Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

IKATLONG MARKAHAN - MODYUL 1

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga guro mula sa pambuliko
at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
• Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
• Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
• Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
• Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto
at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
ARALING PANLIPUNAN 8
Ikatlong Markahan

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Modyul # ________________ Pamagat: MAHAHALAGANGPAGBABAGONG
POLITIKAL, EKONOMIKO, AT SOSYO- KULTURAL
SA PANAHON NG RENAISSANCE

PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO: AP8PMD-IIIa-b-1 (UNANG LINGGO)

ALAMIN NATIN

Panimula:
Noong huling bahagi ng Gitnang Panahon, nagsimulang hamunin ng mga Europeo ang
turo ng Simbahan tungkol sa pagtitiis upang magkamit ng kaluwalhatian sa langit. Kinuwestiyon
din nila ang sistemang piyudal, kung saan iilan lamang ang nakaranas ng pag-unlad.
Ang kanilang pagnanais na makaranas ng maalawang pamumuhay matapos ng kinaharap
na mga pagsubok dulot ng digmaan at ng Black Death ang nagbunsod ng mga pagbabagong ito sa
pananaw ng mga Europeo. Sa panahong ito, binalikan ng mga Europeo ang ginintuang panahon
ng Roman at Greek. Ito ang hudyat ng bagong yugto sa kasaysayan ng Europe- ang Renaissance.
Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ay:
Layunin:
Nasusuri ang mahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko, at sosyo- kultural sa
panahon ng Renaissance.

SUBUKIN NATIN

Panimulang Pagtataya: Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon MALIBAN sa anong
aytem?
A. Mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian
B. Tinagurian silang middle class o panggitnang uri
C. Nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod
D. Nagamit nila ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng rebolusyong
pampolitika at pang- ekonomiya

3
2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng renaissance?
A. Muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko
B. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego- Romano
C. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
D. Panibagong kaalaman sa agham
3. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “The end justifies
the means?”
A. Anuman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap- tanggap kung mabuti ang kaniyang
Hangarin
B. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging may mabuting
bunga
C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan
D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan ng pamahalaan
4. Sino ang pilosopong Ingles ang nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmumula sa
karanasan? Binigyan diin niya na ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o black
slate.
A. John Locke C. Rene Descartes
B. John Adams D. Jean- Jacques Rousseau
5. Bakit itinuturing na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Inquisition?
A. Napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation sa timog Europe
B. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquistion ay humantong sa maraming kamatayan ng
walang sala.
C. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo
D. Nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang Katoliko
6. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe?
A. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo
B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe
C. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang kanilang pangangailangan
D. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo
7. Sa ika- 15 na siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation- state na nagpaligsahan sa
kapangyarihan. Nagbunga ang paligsahang ito ng pagpapalawak ng kani- kanilang mga nation-
state. Alin sa sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain?
A. Spain C. Portugal
B. England D. Netherlands
8. Maraming makabagong ideya at imbensyon ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko.
Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alin sa sumusunod ang
pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga Kanluranin?
A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito
B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang- agham sa Europe
C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob
D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin
9. Nagdulot ang Rebolusyong Industriyal ng pag- unlad sa lipunan at ekonomiya ng Europe,
kasabay ang suliraning idinulot nito. Alin sa sumusunod ang pinakamabigat na suliraning

4
panlipunan at pang- ekonomiyang idinulot ng Rebolusyong Industriyal?
A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod n amula sa mga probinsya
B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at nagging palaboy
C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho
D. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika
10. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses?
A. Pagtanggal ng sistemang piyudal
B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatn ng Tao”
C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika
D. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay- pantay, at pagkakapatiran
11. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France, at England. Nang magsimula
Ang Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng tulong military ang France sa United States na
malaki ang naitulong sa pananagumpay ng huli. Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuna
ang mabubuo?
A. Magkakampi ang France at United States
B. Magkasabay na nilabanan ng England ang United States at France
C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United Stataes
D. Ginamit na pagkakataon ng France ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak
ang England
12. Naisakatuparan ang Rebolusyong Politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at
radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Politikal?
A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sap ag-usbong ng Rebolusyong
Pangkaisipan
B. Ang Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap ng Rebolusyong
Pangkaisipan
C. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bung ana lamang ng Renaissance sa
Europe
D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at Rebolusyong Pangkaisipan
13. Sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo, ginamit na dahilan ng mga Europeo
ang ideya ng white man’s burden upang bigyang katwiran ang kanilang pananakop. Ano ang
white man’s burden?
A. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga puti ng Karapatan na angkinin ang daigdig
B. Paniniwalang mga puti ang superior na lahi sa mundo
C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin ang kanilang kabihasnan sa kanilang
sinakop
D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga kagustuhan
ng mga Europeo
14. Aling pahayag ang nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?
A. Manirahan at magtrabaho sa ibang bansa
B. Tangkilikin ang mga produktong imported
C. Sumunod sa batas na ipinatutupd ng sariling Barangay
D. Gamitin ang wikang banyaga sa pakikipagusap sa mga pangkat- etniko

