Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

RED-TAGGING

Ang ulat ni Oliver Haynes sa Voanews noong Pebrero 18, 2021, na may titulong
“Deadly 'Red-Tagging' Campaign Ramps Up in Philippines”—ay tinalakay ang mga
nakaraang insidente ng mga red-tagging dito sa Pilipinas nitong nakaraang taon hanggang sa
kasalukuyang mga pangyayari. Ang terminong Red ay ginagamit bilang bilang impormal na
tatak para sa mga Komunista o Sosyalista. Isa pa dito ay tinutukoy nito ang dating Union of
Soviet Socialist Republics na may pulang bandera, may disenyong gintong martilyo, karit at
bituin sa itaas na kaliwang sulok nito. Ayon sa Oxford Living Dictionary, ang red-tagging ay ang
panliligalig o panguusig ng isang tao dahil sa kilala o pinaghihinalaan itong sumisimpatya sa
komunismo. Tinutukoy din itong akto ng pag-uugnay ng isang lehitimo at aktibong grupo sa
Partidong Komunista (tulad ng Communist Party of the Philippines o National People Army).
Ang ilang aktibista din ay nagsasabi na, ang red-tagging ay isang taktika kung saan ang mga
indibidwal ay pinangangalanganang Komunista o Terorista na walang substantial proof.
Binanggit din ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang isang artikulo sa 2011
journal kung saan inilalarawan ang nasabing red tagging bilang: ang pagkilos ng pag-label,
pagba-brand, pagbibigay ng pangalan at pag-aakusa sa mga indibidwal at/o mga organisasyon
ng pagiging maka-kaliwa, subersibo, komunista o terorista (ginamit bilang) estratehiya ng mga
ahente ng Estado, particular na mga ahensiyang nagpapatupad ng batas at military, laban sa
mga itinuturing na “banta” o mga “kaaway ng Estado.” Kung sakaling ang isang tao ay ma-red-
tagged (o red-baited), kung saan ang korte ay pumabor sa gobyerno, sila ay maaaring ilagay sa
ilalim ng pagmamatyag, ang kanilang mga pag-aari ay ipagbabawal na magalaw, o kahit ikulong
ng walang isinasampang kaso—at ito’y mangyayari kahit sila’y pinaghihinalaan pa lamang at
hindi kinakailangang mapatunayan. Ang red-tagging sa pinakamalalang kaso ay maaaring
humantong sa walang warrant na pag-aresto, tortyur, enforced disappearances, o ang
ekstrahusdiyal na pamamaslang (Extrajudicial Killings)—ito ay ayon sa pag-aaral ng IPON
noong taong 2012. Sabi pa nito, na bagaman ang Red-tagging o red-baiting ay hindi
kinakailangang magwakas sa mga nalabag na karapatang pantao nito, maraming kaso ng
Extrajudicial Killings at Enforced Disappearance ang may kinalaman sa Red-tagging (o Red-
baiting). Ani pa ng mga Rights Activists at Grupo, ito na ngayon ay ginagamit laban sa mga
doctor, aktibista, akademiko, estudyante, journalists, at iba pa. Dagdag pa nila, ang sitwasyong
ito kung saan ay laganap ang red-tagging (o red-baiting), ay naghatid sa mga sunod-sunod na
hindi legal na paged-detensyon at pagpatay. Kaya naman, sa posisyong papel na ito, ang isyung
bibigyang-diin ay ang tinatawag na Red-Tagging o Red-baiting na siyang ipinakilala sa
panimula ng papel na ito.

Ngayon, bilang paglalahad ng kontra-argumento, naririto ang pagpapahayag ni Senator


Lacson sa kaniyang interes na i-criminalize ang Red-Tagging. Ngunit, ipinahayag ng iba ang
hindi pagsang-ayon, na ito ay mahirap para sa lehistratura, kasama ng mga tanong na: ang
personal na name-calling ba ay parehas na ka-aksyon-aksyon? Kung kaya’t ang posisyong ko
dito ay itigil na ang red-tagging at isang maling pamamaraan. Ang red-tagging, kung isaalang-
alang ang estado ng ating politika, sa ilang antas, ay maaaring delikado. Ang mga biktima ng
Red-Tagging na ito ay maaaring maging target ng pangha-harass, pananakot, at kahit na
pagpatay (bilang pinakamalala). Ang mga indibidwal o grupo na naging biktima nito ay
maaaring hindi pahintulutan sa kanilang karapatan na humingi ng legal counsel, at iba pa,
kayulad ng nangyari kay Ann “Icy” Salem na naaresto noong ika-sampu ng Disyembre 2020. Isa
pa ay inaakusahan at inaakala na ang mga indibidwal na ito o organisasyon, walang ebidensya,
ay kinikilala na at itinuturing na talaga ngang kasangkot sa mga illegal na gawain—ito ang isa
pang mali dito. Isa pa, ayon kay Lagman, ang red-tagging ay isine-set up ang mga tinaguriang
kaaway ng estado sa mga asasinasyon, maging isang daan para maitigil (bilang epekto) ang
kalayaan sa pamamahayag. Kasama ang Anti-Terrorism Act of 2020 na napirmahan ng
Pangulong Duterte, ang ma-red-tagged bilang “Komunista” at “Terorista”, bilang halimbawa,
ay maari talagang maging delikado sa maraming sirkumstansya.

Mula sa mga nasabi at maingat na delibirasyon at konsiderasyon ng mga katotohannang


ito, nananatili akong matatag sa aking posisyong na ang Red-Tagging ay tunay na mali at
kailangan nang matigil, hindi ang ipagpatuloy. Ito ay dahil (mula sa mga nasabi sa itaas), bago
pa ito humantong para magkaroon ng hindi kaaya-ayang pangyayari (labanan ng estado at ng
mga nasasakupan, o kaya naman ay “weaponization”, bilang mga halimbawa). Sabi nga ni
Ombudsman and former Justice, Conchita Carpio-Morales, “Sa laban mula sa terorismo, ang
gobyerno mismo ang hindi dapat pinang-gagalingan ng takot at eksemptasyon sa pag-
paparusa.”

You might also like