Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Tradisyunal na Banghay-Aralin sa Filipino (Masusi)

Guro: Princess Harley G. Binoya Baitang.: 10


Asignatura: Filipino Sesyon: 1 oras (Unang Araw)

Pangalawang Markahan – Akdang Pampanitikan ng Timog Amerika at Mga


Bansang Kanluranin
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan.
Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng
sariling akda sa hatirang pangmadla
(social media).
Kompetensi  Naibibigay ang puna sa estilo ng
napakinggang tula. (F10PN-IIc-d-
70)
 Nasusuri ang mga elemento ng
tula. (F10PB-IIc-d-72)
 Naibibigay ang kahulugan ng
mga matatalinghagang pananalita
na ginamit sa tula. (F10PT-IIc-d-
70)
 Nagagamit ang kasanayan at
kakayahan sa malinaw at
mabisang pagbigkas ng tula.
(F10PS-IIc-d-72)
 Naisusulat ang sariling tula na
may hawig sa paksa ng tulang
tinalakay. (F10PU-IIc-d-72)
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Kaalaman A. Nasusuri ang mga elemento ng
tulang babasahin sa pamamagitan
ng isang gawaing pampares.
Kasanayan B. Nagagamit ang kasanayan at
kakayahan sa malinaw at
mabisang pagbigkas ng tula na
may angkop na ekspresyon.
C. Nakasusulat ng isang patulang
slogan na may kaugnayan sa
paksa ng tulang tinalakay gamit
ang mga matatalinghagang mga
pahayag.
Kaasalan D. Nabibigyang-halaga ang mga

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |1 | P a h i n a


punongkahoy bilang
importanteng bahagi ng kalikasan
sa pamamagitan ng pagbigay ng
mga solusyon upang
mapangalagaan ang mga ito.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa Panitikan: “Mga Punongkahoy” Isinalin
sa Filipino ni Kendrick Macias Kitane
Mula sa Ingles na “Trees” ni Joyce
Kilmer
Gramatika: Paggamit ng Mga
Matatalinghagang Pananalita
B. Sanggunian Aralin 5 Tula. Vinta, pahina 138-153.
Filipino 1O Modyul para sa Mag-aaral.
Google Images.
G10 Second Quarter.pdf.
Trees. Halaw sa
https://www.poetryfoundation.org.
C. Kagamitang Panturo Laptop, LCD Projector, mga panooring
pantulong, Powerpoint Presentation, sipi
ng tula
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
1. Pagsagawa sa mga pang-araw-araw na mga routine: panalangin,
pagtsek sa atendans atbp.
Guro Mag-aaral
Magandang araw sa ating “Magandang araw rin,
lahat! Bb.!”
Simulan natin ang ating umaga (Mananalangin)
sa isang panalangin.
Nandito na naman tayo upang (Magbibilang ng 1- 45)
matuto ng isang panibagong
leksyon na ating gagamitin sa
ating pang-araw-araw na
buhay. Pero, bago natin ito
simulan, kukunin ko muna ang
atendans para sa araw na ito.
Simulan ang pagbilang para sa
atendans.
(Magwawasto sa rekord sa mga
nandito at lumiban)

2. Pagbalik-tanaw o Rekapitulasyon sa nakaraang Gawain upang


mai-set ang mood ng klase.

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |2 | P a h i n a


Guro Mag-aaral
Sisimulan natin ang ating Magbabahagi hinggil sa
talakayan sa isang pagbabalik- mga natutuhan tungkol
tanaw hinggil sa mga nabasang akda.
natalakay natin noong
nakaraang sesyon upang tayo
ay magabayang muli sa ating
klase. Puwede ba kayong
magbahagi sa klase kung ano-
ano ang mga natutuhan ninyo
sa ating naging talakayan?

(Tatawag ng mga estudyante)

B. Panimulang mga Gawain


Pagganyak

Guro Mag-aaral
Kanina sa ating morning
assembly ay may binasa si Fr.
mula sa Bibliya na siyang may
kaugnayan sa ating
tatalakayin. Ibababahagi ko
ang bersong galing sa Mateo
Kabanata 3, Berso 10:

“At ngayon pa'y nakalagay na (Susuriin ang teksto)


ang palakol sa ugat ng mga
punong kahoy: ang bawa't
punong kahoy nga na hindi
nagbubunga nang mabuti ay
pinuputol at inihahagis sa apoy.”

