Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Louie Jay D.

Lleno

BSED-Filipino/3D

10 HINDI MAGAGANDANG PANINIWALA SA PANANALIKSIK

(Reaksyong Papel)

Lahat naman tayo ay nakaranas na gumawa ng isang pananaliksik sapagkat ito


ay isang requirements o kailangan upang maitawid ang isang kurso sa hayskul o sa
kolehiyo. Narito ang mga hindi magagandang paniniwala tungkol sa pananaliksik ng
mga mag-aaral at mga guro na hanggang ngayon pinoproblema kung paano makaka-
comply, makakagawa, makakabuo sa bawat semester na halos lahat ng kurso o
asignatura ay kailangan ng isang pananaliksik.

Una, sabi raw ang isang pananaliksik ay lubhang napakahirap. Maraming


nagsasabi na nahihirapan tayo gumawa ng isang pananaliksik at dahil ito ay nakatatak
na sa ating isipan kapag naririning natin ang salitang “research” ngunit alam naman
natin na lahat naming mahirap ay napag-aaralan o mayroong sulosyon. Ang isang
pananaliksik ay magastos. Alam namn natin nab ago pa tayo mag-aral o pumasok sa
isang paaralan ay kailangan talaga nating gumastos at ayon sa bidyo “sa pagdukal ng
karunungan kailangan ng puhunan” sang-ayon naman ako rito dahil ang karunungan ay
hindi libre, kailangan nating gumugol ng pera upang tayo ay matuto at dahil na rin sa
ang karunungan ay ang maghahatid sa atin sa pinag-aralan na habang buhay nating
dala at maipagmamalaki. Sabi raw ang isang pananaliksik ay “time consuming” o
magastos sa oras. Alam namn natin sa ating sarili na lahat ng bagay ay nagagawan ng
paraan, kailangan nating maglaan ng oras sa ibang bagay na pakikinabangan natin.
May mga pananaliksik talagang tumatagal ng isang taon tulad na lang sa mga mag-
aaral, ang isang academic year ay may sampung taon para hindi masyadong
mahirapan at magastos sa oras sa pag-gawa ng isang pananaliksik. Hinahati ang anim
na kabanata upang hidni mahirapan ang mga mag-aaral. Ang pananaliksik ay para lang
sa mga agham, lahat ng kurso o major ay mayroon ng pananaliksik. Tulad naming mga
Filipinor major ay mayroon kaming pananaliksik, may mga pananaliksik talaga na
kailangang gumawa ng isang eksperimento, ngunit hindi lahat ay para sa agham. Ang
pananaliksik ay hindi sining. Ang paggawa ng isang pananaliksik ay hindi lamang kopya
ng kopya sa kung ano ang nakikita at nababsa. Sa paggawa ng pananaliksik kailangan
nating piliin ng mabuti ang mga salita o pinaparaphase natin ang mga salita kung ito ba
ay angkop sa ating gagawing pananaliksik at dahil dito ay nagiging malikhain tayo.

Ang pananaliksik ay para lamang sa akademiko. Hindi, dahil alam naman atin na
hindi lamang sa akademiko larangan natin magagamit ang pananalik buhat pati na rin
sa ating magiging trabaho sa hinaharap ay magagamit natin ito. Ito ay daan upang
sanayin tayo sa hinaharap dahil maraming yumayaman, gumaganda ang buhay,
umunlad at iba pa at dahil na rin ito sa tulong ng pananaliksik. Ang pananaliksik ay para
lamang sa Ingles, kadalasan kasi sa mga pananaliksik ay nakasulat ito sa wikang Ingles
ngunit tulad naming mga nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino, ang aming mga
pananaliksik at naksulat sa wikang Filipino, dahil ang wikang Filipino ay isang
istandarlisandong wika at lahat ng larangan ay puwedeng gumamit nito at higit sa lahat
ay upang itangala at maipalwang ang sariling wika. Ang pang-huli ay ang pananaliksik
ay parating kailangan ng respondente. Sa katunayan ay hindi lahat ng pananaliksik ay
kailangan ng respondent dahil mayroon tayong dalwang uri ng pananaliksik at ito ay
ang quantitative research at qualitative research. Ang mga nabanggit na hindi
magagandang paniniwala tungkol sa pananaliksik ay naoobserbahan lamang sa mga
tao, mapa guro man ito o mag-aaral at hindi ito nilalahat.

You might also like