Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Unang Markahan – Modyul 6: Mga Yamang Likas ng Asya


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Florencia C. Mateo
Editor: Zenaida N. Raquid
Tagasuri: Zenaida N. Raquid at Aillen G. Sumagaysay (Teknikal)
Tagaguhit: Ernesto Tabios
Tagalapat: Clifchard D. Valente

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Mga Yamang-Likas ng Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipuna 7 at Ikapitong Baitang
ng Modyul para sa araling Mga Yamang- Likas ng Asya !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa
pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay


sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang
pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical
Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa


loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan at Ikapitong Baitang Modyul ukol


sa Yamang Likas ng Asya !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Nailalarawan ang yamang-likas ng Asya

MGA INAASAHANG LAYUNIN


1. Naibibigay ang kahulugan, uri at mahahalagang yamang-likas sa mga rehiyon ng
Asya
2. Napahahalagahan ang mga yamang-likas sa mga rehiyon sa Asya

PAUNANG PAGSUBOK
Nais masubok ng paunang pagsusulit na ito ang mga dati mong kaalaman sa paksa

Panuto Basahin at unawain ang bawat pangungusap.. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Ilang rehiyon ang bumubuo sa kontinente ng Asya ?

A. 4 B. 4 C. 4 D. 7

2. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang-mineral .Ano ang pangunahing yamang –


mineral ng rehiyong ito.

A. Ginto at Pilak B. Ruby at Emerald C. Langis at Petrolyo D.Tanso at Lata

3.Salat sa yamang likas ang Japan subalit ito ang pinakamayamang bansa sa Asya.Alin sa
mga sumusunod ang pangunahing dahilan?

A. Mahusay ang mga Hapones sa kaalamang teknikal


B. Ang Japan ang pinakamalaking bansa sa Asya
C. Sagana sa langis ang Japan
D. Maraming lupain sa Asya ang sinakop ng Japan

4.Sakop ng China ang 7% lupain sa buong mundo na maaaring bungkalin.Ano ang


pangunahing pananim ng China?

A.Mais B.Palay C. Opyo D.Pampalasang pagkain


5.Ang Indo-gangetic plain ay nagtataglay ng matabang lupa na pinagkukunan ng ibang
pananim tulad ng pampalasang pagkain, barley , trigo, palay, at iba pa.Saang rehiyon ito
matatagpuan?

A. Hilagang Asya B.Timog Asya C.Silangang Asya D.Kanlurang Asya

BALIK-ARAL

Gawain 1: Pag-isipan Mo!

Bago tayo magsimula, mag isip muna tayo sa pamamagitan ng pagsagot sa isang graphic
organizer..Magbigay ng limang halimbawa ng anyong lupa at anyong tubig.

Mga Anyong Lupa Mga Anyong Tubig


1.___________________ 1.__________________
2.__________________ 2._________________
3.__________________ 3._________________
4.__________________ 4._________________
5.__________________ 5._________________

ARALIN
Ang Asya ay nagtataglay ng iba’t ibang klima at iba pang katangiang pisikal ang
mga rehiyon sa Asya kung kaya iba’t ibang pananim at yamang Likas ang
matatagpuan sa Kontinenteng ito.May iba’t ibang uri ng likas na yaman ang isang
bansa . Ang ilang mga likas na yaman ay higit na mahalaga sa isang bansa at
maaaring hindi mahalaga sa iba. Ito ay naaayon sa pangangailangan ng isang bansa
sa isang likas na yaman.
Mga Uri ng Yamang Likas ng Asya

1.Yamang Lupa -- Ito ay yamang galing sa lupa , hayop man o halaman .


2. Yamang Tubig – mga yamang naggaling sa tubig.
3.Yamang Gubat— ang pinakamahalaga na yaman .Ito ay mga yamang naggaling sa
gubat.
4.Yamang Mineral – ito ay mga yamang makikita sa kuweba o sa kailaliman ng lupa.
Magkakaiba – iba ang mga likas na yaman sa bawat rehiyon sa Asya , karaniwan na
may malawak na damuhan na mainam na pagpastulan ng mga alagang hayop ang
mga rehiyon dito.

Mga Mahahalagang Yamang Likas sa mga rehiyon ng Asya

> HILAGANG ASYA may malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang
hayop ang rehiyong ito. bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang puno ang
nabubuhay dito.Ang mga torso mga torso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa
rehiyong ito.Sa yamang panisdaan ,produktong panluwas ng rehiyon ang Caviar [ itlog]ng
mga sturgeon ,ang malalaking isdang likas dito. Kyrgyztan may pinakamalaking deposito ng
ginto ang Tajikistan ay may tatlong uri ng mineral; Metalikong mineral [ Ginto ] , Mineral na
panggatong [ Natural gas ], Industriyal na mineral [ Phosphate ].Turkmenistan ay
pangunahing produkto ang natural gas at langis at nangunguna sa produksiyon ng ginto ang
bansang Uzbekistan.Pagtatanim sa mga Lambak-Ilog at mabababang burol ang pangunahing
ikinabubuhay ng rehiyong ito …