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang gustong
ipahiwatig ng berso sa
atin bilang mga taga-
sunod ni Kristo? Ang gustong ipahiwatig ng
berso sa atin ay dapat
tayong gumawa ng
kabutihan upang hindi tayo
mapunta sa apoy o sa
kadiliman.

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |3 | P a h i n a


2. Ano-ano ang mga Dapat nating sundin ang
bagay na dapat nating kanyang utos at dapat
gawin upang tayo ay nating alagaan ang lahat ng
hindi mapunta sa kanyang mga binigay sa
kasamaan? atin.

3. Sino-sino ang tinutukoy Ang tinutukoy na mga


na mga punongkahoy puno ay ang mga tao na
sa bersong aking mga tagasunod niya.
binasa?

Tama, tayo ang tinitukoy ni


Kristo na mga punongkahoy
sa kanyang turo na kung
gagawa ng kabutihan o mga
mabubuting bunga ay
mapupunta sa piling ng Diyos
at kung kasamaan naman ay
mapupunta sa dilim.
Inihambing sa punongkahoy
ang tao. Dahil sa tao
inihambing ni Kristo ang
puno, tingnan naman natin
kung saan inihambing ni Joyce
Kilmer ang punongkahoy sa
ating babasahing tula sa
hapong ito na pinamagatang
“Mga Punongkahoy” Isinalin
sa Filipino ni Kendrick Macias
Kitane Mula sa Ingles na
“Trees” ni Joyce Kilmer.
(Babasahin ang mga
Upang tayo’y magabayan sa layunin)
ating paglalakbay, aalamin A. Nasusuri ang mga
muna natin ang ating mga elemento ng tulang
layunin sa umgang ito. babasahin sa
pamamagitan ng
isang gawaing
pampares.
B. Nagagamit ang
kasanayan at
kakayahan sa

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |4 | P a h i n a


malinaw at
mabisang pagbigkas
ng tula na may
angkop na
ekspresyon.
C. Nakasusulat ng
isang patulang
slogan na may
kaugnayan sa paksa
ng tulang tinalakay
gamit ang mga
matatalinghagang
mga pahayag.
D. Nabibigyang-halaga
ang mga
punongkahoy bilang
importanteng bahagi
ng kalikasan sa
pamamagitan ng
pagbigay ng mga
solusyon upang
mapangalagaan ang
mga ito.

C. Panlinang na Mga Gawain


Bago Magbasa
Paghahawan ng Mga Sagabal at Mga Pahapyaw
Guro Mag-aaral
Pero bago natin basahin ang (Bibigyang-kahulugan ang
tula, hahawanan muna natin bawat salita)
ang mga mahihirap na salitang
ginamit sa tula upang hindi
tayo mahirapan sa ating
pagbabasa.

(Ibibigay ng guro ang mga


mahihirap na mga salita na
nasa pangungusap at
gagamitin ng mga mag-aaral
sa sariling pangungusap ang
mga salita)

Awit sa Paghahawan ng
Sagabal:

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |5 | P a h i n a


“Magtanim” (Aawit at iikutin ang wheel
(Tune: Make New Friends) of names)
*Magtanim ng mga puno;
Gawing luntian ang ating
mundo.

Mga Salita:

1. Ang kariktan ng
punongkahoy ang nag- kagandahan
udyok sa may-akda na
sumulat ng tula.
a. kaberdehan
b. kagandahan
c. kataasan

2. Ang puno ay
nakatunghay sa langit
buong maghapon. nakatingin
a. nakatago
b. nakangiti
c. nakatingin

3. Natutulog ang
kadalisayan sa piling
ng mga puno.
a. pagkapuro pagkapuro
b. pagkapeke
c. pagkaliyag

(Ipagagamit sa sariling mga


pangungusap ang mga salita)

Ngayong tapos na tayo sa


pagbibigay ng mga kahulugan
sa mga salitang sagabal,
dumako naman tayo sa ating
pormal na leksyon. Ang ating
babasahin sa hapong ito ay
isang tula. Ano nga ba ang
isang tula?
(Bibigkasin nang patula)

“Tula ay isang uri ng

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |6 | P a h i n a


panitikan
May sukat, tugma at
taludturan
Nagbibigay-aral at
kaaliwan
Sa mga matatanda pati na
Sa depenisyong aking sa mga kabataan”
ibinigay, masasabi ba natin na
ito ay isang tula rin? Oo

Tumpak, ang depenisyon ay


isa ring tula dahil ang mga
elemento tulad ng sukat,
tugma at taludturan ay
makikita rito.