5
15. Suriin ang mapa ng Italy. Ano kaya ang magiging implikasyon ng heograpiya sa ekonomiya
nito?
A. Hindi hiwa- hiwalay ang bahagi nito na mahalaga sa pagkakaisa
B. May mapagkukunan ng yamang-dagat
C. Bukas ang iba’t- ibang rut anito sa kalakalan
D. Madali itong masakop ng ibang bansa

BALIKAN NATIN

Balikan natin ang huling tinalakay sa pamamagitan ng ilang mga tanong upang masuri
kung kayo ay may natutunan o natandaan sa paksang tinalakay. Hanapin sa loob ng kahon na nasa
ibabang bahagi ang tamang sagot.
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
1. Teritoryong itinatag sa gitnang Italy at nasa ilalim ng tuwirang pamamahala ng papa_________
2. Sa pamumuno ni __________________ bilang hari nakilala ang kanyang imperyo bilang Holy
Roman Empire
3. Isang ekspedisyong military na inilunsad ng Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong
Muslim upang mabawi ang Jerusalem___________________
4. Ang____________ ay isang sistema kung saan mayroong ugnayan ang Panginoong maylupa at
kanyang alipin.
5. Ang ____________ ay isang malaking lupaing pagmamay-ari ng Panginoong maylupa.

Piyudalismo Papal State Krusada


Charlemagne Pepin the Short Manor

6
TUKLASIN NATIN

Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika- 14 siglo, isinilang ang Renaissance.
Ito ay nangangahulugang Muling Pagsilang o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan.
Una, bilang Kilusang Kultural o Intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang
kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag- aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing
sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modernong
Panahon. Nagsimula ang Renaissance sa Italy, pagkatapos ay lumaganap sa Germany, France,
England, ar Spain sa huling bahagi ng ika-15 hanggang ika-17 siglo. Dahil sa pag-unlad sa
agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang
produksyon sa Europa noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami
ng pangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang
yaman ng mga lungsod- estado ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Kapag
nangangailangan ang mga Papa, Hari, o Panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga
mangangalakal at banker. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng
mangangalakal at banker.Sila ang sinasabing gumabay sa kapalaran ng Florence, Italy mula ika-15
hanggang ika-18 siglo. Yumaman ang pamilyang ito at nagging kilala sa Europa bilang mga Duke
ng Tuscany dahil sa pagiging mangangalakal at banker.
✓ Kinakitaan ang Europe ng paglalabanang politikal. Ang
naglaban- laban para sa pamumuno ay ang Papa, ang emperador
ng Holy Roman Empire, at ang mga pinuno ng France at Spain.
Isa sa kanilang mga hangarin ay maibalik ang katanyagan at
kapangyarihan na kahalintulad ng naganap sa panahon ng
POLITIKA Imperyong Roman. Marami ring manwal ang naisulat hinggil sa
kung paano mas maging epektibo ang pamumuno, ayon kay
Niccolo Machiavelli “The end Justifies the means.”
✓ Bunsod ng masiglang kalakalan matapos ang mga krusada
umunlad ang mga lungsod-estado sa Italy. Nagtamasa ng
masaganang buhay ang mga Italian taliwas noong panahong
EKONOMIYA
medieval kung kailan payak at nakatuon sa relihiyon ang buhay
sa pakikipagpalitan ng mga kalakal kung hindi maging sa
pagsulong ng karunungan.
✓ Itinaguyod ng pilosopiya ni Roger Bacon, lahat ng kaalaman ay
napasailalim ng lalong mahigpit na pagsusuri sa pamamagitan ng
eksperimento at katibayan. Nagbago sa panahon ng Renaissance
ang pananaw sa buhay ng tao. Sa kauna- unahang pagkakataon,
SOSYO-KULTURAL natuklasan ng tao ang kanyang sarili higit na silang mapagtanong
at mapanuri sa mga bagay na dati’y madali nilang tanggapin. Ang
pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal ang nagtatag ng
tuntungan sa kilusang tinawag na Humanismo. Hinubog ng mga
humanistang palagay ang pag- iisip at saloobin ng tao upang

7
baguhin ang maling paniniwala at pamahiin noong Medieval
Period. Nagsimula ng magkaroon ng lamat ang pananalig ng tao
sa simbahan at pag-aalinlangan sa mga paniniwalang
panrelihiyon. Ang Humanismo ay isang kilusang intelektuwal
noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin
ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Roman sa pag-aaral
dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutunan upang
magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.

MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T- IBANG LARANGAN


MGA TANYAG NA LARAWAN
La Pieta

o Isang istatwa ni Kristo pagkatapos ng kanyang Krusipiksyon


o Obra maestra ni Michaelangelo Bounarotti
o Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha

Mona Lisa
o Si Mona Lisa ay hinango sa totoong buhay siya si Lisa
Gherardini asawa siya ni Francesco del Gioconda.
o Pinakatanyag na obra ni Leonardo da Vinci.
o Tanyag ito hanggang sa kasalukuyan dahil sa mahiwaga nitong
ngiti.
David
o Ito at estatwa ni David na may sukat na 5.5 metro, ito at
ginawa dahil sa order ng pamahalaan ng Florence noong 1501.
o Ito ay isa lamang sa mga obra ni Michaelangelo Buonarotti.

Last Supper
o Ang Huling Hapunan ni Hesus kasalo ang labindalawang
disipulo bago ang kanyang kamatayan.
o Naging tanyag ito dahil sinasabi na si St. John ay si Mary
Magdalene.
o Ito ay ilan lamang sa mesteryosong obra ni Leonardo da
Vinci.
Sistine Chapel
o Ito ay pinta ng mga pangyayari sa Bibliya mula sa Genesis at
panghabang-panahon ng mga numero ng mga propeta.
o Matatagpuan sa Vatican at gawa sa fresco

8
SA LARANGAN NG SINING AT PANITIKAN

Francesco Petrarch (1304- 1374)


-“Ama ng Humanismo” Pinakamahalagang sinulat niya sa
Italyano ang “Songbook” isang koleksiyon ng mga sonata ng
pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura.
Goivanni Boccacio (1313- 1375)
-Ang kanyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang
“Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng
isandaang nakakatawang salaysay.
William Shakespeare (1564- 1616)
-“Makata ng mga Makata” naging tanyag na manunulat sa
Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna
Elizabeth I. Isinulat nya ang walang kamayatang dula gaya ng
Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra,
at Scarlet.
Desiderious Erasmus (1466- 1536)
-“Prinsipe ng mga Humanista”. May akda ng In Praise of
Folly kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng
mga pari sa mga karaniwang tao.

Niccolo Machievelli (1469- 1527)


-Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May
akda ng “The Prince.” Nakapaloob sa aklat na ito ang
dalawang prinsipyo:
“Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan”
“Wasto ang nilikha ng lakas”
Miguel de Cervantes (1547- 1616)
-Isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha”
aklat na kumukutya at ginagawang katawa- tawa sa kasaysayan
ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.

SA LARANGAN NG PINTA

Michaelangelo Bounarotti (1475- 1564)


-Ang pinakatanyag na iskultor sa panahon ng Renaissance, siya
ang may obra ng estatwa ni David, ipininta niya ang Sistine
Chapel sa Vatican at ang pinakabantayog na La Pieta.

9
Leonardo da Vinci (1452- 1519)
-Isang henyong maraming nalalaman sa iba- ibang larangan.
Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor,
inhenyero, imbentor, siyentista, musikero, at pilosoper.

Raphael Santi (1483- 1520)


-“Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”. Kilala sa
pagkakatugma at balance o proposisyon ng kanyang mga likha.
Ilan sa kaniyang tanyag na obra ay ang “Sistine Madonna”,
“Madonna and the Child”, at “Alba Madonna”

SA LARANGAN NG AGHAM SA PANAHON NG RENAISSANCE


Nicolas Copernicus (1473- 1543)
-Inilahad niya ang Teoryang Heliocentric “Ang pag-ikot ng
daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito
sa paligid ng araw.” Pinasinungalingan nito na ang mundo ang
sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng Simbahan.

Galileo Galilei (1564- 1642)


-Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang
naitulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para
mapatotohanan ang Teoryang Copernican.

