Performance Task Blg.3 Filipino 8 Ikalawang Markahan 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 8

Performance Task Blg.3 ( Ikalawang Markahan )

Paksa : Pagbuo ng Islogan

Panuto : Basahing mabuti ang Maikling Kwento sa ibaba at sundin ang panuto
kung paano gumawa ng Islogan.

Ang Punong Kawayan


Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol,
mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng
bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.”

“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon
sa aking mga sanga.”

“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay
kitang-kita na.”

“Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,” wika ni Niyog.

“Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala
siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.”

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang
paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at
nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang
sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Aral:

 Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao. Kaya huwag maging


mayabang.
 Maging tulad ng kawayan na mapagpakumbaba. Bagaman hindi siya kasing
gaganda at kasing-tikas ng ibang mga puno, siya naman ay higit na matatag sa oras
ng pagsubok.
Gawain : Ikaw ay Mahalaga!

Panuto: Bumuo ng Islogan tungkol sa mabuting pagpapahalaga sa sarili


at sa kapwa o sa bayan, gamit ang mga kayarian ng pang-uri.

(Isulat ang Islogan dito)

Pamantayan:
 Orihinalidad 5 pts
 Kaangkupan sa Paksa 5 pts
 Pagkamalikhain 5 pts
KABUUAN 15 pts

Inihanda ni: Ipinasa kay :


FERMORAH F. COMPARATIVO MYRNA N. TACUYAN
( Guro ) ( Master Teacher in Filipino )

You might also like