> KANLURANG ASYA ay sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at


petrolyo.Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia ,at
malaki rin ang produksiyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United Arab Emirates
[UAE] ,Kuwat at Oman.Pagtatanim at Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga taong
naninirahan sa mga lugar na bulubundukin.Lubhang nabago ang tanawin at pamumuhay ng
tangway ng Arabia nitong huling 30 taon.Malaki ang naging pagbabago ng kapaligiran
bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nagbibigay ng maraming salapi sa mga
bansang may minahan ng langis.Jordan ay isang mahirap na bansa na may kaunting
yamang likas ,ang nililinang na mineral ay ang phosphate , sulphur at tanso.Tatlong bahagi
ng tao dito ay nabubuhay sa pagsasaka.Pangunahing pananim ang trigo ,barley,kahol,olive
at gulay.Pangunahing industriya ang pagrerepina ng langis ,pagkukulti ng balat ,paggawa ng
mga produktong elektrikal,emento at sabon.

> SILANGANG ASYA ang pinakamalaking potensyal sa produksyon sa pagsasaka sa


daigdig ay matatagpuan sa mga kapatagan at lambak-ilog ng Tsina.Gayunpaman,
magtatagal pa bago ito makamtan ng mga Tsino sapagkat sinauna pa ang paraan ng
pagsasaka at di gaanong gumagamit ng bagong teknolohiya ang mga magsasaka tulad sa
Europa.Sa Hapon , kaunting lupa lamang ang sinasaka at dito inaani ang palay,trigo,barley,
millet,prutas at gulay .Nagtatanim ng punong mulberry na pagkain ng mga uod o silkworm
ang mga Hapones kaya nangunguna sila sa industriya ng telang sutla.Ang Tsina ,isang
bansang nakahihigit sa iba sa yamang likas ditto matatagpuan ang iba’t ibang uri ng mineral
tulad ng manganese ,mercury at tungsten.Malaki ang naitutulong ng mga kayamanang ito sa
pag unlad ng Tsina bilang isang pwersang industriyal.Karbon ang pinakamahalagang
pinagkukunan ng enerhiya sa Tsina.Pangatlo ang Tsina sa pagmimina sa karbon at sa dami
ng deposito ng karbon. Nasa lambak ng Hwang Ho ang pinakamalaking deposito ng
karbonat isa sa mga pangunahing minahan ng karbon sa buong daigdig. Ang Timog Korea
pangunahing bansang pang –industriya sa tangway at patuloy ang pag unlad nito.
Nagbibigay ng lakas haydro-elektrika ang mga ilog. May graphite at magnesium ang
minimina sa bansang ito.Palay ang mahalagang produktong agrikultura dito.Taiwan ay isang
bulubundukin at panay kagubatan ang pulong ito, kaunti lamang ang yamang –mineral ang
Estados Unidos ay tumutulong sa bansang ito upang mabago ang Taiwan sa isang pulo ng
mahihirap at magsasaka tungo sa isang bansang makabago at industriyalisado.Iniluluwas
ang maraming produkto mula sa kagubatan tulad ng kawayan, plywood,table,troso at
papel.Iniluluwas din ang produktong semento, pataba, plastic- kemikal,tela at mga pagkaing
de-lata.

