Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MODULE 5

AB1: FORUM, LEKTYUR, SEMINAR

FORUM
Forum - ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng
mahalagang suliranin.

•Maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos ay gaganapin ang


malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay.

•Tinatawag na moderatorang tagapangulo ng forum.

Halimbawa:
- PTA meeting sa paaralan - ang mga taong kasangkot nito ay ang guro at mga
magulang ng mga estudyante.
- Forum ng mga kawani ng pamahalaan

Kahalagahan:
•Isang paraan upang makabuo ng pinakamagandang bagay, paraan o solusyon na
magbibigay ng kabutihan hindi lang para sa isa, subalit para salahat.

•Nabibigyang-linaw ang paksangdapat pag-uusapan.


----------
LEKTYUR
Lektyur - isang uri ng pagsasalita na nagmula sa salitang Latin na "lectura" ibig
sabihin nito ay pagbabasa.

-ito ay naglalayon na makapagturo o makapagtanghal at makapagbatid ng isang ideya


sa tao.

-ang mga aralin ay ginagamit upang ihatid ang mga kritikal na impormasyon,
kasaysayan, mga teorya at equation.

Ginagamit ang lektyur upang:


-Makapagpakilala ng bagong asignatura

-Makapagbuod ng isang tinalakay na usapin

-Maiugnay ang mga teorya sa aktwal na gawain

Mga bentahe ng lektyur:


• Ang lektyur ay nagbibigay ng orihinal na ideya at mga pagtuturo na nagmula sa
materyal na nakikita sa libro.

• Mas kontrolado ng instruktor ang pagdaloy ng pagtuturo at mas nabibigyang


kahalagahan niya ang objektib, layon at daloy ng presentasyon. Mas nabibigayang
pansin din nila ang mga estudyante at mas mabilis natutugunan and mga tanong ng mga
estudyante.

Mga disbentahe ng lektyur


• Mas pasibo ang ganitong paraan, hindi ito katulad ng pag eexperimento na matututo
ang lahat ng indibidwal.

• Dapat magaling ang lektyurer at dapat makuha niya ang loob, isip at atensyon ng
kanyang klase. Kailangan niyang maintindihan ang kanyang mga estudyante upang sila
ay makinig.

• Kailangan mataas ang pinag-aralan at alam ng lektyurer ang kanyang mga sinasabi.
Mga Uri ng Lektyur
• Illustrated talk - Ang sining ng mahusay at magalang na pagsasalita sa publiko
tungkol sa isang mahalagang paksa, luma man o napapanahon, para magbatid, magturo,
manghimok, magpaaksyon o mangaliw.
• Pagtatagubilin - Lektyur na nagbibilin o nagbibigay ng direksyon o panuto hinggil
sa isang proseso na may inaasahang resulta
• Pormal na talumpati - talumpating may nakapaloob na serye ng impormasyon na may
lohikal na pagkakasunud-sunod habang ibinabahagi ng naglelektyur.
• Pagtuturong Lektyur - Lektyur na nagaganap sa loob ng silid-aralan o sa kaso
natin ngayon ay usapang isahang direksyon na komunikasyon kung saan ang mga
impormasyon na dumadaloy mula sa nagbibigay ng lektyur ang kailangang pagtuunan ng
pansin.

Mga Katangian na dapat taglayin ng lektyurer


1. May interes sa kapaligiran – Natural na niyang kinalulugdan ang lahat lahat sa
kanyang kapaligiran. Ito ang nagbibigay sa kanya ng likas na sigla sa anumang
paksang tatalakayin niya.

2. May angking kasanayan. Nakukuha ito sa pagbabasa at pakikinig ng ibat-ibang


talumpati.

3. May pulso sa publiko. Naangkin ito sa pagkakaroon ng karanasan sa pagsasalita sa


harap ng madla, sa gayon, mapipigil na ang nerbiyos o takot sa entablado.

4. May ganap na kaalaman sa paksa. Palabasa, palakausap, mapagmasid, palaranas, sa


maikling salita, mapanaliksik dapat siya para master siya sa kanyang mga sasabihin.

5. Mapakiramdam at may pandamang palapatawa. Mapagmasid dapat siya sa reaksyon ng


madla sa kanyang mga sinasabi, sa gayon, alam niya ang pagkakataong kailangan
niyang maging mapamaraan sa pagsasalita.
------
SEMINAR
Seminar o BINHISIPAN ay galing sa 2 salitang BINHI at ISIPAN.

Ang ibig sabihin ng binhi ay buto ng itinatanim at kailangan mong alagaan upang
ito'y lumaki at mamunga.

Ang isipan naman ay ang parte ng katawan ng tao na ginagamit upang tayo ay
makapag-isip ng tama at makapag desisyon.

Kapag ang mga salitang ito ay pinagsama, ito ay magiging binhisipan o seminar. Ang
ibigsabihin nito at lugar kung saan mas pinalalalim nito ang iyong kaalaman upang
ang isang tao ay lumago at magkaron ng karagdagan o bagong kaalaman upang ito ay
magbunga ng magagandang resulta.

•Interactive na paraan ng pagtuturo ng pangkat, na karaniwang nagbibigay-daan sa


isang madla upang makakuha ng pinakamataas na kaalaman.

•Ang pakikipag-ugnayan ng madla sa tagapagturo ng seminar ay nagbibigay-daan para


sa debate at diskusyon batay sa mga bagong ideya na nabuo mula sa mga tagapakinig.

Halimbawa:
- Seminar ng mga guro, para lalo pang madagdagan ang kaalama at may maibahagi sa
mga mag-aaral
- Seminar para sa negosyo, para malaman kung papaano ba magsimula ng isang negosyo
at papaano mapalago ito.

Kahalagahan:
Ayon sa Learning Development with Plymouth University, nakatutulong ang isang
seminar upang maging mas mabuting tagapakinig, maliwanag na makapaglahad ng
argumento at ideya, at maging bukas sa punto debista ng iba.

Sanggunian: https://prezi.com/jzp519qc4w1y/lektyur/
https://www.coursehero.com/file/73844807/MGA-TIYAK-NA-SITWASYONG-
PANGKOMUNIKASYONpptx/
https://brainly.ph/question/1829601

You might also like