Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 4
Ikalawang Markahan
Ikaanim na Linggo

Melanie L. Tulod
Manunulat

Nelia G. Abejar Shella C. Navarro

Tagasuri

Dr. Yaledegler C. Maligaya Dr. Raul T. Felix

Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan
Mga Validator

Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City

Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
INAASAHAN
Pagkatapos masagutan ang mga gawaing nakapaloob sa SLeM na ito, ang
mga mag-aaral ay inaasahang :

1. Naibibigay ang sariling wakas ng napakinggang teksto, tekstong pang-

impormasyon at talambuhay (F4PN-IIg-8.2)

2. Nakasusulat ng sariling talambuhay at liham na humihingi ng

pahintulot na magamit ang silid-aklatan (F4PU-IIe-g-2.1)

3. Nasusuri ang damdamin ng mga tauhan sa napanood (F4PD-II-g-22)

4. Napagsusunod-sunod ang mga detalye/ pangyayari sa tekstong

napakinggan sa pamamagitan ng tanong (F4PN-IIh-8.2)

Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Sumulat ng dalawa

hanggang tatlong pangungusap.

1. Dumungaw si Maria sa kanilang bintana at nakita niyang umuulan. Naisip

niyang maligo sa ulan kaya nagmadali siyang lumabas. Tumakbo siya sa
kanilang kalsada at nagtampisaw sa tubig. Bumalik siya sa loob ng bahay upang
kumuha ng isang pahina mula sa diyaryo. Itinupi niya ito hanggang makagawa
siya ng bangkang papel. Muli siyang lumabas upang ipaanod ang bangka sa
tubig na nasa kanal. Buong hapon siyang naglaro sa ulan. Kinagabihan, habang
siya ay naghahanda na sa pagtulog, nagsimula siyang bumahing.

______________________________________________________________________________

2
2. Si Federico ay mahilig sa hayop ngunit wala siyang alaga dahil wala silang
pambili ng aso o pusa. Isang araw, habang siya ay papauwi mula sa paaralan,
may narinig siyang mahinang iyak. Pumunta siya sa gilid ng daan at sumilip sa
ilalim ng mga halaman. May nakita siyang maliit na kuting na umiiyak at parang
tinatawag ang kanyang nanay. Lumingalinga si Federico ngunit wala siyang
nakita.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Si Luis ay isang mag-aaral sa ika-sampung baitang. Mahilig siyang maglaro

ng video games. Palagi siyang lumiliban sa klase tuwing siya ay tinatamad
pumasok. Sa halip ay naglalaro na lamang siya sa kaniyang kuwarto. Kahit na
siya ay nasa klase, madalas ay nakakatulog siya dahil palagi siyang napupuyat.
Kapag may mga pagsusulit, kumukopya si Luis mula sa mga katabi niya upang
mayroong maisagot. Mababang-mababa ang kaniyang nakukuhang mga marka.
Sa araw ng huling pagsusulit, tinawag si Luis ng kaniyang guro. Pinapunta siya
nito sa silid-aralan kung saan mag-isa lamang siyang nasa ika-sampung baitang
na mag-eeksamin.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Si Renato at Wilson ay matagal nang may hindi pagkakaunawaan. Palagi

kasing tinutukso ni Renato na duwag at mahina si Wilson. Tuwing uwian,
inaabangan niya si Wilson para batuhin ng putik o sigawan ng mga masasakit
na salita. Nagtitimpi lamang si Wilson dahil ayaw niyang mauwi sa sakitan ang
kanilang away. Isang araw, nakita ni Wilson na natumba si Renato sa daan.
Nilapitan niya ito at natuklasan na nawalan ito ng malay. Kaagad na sumigaw
si Wilson para humingi ng tulong. Hindi nagtagal at may dumating nang
traysikel para dalhin si Renato sa ospital.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Si Jessica ay labis na mahiyain. Wala siyang kaibigan na kasa-kasama sa

paaralan. Malimit siyang pumuntang mag-isa sa silid-aklatan. Masaya siyang
nagbabasa doon kahit na mag-isa lamang siya. Isang araw, may isang batang
babae na pumuwesto sa lamesa malapit sa inuupuan ni Jessica. Tahimik siyang
nagbasa at gumawa ng kaniyang takdang-aralin. Nang magsasara na ang silid-
aklatan, nagkasabay si Jessica at ang batang babae na lumabas.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

