Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao
Banghay Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao
Banghay Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao
GRADE 7
I. LAYUNIN:
III. PAMARAAN:
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagtsek ng kaayusan ng silid-aralan at attendance (alamin kung sino ang lumiban)
d. Balik-Aral; Ano-ano ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata sa loob ng:
1. paaralan 2. lipunan
IV. PAGLINANG SA ARALIN:
a. Pagganyak:
1. Pagpapakita ng bawat isang larawan ng mga Pilipinong may angking Talento
2. Ipaunawa kung saang larangan nakilala ang mga Pilipinong nasa larawan.
3. Hayaang magbigay ng reaksyon at opinion ang mga mag-aaral tungkol sa
naipakitang larawan ng mga Pilipinong may angking talent o kakayahan.
b. Paliwanag:
Ipaliwanag kung bakit mahalaga na maipakita at malinang ang talento o kakayahang
taglay ng isang tao.
c. Paglalahat:
Pagtatanong sa kung ano ang kabutihang naidudulot ng pagkilala o pagtanggap
sa sariling angking kakayahan.
d. Paglalapat:
Magbigay ng mga paraan kung paano mo maibabahagi sa iyong kapwa ang paghasa
o paglinang sa talento o kakayahang tinataglay.
e. Ebalwasyon
Maikling pagsusulit;
1. Magbigay ng isang kilalang Pilipino na lubos mong hinahangaan sa kanyang
talento at bakit mo siya iniidolo?
2. Naniniwala ka ba na ang bawat isa sa atin ay may angking talento o kakayahan?
Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
3. Gumawa ng slogan na nanghihikayat na ipakita at ibahagi sa iba ang angking
talento o kakayahan.
V. TAKDANG-ARALIN:
Prepared By:
Veronica Grachelle A. Hernandez