Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 4

W4 Quarter Ikatlong Markahan Date

I. LESSON TITLE Mga Gampanin ng Pamahalaan Para sa Mamamayan


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang mga gampanin ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat
COMPETENCIES (MELCs) mamamayan.
III. CONTENT/CORE CONTENT Naiisa-isa ang mga gampanin ng pamahalaan sa bawat mamamayan
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
A. Introduction Sa araling ito ay matutunan at masusuri mo ang iba’t ibang gampanin ng pamahalaan upang
Panimula matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.

Kaya bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang:


a. Natatalakay ang mga gampanin ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan
ng bawat mamamayan.
b. Nasusuri ang mga gampanin ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng
bawat mamamayan.
c. Napapahalagahan ang mga pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng bawat
mamamayan.

Ngayon ay suriin mo ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?


2. Ano ano ang ginagawa nila sa larawan?
3. Nakikita mo ba ang ganitong mga sitwasyon sa inyong pamayanan?
4. Ano ang nagiging epekto nito sa pamumuhay ninyo sa pamayanan?

Ang kaayusan ng ating pamumuhay sa bansa ay nakasalalay sa mga gawain at


programang ipinatutupad ng ating pamahalaan. Upang lubusan mong maunawaan ang mga
gawaing pinaglilingkuran ng pamahalaan sa taong bayan, basahin ang nasa ibabang teksto.

Mga Gampanin ng Pamahalaan Para sa Kanyang Mamamayan

Ang pamahalaan ay itinatag para sa kapakanan ng lahat ng mga taong sakop nito. Kung
wala nito, walang kapanatagan sa bawat lipunan dahil walang susupil sa masasamang
gawain at kaguluhan at walang tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Ito ang
sandigan ng pag-unlad ng sambayanan. Napakahalaga nito dahil sa pagbibigay halaga nito
sa edukasyon, kalusugan, kaligtasan, at iba pang pangangailangan ng taong bayan.
Kailangan ng isang bansa ang pamahalaan dahil sa iba’t ibang gampanin nito para sa
kanyang mamamayan. Tungkulin ng pamahalaan na gumawa ng batas, magpatupad ng batas
at bigyan ng pagpapakahulugan ito. Maliban dito, pinagtutuunan din nito ang iba pang
gawain na ang ilan ay iniatas pa ng Saligang Batas katulad ng gawaing panseguridad,
kaayusang panlipunan at pang-ekonomiya at katarungang panlipunan.
Pinapangalagaan ng pamahalaan ang bansa sa pamamgitan ng pagkakaroon ng sariling
hukbong sandatahan na magtatanggol sa bansa at magpapanatili ng katatagan nito. Sa
pamamagitan din nito nagkakaroon ng ugnayang diplomatiko ang bansa na kung saan ito ay
nakikipagtulungan upang mapabuti ang kabuhayan ng bawat mamamayan. Ito din ay
nagtatakda ng mga batas upang maiwasan ang pang-aabuso ng mga tao sa mga tinatamasang
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
karapatan. Sa katarungang panlipunan may programa din ang pamahalaan upang mabigyan
ng proteksyon ang karapatan ng biktima at akusado tulad halimbawa ng Witness Protection
Program ng Kagawaran ng Katarungan na nagbibigay seguridad sa mamamayang testigo
laban sa akusado sa pagkakasalang kriminal. Itinataguyod din ng pamahalaan ang kaunlaran
ng bansa sa pamamgitan ng pagtulong sa maliliit na industriya at pagbibigay ng iba’t ibang
tulong at pondo upang ang mga ito ay umunlad. Binibigyang prayoridadad din ng
pamahalaan ang edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga paaralan at pagbibigay
ng libreng pag-aaral sa mga pampubikong paaralan simula elemntarya hanggang sa
kolehiyo. Ang pamahalaan din ang nagbibigay ng babala sa mga mamayan kung may
kalamidad tulad ng bagyo, lindol, baha, pagputok ng bulkan at epidemya. Tinutulungan ng
pamahalaan ang pangangailangan ng mamamayang katulad ng nasalanta ng mga kalamidad,
bagyo, pagbaha, lindol at pagputok ng bulkan at iba pang sakunang dulot ng kalikasan at
gawa ng tao. Sa kagalingang panlipunan, may pabahay na inaalok ang pamahalaan sa abot
kayang halaga para sa mga iskwater sa kalunsuran. Ang proyektong pangkabuhayan ang
nauuna sa mga listahan upang makapagtrabaho nang maayos sa pamilya at sa bansa.
Pinangangasiwaan din ng pamahalaan ang pisikal, pangkabuhayan, panlipunan, at
pangkulturang kaunlaran ng bawat mamamayan, isa na dito ay ang pagpapagawa ng mga
kalsada, mga tulay at mga gusaling pampubliko para sa kaunalaran ng buong bansa.
Mga Sanggunian: MISOSA HEKASI 6, “Gawain ng Pamahalaan: Tugon sa
Pangangailangan ng Mamamayan”
Yaman ng Pilipinas, Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasysayan at Sibika 6, pp.96-98