A. Ibigay ang sarili mong opinyon tungkol sa Pagkalat ng Virus (Covid 19)
gamit ang sarili mong pangungusap (5 puntos)

Mabilis ang pagkalat ng Corona Virus (Covid 19) hindi lang sa ating bansa
gayundin sa buong mundo. Marami sa mga mamamayan ang hindi sumusunod
sa mga ipinanukalang batas kaya naman marami ang nahuhuli dahil sa
paglabag nito. Madalas ipinapaalala sa atin ng mga nakatataas kung ano ang
dapat gawin upang makaiwas tayo sa pagkahawa sa virus na ito.

B. Patuloy pa ring ipanatutupad ang ilan sa mga panukalang batas

tungkol sa pag-iingat ng mga tao. Hindi pa rin pinapayagang lumabas ng kani-
kanilang tahanan ang mga bata at matanda. Patuloy na pagsususot ng mga
facemask kung lalabas. Pag-iwas sa mga mataong lugar.

4
Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula
sa isang tao patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
Ang isang liham ay katulad din ng personal na pakikipag-usap na
kalalabasan ng tunay na personalidad ng taong sumusulat. Mababatid din sa
liham kung ang sumusulat ay matamang nag-iisip at malinaw na
nakakapagpahayag ng kaniyang tunay na damdamin sa pamamagitan ng mga
mapitagan at magalang na salita.
Ang pagbibigay ng wakas ay batay sa mga inaasahang maganap batay sa
mga pangyayaring nakita o naranasan. Maaari itong magkatotoo o hindi. Sa
pagbabasa ng isang akda sa pagbibigay ay humahasa rin sa pag-unawa ng isang
mambabasa. Napapalawak nito ang pag-iisip sa pagtukoy sa iba’t ibang
posibleng maganap batay sa mga pangyayaring inilahad.
Sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa isang teksto, karaniwang
ginagamit ang salitang una, pangalawa, pangatlo, susunod, pagkatapos at iba
pa. Karaniwan din na mahahalagang pangyayari lamang ang pinagsusunod-
sunod. Kailangang magkakaugnay ang bawat pangyayari upang malinaw na
masundan ito ng mambabasa.

Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Sumulat ng dalawa

hanggang tatlong pangungusap.

1. Binawalan si Mitchell ng kaniyang nanay na maglaro ng bola sa loob ng

kanilang bahay. Ilang plorera, baso, at salamin na rin kasi ang nababasag ng
bata sa tuwing mapapalakas ang bato niya ng bola. Isang hapon, wala ang
kaniyang nanay, naisip nitong maglarong ulit sa loob ng bahay. Mainit kasi sa

5
labas at wala na siyang ibang maisip na gawin. Tulad ng inaasahan, naibato
niya nang malakas ang bola at tumama ito sa salamin sa labas ng banyo.
Nabasag ang salamin. Agad na winalis ni Mitchell ang mga bubog at itinapon
ang mga ito sa basurahan. Tinakpan pa niya ng ilang basura ang bubog upang
maitago ito. Sa kasamaang-palad, nasagi ng kaniyang nanay ang basurahan
pag-uwi nito kaya nakita niya ang mga bubog ng salamin.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Kumakain ang pamilya ni MJ sa isang restawran nang mapansin niya ang

