Araling Panlipunan Q3W2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 5

Quarter 3 Week 2
Worksheet

Pangalan: _______________________________________________
Baitang at Seksyon: ___________________________________

Pagtanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol


Kristyanismo at makabagong paraan sa pangangalakal ang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas upang lubos itong
masakop. Sari-saring reaksiyon ng mga Pilipino, may yumakap sa kolonyalismong Espanyol. Ngunit may mga
natatanging Pilipino na lumaban at nagpakita nang pag-aaklas upang ipagtanggol ang ating bansa dahilan sa pang-
aabuso at pagmamalupit na patakaran. Bilang Pilipinong mag-aaral, nararapat mong pahalagahan ang mga ginawang
kabayanihan ng mga ninunong nagtanggol ng ating bansa.

Ilan sa mga katutubong Pilipinong nagtanggol sa bansa laban sa kolonyalismong Espanyol:

Pag-aalsang Agraryo. Dulot ng mga pang-aabuso sa agraryo at pangangamkam ng mga prayle ang lupa mula sa mga
katutubo. Sumiklab ang pag-aalsa sa Katagalugan sa pangunguna ng mga bayan ng Lian at Nasugbu sa Batanggas.

Pag-aalsa ni Pule. Pinakatanyag na pag-aalasang panrelihiyon na pinamumunoan ni Apolinario de la Cruz. Itinatag


niya ang Confradia de San Jose na kinabibilangan ng mga pareng sekular o pareng Filipino o indio. Dahilan sa pag-
aalsa ay maaari lamang magsilbi sa simbahan ang pareng secular at hindi nabibilang sa anumang ordeng relihiyon
samantala ang mga pareng regular o mga pareng Espanyol ang may pagkakataong maging bahagi ng orden at
manatili sa kumbento.

Pag-aalsa ni Lakandula. Nagkaroon ng kasunduan sina Gob. Hen. Miguel Lopez de Legazpi at Lakandula na hindi
magbabayad ng buwis ang angkan niya. Ngunit tinanggal ang pribilehiyong ito nang palitan si Legazpe ni Guido
Lavezares.

Pag-aalsa ni Bancao at Tamblot. Naganap ang rebelyong pangrelihiyon nang talikuran ng ilang Pilipino ang
Kristiyanismo. Ipinaglaban ang nakagisnan nilang relihiyon. Pinamunoan ni Bancao ang Leyte samantalang sa Bohol
naman si Tamblot.

Pag-aalsa ni Dagohoy. Dahil sa pagtutol ng kura na bigyan ng marangal na libing ang kaniyang konstableng kapatid.
Ito ay itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa na pinamumunoan ni Francisco Dagohoy.

Pag-aalsa ni Sumuroy. Pinamunoan ni Agustin Sumuroy ang pag-aaklas laban sa Polo y Servicio sa Samar. Ipinag-utos
ng mga Espanyol na magpadala ng mga polista na taga-Samar sa Cavite upang gumawa ng mga barko, malayo sa
kanilang tirahan.

Pag-aalsa nina Diegi Silang at Gabriela Silang. Dahil sa buwis at pagnanais na palayasin ang mga Espanyol. PInatay
ang kanyang kaibigang si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ni Gabriela ang ipinagllaban ng kanyang asawa.

Pag-aalsa ng mga Igorot sa Cordillera. Hindi nagpabinyag ang mga katutubong Igorot sa relihiyong Kristiyanismo na
pinakilala ng mga Espanyol at ang pagsuway sa patakarang Monopolyo sa tabako.

Mga Muslim sa Mindanao: Ipinamalas ang kanilang katapangan at nagkaroon ng anim na digmaan Moro, isa na dito
ay ang kauna-unahang jihad o banal na digmaan na pinamumunoan ni Sultan Kudarat.
Pinagkunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa 5 p. 211, 213, 231-236.

Pagpapahalaga sa pagtanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol;

1. Kaalaman sa kasaysayan ng ating bansa. Mahalagang malaman natin ang mga pangyayaring pagtatanggol ng mga
katutubong Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol sa ating bansa. Malaki ang naging kaugnayan nito sa
kasalukuyang panahon tulad ng kultura, kabuhayan, pulitika at relihiyon.
2. Pagmamalaki bilang huwarang Pilipino. Itinuturing na bayani ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa dahil
sa kanilang naiambag sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas. Isapuso at pahalagahan ang mga kabayanihang ginawa ng
bawat Pilipino para sa kalayaan.

3. Pagsusulong ng karapatan. Ang bawat Pilipino ay may kakayahang ipaglaban ang karapatan at kalayaan sa
wastong paraan. Hindi lamang sa pakikipagdigmaan nakukuha ang ating ipinaglalaban. Bukas na ang puso’t isipan ng
mga Pilipino na mas epektibo ang iba’t ibang paraan sa pagsusulong ng karapatan.
Pinagkunan: ADM Ikalimang Baitang Modyul 2.

Gawain Bilang.1. Sagutin ang mga tanong:

 Sino sino ang mga Pilipinong nagtanggol sa bayan laban sa mga Espanyol?

 Ano ano ang mga paraan ng pag-aalsa na ginamit ng mga katutubong Pilipino laban sa kolonyalismong
Espanyol?

 Nagtagumpay ba ang pakikipaglaban ng mga katutubong Pilipino laban sa sa Espanyol? Pangatwiranan.

 Paano mo pahahalagahan ang ginawang pagtanggol ng mga katutubong Pilipino laban sa mga dayuhang
Espanyol?

Gawain Bilang 7:

Ilarawan ang kahalagahang pagtanggol ng ating mga ninuno laban sa kolonyalismong Espanyol sa pamamagitan ng
mga gawain ayon sa inyong kakayahan. Pumili ng isa.

a. Pagguhit ng poster

b. Pagsulat ng tula o sanaysay

c. Paglikha ng slogan

You might also like