Mga Tanong:
1. Ano ang halaga ng pamahalaan sa isang bansa?
2. Ano ano ang mga gampanin na itinalaga sa pamahalan ng Saligang Batas?
3. Ano ano ang mga tungkulin ng pamahalaan para sa panseguridad ng bansa?
4. Ano ano ang mga tungkulin ng pamahalaan upang mapanatili ang kagalingang
panlipunan ng bansa?
5. Ano ang katarungang panlipunan? Paano ito nakakatulong sa bansa?

Maaring basahin ang Kagamitan ng Mag-aaral pp. 249-265 at Kayamanan Worktext sa


Araling Panlipunan I (Bagong Edisyon), pp. 396–402 upang lubos na maunawaan ang
aralin.
B. Development Ngayon natutuhan ninyo ang iba’t ibang gampanin ng pamahalaan sa bawat
Pagpapaunlad mamamayan, gawin ang mga sumusunod na gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Panuto: Basahin at isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang
papel.
1. Ano ano ang nagtutulungan upang lubos na matugunan ang ating mga pangangailangan?
a. mga ospital c. mga pamilihan at paaralan
b. mga tindahan d. mga ahensiya ng pamahalaan
2. Marami nang naitayong mga pampublikong pagamutan at paaralan sa bansa.
a. seguridad c. kagalingang panlipunan
b. katarungang panlipunan d. kaayusang pangkapayapaan
3. Agad na sinusuri ng kaukulang ahensya ang mga dayuhang mandaragat na natatanaw na
nangingisda sa loob ng hangganan ng teritoryo ng Pilipinas.
a. seguridad c. kabutihang pampamilya
b. kagalingang panlipunan d. kaunlarang pang-ekonomiya
4. Pinapatnubayan at sinusuri ng pamahalaan ang kalagayan ng pagtaas ng dolyar upang
hindi ito gaanong maka-epekto sa ating kabuhayan.
a. kagalingang panlipunan c. kabutihang pangkalusugan
b. katarungan panlipunan d. kaunlarang pang-ekonomiya
5. Ano ang layunin ng ating pamahalaan para sa mamamayang Pilipino?
a. para sa ating kabutihan at kaunlaran
b. para maging bahagi tayo ng kanilang gawain
c. upang matiwasay at payapa ang ating bansa
d. upang magkaroon tayo ng sapat na kabuhayan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Iguhit ang masayang mukha ( ) kung tama
ang isinasaad nito at malungkot na mukha ( )kung mali. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
_____1. Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang mga tao at ang kanilang mga ari-
arian.
_____2. Ang pamahalaan ay may tungkuling pagyamanin ang kabuhayan ng mga
mamamayan at kaunlaran ng bansa.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
_____3. Ang mga namumuno sa pamahalaan ay dapat pagsilbihan ng mga mamayan.
_____4. Ang pamahalaan ay isang simbolo lamang ng kapangyarihan at walang anumang
gampanin sa sambayanan.
_____5. Ang pangangalaga sa ating teritoryo ay isa sa mga tungkulin ng pamahalaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Panuto: Ang pamahalaan ay may apat na gampanin na itinalaga ng Saligang Batas, ito ay
ang panseguridad, kagalingang panlipunan, kagalingang pang-ekonomiya at katarungang
panlipunan. Suriin ang mga programa ng pamahalan na ipinatutupad ngayon at tukuyin
kung anong gampanin ito. Isulat sa patlang ang P kung panseguridad, KT kung katarungang
panlipunan, KE kung kagalingang pang-ekonomiya, at KG kung kagalingang panlipunan.
_____1. Libreng pabahay para sa mga mamayang nakatira sa mga estero at lansangan.
_____2. Pautang na may maliit na interes sa mga maliliit na negosyo.
_____3. Witness Protection Program ng Kagawaran ng Katarungan
_____4. Libreng edukasyon sa mga pamantasan.
_____5. Pagtatalga ng mga relocation sites upang manatiling ligtas sa banta ng panganib na
dulot ng kalamidad.
C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Pakikipagpalihan Panuto: Pumili ng tatlong ahensya ng pamahalaan na alam mo at isulat kung paano ito
nakakatulong sa mga mamayan. Isulat ang iyong sagot gamit ang table na nasa ibaba. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Ahensya ng Pamahalaan Tungkulin
1.
2.
3.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto: Mangalap ng mga larawang nagpapakita ng mga tungkulin ng pamahalaan sa
mamamayan. Lagyan ng caption ang bawat larawan. Sa tulong ng kasapi ng pamilya pag-
usapan ang mga larawang nakalap at isulat ang inyong talakayan sa sagutang papel.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Panuto: Sa tulong ng kasapi ng pamilya, magsagawa ng isang survey tungkol sa mga
programang ipinatutupad ng pinuno sa inyong barangay at ang epekto nito sa inyo. Isulat sa
sagutang papel ang nakalap na impormasyon gamit ang graphic organizer sa baba.

