2. 2. Malaman ang epekto ng korapsyon sa bansa; 3. Maipaliwanag ang kahulugan ng korapsyon; 4. Matukoy ang mga gawaing maaaring maging daan sa paglutas nito; 5. Mabuksan ang isipan ng makikinig sa isyung panlipunang ito; 6. Makapagbigay ng impormasyon sa mambabasa o makikinig. LAYUNIN: 7. 3. Ano ang pumapasok sa iyong isipan sa tuwing maririnig mo ang salitang korapsiyon? Marahil ilang beses mo nang narinig o nabasa ang salitang ito. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa pamahalaan nito. Ito ay mula pa sa mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan. Ano nga ba ang epekto nito sa atin bilang mamamayan at sa ating bansa? Bilang isang kabataan, paano tayo makatutulong sa paglutas nito? Sa pagtatapos ng ating diskusyon, inaasahang masagot ang mga katanungang ito. INTRODUKSYON: 8. 4. KORAPSYON 9. 5. Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot (corruption) ay maaaring ituring na krimeng tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan na isinasagawa ng isang tao o organisasyong may hawak na kapangyarihan o awtoridad upang makakuha ng pansariling benepisyo. ANO NGA BA ANG KORAPSYON? 10. 6. MGA HALIMBAWA & URI NITO 11. 7. PAKIKIPAGSABWATAN MGA HALIMBAWA & URI NITO (Pork Barrel Scam) 12. 8. PANDARAYA SA HALALAN MGA HALIMBAWA & URI NITO ( Vote Buying ) 13. 9. PAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN MGA HALIMBAWA & URI NITO ( Paggamit ng ghost projects ) 14. 10. PANUNUHOL AT PAGTANGGAP NG SUHOL ( BRIBERY ) MGA HALIMBAWA & URI NITO 15. 11. PANGINGIKIL ( EXTORTION ) MGA HALIMBAWA & URI NITO 16. 12. BAKIT NANGYAYARI ITO? 17. 13. Ang pagiging ganid o sakim sa kapangyarihan at pera ay isa sa mga maituturing na sanhi nito. Ang mga kadalasang korap ay iyong mga politiko o empleyado ng gobyerno na hindi nakukontento sa kung ano ang kinikita nila sa pagtatrabaho, kung minsan ay dala ng matinding pangangailangan sa pera. BAKIT NANGYAYARI ITO? 18. 14. ANO NAMAN ANG EPEKTO NITO? 19. 15. Ito ay magdudulot ng kawalang tiwala ng mga mamamayan sa mga politiko o empleyado ng gobyerno. Mawawalan din sila ng gana na makilahok sa mga polisiya o programa ng pamahalaan dahil sa ganitong katiwalian. Sa kabilang banda naman, ang korap ay masisiyahan sa nakamal na pera mula sa kaban ng bayan. Sila ay mananatiling nakangiti kung humaharap sa publiko na animo’y walang ginawang kasalanan dito. ANO NAMAN ANG EPEKTO NITO? 20. 16. Kahirapan Pagtaas ng utang ng pamahalaan Mababang kalidad ng mga pampublikong imprastraktura ANO NAMAN ANG EPEKTO NITO? 21. 17. ANO ANG BATAS NA INILAAN NG PAMAHALAAN PARA RITO? 22. 18. Freedom Of Information Order (FOI Order) Ito ay naglalayong buksan sa mga mamamayan ang mga pampublikong dokumento. Nag- oobliga sa lahat ng sangay ng gobyerno na gawing bukas para sa lahat ng mga mamamayan ang mga pampublikong dokumento maliban na lamang sa mga maaaring maging daan sa pagtatangka sa segurida ng bansa. Mula pa ito sa Administrasyong Aquino na siya namang pinirmahan ng kasalukuyang pangulo noong Hulyo 23, 2016 sa Davao. ANO ANG BATAS NA INILAAN NG PAMAHALAAN PARA RITO? 23. 19. REKOMENDASYON: 24. 20. Magbigay ng karampatang impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa isyung ito, nang sa gayon ay maging bukas ang kanilang isipan dito. Maging mas makilatis sa mga ibobotong politiko — huwag magpapadala sa mga pampabango na ginagamit nila sa tuwing nangangampanya. Mas higpitan ang batas o mga parusa sa mga gagawa nito — kung makakamit ito, paniguradong mababawasan kung hindi man mauubos ang mga korap sa pamahalaan. Sa paraang ito rin mapapanatiling malinis ang mga ahensiya ng pamahalaan. REKOMENDASYON: 25. 21. Hindi maitatanggi ang laki ng epekto ng korapsyon sa ating bansa. Isa itong sakit ng ating pamahalaan na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyang lunas. Ang matinding kakulangan sa ating pamahalaan ang isa mga pinakamalaking dahilan kung bakit hindi ito matuldukan. Kung magpapatuloy ito ay mapupunta lamang sa wala ang mga buwis na pinagsikapang bayaran ng mga manggagawa, walang mga matinong pampublikong gusali o imprastrakturang maipapagawa, hindi makapagbibigay ng tulong sa mga kapus- palad na Pilipino at walang pag-unlad na magaganap. Ang bansa ay magdurusa sapagkat ang dapat sanang pondo para sa mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap ay hindi na magagamit pa. Tataas ang ekonomiya ngunit dahil lamang ito sa pagyaman pa ng mga dating mayayaman habang ang mahihirap ay napag-iiwanan. KONKLUSYON: 26. 22. SALAMAT SA PAKIKINIG!