Sa Huling Sandali

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sa 

…” 
Sa 
 
  
SA HULING SANDALI 
 
Nasa ika-anim na baitang na sana ang batang si Romar sa taong ito. Ngunit, iba sa karaniwang
bata, imbis na pumasok at mag-aral sa paaralan ay ginugugol niya ang oras sa paglalako
ng mineral water at biskwit sa terminal ng lungsod ng Tacloban kasama ang ama nitong si Mang
Ruben. Nasa ikaapat na baitang siya nang tumigil siya sa pag-aaral dahil hindi na ito kayang
suportahan ng kanyang ama. Hindi maiwan-iwan ng anak ang ama sa trabaho dahil isang mata na
lamang nito ang nakakakita dahil sa kumplikasyon na dulot ng diabetes at paninigarilyo nito
noong kabataan nito. Si Mang Ruben at Romar na lamang ang magkasama sa
buhay. Sa kasamaang palad, ang ina niyang si Aling Mylene ay umalis upang magtrabaho sa
Maynila ngunit kinalaunan ay hindi na ito bumalik. Samantala, ang nakababatang kapatid
nito na nasa ikalawang baitang na ngayon ay nasa pangangalaga na ng kaniyang tiyahin na
nakatira sa Dulag, Leyte. Napilitan si Mang Ruben na ipaalaga ang bunsong anak sa kanyang
kapatid dahil na rin sa hirap ng buhay. 
  
Araw-araw ay masigasig na pinapasok ng mag-ama ang bawat bus at multicab sa pag-
asang makakaipon sila ng malaking halaga upang si Romar ay muling makapag-aral at
para na rin mabawi ang bunsong si Jan-jan. 
  
“Romar! Bumangon ka na at baka maagawan pa tayo ng pwesto.” 
  
Lunes na naman ng umaga. Nagising si Romar sa sigaw ng kanyang tatay. Kahit pagod
ang katawan mula sa maghapong pagtitinda kahapon ay pinilit pa rin niyang bumangon mula sa 
papag na kanyang hinihigaan. 
  
“Eto, pandesal. Tig-isa tayo,” ani ng
ama sabay abot sa supot na may lamang dalawang piraso ng maliliit na pandesal. 
  
“Salamat, Tay. Sabi nga pala ni Aling
Deling na atin na lang daw yung isang daan na kinita natin kahapon dahil tayo naman daw ang
may pinakamaliit na nabenta. Naawa siya dahil halos wala na raw tayong kikitain kung hahatiin 
pa.” 
  
Bumangon ito at nagtimpla ng kape na binili ng kanyang tatay sa halagang dalawang piso. 
  
“Ganun ba? O siya. Bumili ka ng dalawang kilong bigas
at dalawang tinapa. Pagkain na natin yan sa susunod na linggo.” 
  
“Sige po.” 
  
“Naku. Kaarawan mo na pala sa darating na Biyernes. Ano bang gusto mo anak?” dagdag ng
ama na tila nais pasayahin ang anak sa espesyal na araw nito. 
  
“Isang araw lang po yun,
Tay. Lilipas din yun kinabukasan,” sagot ni Romar habang inililigpit ang mga gamit sa mesa. 
  
“O sige. Bilisan mo na’t lalakad na tayo.” 
  
Malapit lamang sa pinagtatrabahuang terminal ang tahanan ng mag-
ama. Nakatira sila sa Barangay Anibong, sa isang maliit at pinagtagpi-tagping mga yero at
plywood na ang bakanteng espasyo ay sadyang kasya lamang para
sa kanilang pagtulog. Tuwing umuulan ay hindi nakakatakas sa tulo ang bubong nito. Kulang sa 
kagamitan ang mag-ama kaya kahit ang pansaing na kaldero ay hinihiram pa sa kapitbahay. 
  
“Ma’am, mineral po kayo diyan. Eto rin pong biskwit oh.” 
  
“Tolosa! Tolosa! Dulag! McArthur!” 
Suma-sideline din ang bata sa pagbabarker kung minsan. 
  
Kung saan may pasahero ay tiyak na naroon si Romar. Habang ang kanyang ama naman ay abala 
rin sa paglalako ng ibang inumin. Kadalasan ay
150 lamang ang kanilang kinikita kahit na sa ilalim ng tirik na araw pa sila magbilad.
Kung minsan ay matumal ang benta dahil na rin sa dami ng kakompetensiya. 
  
Sa gabi, kung minsan ay nagtatrabaho sa tindahan ng barbecue ni Aling Deling si Romar
kung kaya’t alas dyis na ito kung makarating sa bahay. Kahit na pagod
ang katawan sa buong maghapon ay pinipilit pa rin ng batang magtrabaho sa gabi upang may ma
kain lamang sa susunod na araw. Ang ama naman nito ay nagpapahinga na sa kanilang barong-
barong. 
  
“Eto. Para yan sa pagtitinda mo ngayon ng barbecue. Umuwi ka na’t baka mag-
alala na si Ruben sayo niyan,” sabi ni Aling Deling habang inaabot sa palad ni Romar
ang singkwenta pesos. 
  
“Mabuti na rin ‘to para sa ipon namin ni Tatay,” bulong ni Romar sa sarili. 
  