> TIMOG SILANGANG ASYA ang mga bansa sa rehiyong ito na nakakabit sa kapuluan ng
Asya ang mga bansang pansakahan.Sa Myanmar ,itinatanim ang palay sa delta Irrawaddy
at sa mga lambak-ilog.Nagtatanim din ang mga magsasaka ng pagkaing butil,bulak,
mani,goma,tubo at tabako.Palay rin ang mahalagang produkto sa matabang kapatagan sag
awing hilaga ng Thailand itinatanim din ang mga punong goma sa timog,mga punong niyog
,bulak at mais.Isa sa pinakamalaking bansa sa mundo ang Indonesia at patuloy pa ang
mabilis na paglaki ng populasyon nito.Isa sa mahalagang yamang likas ng bansang ito ay
lata at nagluluwas din ito ng goma.Ang pinakamahalagang produkto nito ay
langis.Walumpong porsiyento ng kita ng Indonesia ay galing sa iniluluwas naproduktong
galing sa langis.Malaysia ay sagana sa mga yamang likas .Ang ikatlong bahagi ng likas na
goma sa buong mundo at ikatlong bahagi ng lata ay nanggagaling sa Malaysia .Isa sa
mahalagang produktorin ng bansang ito ay ang langis ng niyog.Ang Singapore ay mataas
ang antas ng pamumuhay bagaman ito ay walang yamang likas ang bansang ito ay isang
mahalagang daungan at isang sentro ng kalakalan at industriya.Thailand ay isang maunlad
na bansa marami itong yamang likas .Nagluluwas ng goma at tabling teak sa ibamg
bansa.Suliranin nitong pangkabuhayan ang mataas na halagang ibinabayad nito sa
inaangkat na langis. Karbon , bakal , manganese at phosphate , lata at zinc ang ilan sa
yamang –mineral na makikita sa Vietnam samantalang mayroon ding karbon, tingga, apog,
at molybdenum sa bansa.Mula sa kagubatan ay nanggagaling ang mga produkto ng
cinnamon,quinine, at kawayan.Karamihan sa mga Vietnamese ang magsasaka at ang
pangunahing industriya ng bansa ay ang pagmimina ng karbon at ang paggawa ng
repinadong asukal,paggawa ng goma ,tela at semento
>TIMOG ASYA pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay at palay ang mahalagang
produkto sa rehiyong ito.Sa India, umaani ang mga magsasaka ng trigo at palay sa mga
lupang mataba at natutubigan.Ang ibang pananim ay bulak, jute, tubo ,tabako at mga gulay
.Nangunguna ang India sa produksyon ng tsaa na itinatanim sa Assam.Maraming yamang
likas ang bansang ito.Malaki ang reserba nito ng bakal at karbon.Mayroon din itong
pinagkukunan ng ibang mineral na ginagamit sa industriya tulad ng manganese , chromium
at bauxite.Bangladesh ay may matabang lupain na napagtataniman ng tatlong beses sa
isang taon .Ang tsaa at jute ay dalawang produktong iniluluwas sa ibang bansa.Kabaligtaran
sa sulranin ng ibang bansa sa rehiyon ang Pakistan ay tuyo at tigang ang lupa.Ang
pagsasaka ay maaari lamang gawin sa pook ng ilog Indus dahil may irigasyon .Trigo ang
pangunahing pananim dito .Maaaring mag –alaga ng mga tupa at kambing sa tuyong bahagi
ng bansa.Sri Lanka ay isang bansang maraming taniman ng niyog , goma at tsaa batay sa
katabaan ng lupaing ginagamit na taniman.

MGA PAGSASANAY

Gawain Bilang 1: KABAN NG YAMAN KO ! ITALA MO!...

Panuto :Sa kanang bahagi makikita mo ang hanay ng larawan ng mga produkto .Isulat mo
sa arrow kung ito ay yamang lupa , yamang - mineral, yamang tubig o yamang gubat.
Gawain Bilang 2: Panuto :Tukuyin kung saang anyo nabibilang ang mga sumusunod na
yamang likas .Isulat kung ito ay Hindi Nauubos , Napapalitan o Nauubos.
1.Ginto ____________________________
2.Lupa ____________________________
3.Isda ____________________________
4.Tanso ____________________________
5.Hangin ____________________________

PAGLALAHAT

Magbigay ng tatlong mahahalagang aral na aking natutunan tungkol sa


mga yamang likas sa Asya
PAGPAPAHALAGA
Bilang isang mag aaral , gagawa ka ng isang pagsulat ng pangako sa sarili bilang
paraan mo upang maipakita mo ang pagmamalaki at pagpapahalaga sa wastong paraan
ng pangangasiwa ng yamang likas sa inyong lugar.Isulat ito sa kwaderno at buuin ang mga
pananalita sa ibaba.

PANGAKO KO
Ako si _____________, naninirahan
sa______________, ay matapat na
nangangako na aking ipagmamalaki at
pahahalagahan ang mga wastong
pangangasiwa ng mga yamang likas sa
aking komunidad sa pamamagitan ng
___________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Gawain Bilang 3 – Pagtapat-tapatin


Panuto : Hanapin at Isulat sa HANAY B ang titik ng tamang kasagutan sa HANAY A

HANAY A HANAY B

1. Timog Silangang Asya A.

Telang Seda
2. Hilagang Asya B.

Opyo

3.Timog Asya C.

Krudo

4. Kanlurang Asya D.

Ginto

5.Silangang Asya E.

Teak wood
Sanggunian
Balik Aral
ANYONG LUPA ANYONG TUBIG
1. Bulubundukin 1. Karagatan
2. Bundok 2. Dagat
3. Bulkan 3. Ilog
4. Talampas 4. Lawa
5. Disyerto 5. Look
6. Kapuluan o Arkipelago 6. Golpo
7. Pulo
8. Tangway o Peninsula
9. Kapatagan
Paunang Pagsubok Pagsasanay: Gawain Bilang 1
1 .B 1. Yamang Tubig
2. C 2. Yamang Lupa
3. A 3. Yamang Gubat
4. B 4. Yamang -Mineral
5. B
Gawain Bilang 2 Panapos na Pagsusulit
1. Nauubos 1. B
2.Hindi Nauubos 2. C
3.Napapalitan 3. E
4.Nauubos 4. A
5.Hindi Nauubos 5. D
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like