Sir Isaac Newton (1642- 1727)


-Siya ang tinaguriang higante ng siyentipikong Renaissance.
Ayon sa kaniyang Batas ng Universal Gravitation, ang bawat
planeta ay may kaniya- kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang
dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag- inog.
Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit
bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.

Mga Kababaihan sa Renaissance


Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinanggap sa mga unibersidad o
pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito nagging hadlang
upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance

10
SURIIN NATIN

Gawain 1: Renaissance Tsart: Kompletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng


mahahalagang detalye tungkol sa Renaissance.

Panitikan

Renaissance
Sining

Arkitektura

PAGYAMANIN NATIN

Gawain # 2: Ipaliwanag at Pangatwiranan. Sagutin ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa papel.
1. Bakit sa Italy umusbong ang Renaissance sa Europe?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Ano ang humanismo?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Ano ang katangian ng mga akda noong panahon ng Renaissance?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

11
4. Ano ang pinagkaiba ng sining noong panahon ng Renaissance at sa kasalukuyan?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
5. Paano nabago ng Reniassance ang karapatan ng mga kababaihan sa pag-aaral? Ihalintulad ito sa
kasalukuyan
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

ISAISIP NATIN

✓ Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan


sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito
sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mamamayan na natugunan
naman ng maunlad na kalakalan.
✓ Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng
Renaissance ang Italy, ay ang magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng
pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe.
✓ Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy. Naitaguyod at
napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teknolohiya at pilosopiyang
kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.
✓ Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig
sap ag-aaral.
✓ Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang
Italyano kaysa sa mga Romano o alinmang bansa sa Europe.

ISAGAWA NATIN

Gawain # 3
1. Bakit dapat hangarin ng tao ang lubos na kasiyahan sa pangkasalukuyang buhay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
2. Bilang mag-aaral, bakit kailangan mong maging malaya sa paglinang ng iyong sariling
kakayahan at interes?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Bilugan ang “TAMA” kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at kung
hindi bilugan ang “MALI”
TAMA MALI 1. Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay rebirth po muling pagsilang
TAMA MALI 2. Ang mga kababaihan ay hindi binigyan pansin sa panahon ng Renaissance.
TAMA MALI 3. Ang Renaissance ay umusbong sa Italy partikular sa Florence, Venice, at Milan
TAMA MALI 4. Si Leonardo da Vinci ang may obra ng Sistine Chapel.
TAMA MALI 5. Si William Shakespeare ang may akda ng Romeo at Juliet.
TAMA MALI 6. Ang Humanismo ay kilusan upang tumuligsa at umalsa laban sa Simbahang Katoliko
TAMA MALI 7. Si Sir Isaac Newton ang nakatuklas ng Batas ng Universal Gravitation.
TAMA MALI 8. Ang pamilya Medici ay mga Greek na tumulong itaguyod ang Renaissance sa Italy
TAMA MALI 9. Si Michaelangelo Buonarroti ang naglahad ng Teoryang Heliocentric.
TAMA MALI 10. Ang pintang Mona Lisa ay may pinagwangisan at hango sa totoong buhay.

PANOORIN MO! – Panoorin ang mga sumusunod na video sa youtube para sa mga
karagdagang kaalaman at para mas maunawaan ang araling ating tinalakay.
https://www.youtube.com/watch?v=QEs_EdWUVF4&t=31s
https://www.youtube.com/watch?v=yyu-o-vSAOQ&t=37s

13
SANGGUINAN

Google.com
Modyul Kasaysayan ng Daigdig pahina 300- 308
Kasaysayan ng Daigdig pahina VIBAL 212- 226
YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=fI1OeMmwYjU
https://www.youtube.com/watch?v=IATyzSAjC1w
https://www.youtube.com/watch?v=QEs_EdWUVF4&t=31s
https://www.youtube.com/watch?v=yyu-o-vSAOQ&t=37s

14
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Gretchen Z. Villaraza

Mga tagasuri: Jocelyn C. Alvis, Araling Panlipunan - Head Teacher III


Elisa P. Apolis, Araling Panlipunan - Head Teacher III

Naglayout: Robert Valera

Management Team: Margarito B. Materum


Assistant Schools Division Superintendent

Dr. George P. Tizon


Chief SDOG

Dr. Ellery G. Quintia


CID Chief

Dr. Daisy L. Mataac


EPS LRMS

Ferdinand Paggao
EPS-AP

Sa mga katanungan ,maaring tumawag o sumulat sa …..

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

15

You might also like