Proyekto/Programa ng Barangay

Epekto Epekto Epekto

D. Assimilation
Paglalapat Natutunan ko ang kahalagahan ng pamahalaan sa isang bansa dahil sa iba’t
ibang gampanin nito sa atin. Bilang mag-aaral, aking gagawin at pagsisikapang
pahalagahan ang mga gampaning ito sa pamamagitan ng pagiging mabuting kasapi ng
pamayanan.

V. ASSESSMENT Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin kung anong gampanin ng pamahalaan ang isinasaad
(Learning Activity Sheets for ng mga sumusunod na sitwasyon: Isulat kung ito ay PANSEGURIDAD, PANG-
Enrichment, Remediation or Assessment
to be given on Weeks 3 and 6)
EKONOMIYA, KATARUNGANG PANLIPUNAN o KAGALINGANG
PANLIPUNAN.
___________________1. Si Pedro ay nakapag-aral sa kolehiyo sa kabila ng kawalan ng
pantustos ng kanyang mga magulang.
___________________2. Si Mang Juan ay binigyang ng libreng punla upang
makapagtanim muli pagkatapos na salantahin ng malakas na bagyo ang kanyang palayan.
___________________3. Si Aling Iska ay isang byuda ngunit na tutustusan niya ang
pangangailangan ng kanyang anak sa tulong ng munting sari sari store na naitayo niya dahil
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
sa buwanang tulong na nakukuha niya sa programag 4Ps ng pamahalaan.
___________________4. Si Mang Ramon ay nakatanggap ng tulong sa SSS nang siya ay
naaksidente sa pabrikang kanyang pinagtatrabahuhan.
___________________5. Si Lola Linda ay maysakit. Siya ay nagtungo sa pampublikong
ospital sa kanilang bayan, nasuri nang libre at nakakuha ng libreng gamot para sa kanyang
sakit.
VI. REFLECTION Matapos mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa kakayanan upang maging
ganap ang pagkatuto at kabatiran tungkol sa tinalakay na aralin ngayon ay magagawa mo ng
ihayag ng buong pagmamalaki;
Ang natutunan ko sa aralin ay ____________________________________________
Ang kahalagahan nito sa buhay ko ay ____________________________________
Isasabuhay ko ito sa pamamagitan ng ____________________________________

Prepared by: Lynn C. Ramos Checked by: Jean L. Danga

You might also like