Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

PANIMULANG KAALAMAN sa

PAGHAHANDA ng mga
INSTRUKSYUNAL NA MGA
KAGAMITAN
A. SIMULAIN SA PAGHAHANDA
NG INSTRUKSYUNAL NA
KAGAMITAN
1. Gawing malinaw at tiyak ang
layunin ng pagtuturo.
 Bawat proseso ng pagtuturo ay
nagsisimula sa pagtukoy ng guro sa
mga layunin ng pagtuturo.
2.Iangkop sa paksang-aralin ang
kagamitan.
 Kritikal sa pagpaplano ng
pagtuturo ang pamimili ng kagamitang
gagamitin.
3. Kilalanin ang katangian at
karanasan ng mga mag-aaral.
 Nararapat ding isaalang-alang ang
katangian ng mga mag-aaral sa
paggagamitan nito.
4. Tiyakin ang tagal ng panahon ng
paggamit ng kagamitan.
 Mahalagang iayon sa haba o ikli ng
pagtuturo ang ihahandang kagamitan.
5. Alamin ang tamang paraan ng
paggamit.
 May mga kagamitang sadya nang
nakahanda upang gamitin sa pagtuturo
tulad halimbawa ng mga bagay na nabibili
(tsart, modelo, interactive educational
materials) , elektronikong kagamitan
(kompyuter, LCD projector, telebisyon ) at
iba pang kagamitan na hindi mismo ang
guro ang gumawa o naghanda.
6. Tiyaking may mapagkukunan at
abot ng badyet ang mga kagamitan.
 Kung magpaplanong gumamit ng mga
kagamitan, kinakailangang tiyakin na may
magagamit upang hindi masira ang
nakaplanong pagtuturo.
Halimbawa nito ay ang pagpaplanong
magpanood ng pelikula o film, tiyaking may
kinakailangang kagamitan tulad ng DVD
player, telebisyon, kuryente, at iba pa
upang maging tuloy-tuloy ang pagtuturuan
at walang maging sagabal.
Ilan sa mga pangunahing
kasanayang dapat taglayin ng
mga guro sa paghahanda ng
instruksyunal na mga
kagamitan
 mahusay na kaalaman sa paksang-
aralin
 malalim na pagkilala sa mga mag-aaral
 mapag-isip ng iba’t-ibang estratehiya sa
pagtuturo
masining sa paglikha
 masipag sa paggawa
 maparaan sa pangangailangan
B. KAHALAGAHAN NG MGA
INSTRUKSYUNAL NA
KAGAMITAN
Cone of
Experience
Ni
Edgar Dale
10% pagbasa

20% pakikinig
30% Pasibong
Pagtingin ng larawan
pagtuto
50%
Panonood ng video

pagsasalita
70% aktibong
pagsulat
pagtuto
90% pagsasadula
Ang mga sumusunod ay dahilan kung
bakit kailangan ng guro ang mga
instruksyunal na kagamitan:

 kalinawan ng aralin
 pagpapanatili ng atensyon
 pagpapanatili ng memorya
 pagkamalikhain
C. KATANGIAN NG
EPEKTIBONG
INSTRUKSYUNAL NA
KAGAMITAN
Hango kay Tomlison (1998), may dalawang
pangunahing katangiang dapat taglayin ang
anumang kagamitang ihahanda ng guro
para sa pagtuturo.

1. May impak- Kailangang masaling ang


kuryusidad, interes at atensyon ng mga
mag-aaralupang masabing nagkakaroon ng
impak sa kanila ang mga kagamitang
ginamit.
Natatamo ang impak sa pamamagitan ng
mga sumusunod na aspekto:

a. orihinalidad- pagiging bago o kakaiba


b. pagkakaiba-iba – may baryasyon sa
iba’t ibang pagkakataon
c. kaluguran – kahali-halina sa mata o
paningin tulad ng paggamit ng mga
makukulay na presentasyon, larawan at
iba pa.
d. kawilihan – pumupukaw ng interes ng
mga mag-aaral
2. May bunga – Inihahanda ang mga
instruksyunal na kagamitan hindi upang
magamit lamang sa pagtuturo. Inaasahang
makatulong ito sa buong proseso ng
pagtuturo-pagkatuto at inaasahang
magbunga ito ng isang kasanayang
inaasahan ng guro sa simula pa lamang ng
kanyang pagpaplano.
Mga Panuntunan at Dapat
Tandaan
 Lahat ng instruksyunal na mga
kagamitan ay pantulong sa pagtuturo.
Hindi nito hinahalinhan ang guro. Ang
mga materyales na ito ay nakatutulong sa
pagtuturo ng guro sa silid-aralan upang
maging kawili-wili, kasiya-siya at kalugod-
lugod ang pag-aaral ng mga mag-aaral.
 Piliin ang instruksyunal na kagamitang
pinaangkop at pinakaakma sa iyong mga
layunin.
 Kailangang gumamit ng barayti ng mga
kasangkapan at kagamitan tulad ng
video, computer, overhead projector, at
chalkboard. Napapanatili ng mga ito ang
interes ng mga mag-aaral sa pagtanggap
ng kabatiran sa iba’t ibang paraan.

You might also like