, Australia sa timog, at
Karagatang Pasipiko sa Silangan.
Ang pagkakahati ng mga tao sa Asya sa ibat ibang pangkat batay sa wika
at etnesidad na kinabibilangan. Ang batayan sa pagkakahati ng asya sa mga
rehiyon ay ang pagkakatulad ng mga kultura ng magkakalapit na bansa, klima o
panahon nito, tradisyon at lokasyon.

Kultural na Batayan
HILAGANG ASYA
Makikita sa etratehikong Silk ng road. Pinag isa ng Kazakh khanate na
pinangibabawan kulturang Islam.

KANLURANG ASYA
Pinagbuklod ng wikang Arabic at relihiyong Islam. Ang panitikan, musika at
arkitektura ay pinagyaman ng kombinasyong Arabic at Persian

TIMOG ASYA
Ang Kultura ng mga bansa sa rehiyong ito ay naimpluwensyahan ng relihiyong
Hinduism, Islam, Buddhism at Jainism.

SILANGANG ASYA
Ang Kultura ng mga bansa sa silangan ay napangingibabawan ng relihiyong
Buddhism at prinsipyong Confucianism. Kabilang sila sa pamilya ng mga wikang
sinobetan

TIMOG-SILANGAN ASYA
Ang kultura ay napangibabawan ng relihiyong Buddhism, Hinduism, Islam at
prinsipyong Confucianism. Ang wikang ginamit sa rehiyon ay kabilang sa pamilyang
Austroasitic na kilala sa dating tawag na Malayo-Polynesian na nagmula sa
Astronesian Language na tinatawag na mother language sa rehiyon.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Klasipikasyon

Panuto: Bilugan ang salitang hindi kabilang sa bawat pangkat. Pagkatapos, Isulat
sa loob ng kahon ang kaugnayan ng mga natirang salita.

1. Kultural 2. Timog Asya


Klasikal Silangan Asya
Heograpikal Hilagang-Silangang Asya
Pagsasanay 2: Crossword Puzzle
Panuto: Sagutan ang crossword puzzle. Isulat sa kahon ang mga letra upang mabuo
ang salitang hinahanap.
Pahalang:
2. Pinagbuklod ng wikang Arabic
at relihiyong Islam

3. Pag-unawa sa relihiyon, sining


at paniniwala.
5. May kabuuan itong sukat na
halos 5.2 milyong kilometro

6. Pinag-uusapan ang
katangiang pisikal.
Pababa:
1 Napangingibabawan ng
relhiyong Buddhism.
4. Nahahati sa Limang rehiyon.
7. Makikita sa estratehikong Silk
road.

Pagsasanay 3: H or K

Panuto: Tukuyin kung heograpikal o kultural na salik ng paghahati ng Asya. Isulat


ang H kung heograpikal at K kung kultural.

1. Pinagbuklod ng wikang Arabic at relihiyong islam ang rehiyon ng Kanlurang


Asya.
2. Ang Hilagang Asya ay pinag isa ng Kazakh khanate na pinangibabawan
kulturang islam.
3. Napalilibutan ang Timog Asya ng Tsina sa hilaga, Dagat Arabian at Kanlurang
Asya sa kanluran, Karagatang Indian sa Timog.
4. Ang silangang Asya ay napangingibabawan ng relihiyong Buddhism at
prinsipyong Confucianism
5. Ang Timog-Silangang Asya ay napalilibutan ng Silangang Asya sa hilaga,
karagatang Indian sa kanluran, Australia sa timog, at Karagatang Pasipiko sa
Silangan.
PAGLALAHAT
Panuto: Dugtungan ang mga salita o pahayag na may kinalaman sa salik ng
paghahati ng Asya.

1. Ang Asya ay _____________________


.
2. Nahati ang Asya sa limang rehiyon batay sa: _____________________________

3. Batay sa salik ng heograpikal at kultural ang Asya ay :


________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Sagutin ng 3-5 pangungusap ang tanong na nasa kahon. Isulat ang sagot
sa inyong kasagutan sa sagutang papel. “ Bakit mahalagang pag-aralan ang
paghahati ng Asya sa limang rehiyon? “
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahing mabuti ang tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.

Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.


1. Ito ay tumutukoy sa katangiang pisikal ng isang bansa.
A. Heograpikal
B. Historikal
C. Kultural
2. Batay sa konseptong Asyano, nahati ang Asya sa 5 rehiyon. Ano ang naging batayan
sa paghahati ng mga bansa?

A. Isinaalang-alang ang katangiang pisikal at kultura nito.


B. Isinaalang-alang ang lokasyon, wika at kultural na aspekto.
C. Isinaalang-alang ang likas na yaman,klima at kultura nito.
3. Alin sa mga naging batayan ng paghahati ng Asya ang tumutukoy sa relihiyon,
paniniwala, gawaing
Panlipunan, edukasyon at siyentipiko.

A. Heograpikal
B. Historikal
C. Kultural
4. Ang rehiyong pinagtagpuan ng hangganan ng tatlong mahalagang kontinente sa
daigdig.
A Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
5. Ito ay pinag isa ng Kazakh Khanate na pinangibabawan ng kulturang Islam.

A Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
SUSI SA PAGWAWASTO

7. Hilagang Asya
6. Heograpikal
5. H 5. Timog Asya
4. K Mga Rehiyon sa Asya 4. Asya
3. H 2. Hilagang-Silangang Asya 3. Kultural
2. K Salik ng paghahati ng Asya 2. Kanlurang Asya
1. K 1. Klasikal 1. Silangang Asya
PAGSASANAY 3 PAGSASANAY 1 PAGSASANAY 2
PAGSASANAY

A 5. B 5.
B 4. Kanluranin 4. A 4.
C 3. Lima 3. C 3.
A 2. Kontinente 2. B 2.
A 1. Asya 1. A 1.
PANAPOS NA PAGSUSULIT BALIK- ARAL PAUNANG PAGSUBOK

Sanggunian
Mga Aklat:
1. Romela M. Cruz,Ed.D, Mary Dorothy dl. Jose, Joel B. Mangulabnan,
Michael M. Mercado, Jerome A. Ong,, Araling Asyano: Tungo sa
Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group, Inc., 2015),pp. 2-11

Mga Website:

1. Konsepto Ng Asya-slideshare, June 25, 2012.


http://www.slideshare,net
2. DepEd Division of Negros Oriental. Accessed June 26, 2020.
http://www.depednegor.net/.
3. Asya.” Wikipedia. Wikimedia Foundation, July 29, 2019.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Asya.

You might also like