ilang batang nakaupo sa labas. Nakatingin sa kaniya ang mga bata. Nakita ni
MJ na madumi ang mga ito at mukhang pagod kahit na sila ay nakaupo lamang
at may isang bata na lumapit sa salamin at kumaway kay MJ. Itinuro niya ang
pagkain na nasa mesa. Maya-maya ay lumabas ang isang serbidor at pinalayo
ang bata mula sa salamin. Naawa si MJ sa mga bata. Naisip niyang baka hindi
pa kumakain ang mga ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sumali si Letty sa isang paligsahan ng pagbigkas ng tula. Matagal pa ay
kinabisado na niya ang tulang itatanghal niya. Sinabayan rin niya ng mga
kumpas ng kamay at ekspresyon ng mukha ang kaniyang mga sinasabi. Minsan,
tinatawag niya ang kaniyang ate upang panoorin ang kaniyang pagtula at
masabihan siya kung paano pa niya mapapabuti ang pagtula niya. Sa wakas,
dumating na ang araw ng paligsahan. Tahimik na hinintay ni Letty na tawagin
ng emcee ang kaniyang pangalan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. May mga dalang lumang damit at laruan si Armando nang pumasok siya sa
paaralan. Ang mga damit ay mga napaglakihan na niya ngunit maaayos pa. Ang
mga laruan naman ay hindi na niya masyadong nagagamit. Sa oras ng recess,
siya ay pumupunta sa Christmas tree sa kanilang paaralan. Doon ay may mga
malalaking kahon. Inilagay niya ang mga gamit na dala niya sa loob ng isang
kahon.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6
5. Matalik na magkaibigan at magkapitbahay sina Rachel at Mia. Malapit na
malapit sila sa isa’t-isa. Nagbabahagi sila ng kanilang mga problema at sikreto
sa buhay. Isang araw, nagkaroon ang dalawa ng bagong kapitbahay na ang anak
ay kaedad rin nila. Si Isabel ay mabilis na napalapit sa dalawa.
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pagsasanay #2:
Pagsunud-sunurin ang mga pangayayari. Lagyan ang mga patlang ng
bilang 1-5.

____ Isang araw ay may naisakay na mayamang negosyante si Arnel.

____ Agad inihabol ni Arnel ang maleta ng negosyante.
____ Sa pagbaba ng negosyante ay nakita ni Arnel na naiwan ang isa sa mga
maleta nito.
____ Lubos na natuwa ang negosyante sa ginawa ni Arnel kaya naman binigyan
niya ito ng pabuya.
____ Kinilala ng kompanya ng taxi na pinapasukan ni Arnel ang kaniyang
katapatan.

Sa pasulat ng liham ay dapat malinaw. Ang pagiging malinaw ng isang

liham ay nakikita kung paano pinagsunod-sunod ang ideya. Ang isang liham ay
hindi dapat mahaba o maligoy. Higit na epektibo ang maikling pangungusap.
Tandaan na ang kasimplehan ay madaling maunawaan. Laging isaisip na ang
anumang liham ay dapat nagtataglay ng angkop at tiyak na impormasyon.
Mahalaga na wasto ang bawat pahayag o sinasabi ng liham. Mahalaga na wasto
ang bawat pahayag o sinasabi ng liham. Kasama rin sa kawastuhan ang tamang
paggamit ng bantas. Buo ang kaisipan at sapat ang impormasyon ng isang liham
ay nakatutulong upang maging buo ang kaisipan at ideya na nais ipabatid nito.
Ang kwento ay binubuo ng tagpuan, tauhan, mga pangyayari at
katapusan. Ang mga pangyayari ay naganap dahil sa suliranin at kalutasan nito.
Ang pagbibibgay ng wakas ay ang palagay sa katapusan ng mga binasang

7
pahayag. Maaaring talata o kwento tungkol sa isang paksa ang wakas o
katapusan ng kwento.

A. Panuto: Gumawa ng isang liham na humihingi na pahintulot sa

paggamit ng silid-aklatan.

B. Pagsunud-sunurin ang mga pangayayari. Lagyan ang mga patlang ng

bilang 1-5.

____ Kahit saang bahagi ng pasyalan siya pumunta ay maraming

natutuwa sa kaniyang alagang aso.

____ Masayang dala-dala ni Ivy ang kaniyang alagang aso sa pamamasyal.

____ Kinabahan at nataranta si Ivy sapagkat hindi na niya mahanap

ang kaniyang alaga.

____ Saglit na ibinaba ni Ivy ang kaniyang aso upang bumili ng pagkain
at inumin nang biglang nawala ang kaniyang alaga.

____ Maya-maya pa ay dumating ang isang gwardiya ng pasyalan daladala

ang alagang aso ni Ivy at ibinigay sa kaniya.