Alam niyang maliit pa ang kanilang kinikita ngunit paunti-unti naman ay napupuno ang alkansya 
niya na nakalaan para sa kanyang pag-aaral sa susunod na taon at para
sa mga pangangailangan niya sa hinaharap. 
  
Noong gabing iyon ay
may nakita siyang puting bilog ng liwanag na nakapalibot sa buwan. Bigla niyang naalala ang sa
bi ng kanyang ina noon. Diumano, ito ay isang signos ng paparating na sakuna ngunit binalewala 
niya ito sa pag-aakalang isa lamang itong paniniwala ng matatanda. 
  
“Hindi naman siguro totoo iyon,” bulong niyang muli sa sarili. 
  
Kinabukasan ay muling nagtungo ang mag-ama sa Abucay
terminal upang maglako ng mga inumin. 
  
“Isang supertyphoon ang inaasahang tatama sa bahagi ng Eastern
Visayas na may lakas na higit 250 kph. Inaabisuhan ang lahat na maghanda para
sa bagyong Yolanda dahil ito’y magiging lubhang mapaminsala…” 
  
Abala
ang lahat sa panonood ng balita dahil diumano’y may paparating na isang mapinsalang unos. 
  
“Naku Diyos ko, huwag naman po sana…” panalangin ni Aling Deling. 
  
Nobyembre 8, 2013 
Kaarawan na ni Romar ngunit tila hindi nais makisama ng panahon sa kanyang selebrasyon. Kah
apon lamang ay nagkita sila ng kanyang kapatid na si Jan-jan nang dumalaw sa kanila ang Tiya
Mila niya. Inanyayahan ni Mila na sumama na lamang sa kanya sina Mang Ruben at Romar
sa Dulag upang makaligtas sa paparating na bagyo ngunit tumanggi si Mang
Ruben dahil ayaw niyang iwan ang bahay nila. 
  
Napakalakas ng bugso ng hangin at ang mga ulap ay walang tigil sa pagbuhos ng ulan. Tila
ang kalangitan ay nagngingitngit sa galit dahil sa lakas ng delubyo. Isa-
isang nagliparan ang mga yero at unti-unting nawasak ang kanilang munting tirahan. Biglang nab
ahala ang
ama kung kaya’t naisipan niyang lumabas na lamang sila at maghanap ng mas ligtas na matutulu
yan. 
  
Napakalakas ng hangin at halos wala na silang makita ngunit pinilit nilang makarating sa
mas ligtas na lugar. Paparating na sana ang mag-ama sa evacuation
center nang biglang may isang malaking alon ng tubig ang lumamon sa kanila. Nakahawak pa sa 
isang natumbang poste si Romar ngunit ang
ama niya ay tuluyang nadala na ng alon at hindi na ito nakaangat. Sa puntong iyon ay gumuho an
g mundo ni Romar dahil nakita mismo ng kanyang dalawang mata ang paglaho ng ama. 
  
“Diyos ko! Bakit mo kami hinayaang mapahamak?” panangis ni Romar. 
  
Nakita niya ang mabilis na paglamon ng tubig sa buong lungsod ng Tacloban.
Nakita niya pati ang mga kababayan niyang humihingi ng saklolo at
ang iba ay inanod na lamang ng tubig ang walang buhay nitong mga katawan.  Sa mga oras na yu
n inakala niyang katapusan na rin niya. 
  
Humupa ang tubig at siya’y nakaligtas ngunit hindi pa rin siya matahimik dahil sa pagkawala ng
ama. Hinihiling niyang sana ay buhay pa ito. 
  
Nagkalat sa daan ang mga walang buhay na katawan. Naririnig niya ang mga tangis
ng mga taong hanggang ngayon ay nababalot pa rin ng takot. Ngunit siya’y nagtungo sa kung saa
n tinutukoy ng mga awtoridad ang mga nasawi sa pag-asang naroon ang ama
at kahit sa huling sandali ay makita ito. 
  
Ilang araw siyang nagpalibot-libot sa buong lungsod na ngayon ay mistulang “ghost
town” ngunit walang bakas ng ama siyang nakita. 
  
Hanggang isang araw ay nakita niya ang isang lalakeng nakahandusay sa daan kasama ng iba
pang mga nasawi na narekober ng mga awtoridad, na may suot na punseras, ang punseras na
laging suot ng kanyang ama kung kaya’t ito ay kanyang nakilala. Tila naging bato ang mga
paa ni Romar dahil hindi nito malapitan ang ama, ang ama niyang wala nang buhay at halos wala
nang saplot sa katawan at hindi na makilala. Habang iniisip ang magiging kinabukasan niya
ay hindi niya mapigilan ang unti-unting pagpatak ng luha mula sa kanyang mata. Masakit
para sa kanya ang nangyari. At masakit na inilibing na lamang sa hukay ng mga awtoridad ang
kanyang ama kasabay ng iba pang mga nasawi. Hindi man lang nabigyan ng disenteng libing ang
ama niyang nag-aruga at bumuhay sa kanya ng labindalawang taon. 
  
Sadyang napakasakit mawalan ng mahal sa buhay lalo na para
sa batang si Romar na ngayon ay ulila nang lubos. Magiging isang mapait na alaala na lamang it
o ng kahapon na mag-iiwan ng sugat sa kanyang puso. Hindi
man niya alam kung saan magsisimula muli ngunit sapat na ang makita niya ang kanyang ama, k
ahit sa huling sandali. 
 

You might also like