Professional Documents
Culture Documents
Paksa Pananaliksik
Paksa Pananaliksik
Bilang isaring mag-aral ng naturang kurso akin ring nararanasan paminsan-minsan ang
kawalan ng motibasyon sa kursong ito, akin nading nasaksihan ang pag lipat ng kurso ng iba
kong kaklase at pagtigil na din ng iba sa mga nakakataas na mga studyante saamin. Kaya gusto
ko ding malaman ang nararamdaman ng aking kapwa studyante at mga kaklase sa kursong aming
kinukuha ngayun. At sagayun makahanap kami ng solusyon upang matulungan naming ang isa’t-
isa upang makatapos sa kursong ito ng ng may determinasyon at ng may malaking bilang ng
magsisipagtapos sa kinabukasan.
Sa pagdami ng kaso ng nagkakaroon ng covid19 marami rin ang mga taong ayaw
magpabakuna laban dito. Isa sa pinakamatinding hamon na kinakaharap ng gobyerno ngayun ay
ang pagkumbinsi sa mga mamamayang pilipino na ang bakunang ito ay ligtas at walang dapat
ipangamba, gayunpaman sa dami ng mga pag-aaral at pagsusuring ginawa para matiyak na ligtas
ang mga ito marami parin ang hindi sang-ayun sa kaligtasan nito at patuloy na inaayawan na
maturukan sila nito. Kaya sagayun gusto kong mas mapalawig ang dahilan sa likod ng kanilang
upinyon ukol sa bakuna at malaman kung ano ang mga salik na nakakaimpluwensya sa kanilang
pagtingin sa bakuna kontra covid19.