Isang Makata at Manunulat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Isang makata at manunulat.

Siya ay kilala bilang “Ama ng Balagtasan” “Prinsipe


ng mga makatang tagalog” “makatang ng Wikang Tagalog at Hari ng
mangangawit. Ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Barrio Panginay, Bigaa,
Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan baltazar na isang panday at
juana dela cruz na tagapagpangasiwa ng bahay. Siya ay nagmula sa mahirap
na pamilya. Naging katulong siya ni Donya Trinidad noong 1799 sa Tondo,
Maynila. Nakitaan ng kasipagan at katapatan ng kanyang amo kaya nakapag-aral
sa Colegio De San Jose kung saan siya ay natuto ng Pilosopiya, Humanidades,
Teknolohiya at Canon Law. Ipinamalas niya ang kanyang galing at talento sa
panunulat at kinagiliwan ng kanyang mga guro na sina Padre Mariano Pilapil at
Jose de la cruz. Taong 1835, lumipat si Francisco sa Pandacan, Maynila. Dito niya
nakilala si Maria Asucion Rivera (M.A.R), ang kanyang nagsilbing inspirasyon.
Ang marilag na dalaga ay tinagurian ni Francisco na “Selya” o “Mar” sa kanyang
koridong Florante at Laura. Ang paghanga ni Francisco ay katulad rin ng paghanga
ng kalalakihan kay Selya. Naging karibal niya si Mariano “Nanong” Kapule, isang
taong buod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa panliligaw kay Selya,
pinakulong siya nito. Habang siya ay nasa kulungan, pinakasalan ni Nanong
Kapule si selya kahit walang pag-ibig ang nararamdaman si Selya para dito. Doon
sa kulungan ay nasulat ni Francisco ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz
para kay selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nakilala niya si
Agapita Bernardo Rivera, isang guro sa sining ng pagtula. Nakilala rin niya ang
kilalang makata sa Tondo ng si Jose de la cruz o mas kilalang Huseng sisiw, na
pinagkikitaan niya ng Florante at Laura bago ito ilathala noong 1838. Lumipat si
Francisco sa Balanga, Bataan (1840) at naging tagapagsalin sa korte. Dito niya
natagpuan si Juana Tiambeng, ang kanyang naging asawa. Sila ay nagkaroon ng
apat na anak. Si tiambeng ay 31 taong gulang habang si Francisco naman ay 54 na
taong gulang. Naging kilala siya sa pagsulat ng dulang komedya at moro-moro.
Nakulong muli si Francisco dahil sa sumbong na pinutol niya ang kanyang buhok
ng katulong na babae ni Alferez Lucas. Nakalaya siya noong 1861. Sa panahong
ito niya nasulat ang Orosman at Zafira at ang La India Elegante y Negrito Amante
at pang mga akda. Nakilala si Balagtas hindi lamang sa kanyang panahong kundi
nang-iwan siya ng marka sa kasaysayan ng Panitikang Tagalog at kasaysayan ng
Pilipinas. Nahimlay siya noong Pebrero 20, 1862 sa Udyong Bataan sa edad na 74,
dahil sa sakit na pulmunya at sa katandaan. Subalit hindi doon nagtatapos ang
kanyang buhay, dahil sa panulaan at panitikang Filipino ay nanatili siya buhay
magpakailanman.

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA Ang Florante at


Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang Balagtas) ay isang obra-maestra sa
panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat
binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na: “ | Pinagdaanang búhay ni Florante at
ni Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o pinturang
nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo ng̃ Gresya, at tinulâ ng̃
isáng matuwaín sa bersong Tagálog. | ” |
Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido
(corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella,
isang paring Rekolekto at pilologo
Kasaysayan
Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang edisyon
ng “Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar
ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng
‘Florante’” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor
Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.
Unang Paglimbag
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at
Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19
dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing
klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na
ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa.
Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang
nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na
Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H.
Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa
noong 1875.
Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng
pagbabaybay:
PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA CAHARIANG
ALBANIA.
QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG
NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG UNANG PANAHON SA
IMPERIO NANG GRECIA. at tinula nang isang matouain sa versong tagalog.
Paglalarawan
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at
ang nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang muslim na
si Aladdin. Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa
sariling karanasan at kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli
dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni Selya) at kawalan ng katarungan - si
Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule,
na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan.
Mga tauhan * Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni
Duke Briseo * Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni
Florante * Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na
nagligtas at tumulong kay Florante * Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng
kanyang amang si Sultan Ali-Adab * Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni
Laura * Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin * Prinsesa Floresca - ina
ni Florante, prinsesa ng Krotona * Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni
Haring Linceo * Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki
ang galit kay Florante * Konde Sileno - ama ni Adolfo * Menalipo - pinsan ni
Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang
buwitre * Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor;
nagligtas kay Florante mula kay Adolfo. * Antenor - guro ni Florante sa Atenas *
Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura * Heneral
Osmalik - heneral ng Persya na lumaban sa Crotona * Heneral Miramolin - heneral
ng Turkiya * Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.

Buod ng Florante at Laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa


may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay
makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang
kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw
na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan
niyang mahal.

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin.


Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon
ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang
mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa
muling lumakas.

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at
Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng
kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang
kwintas niyang diyamante.  Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-
aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang
si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni
Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay
nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro,


pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga
tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura
sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang
bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang
kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin
ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.

Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong


Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay
Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang
kasintahang si Flerida.

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap.


Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si
Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa
may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo,
pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang


madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at
pagdadala sa gubat.

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay


pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa
Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay
ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya

You might also like