Gospel Huling-Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

SAN FELIPE NERI PARISH

LECTORS & COMMENTATORS GUILD

PITONG HULING WIKA

Unang Wika: (DARELL)

“AMA KO, PATAWARIN MO SILA, SAPAGKAT HINDI NILA NALALAMAN


ANG KANILANG GINAGAWA”

Lector: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas


Luke 23:13-15, 18-21; 23-24, 32-34

C/Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon.

Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Jesus sa
krus. Ipinako rin ang dalawang criminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. At
sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang
ginagawa. Pinaghati-hatian ng mga kawal ang damit ni Jesus. Sila’y nagpalabunutan
upang malaman kung kani-kanino mapupunta ang bawat kasuotan niya.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.

C/Lahat: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.


SAN FELIPE NERI PARISH
LECTORS & COMMENTATORS GUILD

PITONG HULING WIKA

Ikalawang Wika: (DENNIS)


“SA ARAW NA ITO AY IPAGSASAMA KITA SA PARAISO”

Lector: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas


Luke 23: 35-43

C/Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon.

Ang mga tao nama’y nakatayo roon at nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga
pinuno ng bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang
sarili kung siya nga ang Kristo na hinirang ng Diyos!”

Nilait din siya ng mga kawal. Nilapitan siya ng isa at inalok ng maasim na alak,
kasabay ng ganitong panunuya, “Kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo
ang iyong sarili.”

Isinulat nila sa kanyang ulunan, “Ito ang Hari ng mga Judio.”

Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang
Kristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”

Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos?
Ikaw ay pinarurusaha ding tulad niya! Tama lamang na tayo’y parusahan nang ganito
dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At
sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”

Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.


C/Lahat: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.

SAN FELIPE NERI PARISH


LECTORS & COMMENTATORS GUILD

PITONG HULING WIKA

Ikatlong Wika: (LOTH)

“BABAE, NARITO ANG IYONG ANAK; ANAK, NARITO ANG IYONG INA”

Lector: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Jn 19: 25-27

C/Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon.

Nang Makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi
nito, sinabi niya, Ina, ituring mo siyang sariling anak! At sinabi niya sa alagad, Ituring
mo siyang iyong ina! Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Hesus.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.

C/Lahat: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.


SAN FELIPE NERI PARISH
LECTORS & COMMENTATORS GUILD

PITONG HULING WIKA

Ika-apat na Wika: (DARELL)


“DIYOS KO! DIYOS KO! BAKIT MO AKO PINABAYAAN?”

Lector: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Markos


Marcos 15:33-36

C/Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon.

Nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon. Nang
ikatlo na ng hapon, sumigaw si Hesus, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” na ang
kahulugan ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.

C/Lahat: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.


SAN FELIPE NERI PARISH
LECTORS & COMMENTATORS GUILD

PITONG HULING WIKA

Ikalimang Wika: (DENNIS)


“AKO’Y NAUUHAW!”

Lector: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Juan 19:28-29

C/Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon.

Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya’t upang matupad ang
kasulatan ay sinabi niya, Nauuhaw ako!”

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.

C/Lahat: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.


SAN FELIPE NERI PARISH
LECTORS & COMMENTATORS GUILD

PITONG HULING WIKA

Ika-anim na Wika: (LOTH)


“NAGANAP NA!”

Lector: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Juan 19:30

C/Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoon.

Nang masipsip na ni Hesus ang alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang
kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.

C/Lahat: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.


SAN FELIPE NERI PARISH
LECTORS & COMMENTATORS GUILD

PITONG HULING WIKA

Ika-pitong Wika: (DARELL)

AMA KO, SA MGA KAMAY MO, INIHAHABILIN KO ANG AKING


KALULUWA!”

Lector: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas


Lukas 23: 44-49

Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong


lupain. Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo’y napunit sa gitna.
Sumigaw nang malakas si Hesus, “Ama, sa mga kamay mo’y ipinagkakatiwala ko ang
aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyag hininga.

Nang Makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya’y nagpuri sa Diyos na
sinasabi, “Tunay ngang matuwid ang taong ito!”

Maraming tao ang nagkakatipon doon at nanonood. Nang Makita nila ang mga
nangyari, umuwi silang lungkot na lungkot.

Ang Mabuting Balita ng ating Panginoon.

C/Lahat: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo.

You might also like