Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Karikatura

Bata, bata, pahalagahan ang sariling wika!


Napakalaking pagsubok ngayon sa mga kabataan ang paggamit ng wikang Filipino dahil
namulat sila sa paggamit ng wikang banyaga. Ang tingin sa mga gawang Pilipino na pelikula, kanta, o
rap ay baduy o ‘jologs’. Samantalang cool naman ang tingin sa mga gawang banyaga. Kinakahiya ang
wikang Filipino at tila mas naging prioridad ang magmukhang astig sa sa harap ng ibang tao. Bakit
umabot sa puntong ang tingin sa wikang pambansa ay mababang uri kaysa sa wikang hindi naman
atin?

Maraming hirap ang pinagdaanan ng ating wika bago pa man ito hirangin bilang wikang
pambansa. Ang pagmamahal sa sariling wika ay sumasalamin sa pagmamalasakit sa bansa. Ang wika
ay kaluluwa ng bansa at nagbibigay daan patungo sa bagong liwayway. Sa panahon ng ngayon,
laganap ang iba’t ibang wikang ginagamit lalo na sa mga kabataan at matalino ang tingin isang tao
kung ito’y magaling gumamit ng wikang banyaga. Nalilimutan ang sariling wika na dapat gamitin sa
pakikipagtalastasan at pagpapalitan ng mga kuro-kuro. Kung kaya’t nararapat lamang na sa murang
edad ay sanayin na ang mga kabataan na gamitin ang wikang Filipino upang mapahalagahan at
mapayabong nila ito sa kanilang paglaki. Ang wikang Filipino ay dapat pahalagahan dahil ito ang susi
sa pagkakaunawaan. Nagbibigay daan ito ng positibong pagbabago at naibabahagi ang iba’t ibang
kultura at paniniwala. Napapanatili rin nito ang pagkakaisa at pagkabuklodbuklod ng bawat Pilipino
kahit na may iba’t-ibang paniniwala. At higit sa lahat, ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo
sa pambansang kaunlaran.

Isipin at itatak natin sa ating puso’t isipan ang mga paghihirap at pagdurusa ng mga Pilipino
noon para lamang makamit ang wikang pambansa. Tangkilikin natin ang sariling atin. Wala ng ibang
magmamahal sa wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino. Pagyamanin, pahalagahan, palawakin,
mahalin at alagaan natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa ang wikang Filipino.
Lahat tayo ay mayroong magagawa upang ang wikang pambansa ay patuloy na gamitin. Kung ang iba
ay kaya nating tangkilikin, sa sariling wika ay magagawa rin.

You might also like