Ang ating tulang babasahin ay


may awtor. Ang may-akda ng
tulang ating babasahin ay si
Joyce Kilmer. Sino nga ba si
Joyce Kilmer?
Si Joyce Kilmer ay isang
Amerikanong Katolikong
kilala bilang tanyag na
manunulat.
Bago tayo dumako sa ating
pagbabasa, ay ipakikita ko
muna ang magiging daloy ng
ating talakayan.

Daloy ng Talakayan
1. Pagbabasa ng Tula
2. Pagsusuri sa Tula
3. Pagpapalalim sa Tula
Ang Pagbabasa
Pagbabasa sa tulang “Mga Punongkahoy” Isinalin sa Filipino ni
Kendrick Macias Kitane, Mula sa Ingles na “Trees” ni Joyce Kilmer.

Guro Mag-aaral
Sa ating pagbabasa, gusto (Susunod sa mga panuto ng guro)
kong hanapan ninyo ng
sagot ang mga sumusunod:
1. Ano ang sukat at
tugma at ilang mga

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |7 | P a h i n a


saknong mayroon
ang tula?
2. Tungkol saan ang
tulang binasa?
3. Ano ang naging estilo
o paraan ni Kilmer sa
kaniyang pagsulat ng
tula?

(Babasahin ng guro ang tula) (Makikinig habang nagbabasa ang


guro)
“Mga Punongkahoy” –Tula
ni Joyce Kilmer
1. Hindi ko nakita sa
aking isipan
Na may isang tulang
sa puno ay
nakahihigit sa
kariktan.

2. Punong may tila


gutom na bibig na
idinikit
Sa dibdib ng lupang
sa tamis ay hindi
pinagkait;

3. Punong sa Maykapal
nakatunghay buong
maghapon
At itinataas ang
kanyang madahong
bisig para sa
panalanging handog;

4. Punong may
malalagong mga
buhok na sa tag-init
ay pinupugaran,
Ng mga ibong puno
sa tuwa’t
kaligayahan;

5. Sa kanyang dibdib

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |8 | P a h i n a


umiidlip ang
kadalisayan;
Na nakiiisa sa piling
ng ulan;

6. Tula’y nasusulat ng
tulad kong hangal,
Ngunit ang puno’y
nagagawa lamang ng
Maykapal.

– salin ni Kendrick Macias


Kitane

(Babasahin ng buong klase


ang tula)

D. Pangwakas na Gawain
Pagkatapos Mabasa
Gagawan ng Paresang Pagsusuri sa pamamagitan ng paghahanap ng
mga piling mag-aaral na may hawak sa mga elemento at ang mga
angkop na kasagutan nito.
Guro Mag-aaral
Sa puntong ito, gusto kong (Aktibong makikilahok)
sagutan natin ang ating mga
tanong noong una hinggil sa
mga elemento.

(Gagawan ng
pandalawahang pagsusuri
ang tula sa pamamagitan ng
paghahanap sa mga
kasagutan na angkop sa mga
elemento ng tula)

Mga Elemento:
1. Sukat, tugma at Mga Kasagutan:
saknong 1. Walang sukat at tugma at
2. Paksa may anim na saknong
3. Estilo o Paraan ng 2. Tungkol sa kariktan ng
Pagkasulat punongkahoy bilang bahagi
ng kalikasan

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |9 | P a h i n a


3. Paggamit ng mga tayutay
Salimbay-Wika at talinghaga
(Ipakikita muli ang mga
saknong na ito na may mga
naka-bold na mga pahayag)

1. Punong may tila


gutom na bibig na
idinikit
Sa dibdib ng lupang
sa tamis ay hindi
pinagkait;

2. Punong sa Maykapal
nakatunghay buong
maghapon
At itinataas ang
kanyang madahong
bisig para sa
panalanging handog;

3. Sa kanyang dibdib
umiidlip ang
kadalisayan;
Na nakiiisa sa piling
ng ulan;

Ano ang gustong ipahiwatig


ng mga sumusunod na
matatalinghagang pahayag:
1. Punong may tila Ang tao ay nakadepende sa Diyos
gutom na bibig na
idinikit
Sa dibdib ng lupang
sa tamis ay hindi
pinagkait;
a. Ang tao ay
nakadepende sa
Diyos
b. Ang tao ay idinikit
sa Diyos

2. Punong sa Maykapal Ipinapasa-Diyos ng tao ang lahat


nakatunghay buong ng kanyang mga ginagawa.

