Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)
ARALING PANLIPUNAN 8
Gawain Blg. 4
Paksa: Globalisasyon
Kompetensi: Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng mga pandaidigang organisasyon sa pagsusulong ng
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
Mga Layunin: 1. Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang organisasyon sa pagsulong ng
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
2. Natatalakay ang epekto ng globalisasyon sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga tao sa
daigdig
Konsepto:
Ang globalisasyon (globalization) ay tumatalakay sa iba’t-ibang aspeto ng lipunan at panig ng daigdig
tulad ng pulitika, ekonomiya, kultura at kapaligiran. Ang globalisasyon ay naglalarawan sa patuloy na pag-unlad
ng mga bansa sa buong daigdig dahil sa pagtutulungan ng bawat isa. Ito rin ay tumatalakay sa pag-unlad ng tao,
komunidad, negosyo at gobyerno.
Uri ng Globalisasyon:
 Globalisasyong Pampulitikal
 Globalisasyong Kultural
 Globalisasyong Ekonomikal
Mga Institusyon sa Globalisasyon
1. World Trade Organization (WTO)- isa sa mga institusyon na naglalayon ng globalisasyon, layunin nito na
bumuo ng mga patakaran sa kalakalan ng mga bansa. Layunin ng World Trade Organization ang mga sumusunod:
*Magpatupad ng mga kasunduang pangkalakalan;
*Magsilbing lugar upang pag-usapan ang mga negosyong pangkalakalan;
*Mag-ayos ng mga alitang pangkalakalan;
*Magbigay tulong sa teknikal at pagsasanay ng mga bansa;
*Magbigay payo ukol sa mga pambansang pangkalakalan.
2. World Bank (WB) – Naglalayon na tulungan ang mga Third World Countries na itaas ang kanilang
pamumuhay at tulungan ang mga ito na umunlad. Ang institusyong ito ay nagpapautang upang makagawa ang
mga bansa ng mga proyektong pangkaunlaran.
3. International Monetary Fund (IMF) – Isa sa mga institusyong nagpapahiram ng salapi sa mga bansa upang
mapanatili ang ekonomiya ng mga ito at mapanatili ang halaga ng salapi sa kanilang bansa. Naglalayon din itong
tulungan ang mga bansa na bayaran ang utang panlabas nito.
Epekto ng Globalisasyon
 Naging malaya at bukas sa kalakalan ang mga bansa. Ito ay nagbukas ng maraming trabaho at
oportunidad.
 Nagkaroon ng mga mura at magandang klase ng produkto dahil sa kompetisyon.
 Lalong lumayo ang agwat ng hindi maunlad na bansa sa mauunlad na bansa. Lalong naghirap ang mga
maralita dahil hindi Nawala ang hindi pagkapantay-pantay ng mga uri.
 Naapektuhan ang patakaran ng paggawa at pandarayuhan. May mga bansang kulang sa lakas-paggawa
kaya sila ay umaasa na lamang sa ibang bansa upang magprodyus ng mga manggagawa.
ARALING PANLIPUNAN 8
PAGSASANAY
Gawain Blg. 4
Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________
Petsa:______________________________ Marka: __________________
A. Panuto: Kompletuhin ang tsart sa impormasyong kinakailangan. (21 pts)
Pandaigdigang Organisasyon Tulong Na Naibigay

B. Tanong: Ano sa palagay mo ang maaaring mangyayari kung wala ang organisasyong katulad ng World Bank,
International Monetary Fund, at World Trade Organization? Patunayan. (4 pts)

You might also like