8
Ito PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT

A. Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Sumulat ng dalawa

hanggang tatlong pangungusap.
1. Halos madaling-araw na nakatulog si Lenny dahil sapaghahanda niya ng
kaniyang scrapbook na proyekto sa paaralan. Kinabukasan, tinanghali si
Lenny ng gising kaya sobrang nagmamadali siya sa pagkuha ng kaniyang
gamit. Noon ng nasa klase na, kinabahan si Lenny kaya naisip niyang
kunin ang kaniyang scrapbook. Bigla na lamang nanlamig at
pinagpawisan si Lenny.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Araw ng Sabado. Malungkot si Jenny. Tila nakalimutan kasi ng kaniyang

pamilya ang kaniyang kaarawan. Wala man lamang bumabati sa kanya.
Naisip niya tuloy na manatili at magkulong na lamang sa kaniyang kwarto.
Maya-maya ay may kumatok sa kaniyang silid.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Gumawa ng liham – paumanhin si Jing sa kaniyang ate sapagkat naiwala

niya ang paborito nitong panyo. Ipinaabot niya ang kanyang liham sa
kanilang kasambahay. Maya-maya pa ay bumalik ang kanilang
kasambahay na may dala ring liham mula sa ate niya na para sa kaniya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Maraming sumasakit sa katawan ni kuya Francis. Halos buong maghapon
kasi siyang naglaro ng computer games. Hindi na siya nakakain nang
maayos dahil sa sobrang paglalaro. Hindi na rin siya nakaligo. Ngayon ay
halos sumigaw na siya sa sakit ng ulo, tiyan, at buong katawan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Mahusay gumuhit ang kapatid ni Ivan. Ang kaniyang mga iginuhit ay

maingat niyang kinukulayan kaya naman palaging kahanga-hanga ang
kaniyang mga gawa. Isang araw ay sumali siya sa isang patimpalak sa
pagguhit. Umuwing masayang- masaya si Ivan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

9
B. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Lagyan ng bilang 1-10 ang patlang.

____ Nakalabas si Junjun sa gate.

____ Hinabol siya ni Raquel at nakita ang dumarating na dyip.
____ Sanggol pa ay yaya na ni Junjun si Ate Raquel.
____ Spoiled at matigas ang ulo ni Junjun kay Raquel.
____ Itinulak ni Raquel si Junjun ngunit siya ang nahagip ng dyip.
____ Dinala si Raquel sa ospital at nilagay sa ICU.
____ Nagkamalay si Raquel at naayos na ang kalagayan.
____ Nanalangin si Junjun at mga magulang niya sa kaligtasan ni Raquel.
____ Nangakong susunod na si Junjn sa mg utos ni Raquel.
____ Niyakap ni Junjun ang kanyang Mommy.

C. Magpasalamat sa mga magulang sa pamamagitan ng sulat para sa mga

kabutihan at pagmamahal na ginawa sa iyo. Gamitin ang lahat ng mga bahagi
ng liham.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Sanggunian
MISOSA Filipino 4. Modyul 8. pp 1-5 MISOSA Filipino 4.
Modyul 11. pp 1-5 Hiyas sa WIka 5. 1999. pp 82 -87
MISOSA Filipino 4. Modyul 14. pp 3-10
MISOSA Filipino 5. Pangyayari at Epekto Nito. pp 4 – 14
MISOSA Filipino 4. Modyul 22. pp 1-11 MISOSA Filipino 6.
Modyul 16. pp 5-9 Hiyas sa Pagbasa 5. 1999. p 194
www.samut-samo.com
teacherabiworksheets.blogspot.com
Ugnayan Wikat at Pagbasa
Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig

B – 3, 4, 1, 2, 5, 6, 8, 7, 9, 10
Pangwakas na Pagsusulit
Pag-alam sa Natutuhan: 2, 1, 4, 3, 5

Gawain: Pagsasanay #2: 1, 3, 2, 4, 5

10

You might also like