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |10 | P a h i n a


maghapon
At itinataas ang
kanyang madahong
bisig para sa
panalanging handog;
a. Itinataas ng tao
ang kanyang mga
kamay upang
manalangin.
b. Ipinapasa-Diyos
ng tao ang lahat
ng kanyang mga
ginagawa.

3. Sa kanyang dibdib
umiidlip ang Sa bandang huli, ang Diyos pa
kadalisayan; rin ang huling hahantungan
Na nakiiisa sa piling
ng ulan;
a. Sa bandang huli,
ang Diyos pa rin
ang huling
hahantungan
b. Ang Diyos ay
makikiisa sa atin
sa pamamagitan
ng ulan

Sa mga matatalinghagang
pahayag, naipakita na ang
tao ay parang punong-
kahoy na nakadepende sa
Diyos, ipinapasa-Diyos ng
tao ang lahat ng kanyang
mga ginagawa at sa
bandang huli, ang Diyos pa
rin ang huling
hahantungan. Kaya dapat
nating pahalagahan ang
buhay natin dito sa
mundong ibabaw dahil
tulad ng isang
punongkahoy, tayo ay
dadaan lang dito sa mundo

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |11 | P a h i n a


at babalik din sa Diyos sa
huli.

E. Pagpapapahalaga
Guro Mag-aaral
(Magbibigay ng pahayag at (Aktibong makikilahok)
mangongolekta ng mga
komento hinggil dito)

Pagnilayan, Punahin at
Patunayan
Sa puntong ito,
magkakaroon tayo ng isang
biyahe patungo sa isang
umuunlad na bayan sa ating
probinsya, ang Dauin.
Kung inyong napapansin,
may isang punong akasya sa
daan malapit sa highway sa
Dauin na saksi sa naging
kasaysayan ng bayan mula
noon. Ngunit, minsan may
mga bagay na dapat nating
isakripisyo upang
makamtan ang kaunlaran
dahil dalawang taon na ang
nakalilipas, planong
ipaputol ng gobyerno ang
naturang puno dahil sa
proyektong road widening ng
pangatlong distrito. Na
kung saan ay natuloy ang
planong ito. Kung ikaw ang
nasa gobyerno, ano ang (Maraming posibleng kasagutan)
gagawin mo? Isasakripisyo
mo ba ang puno para sa
kapakanan ng pag-unlad o
hahayaan lang ang punong
mamuhay sa lugar?

(Ipakikita rin ang larawan


ng puno)

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |12 | P a h i n a


IV. Ebalwasyon
Awtentikong Ebalwasyon:
Sumulat ng isang patulang slogan na nanghihikayat sa madla na dapat
pahalagahan ang kalikasan gamit ang mga matatalinghagang mga
pahayag na ibibigay. Ang slogan ay dapat may dalawang linya lamang.

Halimbawa:
#Kalikasan Mahalin
Ang kalikasan ay maraming kahalagahan,
Kaya atin itong ingatan at pahalagahan.

Gabay na Tanong:
Ano ang gagawin mong mga hakbang upang mapahalagahan ang
kalikasan sa kabuuhan?

Pamantayan sa Pagmamarka ng Slogan

V. Takdang-Aralin
Maghanda at pumili ng isang paksa (kahit ano) na gusto mong gawan
ng tula. Maghanda para sa susunod na pagkikita.

Gabay na Tanong:
Anong paksa ang gusto mong gawan ng tula na sa tingin mo ay madali
mong maipahahayag ang iyong sariling opinyon / saloobin /
damdamin?

Baitang X – Pangalawang Markahan - “Mga Punongkahoy” |13 | P a h i n a

You might also like